Sa pagbagtas sa daan ng kahapon

 

Kumusta kayo?🙂 Hindi na maikakaila ang diwa ng pasko – sa haplos ng hangin, sa mga pangitain sa paligid, sa mga nagmamadaling hakbang, sa mga alaalang kagyat na bumabalik…  ^_^

 

larawan ng makatang si Jim Heynen

Maiiksi at payak ang mga kompisisyon ni Jim Heynen ukol sa luma pang buhay/ continuetolearn. uiowa.edu

Kung babalikan, nag-umpisa marahil ang ideya ng blog na Doon Po sa Amin sa lupon ng sanaysay na aking naisulat noong Disyembre ng 2009 hanggang Pebrero, 2010 – anim na buwan bago binuksan ang site. Impluwensyado ang mga sanaysay ng mga sulatin ni Jim Heynen, isang resident poet and teacher sa isang munting kolehiyo sa Amerika.

Natatandaan kong may naisulat tungkol sa kalsada sa amin noon – isang dirt road – at tungkol sa maglalako ng isdang ang hita ay puno ng varicose veins. May tungkol din sa magbababoy, sa magbobote at sa mangagalakal ng gulay. May sanaysay din tungkol sa maestra, ang gurong naglalakad lagi, tulad ng maglalako – umulan man at umaraw. May sulatin din ukol sa tangkeng di na ginagamit at puno parati ng tadpoles,  madalas naming puntahan ng patakas ng mga kalaro noon. Mayroon ding ukol sa mangangahoy, na aming kapitbahay at sa bird hunter, na kakaibang nilalang sa aming lugar. Kung babalikan, sa mga iyon wari galing ang seminal ideas para sa DPSA.

 

Hindi pa nailalathala ang mga nasabing sanaysay at hindi ko pa rin sila isunusumite saanman. Parang personal meandering sila sa lugar na pinagmulan – mga eksenang dumapo at mandin, tumatak sa musmos kong isipan at pakiramdam. Mga impormasyong nakaimbak sa alaala, bahagi ng kung paano ako tumingin at mag-interprete sa mga pangitain at pangyayari sa kasalukuyan. Maaring sila ay pampabigat, maari ring pampagaan sa paglalakbay. Sa kabilang banda, maari rin silang tingnan bilang extraneous materials o kaya ay munting palamuti sa mga sumunod na lunan – sa ibang mga daan at sa mas bagong settings ng pakikisalamuha.

 

Sa Metro Manila, Quezon City ang pinakapaborito kong lugar. Una, sapagkat ito ang lungsod na maraming puno at mga tanim na halaman. Ikalawa, ito ay lugar na planado – malinaw ang entrances and exits at ang karamihan ng main roads and villages, may easements – di tulad ng sa ibang lungsod. Ito rin yata ang lungsod na medyo kabisado dahil may mga taong doon nag-aral, tumira at nagtrabaho. Isa ito sa mga lugar na humigit-kumulang, nakasanayan na, kumbaga… Isa pa, hindi gaanong commercialized ang lugar, sa loob ng maraming taon. May commercial hubs na maituturing, pero magkakalayo… Sa pangkalahatan, residential communities ang bumubuo sa Quezon City.

Ang sumunod marahil ay ang City of Manila. Ito ang lungsod na una kong nasumpungan pagsalta sa Kamaynilaan – matao, masikip, maalikabok, matrapik at puno ng mga taong laging nagmamadali. Mausok at marumi ang Maynila – iyon yata ang nakapagkit sa aking alaala… Pero, ito ang lugar na may history, sa unang tingin pa lang. May karakter at hindi basta-basta malilimutan… Tulad din ng marami, ang mga lugar ng Quiapo, Recto, Avenida, Arroceros, Sta. Cruz at Sta. Mesa, ang una kong narating. Sumunod ang Binondo, Divisoria at Taft Avenue. Sa mga iyan, andoon lagi ang paalalang ang buhay-lungsod ay mabangis, delikado at puno ng pakikipagsapalaran. Puro pagawing Maynila ang mga una kong sakay ng dyip, pati ng bus – dito sa malaking lungsod o metro.

 

Noong magsulat sa DPSA, dumaan na sa panahong nagtrabaho at tumambay-tambay na sa lungsod ng Makati. Gayundin sa Ortigas… Ang dalawang nabanggit na lugar, mga sentro ng komersyo at negosyo sa bansa. Ahaha, tanda ko ang mga panahong nagkukumahog sa pagtawid sa Paseo de Roxas underpass  at matapos ang dosenang beses – nagkakamali at naliligaw-ligaw pa rin sa lalabasan – ang saklap lang… Ganoon din ang mga hapong pumupunta sa square (na parang bilog naman) ng PSE building, para doon mag-meryenda, uminom ng softdrinks o simpleng magpahangin. Ahaha, ang hirap maghanap ng makakainang maluwag sa Makati pag tanghalian, lalo pa sa mga gaya kong matagal bago masanay sa isang lugar.

Sa Ortigas, tambay ako dati ng Ortigas Park. Parang refuge – uupo sa park bench at manonood ng mga taong dumaraan o di kaya nagkakape, sa di-kalayuan. Pinapanood ko rin ang promo men and women, mga kabataang makikisig at matatangkad, na madalas doong maglunsad ng promo events. Kung minsan, may art exhibit o poetry reading (di ko ito naaabutan dahil office hours pa madalas kung isagawa) sa area. Pero ang pinakapaborito kong gawin, ang magmasid sa mga ulap  – kahit sa loob lamang ng limang minuto. Natutuwa akong may bahagi pa ng lungsod na malayang nakikita ang langit at napapanood ang paglalaro ng mga ulap… Kung minsan, o madalas yata, may nakakasabay akong call center agents, mga mapoporma pero tila puyat at pagod, umuupo rin sila roon sandali. Para habulin ang hininga, marahil…

 

Ang mga nasabing karanasan ay bahagi na marahil ng imbentaryo noong magsulat sa DPSA. Kasama na ang mga pagpila (ng pagkatagal) sa McDo Paseo de Roxas, ang pagtawid ng mabilis patungo sa Robinson’s Galleria at maging ang paglalakad sa may ADB Avenue – para makipagkita sa isang kaibigan sa MegaMall, sa Podium o sa EDSA Shangrila. Ang mga nasabing city scenes ang backdrops, kung tutuusin, ng mga kwentong inilahad, so far, sa DPSA… Kung mapapansin ninyo, ang ibang kwentong rural ay parang sinala, sa kung anong dahilan. Marahil, dala iyon ng city encounters nitong mga huling taon… Para bang kailangan ng stark contrast ng pangyayaring lungsod – para mailarawan ang kakanyahan ng kanayunan.

Hindi ko rin sigurado… Sa pagbabasa sa English sites, napansin ko, ang pinakamahuhusay na portrayal of rural and provincial lives – galing sa panulat ng mga artists at manunulat na naka-base naman sa major centers – sa New York, sa Paris at sa Tokyo. Maaring sabihin, bahagi ng kanilang panulat ang nostalgia sa rural na pinagmulan. Ngunit hindi rin… Tila cosmopolitan and well-traveled sila at ang isang tiyak, hindi sila village level mag-isip at tumanaw…  Sa kabilang banda, I have yet to see or read a  blog that tackles rural living from the point of view ng isang di pa umaalis ng nayon o di pa tumitira ng mas matagal sa lungsod. Kaya kayang ma-appreciate ang rural setting and rural ways habang nasa kanayunan pa mismo ang manunulat at di pa nakakaranas ng ibang lugar at pamumuhay?

 

Maaring sabihing tricky and ironic ang pagsusulat ukol sa makalumang panahon. Habang hinahabi ang lumang kwento at istorya, tila baga tinatanong ang wisdom ng kasalukuyan. In this sense, tila escape ang pagbabalik, isang panandaliang pagtahak sa lugar at panahong tapos na… Ngunit maari rin namang sa mga panulat ukol sa nakalipas, padaplis na sinasabing ang kasalukuyan ang mas mahalaga kaysa sa kahapon. Na sa pagpipinta ng nakaraan, nililinaw ang lugar at kalalagyan ng manunulat sa bukas. Isang paghakbang pabalik para bumwelo ng dalawang beses pauna… Kung naitatanong ang posibilidad ng pagbabalik, maaari ring itanong ang posibilidad ng pagtalon sa kinabukasan… Ano ang posibilidad na kayang habihin ang padating pa lamang tulad din ng anong tsansang kayang iguhit ang kahapon?

Sa pagsusulat, tila sandaling sinususpindi ang mga pangyayari, hinuhuli at binibigyan ng panibagong buhay. Para saan? Para kahit sandali ay pwedeng panghawakan at suriin. May kaya bang baguhin o ibahin sa mga kaganapan? O, ang pagtingin sa mga nangyari ang kailangang palitan? Tanggapin at ilagay sa tamang lugar – sinupin ang pakiramdam – kung hindi man kayang baguhin pa?

 

 

Noong tumira na sa lungsod ang aming ina, may isang antas na naramdaman kong nabunot na ang ugat na nagdudugtong sa amin sa nayon, sa bukid… Na gustuhin ko man, tila hindi na kami makakabalik. Hindi pa malinaw sa akin noon kung ano ba ang binabalikan – ang lugar, ang mga tao o ang mga alaala ng pangyayari? Alam ko na noong hindi maaring balikan ang kamusmusan, ang pagiging bata at walang-muwang at ang kapayakan ng lumang pamumuhay. Na may isang antas na ang pagtanda ng isang tao ay nangangahulugan ng pag-iwan niya sa lugar na kinasanayan. Na ang pag-alis ay paggulang din ng kanyang kamalayan at pagtuklas sa bago – gaano man kawalang  kasiguruhan ang susunod na pupuntahan. Na sa panibagong paglalagakan ng sarili, andoon ang pagkakataong gumawa ng bagong istorya at sabihin pa, ng mga bagong alaala.

Kung tutuusin, parehong mahirap ang umalis at ang bumalik. Sa parehong karanasan, may iniiwan at may kinakalimutan. Sa pag-alis, kadalasan ay mabigat ang mga hakbang at masakit ang pakiramdam. Sa pagbabalik naman sa dati – umaagaw ang tao ng panahon, lakas at dunong sa kasalukuyan – para mabagtas ang luma pang daan. Parating andoon ang pag-aagam-agam: baka kung ano ang di-inaasahang matagpuan. Subalit sa alinman, pinipili natin ang mangahas – baka nandoon sa luma at dati pa ang kasagutan. Baka andoon ang clue sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sa pagsusulat sa DPSA, masasabi kong ganito mismo ang naganap. Dito, may mga natuklasang lumang tuwa, dating saya at ganoon din, mga pighati at dusang hindi ko alam kung marapat nga bang inusisa at binuksan pa…

 

 

Ganoon pa man, masasabi ko pa ring sulit ang naging paglalakbay pabalik. Kung ang kapalit man ng mga iyon ay luha at hinagpis, sa palagay ko, may hatid rin silang kabatiran. Mga aral na isang araw ay matatanggap at mailulugar din – harinawa- upang tahakin ang isang mas tiyak at puno ng siglang bukas…😉

 

Maligayang Pasko at masasayang alaala,  mga kapatid…🙂

 

10 responses to this post.

  1. san!! *kaway-kaway* maligayang pasko!! talagang magka-akibat ang pag-alis at pagbalik… ang sabi nga nila na ang buhay ay sadyang ganyan.. uurong.. susulong.. pero ang masarap naman ay gunitain ang mga ala-ala na alam nating nagbibigay sa atin ng sense of happiness.. dahil lahat ng mga lugar napuntahan natn ay nakakapag iwan ito ng tatak sa ating mga puso.. nostalgic di ba kapag nababalik sa mga lugar na napuntahan na.. haaayy.. gusto ko talaga matira sa bukid.. malayo sa gulo… ehehehe san!!! musta ka na?? mukhang masigla ka na uli sa pagsulat!! woohoo!!

    Tugon

    • kaway-kaway, Potski. maligayang pasko sa iyo!🙂 ahaha, nakakatuwa ang term mo – magkaakibat. hoho nga, no? tatandaan ko ang sabi mo, “lahat ng mga lugar na napuntahan natin ay nakapag-iiwan ng tatak sa ating mga puso.”🙂

      ay, oo, tira ka sa countryside, subukan mo… magandang tumira roon pag may ipon ka na at di ka naman doon lumaki. kumbaga, parang pagpunta rin sa ibang lugar – bagong-buhay, away from the noises and hustles ng madding crowd, ‘ika nga…

      hala pa, di rin… medyo pinilit lang maisatitik ang isang ‘to, haha. natapos naman, so, woohoo! thanks for visiting and the kind words, kapatid. keep well🙂

      Tugon

  2. “Na sa pagpipinta ng nakaraan, nililinaw ang lugar at kalalagyan ng manunulat sa bukas. Isang paghakbang pabalik para bumwelo ng dalawang beses pauna… ”

    Napa-awww naman akosa post mo ate, siguro nag-eemo ka ‘no? Hakhak. Maligayang Pasko din, ate!

    Tugon

  3. Isa kang henyo sa pagsusulat… sa maniwala ka man sa hinde binasa ko ang lahat na nakalathala sa post mong ito, ang tanong ko lang?
    may kasama ka ba tuwing naglalakad ka sa mga lugar na ito? hhhhhhhhmmmmm huwag mong sabihin yung ka-org mo🙂

    Tugon

    • hello, kiko… kakatuwa pag dumaraan ka at nag-iiwan ng mga pambobola at pang-aalaska, hihi…🙂 depende, kapatid. pag sa Manila area, kahit wala akong kasama, oks lang. medyo kabisado ko na ang nooks and corners do’n… sa QC, sa Makati at sa Ortigas, usually pag andyan, may kasama or may imi-meet sa hapon or sa gabi. mas delikado for me pag sa mas malilinis at “safe” na lugar, hahaha. kumustasa?

      Maligayang Pasko, kapatid!🙂

      Tugon

  4. Kung ang city of manila ay karakter sa isang istorya sigurado akong malakas ang personalidad nito .

    Dito ko lalong napatunayan na importante ang lugar sa bawat akda.

    Dito ko natutunan ang kahalagahan ng nakaraan,kasalukuyan,at hinaharap sa pagsusulat.

    Mahaba pa ang babaybayin ‘kong kalsada, marami pa ‘kong lugar na dapat puntahan at marami pa ‘kong bagay na dapat maranasan bago umabot sa ganitong level ng pagsusulat.🙂

    MAligayang pasko ate susan🙂

    regalo ko? hahahha

    Tugon

    • hello, bagotilyo. hoho nga… naalala ko tuloy ang isang movie about Manila, starring Bembol Roco bilang karakter na nakikihamok sa bangis ng lungsod, ahaha.

      a, oo… ewan ko lang kung kilala mo si John Steinbeck. marami syang naisulat na novels, famous ang Grapes of Wrath, East of Eden and Of Mice and Men. lahat yata ‘yon, set sa Salinas Valley, isang fictional na lugar sa Mississipi. kumbaga, dry, vast expanse ang setting ng works nyang certified windangers, hihi. nanalo sya ng Pulitzer award for the Grapes of Wrath, yown…

      ahehe, till now, di ko pa rin master ang past, present and future tenses, as in.😉 pero sabi nga sa isang post na nabasa ko – sa pagsusulat, nagagawa mo silang perfect… lalo na ang past perfect tense, hihihi. ^^

      ay, sows, you write better than i do, as i’ve said before. just keep at it, ahaha.

      Maligayang Pasko, dear John. e, di, magkita tayo – iki-claim ko ang libre, hahaha, para maiabot ko ang gift mow, say?😉 hehehe. salamat sa pagbabasa at sa dalaw, keep well.

      Tugon

      • hindi ko kilala yan. alam mo namang dyaryo lang ang binabasa ko tapoz yung entertainment section lang . lol

        agree ako dun sa pag peperfect ng past perfect tense. Kahit hindi talaga siya perfect nagmumukang perfect kasi may halong edit na rin . ano daw?

        Pag ako ngkaroon ng trabaho. Lilibre kita . itago mo muna yang gift. hahaha..

        namamasko po :p

      • o, sya, kilalanin mow. hanapin mo ang movie, young man pa si bembol down, babagong nagbu-bloom, hihihi. di nga, magandang pelikula… novel sya originally, pag hindi ni edgardo reyes, ni jun cruz reyes…

        hanapin mo na rin sa booksale ang books ni john steinbeck. di ka magsisisi, dami kang matutunan… ^^

        ahihi, masaya ang pagpi-perfect ng tenses, true.

        antay ko ‘yon…curious ako kung makulit ka rin in person, ahaha. baka pagpapanggap mo lang ‘yon sa mga sulatin, hakhak… happy christmas & beyond.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: