Hindi na maputik ang daan sa amin

 

Kumusta, mga ka-blogs, maraming pinagkakaabalahan? Sana ay masaya ang pasok ng bagong taon sa inyo…πŸ™‚

 

Medyo busy ng kaunti banda rito, nakadalawang out of town sa unang dalawang linggo – isang bandang Hilaga at isang bandang Kanluran. Ayos naman, nangitim, haha. Natuwa ako, napag-compare ko tuloy ang pagkakaiba ng NLEX sa SLEX, ayon. Anyway…

Gala ako dati, sa Luzon area, work-related na mga lakad. Sa Visayas din, pero madalas doon, bandang Cebu – city and province… Ayon lang, noong panahong iyon, di pa uso ang digital technology at paminsan-minsan din lang nakakapagkukuha ng mga larawan sa lakad. Tapos, makalipas isang buwan pa bago maipa-develop, hihi. Anyway, ang point ko lang, di pa uso noon ang personal documentation ng trips – nakasulat man o naka-larawan. Wala pa sa hinagap ang blogs…

 

Pero, dahil marami-rami na nga ang napuntahan, sa isip ko, may comparison na maski papaano ng itsura ng iba’t ibang mga bayan at lungsod – ng mga highways and inner districts, ng itsura ng mga bahay-bahay, paano deni-design ang mga subdivisions sa iba’t ibang bahagi ng bansa, saan inilalagay ang mga palengke, saan sumusulpot ang commercial hubs, gaano katagal humigit-kumulang ang buhay ng recreational centers sa mga probinsya at lungsod, saan-saan itinatayo ang industrial lanes sa lugar, paano ang design ng public transport systems, pati partikular na itsura ng tricycle sa mga lungsod, haha, at sa pangkalahatan, may ilang obserbasyon sa kung paano ang galaw at pagmintina ng sinasabing sibilisasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kumbaga.

Ako itong marami masyadong napapansin, hindi ba halata? Oo, sa personal, may pagka-absent-minded akong tao… Ahaha, hindi naman talaga absent, kundi parang parating may parteng observe ng observe, sari-sari ang nakikita. Pati kung ano ang mga puno, halaman at damong karaniwang nabubuhay sa isang lugar, inilalagay ng senses ko sa hard disc – with or without my consent, hihi. May advantages at disadvantages, oo. Sa practical na buhay, mas marami ang huli, siyempre. Sa pagsusulat, marami ang una. Kumbaga, doon galing ang mga detalyeng nakalagay sa mga panulat. Kaya ayon, pagdapo sa isang lugar, hinahanap ko agad ang munisipyo, ang palengke at kung nasaan ang bazaars, haha. Nitong huli, idinagdag na – Β ‘asaan ang Jollibee, whehehe. Di nga…πŸ˜‰

 

Anyway, may isang tao akong na-meet sa work dati, si Andres Panganiban. Manager siya ng isang rural bank sa North, medyo malaki – may kung ilang branches. Advocate and promoter siya ng barefoot banking o microfinance na tinatawag. Ito yaong pagpapautang sa mga mahihirap, lalo na sa mga nanay, na walang required na collateral. Tapos, babayaran ng hulug-hulugan. Interesting ang background ni Mr. Panganiban. Bale, isa siyang relatively successful na Filipino banker sa Manhattan. Noong kabisado nya na ang industriya ng stock market, bonds at foreign exchange, umuwi siya sa Pilipinas para magtayo ng rural bank sa Nueva Ecija.

Istrikto sya, in person – parang nag-i-expect laging efficient ang mga bagay at tao at sa mga unang kita mo sa kanya, parang masungit sya, haha. After some time, mararamdaman mo nang hindi rin naman, kumbaga, mabait din… Anyway, kaya ko sya naikukwento, dahil isa siya sa favorite speakers ng lola nyo. Tatlo o apat na beses ko na syang narinig magsalita sa symposium. Ang madalas niyang paksa, rural development – a subject close to my heart, naman… Basta narinig ko nang speaker si Ginoong Panganiban, volunteer ako, ako ang a-attend, hahaha. Masaya siyang magsalita, maraming patawa at ang mga hirit nya, parang kay Professional Heckler pero, in spoken form…

 

Madalas, ang intro ng speech nya – ano ang features ng isang bayan sa Pilipinas? Iisa lang ang sagot: munisipyo, gasolinahan at ice plant, ahaha. Sa tuwing babanggitin nya ‘yon, tawa ako ng tawa. Pero, with many others in the audience – sabay-sabay kaming naghahagalpakan. Kasi naman nga, medyo ganoon talaga… Ayon ang classic na core ng sibilisasyon sa ating bansa. Pag may gasolinahan na at ice plant, bayan na ‘yon, hahaha. Siyempre, may hilera ng bakery, somewhere, malapit sa munisipyo. At yon nga, series ng mumunting bazaars o general merchandize stores – puntahan ng mga taganayong umaahon sa bayan. By the way, medyo stereotype itong paglalarawan, ha? Pero, sa isang banda, totoo. Ganyang-ganyan doon sa amin…

 

* May karugtong ito, mga kapatid. Sana, sipagin akong magsulat… πŸ˜‰πŸ™‚ Maligaya at manigong Bagong Taon!Β 

 

15 responses to this post.

  1. Ganyang ganyan ang bayan namin.. Pagkakatanda ko. May gasolinahan, ice plant at munisipyo =)
    … ‘yong brgy namin, aspaltado na din, di na putikan, gasolinahan pa lang ang meron, kulang pa ng dalawa bayan na hehehe
    * kaway kaway- nangulit at nag-iwan lang ng bakas… ‘wag ka tamarin dugtungan ito,nakakabitinπŸ™‚
    ^_^elo

    Tugon

    • hala, maunlad sa barangay nyo, may gasolinahan na! sa amin, wala pa, shaks… pero sementado na ang daan at may bakeries na sa dalawang endpoints ng baryo, kalapit na rin ng bayan at highway…

      medyo mahirap maglagay ng gasolinahan at ice plant sa baryo kasi, malamang uutangin. walang pirming pambili ang mga tao, ahihi…

      a, sana nga ay sipagin. salamat sa pagdaan at happy weekend, kapatid. btw, nakarating ang kalapati, hehehe.

      Tugon

  2. Paano na yan? nawala na yata yung ice plant sa amin, maraming landmarks nawawala na, ang pumalit- mercury drug at jolibee. Ang masaya, andon pa ang Wanam, ang pinakamasarap na pancit (miki lang ha at walang maraming sahog) up to now eh hinahanap hanap ko pa. last year kumain kami doon at syempre kasama sa order, me take out pa ang pancit Wanam. ano kayang gayuma inilalagay don?

    dati eh aspaltado lang mga daan sa amin, at ngayon ay sementado na.

    pero kahapon sa Buhangin, Butuan City ay nakalubog pa rin sa baha ang kalye at laging me tubig or maputik pa di na baha. Nakikain kasi kami ng hapunan doon di naman sinabi na baha sa daan, nag alternate route kami sa ilalim ng tulay na halos abutin na rin ng tubig sa ilog (Agusan River), ang karaniwan daw doon ay nakalubog ang bahay sa baha, pag di bumabaha, hindi na natural yun.

    syanga pala, sa linggong ito ay sa region 5 na ang assignment ko. sa lilom ni Daragang Magayon (Legaspi City)

    sana ay lagi kang nasa mabuti.πŸ™‚

    Tugon

    • ahaha, siguro ho, may kanya-kanya nang freezers and refs ang mga nagtitinda ng karne at isda sa may inyo. pati ang malalaking tindahan, ahaha. maunlad na pag may mercury na at jollibee, hehe. ba’t ho gayon? ang mga taga-probinsyang lumikas na sa ibang lugar, pag-uwi ay pansitan ang hinahanap? hahaha. ganyan din ho kami, parang ritwal na ang dumaan sa pansitan pag nauwi.

      hala, sa amin din ho. hindi na aspalto, semento na nga ang daan…πŸ™‚

      Buhangin, Butuan – ang layo… btw, baka ho talagang low-lying ang area kaya bahain, di kaya? hala, nakita ko na rin ho dati ang Agusan river although, di pa ako nakarating sa Butuan. Agusan viewed from another end ho siguro…

      ahaha, maganda ho sa Legaspi. very laid-back na lugar at sa city mismo, may mga bundok at dagat na nakikihalubilo sa tao, hihihi.

      salamat po. kayo rin, keep well…πŸ™‚

      Tugon

  3. sementado na rin ang national road papunta sa amin. wala kaming ice plant. agricultural kasi itong bayan kaya gasolinahan at munisipyo pa lang ang meron. haha pero proud akong unti-unti nang sini-semento ang mga tulay papunta mismo sa barangay namin. kaya ayun, maputik dahil sa ongoing construction. pero, ayos na. detour nlng muna.

    sana sipagin ka pa. sulat mo na ang kasunod. hehe

    kaway-kaway!

    Tugon

    • hala, maunlad! ba’t kaya walang ice plant – paano ang mga mag-iisda sa may inyo? paano ang maramihang food storage? wala, naitatanong lang, curious lang, hehehe. ayon, ginagawa na ang tulay. medyo ma-hassle nga habang under construction pa. pero afterwards, medyo maginhawa naman ang pagtawid – kita mong bumibilis ang daloy ng mga tao (esp. schooling kids) at kalakalan pag maayos ang tulay, hehe.

      ahaha, salamat sa pagdaan, Dale. sana nga…. kaway-kaway din!πŸ™‚

      Tugon

      • may mga tingi tingi pong nagtitinda sa mga sari-sari store ng ice. yung klaseng ice water na pinatigas pa ng husto. ganun. para sa imbakan talaga, hanggang freezer lang. hehehe

      • hamo, pag nakailan, may mag-i-invest dyan sa ice plant – pag obvious nang may demand for maramihang food storage, hayon… magandang araw, Dale…πŸ™‚

  4. Posted by sphereq on Enero 15, 2013 at 5:52 hapon

    don samin semento na din ang kalsada tapos pag usog usog mo hindi tapos pag usog mo ulit semento na ulit paputol putol yong sementadong kalsada hahaha nakakatuwa lang kasi sa bawat sementong kalsada na kaputol may mukha ng pulitiko na para bang sinasabi na sa kanya galing ang pagpapagawa ng putol na sementadong kalsada.

    bago na bahay ko po lumipat na ako ulit. blogsphereq.wordpress.com at may photosphereq.wordpress.com din sa gilid non hahaha

    Tugon

    • hello, anne… may naisulat ako rito – Ang Baku-bakong Kalsada sa Aming Nayon – baka related sa na-mention mo… btw, noong unang ginawa ang mga kalsada sa amin, parang ganyan din – putul-putol muna… ^^

      ba’t ka pala lumipat? ikaw na ang flexible, may kapalit agad… ahaha, kamukha pa rin ang pangalan ng site sa dati, ang kulit…

      pambihira, kaka-subscribe ko lang sa sphereq (dahil kakakita ko lang kung paano mag-subscribe) tapos, lipat-bahay ka na? paano ‘yong dati – inactive na?πŸ™‚

      salamat sa pagdaan at sa pag -FYI… btw, pareho pa rin ba ang theme sa dati? gusto ko ang theme ng site mo dati… πŸ™‚ cheers

      Tugon

  5. Hi ate Happy New Year!

    Ako sa mall ang una kong hinahanap ay saan ang CR.

    pag sa malayong lugar saan ang pamilihan.

    pero sa pagkakatanda ko ang unang formation para masabing kabayaanan ay tapat-tapat ang munisipyo, fire station, at simbahan. tas sa medyo kalayuan na ang pamilihan o iyon ang alternative sa fire station. ewan nung una kalokohan lang yung fire station sa akin. eh kaso yng mga napuputahan ko ngang probinsya ganun lalo na sa bulacan at taytay. hehehehe

    Tugon

    • hellow, hoshi, happy new year din! sana ay masagana at abala ang 2013 para sa iyo…

      oo, parang sop, ano? hanapin ang pamilihan sa out of towns, hehehe. gano’n ata talaga, parang gustong malaman kung ano ang specialty products…

      ay, tama ka ryan. sabi, parati raw magkatapat ang munisipyo at ang simbahan sa Pilipinas. ang joke, nagtatanungan daw ang dalawa kung magkano na ang koleksyon, hahaha. ang sama…πŸ˜‰ yes, medyo malayu-layo nga ng konti ang pamilihan sa munisipyo ng bayan at cities, napansin ko rin….

      pero ganto, hindi lahat ay may fire station, kapatid… ang fire station, usually, feature ng modern-modern nang bayan and cities. sa mas maraming lugar sa pilipinas – wala. makabago na ang bulacan at taytay, malapit pati sa MM kaya yon, meron na sila…

      ang mas usual sa malalayong bayan, may isang multi-purpose municipal building… andoon na lahat – conference room ng League, health clinic, mini-library, disaster coordination center, lying-in-clinic kung minsan at mga pagkakakitaan ng mga taga-munisipyo, hehe. basta, medyo gano’n. ^^

      kumusta? salamat sa pagdaan. warm regards pati…πŸ™‚

      Tugon

  6. Late na late na naman ako. Sa probinsya namin, walang ice plant.. Gasolinahan lang saka munisipyo. Hakhak. Ngayon kasali na ang jollibee sa landmarks sa isang bayan hakhakhak. Pero nung last kong uwi sa bicol, maputik pa rin ang daan… taong 2000 pa yun. sana pag umuwi ako di na maputik. hahaha! Birthday ko nung pinublish mo ‘to. Wala lang. Hello, ate!πŸ˜€

    Tugon

    • hello, batopik… hala, ba’t walang ice plant, indicator yon ng pag-unlad ng civilization, hakhak. hey, napadaan ako sa camarines last year, maraming road construction doon. malay mo, naipagawa na ang kalsada sa may inyo, oha… hala, happy birthday, kapatid!πŸ˜‰

      Tugon

  7. […] ating ituloy ang kwento ni Lolo Andres Panganiban – ang Pinoy na successful banker sa Manhattan – umuwi sa Pilipinas taglay ang pagkilala […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: