Isa ito sa mga unang naisulat ng inyong lingkod bilang paglalarawan ng buhay sa lugar na rural. Ilan lamang ang nakabasa nito kung kaya minabuti kong ilathala muli. Sana ay maibigan ninyo. Salamat…🙂

doon po sa amin

 

Iba-ibang klase ng maglalako ang dumaraan sa lugar namin noon.

 

Sa umaga, habang madilim-dilim pa, unang daraan ang maglalako ng tinapay. Malalaman ang pagdating niya sa kanyang sigaw, ‘Napoyt, napoyt!‘. Ang tinda niya ay pandesal at bonete. Nakabalot ang mga iyon sa telang katsang nakasilid sa kaing na siyang nakaatang sa likod ng maglalako. Dahil wala namang panaderya sa baryo namin, mabenta sa mga tao ang paninda niya. Lalo na pag ang mga tinapay na inilalako ay mainit-init pa.

 

Ang kasunod niya ay ang maglalako ng isda. ‘Isda, isda kayo riyan!’ iyon naman ang kanyang sigaw. Kadalasan, maraming bumibili sa mag-i-isda. Doon sa amin noon, isang beses isang linggo lang kung mamalengke ang isang pamilya. Lahat ng kinulang o naubusan na ng pang-ulam ay nag-aabang sa maglalako ng isda – kung hindi man makabili ng isang kilong tulingan o tambakol, makabili man lang ng…

View original post 884 more words

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: