Isa lamang ang alam kong pagmamahal na di magmamaliw –
ang pagmamahal ng ina.
* Source: http://www.pinoymix.com/lyrics/op/Sa_Ugoy_ng_Duyan/
SA UGOY NG DUYAN
Music by Lucio San Pedro
Lyrics by Levi Celerio
Sana’y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Sana’y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala
Ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni Nanay
Langit ang buhay
Puso kong may dusa
Sabik sa ugoy ng duyan mo Inay
Sana narito ka Inay
Sana’y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig nang ako’y nasa duyan.
Possibly Related Posts:
Posted by Dhang on Oktubre 12, 2011 at 3:51 hapon
Totoo ‘yan! 🙂
Salamat sa laging pagbisita at pag-iwan ng comment sa blog ko. Salamat din sa pangungumusta lagi.
Okay naman po ako Ate San. Si Nanay, ok na ok din. Birthday niya sa Biyernes. 😀
Posted by doon po sa amin on Oktubre 12, 2011 at 4:03 hapon
hello, dhang. walang anuman… napansin kong mas madalang ang post mo recently…
i hope you are fine. happy birthday kamo kay Nanay…ilang taon na si mama mo, bandang sixties na? 🙂
Posted by kaye on Oktubre 12, 2011 at 4:39 hapon
yes! I wholeheartedly agree…
nung di pa ako nanay, lagi ko iniisip kung posible bang magmahal nang pantay ang nanay sa kanyang mga anak. kahit pa gaano sila kaunti o karami.
nung maging nanay na ako ng three beautiful children, dun ko napatunayan sa sarili ko na hindi lang ito posible, totoong totoo pa ito dahil ganun ang pagmamahal ko sa lahat ng mga anak ko. pantay pantay. 🙂
kinakanta ko yan pampatulog sa kanila nung mga babies pa sila 🙂
Posted by doon po sa amin on Oktubre 16, 2011 at 11:11 hapon
hello, kaye…
oo, ang nanay talaga ang tao who would go the extra mile for her children. ‘yong handang mag-sakripisyo at indahin ang lahat para sa mga mahal nya.
nakita ko ‘yan sa Inay namin at sa mga kapatid kong mga nanay na rin (hehe, kung paano sila nagpapaka-ewan para sa mga anak nilang kaytitigas naman ng ulo at madalas ay sumisinghal lang sa mga ate ko, haha)
hindi ko alam ‘yong sa usapang kung pantay ba o hindi. ang alam ko, usually, may kiling sa nauna at may espesyal ring lugar sa mga magulang ‘yong nahuli, hahaha (middle child syndrome? ) pero, siguro nga, mahal rin ‘yong mga nasa gitna in a way na ‘yong nanay lang ang nakakaalam.
ang lambing kasing pakinggan nyang kanta, ano? para ka talagang ipinaghehele… regards sa ‘yong mga anak, nanay kaye. 🙂
Posted by aubu22 on Oktubre 13, 2011 at 5:57 hapon
augghhh, siyang tunay! nakakaantig ng damdamin ang kantang yan, ate Susan. namiss ko tuloy kagad ung mama ko na kakauwi lang ng probinsya namin. 😛
Posted by doon po sa amin on Oktubre 16, 2011 at 11:14 hapon
ahaha! naantig ka, aubu ? e, di ba nga kamo sa ‘yong post ay magkasama pa kayo ni nanay mo? na-miss mo na agad? kainaman!
napabaunan mo ba ng kiss at yakap si nanay bago umuwi? haha, lablab… 🙂
Posted by Ang Tambay na si MyR on Oktubre 14, 2011 at 10:53 umaga
awww…natatanging pagmamahal na kailanman hindi natin dapat ipagpalit….iba ang ating mga nanay.dakila.! naiyak ako sayo swear naalala ko nanay ko eh.. ;-(
Posted by doon po sa amin on Oktubre 16, 2011 at 11:17 hapon
oo, myr. walang kaparis ang pagmamahal ng ating mga nanay. di rin nabibili ang gayon, ang care na sya lang ang makakapagbigay, ‘ika nga.
aba, di ba pwedeng tawagan, sulatan o padalhan ng souvenir si nanay mo? para naman mabawasan ang pagka-miss… 🙂 🙂
Posted by narsmanang on Oktubre 15, 2011 at 10:29 hapon
minsan tuloy naisip ko bakit mas madaming homage at appreciation sa nanay kesa sa tatay? pero agree naman ako na di talaga magmamaliw ang pagmamahal ng isang ina, tunay na unconditional. 🙂
Posted by doon po sa amin on Oktubre 16, 2011 at 11:22 hapon
ei, ikaw ang sumagot, manang, dahil ikaw itong si daddy’s girl, ahaha…
pero, i can hazard a guess kung bakit. kasi, siguro, generally, mas maraming time na ini-spend ang mga nanay with their children than the tatays. tsaka, mas demonstrative sa affection usually ang mga nanay, di ba? whereas, the fathers, less demonstrative na tapos, away from home pa, usually…
oo, may nanay nga lab na lab pa rin ang anak kahit laging nakasimangot, ahaha… 🙂
Posted by hitokirihoshi Jr. on Oktubre 18, 2011 at 6:44 hapon
honestly ate, ito yung kanta na minsan ko lang gustong pakinggan., kasi napapaiyak talaga ako kung minsan sa sobrang madamdamin nya. huhuhu
pero kung sino man ang composer nito, kung si george canseco man o hindi. thank you sa napakagandang awitin na ito.
Posted by doon po sa amin on Oktubre 18, 2011 at 8:58 hapon
ahaha… oo, nga, hoshi, agree ako sa ‘yo. masyadong madamdamin ang kanta at nakakaantig ng husto, ahaha… wala naman yata sa ating estranghero sa pagmamahal ng ating mga ina. yown!
ah, narinig ko rin noong araw ang kontrobersyang iyan. na may claim yatang si george canseco ang original na composer ng kantang Sa Ugoy ng Duyan. ang alam ko, nai-establish na sina lucio san pedro and levi celerio ang lumikha ng komposisyon. kasama yata ‘yan sa basis kung bakit ang dalawa ay tinanghal na national artists. 🙂
walang anuman, hoshi. salamat sa pagdalaw at sa pag-appreciate…
Posted by hitokirihoshi Jr. on Oktubre 19, 2011 at 4:18 hapon
hmmm si ka levi pala ang isa sa tumira este lumikha ng kantang ito… mahusay nga yang national artist na yan. lagi ko siyang naalala sa pagtugtog niya gamit ang mga dahon.
Posted by doon po sa amin on Oktubre 20, 2011 at 10:02 hapon
ako rin, hoshi. basta may appearance sa tv dati si ka levi, inaabangan ko na sya at ang kanyang pagtugtog gamit ay dahon. ang galing nya, ahaha… 🙂
Posted by Sphere on Oktubre 20, 2011 at 3:10 hapon
aw miss ko bigla si nanay 😦
Posted by doon po sa amin on Oktubre 20, 2011 at 10:06 hapon
ahaha, gawaan mo ng sketch si nanay tapos, ipadala mo sa kanya. magugustuhan nya ‘yon. gusto ng mga nanay ang regalong pinag-eport-an, ahaha… 🙂
antagal mong di sumilip dine sa amin, anne… kumusta ang reception desk, ahaha 🙂
Posted by superlolongpinoy on Oktubre 21, 2011 at 2:30 umaga
Isa po ito sa super na paborito ko na mga kantang atin na nilapatan ng musika at ng mga titik mula sa mga sikat at iginagalang na mga kompositor na Filipino. Tanda ko noong maliliit pa ang mga anak ko na pinatutgtog ko ito mula sa awit ni Leah Salonga(tama ba ako?) sa cassette tape pa noon. Maraming Salamat sa mga Nanay!
Posted by doon po sa amin on Oktubre 21, 2011 at 6:24 hapon
tama, lolo. si lea salonga nga ho ang di hamak na mas naunang nag-record nitong Sa Ugoy ng Duyan. kanya sanang version ang talagang balak kong ilagay ko rito sa post.
kaya lang, di ako nakakita ng magandang youtube entry, eh. hindi ho kagandahan ang tunog ng mga na-search ko. kunsabagay kasi, ang bata pa ni lea noon kaya iba pa rin ang boses nya – ang tinis, ahaha… 🙂
second time ko na pong nagbalak na maglagay ng video/audio ni lea s. sa post ko – parehong nabigo. iyong una po sana ay doon sa Tawagin ang Pulis kung saan ang i-a-attach ko sanang video ay Fallin’ (or catch me i’m fallin’) na kinanta nya sa musical na They’re Playing Our Song. wala pong uploaded sa youtube noon. ang meron ay kinanta nya, 2010 na which is 10 years after nang maipalabas ang play.
feeling ko ho, discouraged sa youtube ang pag-a-upload ng buo at matinong lea s. songs/videos, ahaha. feeling ko lang… baka ayaw ng recording companies nya. :c
Posted by batopik on Oktubre 23, 2011 at 12:17 hapon
Halos lahat yata lumalambot ang puso kapag nanay na ang pinag-uusapan.Hihihi.
Posted by doon po sa amin on Oktubre 24, 2011 at 10:44 hapon
haha, oo nga. maski ang mga anak na matitigas ang ulo ay bahagyang lumalambot at nakokonsensya, hihi… 🙂
Posted by MrsGreenBellPepper on Oktubre 23, 2011 at 9:38 hapon
sino ba naman hindi maaantig sa kantang ito? everytime na maririnig ko to (lalo na yung version ni Aiza) ay talaga naman namumugto na naman ang mata ko sa iyak.. hehe.. napaka-meaningful kasi.. yung feeling na namimiss mo yung kalinga ng nanay mo at gusto mong bumalik ung panahon na bata ka pa at inuugay ng duyan nya.. makatawag nga kay Mader.. hehe 🙂
Posted by doon po sa amin on Oktubre 24, 2011 at 10:48 hapon
ahaha, nakatawag ka na kay Mader? ano’ng sabi, nami-miss nya raw ang baby damulag nya? ahaha… 🙂
Posted by Joyo on Oktubre 25, 2011 at 3:23 hapon
check! i don’t know pero naiiyak ako sa kantang yan everytime na naririnig ko…
namiss ko tuloy si mama ko, makikipagchismisan nga ko mamaya hehehe.
Posted by doon po sa amin on Oktubre 26, 2011 at 11:07 hapon
hello, joyo… salamat sa pagdalaw. 🙂
kasi daw, sabi, people never get past caring, yown… siyempre, care ng nanay ang the best, ahaha…
at kumusta si mama mia mo? ano’ng bago nyang update? 🙂 🙂