Hindi na maputik ang daan sa amin, part 2

 

Image of a jeepney coasting along un unpaved road

Tatak na yata ng buhay sa nayon sa Pilipinas ang kalsadang rough pa at ang dyipning laging puno/ andymjbrown.blogspot.com

Unpaved road, rough road o dirt road – kalsadang walang aspalto o semento ang karaniwang daanan ng publiko sa mga baryo, bukid o small villages. Ito yaong mga kalsadang putikan kapag tag-ulan at puro alikabok naman – pag tag-init. Sabi, pag dirt road pa raw ang daan sa isang lugar, nangangahulugan yaong nag-uumpisa pa lamang ang sibilisasyon doon at maraming mga taon at dekada pa ang daraan  – para maikonekta ang lugar at mga tao sa kabayanan, sa kalungsuran at sa mas malaking mundo, sa pangkalahatan.  Access o kawalan nito, ang pangunahing suliranin sa mga ganitong lugar. Pakiramdam ng isolation naman ang nadarama ng mga nakatira sa baryong wika nga, hindi pa konektado.

 

Sa Pilipinas, ang pinaka-common na representation ng phenomenon ay ang dyip na punung-puno mula itaaas hanggang ibaba – may nakasakay na pinamili sa ibabaw ng sasakyan, may tao rin, haha; may mga nakabitin sa gilid at sa estribo at; may mga produkto at hayop na nakatali sa mga gilid-gilid. Sasakyang umaapaw – heavy-duty dapat ang gulong at dapat ay maingat at sanay magmaneho ang driver. Medyo parusa sa mga tao ang lumabas pabayan at ang  pumasok paloob ng baryo pag ganito pa ang transport system. Medyo ganito sa amin noong 80s, naikwento ko sa naunang posts. Isang beses isang linggo lang noong mamalengke ang mga tao sa amin at pag namili, dapat ay kumpleto na. Sa mga cartoons at sa ilang tourism promotion, medyo madalas ipakita ang umaapaw na dyip bilang salespitch kung gaano kasaya, ka-thrilling at ka-flexible ang mga Pinoy. May pagka-romantic lagi ang rendition.

 

Image of a full jeepney in the Philippines

Para nga namang masaya ang makipagsiksikan sa dyipning puno lagi mula loob hanggang labas/ liveinthephilippines.com

 

Pero paano nga ba nagsisimula ang sibilisasyon sa isang lugar? Ito naman ay matanong lang… Sa mga pelikula na tayo madalas nakakakita ng ganito – kung paano sinisimulan ang pamumuhay ng mga tao sa isang munting pamayanan. Commonly known sila as frontier movies or frontier stories, kumbaga. Mga kwentong early settlement period – noong kakaunti pa ang tao, mas marami pa ang nagkalat na mga hayop at ang mga gubat, kailangan pang hawanin o i-clearing, para matirahan at mapagtamnan. Pag sa pelikula, parating ang bida o mga bida ay strong characters – isang Tatay na may pioneering vision, isang Nanay na very norturing pero pirmi ang loob o kaya ay isang batang very artistic and creative – maliit pa lang, pero enterprising na at may diskarte. Sa kanilang pang-araw-araw na buhay at pakikihamok iikot ang istorya. Madalas, ang ipinapakita, hirap ng struggle with forces of nature – lupit ng bagyo, bangis ng dagat o misteryo ng bundok. Ipinapakita lagi sa kwento ang halaga ng perseverance at strength of character.

 

Image of rural children playing outside their hut in the Philippines

Payak ang buhay sa mga pamayanang nag-uumpisa pa lamang, wala pang ideya ng mga nangyayari sa labas nito/ article.wn.com

 

Sa scriptwriting, coming of age ang tawag sa ganyang plot…  Alinman sa ang bida ang magma-mature sa dulo – may mari-realize siyang something bad o something noble sa human nature, ahaha o di kaya, ang pamayanan ang magma-mature. Bale, matatalos nila, halimbawa, na ang taong hinahangaan nila ng lubos (bida) ay may kahinaan o kasamaan din. O, kaya, na siya ay isang pangkaraniwang kasapi lamang… Ang kadalasang storyline, may isang bidang uuwi sa village na pinagmulan, galing sa lungsod o sa ibang bansa. Kung minsan naman, may isang travelling salesman na magagawi sa isang di-kilala at malayong baryo – doon siya magkakaroon ng love affair at guguluhin ng presence niya ang buhay at paniniwala ng local people, ahaha. O, kaya naman, mga magpe-perya – roving carnival people – na magdadala ng bagong impluwensya sa mga lokal na taong nanahimik at namumuhay ng payapa.

 

Anupaman ang plot at storyline, sa mga pelikula madalas magpakita ng life in the barrio – paano pumipintig ang buhay doon. Paanong may lokal na taong nagnais na makalabas at mamuhay sa ibang lugar o kaya naman, may tagaroong mapipilitang umalis at hanapin ang kapalaran niya sa labas, sa mas malaki at sabi, mas magulong mundo. Laging dalawang point of views ang ipinapakita sa palabas – ang punto de bista ng mga nasa loob ng pamayanan at ang punto de bista ng nasa labas. Ipinapakita sa istorya kung bakit sa huli, pinili halimbawa ng bidang huwag umalis ng lugar. O, kaya naman, pinili niyang umalis na lamang, kahit masakit sa loob.  Anuman ang naging desisyon niya, lagi tayong mga manonood nagkakaroon ng bagong pagtanaw sa kung paano titingnan ang buhay, pag-ibig at pakikibaka ng mga taong nakatira sa payak, tila makipot, makitid, mabagal at paulit-ulit na buhay sa bukid o sa baryo…🙂

 

Image of a Filipino rural family by the window

Pag nakalabas na sa baryo, hati ang pakiramdam – kalahating romantiko at kalahating makabago/ http://www.dipity.com

 

Mayroon pa itong kasunod, ka-blogs. Kapag sinipag uli… Happy weekend!🙂

 

21 responses to this post.

  1. I have experienced riding on top a dyip, going to Batad. It was so much fun, until that night when I went to bed – my bottom hurt so much. Nevertheless, I’d still repeat the experience all over again if the chance came.

    Tugon

    • hello, Nadia… pasensya na, di ako makapag-comment as dpsa sa site mo(pag minsan, may problema sa portal) recently… ahaha, ikaw pala’y nakapag-Batad na, buti ka pa…oo, interior raw talaga and far-flung nasabing lugar, sasabit sa dyip na bibihira…. pero, ang ganda raw naman… sulit daw bugbog na katawan dahil picturesque talaga ang location? kwento ka pa about the Batad trip…🙂

      Tugon

  2. Naranasan mo ba sa barrio nyo sumAkay sa ibabaw ng jeep?🙂

    Tugon

    • hello, Froggy… oo, naranasan ko na. di ko yata na-enjoy, haha – mas takot me, bata pa ako no’n. ikaw ?🙂 kwento ka ng istoryang dyip mo sa prov., hehe.

      have a great week…🙂

      Tugon

      • May jeep ang tiyo ko, yun gingamit pagbisita sa mga lola sa probinsya. Pagmalapit na kami sa bukana ng baryo minsan sumasama ako sa bubong kasama ng mga pinsan. Ang tiyo nmn papatakbuhin ang sasakyan ng matulin pag may parang lubak na parang Tatalon ang jeep.. Sarap ng lumutang sa taas hehehe…
        Kapag punuan nmn sa ibabaw kami ng palay o niyog nakaupo papunta ng bayan o pauwi..Parang reyna lang sa pagkakaupo hahaha… (kakatuwa kaya yun wala nun sa maynila hihi)
        Ang pinakamahirap eh ang mag-abang ng jeep palabas at pagpasok sa baryo. Tatlong jeep lng ang napasok at nalabas. Ang takbo mo sa malayong bukana ng bahay pagnarinig mo ang tunog ng napapaot na jeep na parating heheheh.(bkit ksi di uso cp noon at tawagan kami n dadaanan n kmi ng jeep) ^_^

      • ahaha, ang ganda ng kwento mo, ayaw ko nang dagdagan o ano pa… salamat sa pag-share… cheerio!🙂

  3. hi san!! *kaway-kaway* talagang may characters, plot at kung ano-ano pa.. gagawa ka ng pelikula san? ehehehehehe.. hindi pa ako nakakasakay sa ibabaw ng jeep, baka kasi mabutas… kawawa naman ang mga taong babagsakan ko.. ehehehehe.. kamusta weekend mo? ako ay puro iyak! nanood kasi ako ng drama, linggo ng maghapon.. ehehehehe.. ingats palagi san!

    Tugon

    • hello, Pot…. oo, ba, may plot at kung anu-ano pa. putting to good use ang naaral ko no’ng araw sa scriptwriting, ahehe. oo, gusto ko, balang araw, maging kasali sa movie making, indie man or mainstream – exciting and backbreaking ‘yon. usually, ang mababait na directors, kay susungit pag nasa set na, hahaha.

      hala, nanood din ako ng film noong Sat pero luma. ang title, Akin ang Asawa Mo, hihi. ‘yong type na parang mga Seiko films? mga ganoon palabas sa sky cable pag gabi na, patatawarin. btw, ano’ng drama ang pinanood mo, kapatid? kwento mo…;)

      salamat sa pagdaan dine. have a great week🙂

      Tugon

      • hi san! *kaway-kaway* gusto ko gumawa ng mga short films.. try kong maging youtube celebrity.. kahit 3 minutes of fame lang masaya na ako.. ehehehehe.. baka this year magsimula ako ng project ko na yan.. sana pumatok.. ehehehehe.. pramis pag ako direktor, hindi ako magsusungit… hihihi..

        AHA! nanonood ka ng mga ganyang palabas ah!! maganda ba? ehehehehehe..

        korean drama ang pinanood ko.. “my girlfriend is a gumiho”.. napakababaw talaga ng luha ko kaya kada episode, umiiyak ako.. pasensya na ganun ata talaga ako… hindi ko na lang kwento yung storya baka may gustong manood, ma spoil ko pa…

        ingat ka san!! *kaway-kaway*

      • hala, sige, gawa ka, suportahan taka. btw, napapanood mo ba ang videos ni happy slip sa YouTube? o, kaya, yong kay Mike (yong nasa commercial ng chicharon). kakatuwa ang videos nila, portrayal ng Filipino ways. gano’n ang iniisip mo? ahaha, talaga, mabait kang director? tingnan natin, pag mga 10 times na at di pa rin makuha, magta-transform ka na, hahaha.

        oy, maganda raw ang gumiho, sabi dati ni joyo… nanonood din kami ng Koreannovelas, although recently, hindi… nasira ang dvd player namin. ahaha, oks lang manood ng seiko films at C movies, hehe. no brainer at pag minsan naman, may napupulot din. since nag-aral ako ng scriptwriting dati, medyo nagku-compare ng plot structure at mga ka-tsorbahan.😉 kaway-kaway, Pot…

  4. Hello Ms. SSA. Nakasakay nko sa tapalodo (tama ba?) yung harap me engine at saka sa gitara nilagay na kahoy for extra seat sa palabas ng jeep. Exciting sana but these are signs of poverty. noon kasi rough/dirt roads pa at jeep lang me K to traverse the road pero now DPWH has made good roads except in some areas kaya konti na lang maputik na daan, mga interior barangays na lang.

    have a nice week ahead!😀

    Tugon

    • hello, Ms. S… ahaha, di ko po alam kung tapalodo ang tawag, pasensya na… pero pamilyar ho ako ro’n sa nilalagyan nila ng wood na extension sa labas ng dyip – itinatali – para may extra seats, haha. alam ko po ang gitara, hihihi, nakaupo na ho ako roon.

      exciting ho ang sumakay sa ganyan pag paminsan-minsan lang, haha. kanyo nga, pag lagi at ganoon ng ganoon, patunay ang mga iyan ng kahirapan ng buhay sa lugar… tama po, in fairness, after 1986, mas marami ang mga kalsadang naipagawa all over the country. unlike ho noong 1972 to 1985, mas marami ang dirt roads sa buong Pilipinas at may mga munisipyong ni hindi pa konektado sa national highways.

      thanks for the visit and the comment. you, too – have a good week ahead!🙂

      Tugon

  5. pagpasensyahan ninyo po kung hindi nabasa ng masinsinan ang posteng ito.

    sa aming probinsya naman, naging aspaltado yung mabato at maputik na daanan noong nagkaroon ng napocor.

    Tugon

    • ahaha, hello, cheese… a, talaga? nagtayo ng installation ang napocor sa may inyo?🙂

      Tugon

      • yun sa probinsya. sa masinloc, zambales. tutol ang mga tao pero wala silang nagawa versus FVR. pumunta dun si FVR at sinabi na go na yung napocor project. sabihin na nating masama sa environment at heath yung nangyari pero gumanda ang buhay ng karamihan dun. nagkaroon ng mga infrastructure at trabaho. bukod pa dun sa mga instant millionaire dahil sa biniling lupain para sa napocor. kung sakop yung bahay mo sa tatayuan ng napocor, bibilihin nila yung property mo kasama yung ibang assets. imagine isang puno ng mangga (century old) 1M pesos. paano pa yung bahay at lupa?
        😀

      • hello, cheese… ay, zambaleno ka pala. galing ako, kami ro’n nito lang jan 2012. doon sa pinuntahan namin, dami pa ngang rough roads, napansin ko rin…

        ahaha, talaga… marami-rami ang nakabenta ng properties na dinaanan ng napocor road? hala pa… btw, ang tawag do’n, state prerogative – karapatan ng gobyernong kumpiskahin (pero bibilhin at prevailing market value) ang mga lupain alinman para sa infrastructure or para sa gera, ahaha…

        salamat sa pagdaan uli. good day!🙂

      • taga dun lang yung tatay ko pero di kame hehehe. nagbabakasyon lang paminsan minsan. yung buong area actually na tatayuan ng planta ang nabili so medyo malaki talaga yung naokupahan na space.

  6. salamat sa mga magagandang balita tulad nito🙂

    Tugon

  7. Hi ate! Hakhak. Ito na naman ako, pasulpot sulpot. Hindi pa ako nakakasakay sa taas ng dyip, pero sa likod ng trak oo na. sobrang saya siguro nakakatakot pag sa taas ng dyip, hindi masyadong mataas yung bakod hahaha!Kuha mo yung senaryo sa probinsya hahaha! ganyan na ganyan pagkakaalala ko.Hehe. Napaisip ako dun sa mga pelikula, oo nga, may pageexplore sa dating barrio o kaya kahit saang paglilipat-lugar. Napakarami mo talagang napapansin hakhak. Magaling na bata! Hakhak!

    Ay nga pala, nung una akala ko mahaba, pero nung binasa kona parang nabitin pa ako, kaya pala by parts ito hakhak.

    Tugon

    • hellow! a, basta, ang maigi ay nagpaparamdam ang beauty mo, hakhak. hala ka, you should do that some time, pag umuwi ka… oh, ano’ng pakiramdam sa likod ng trak? noong nasa elem pa me, ilang beses isinama ng tiyahin naming nagbibyahe ng gulay. feeling ko no’n para ring produkto, ibinabyahe sa palengke, hahaha.

      o, ba’t ka napaisip sa pelikula, ano’ng movie ang pumasok sa malikot mong isip, kapatid… salamat sa pag-appreciate.🙂

      haha, mahaba nga, shaks na ‘yan. kaya yun, dinivi-divi muna, hakhak.😉

      glad you came by. ikaw na ang backreader, hihi… teynks

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: