Doble ang kandado ng aking puso. Mahirap na. Sa panahon ngayon, delikado. Baka may makatalilis papasok. Mataas din ang ipinagawa kong bakod. At may sentri, para sigurado. Ang dami kayang masasamang-loob? Kung may magtatangka, maigi na iyong may kakayahan ka rin namang lumaban at ipagtanggol ang matagal mo nang iniingatan.
Pero, ano’ng nangyari? Isang araw, may nakasipat sa lunggang pinagtataguan ko. May nakapansin, sa kung anong dahilan, sa kung paano at bakit. Β Wala naman munang ginawa. Wari ko’y nagmasid at nagmanman lang muna. Kinilala ang mga taong labas-masok sa loob ng bakuran. Nakipaghuntahan sa gwardyang animo’y nagtatanong lang ng direksyon. Nakipagmabutihan sa mga tagaroon. Hanggang sa ako mismo’y nasanay nang nakikita siya sa lugar. Tumatango na rin ako minsan sa mga kapirasong pagbati. Iyon na pala iyon, hindi ko man lang namalayan.
Gabi yata, nang mangyari ang di-inaasahan. Wala akong paghahanda, wala sa aking hinagap. Pagtingin ko, andoon na siya sa loob. Nakuha pang ngumiti. Napatda ako sa aking kinalalagyan. Hindi ko alam kung sisigaw ako o tatakbo palayo. Tiningnan ko ang mga bagay sa paligid, tinatantya ko kung anu-ano ang mga pwedeng ihagis sa kanya sa sandaling isagawa ko na ang pagtakas. Humugot muna ako ng hiningang malalim, bago binitiwan ang tila walang-saysay na tanong, “Ano’ng ginagawa mo rito? May pahintulot ka bang pumasok?”
Sandaling tila nalito rin ang kawatan. Akmang hahakbang sya papunta sa may pintuan. Sa pangalawa nyang hakbang ay bigla na lang syang huminto. Binilisan nya ang paglakad papunta sa aking kinatatayuan. Hindi ako makahulma, huli na nang mapagtanto kong wala na pala akong pwedeng takbuhan. Naipit na ako sa sitwasyong isang maling kilos at pwede kong ikamatay. Bigla, ang init ng pakiramdam ko sa silid na kung tutuusin ay may aircon.
Isang hakbang mula sa aking kinatatayuan, huminto sya at walang pasabing inabot ang aking mga kamay. Napatigalgal ako. Sa sandaling iyon, tila nawala ang aking dila. Isa lang ang kanyang sinabi, “Naparito ako para kunin ang sadyang para sa akin.” Iyon lamang at kami’y nagyakap.
Maaaring patugtugin ang videos sa ibaba:
* Hinihingi po ang inyong paumanhin, hindi pa rin tapos ang editing ng mahabang post ukol sa media. Medyo busy lang po sa mga personal na intindihin. Inilalathala po itong may paunang pasabing ang mga isinasaad ng narrator ay hindi necessarily na siya ring saloobin ng author. Basta, gusto ko lang kayong pasayahin at bigyan ng basahing pansamantala kaya ito ay nalimbag. Salamat sa pag-unawa. Β π
Posted by Banjo on Setyembre 7, 2011 at 11:14 hapon
magandang gabi po..
hmmm ang bilis ng pangyayari. ikaw naman pala eh, at kunwari ka pang pahagis hagis ha… π
ayun naman pala… (smile na malaki)
magandang gabi po muli π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 7, 2011 at 11:22 hapon
ahaha! glad to see you, banjo. sige lang, tatanggapin ko ang mga lait mo dahil bago lang kita uling nasilayan, haha… asan na ang bago mong post? salamat sa dalaw. π
Posted by akda on Setyembre 7, 2011 at 11:22 hapon
Tuwang-tuwa ako sa aking nabasa. Talaga nga namang ang puso kahit pa i-skyscraper mo, talagang napapasok sa panahong hindi inaasahan.
At ang pusong gwardyado, di hamak na mas malaking disgrasya ang abot kapag nabasag ito.
Magandang gabi π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 7, 2011 at 11:28 hapon
hey, akda! gandang gabi sa ‘yo. π
ang saya naman, napadalaw ka at may maganda pang comment, ahaha…
oo, disastrous lagi ang entry nyang pag-i-pag-ibig na yaan. at oo, pagtaas ng bakod, mas the real mccoy ang paraan ng mga nagtatangka. pambihira!
masaya ako dahil natuwa ka. regards sa ‘yo… π
Posted by bagotilyo on Setyembre 8, 2011 at 10:55 umaga
kayang gibaain lahat ng harang ,
kayang pasukin lahat ng butas * parang iba naisip ko dun ah*
haha tama sa pagibig wala kang kawala , weakness ata ng lahat yan
:p
Posted by doon po sa amin on Setyembre 8, 2011 at 5:28 hapon
hello, bagotilyo!
ikaw na, ikaw na ang makulay magsalarawan ng mga bagay-bagay, ahaha…
how are things, hey? π
Posted by narsmanang on Setyembre 8, 2011 at 7:33 hapon
wahahahahahaha….
ang cheesy naman ng post na ito. hehehehe.
nag-init ang pakiramdam sa malamig na lugar. alam na. hahaha. peace. π
nakakatuwa talaga.
isa pa, nakakatuwa talaga. π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 8, 2011 at 7:45 hapon
ahaha! hello, manang! good to see you. π
aba, cheesy talaga, as promised (pls see my comment sa patalastas post) and please see the tags above. baduy, as in, baduuuyyyyyy!
maigi at naaliw ka. like ko yoon. mahirap kang patawanin, e. regards… π
Posted by nadia on Setyembre 8, 2011 at 9:46 hapon
What an interesting post!
See, that’s why I’d left mine unguarded and unlocked because it’s useless anyway. Those who are meant to break in eventually breaks in. But hey, it’s not necessary a bad thing. If you’re lucky, you’ll end up happily with that person, and you’ll be glad he came.
“…ang mga isinasaad ng narrator ay hindi necessarily na siya ring saloobin ng author.” Sige na nga.
Posted by doon po sa amin on Setyembre 9, 2011 at 6:07 hapon
hello, hello, Nadia! thanks for taking the time to drop by, despite your busy sched…
incidentally, this post was conceptualized about two weeks ago because of the word “locksmith.” one of my nieces didn’t know that word. so, we began a discussion on breaking-in and burglary. as i had just then finished a write-up on the institution called love (not yet published), i was able to relate that conversation with love. ayon…
i think i did just that in my previous post – to wonder (aloud and before the public) when i’d be lucky? ahaha…
thank you for your understanding, Nadia. i always knew you’d look at my plight ever so kindly. π seriously, nami- miss kitang kahuntahan. sana, di na tayo busy-bisihan…
Posted by Ang Tambay na si MyR on Setyembre 8, 2011 at 11:04 hapon
minsan sa buhay kahit anong harang or pader ang ating iharang … mayroon at mayroon pa ring manghihimasok… hayaan lang natin sya manatili kung sa tingin mo ay dun tayo liligaya…
Posted by doon po sa amin on Setyembre 9, 2011 at 7:04 hapon
hello, myr! oo nga, maraming nanghihimasok nang ni hindi kinukunsider kung ano ang implication ng kanilang pagdating sa dinatnan, ahaha.
sabagay, pag nagkataong ang nanghimasok ay gusto, welcome intrusion ‘yon, ayiii!
kumusta ka? na-emote ako sa last post mo, hehe… π
Posted by Ang Tambay na si MyR on Setyembre 15, 2011 at 11:58 umaga
hehehe..ayos lang heto medyo busy sa work at napapaemo pa rin…gusto ko un sinabi mo “welcome intrusion” pero ang termino ko sa ganyan ay “intruders” mga taong laging nanghihimasok….haysss sige lang emote emote lang muna tayo jan ah..;-)
Posted by doon po sa amin on Setyembre 15, 2011 at 4:10 hapon
myr, intruders pala para sa ‘yo… parang mas gusto mong undisturbed, gano’n? …
pero hwag ka, merong iba na parang “marauders” pa ang interpretation sa nanghihimasok, ahaha…
well wishes sa ‘yo sa work at sa kaemohan… emo on! π
Posted by mmc.XD on Setyembre 9, 2011 at 11:17 hapon
Biglang tumugtog sa utak ko yung “‘I never knew love..” ni Lovi Poe. hehe!
Pag-ibig nga naman. Pigilan mo man. O takasan. O talikuran. Wala. Wala kang magagawa. Magtagumpay ka man na ipakita sa iba na hindi mo ito nararamdaman, pero ang sarili mo, iyon ang hinding-hindi mo maloloko π
Magandang gabi po π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 12, 2011 at 5:00 hapon
hello, mmc! salamat sa muling dalaw… π
hahanapin ko ‘yang kantang ‘yan ni lovi poe (di ako updated sa recent OPM, e…)
may gano’n – pagpigil, pagtakas at pagtalikod? tapos, ang dulo, helpless ka pa rin? at walang escape, gano’n? s_ na malagkit! pag-ibig nga naman…
musta naman ‘yong pumapag-ibig sa ‘yo, banda roon? ahehe… π
Posted by mmc.XD on Setyembre 12, 2011 at 11:15 hapon
May kalumaan na ang awiting yon π Haha! maybe 5 years ago. ^^
Hahaha korek. Ang pag-ibig kasi ay isang virus. Gumaganun? π
Ang pumapag-ibig sakin? Ayun. Nasa banda roon padin sya.
Happy Monday po π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 13, 2011 at 5:58 hapon
hello, mmc. hahanapin ko kahit na luma. haha, ang luluma kaya ng songs na embedded sa itaas? π
naaaliw ako sa mga hirit mo, ang kukulit. btw, sabihan mo ako pag ang mokong na ‘yon (mo) ay pumunta na banda ryan, ahaha…
happy week din sa ‘yo. ingat sa byahe at mag-uulan na naman daw… π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 15, 2011 at 4:14 hapon
hello, mmc! lapit na naman ang weekend, hehe…
uy, nahanap ko na ang i never knew love ni lovi poe. oo nga, maganda nga ang lyrics although wala akong makitang youtube entry nitong tumutugtog ng tuluy-tuloy… :s
dadalaw ako sa ‘yo mamaya. hindi pala nag-a-apir ang URL/link mo pag kini-click directly, ba’t kaya? kailangan laging sadyain ang site mow… π
Posted by Sphere on Setyembre 11, 2011 at 1:28 umaga
Pasok na pasok π
isa sa mga favorite kong post mo.
wala sa hinagap, hindi ko napaghandaan…nakapasok ang tulisan ng hindi ko namamalayan umalis na bitbit ang kapiraso ng puso ko baka makasalubong mo pakisabi pakibalik ha π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 12, 2011 at 5:06 hapon
yehey, ang saya… at salamat.
sphere, ganire – ang ideya rito, putting up a fight. barricades, ‘ika nga… tapos, ang ending, surrender, ahaha…
mahilig ka nga pala sa mga kwentong may kaugnayan sa paglaban, ano? π hamo, pag nasalubong ko, sasabihin kong pakisoli. wala syang awa, ayiii…
musta pala… π
Posted by kaye on Setyembre 14, 2011 at 4:18 hapon
hindi ko maview ang mga videos.
ano na bang nangyari matapos ang magyakap? hihi!
walang magagawa ang kahit anong pagkukulong kapag may makulit at mas malakas na bumubulong…let it go…
π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 14, 2011 at 4:31 hapon
hi, kaye. try mo uling i-view next time. i just stumbled upon them. iba sana ang hinahanap ko para ilagay dyaan sa post…
ah, hanggang ‘akap lang lahat ng narratives dito sa site, ahaha. maski maghalughog ka pa. remember yong post na Sa Aking Paningin? hanggang akap din lang, sorry.
sabi ko rin nga, kaye, sabi ko rin nga, ahaha. π
Posted by Lambing on Setyembre 15, 2011 at 3:58 hapon
ayun oh… napakadami namang kadena nyan pero nakakapasok pa din ang tindi talaga ng love ano? Ako sa kasalukuyan parang nawasak yata ang kadena .. maluwang na… kahit ikandado mo di na nagana wahaha gumaganon… sensya na ate ngayon lang uli nadalaw hahayss busyness ang kapatid mo.. ayun ako naman ang ikinadena ng trabaho ko hihi
Posted by doon po sa amin on Setyembre 15, 2011 at 4:20 hapon
hello, hello, lambing! ikaw na ang modelong empleyado, haayys… π
yesyow, helpless tayo lahat pag yang love na ‘yan ang nang-assault, kainaman… teka, ba’t naging loose hinged ang kadena ng puso mo? wentong away-bati ba ‘yan? ahaha… ibulong mo sa ‘kin sa isang araw, kapatid… π
hey, lapit na ang weekend, sister. pag in-ask kang pumasok sa sabado, sabihin mo kay boss, magtatampo na ang mga labahin mo, ahaha…. miss u, mwah!
Posted by mmc.XD on Setyembre 16, 2011 at 6:16 hapon
Hello po! π
Nahanap mo na pala ang mahiwagang kanta. hehehe. Nawala ako ng ilang araw sa sirkulasyon, ngayon lang ako nakapamasyal ulit.
Huhuhu. May mangilan ngilan ngang nagsusumbong sakin na hindi nila maclick yung link ko. Ba’t kaya ganowwwwwwwwwwn T.T
Weekend na naman hehe. Ambilis.
Happy Friday ^^
Posted by doon po sa amin on Setyembre 16, 2011 at 9:54 hapon
hi, mmc! wala nang po. ate san na alang ang itawag mo sa ‘kin. hindi ako pino-po sa totoong buhay. kung meron mang ilan who do, ang mga iyon ay napipilitan lang, ahaha..
yes, nahanap ko na. nakapantulog lang ata si lovi poe ro’n sa mtv, haha…btw, di ko alam na that early pala, nag-record na sya ng kanta. no problem, ako man ay matagal nang di nakakapag-bloghop at nakakapagsulat ng posts. medyo busy talaga sa personal.
ei, dati pa, really had to go to your site via via google search. ewan ko lang kung bakit. sulatan mo kaya ang technical support ng WP, tingin mo? π
salamat sa pagdaan. happy weekend, mmc… “)
Posted by mmc.XD on Setyembre 16, 2011 at 10:41 hapon
Sure thanggg ate san π hehe medyo sanay lang ako na mag-po at opo kahit sa mga batang pinsan at pamangkin ko. hehe!
Oh yis. Nagsisimula pa lang sya nun. pero yun lang ang alam kong awit nya hehehe π
May mali pala akong nailagay sa settings ko. hhehe! Pero naayos ko na. Nawa’y maging matiwasay na ang pagdalaw ng sambayanan. hehe! ano daw.
happy weekend din! ^^
Posted by mrsgreenbellpepper on Setyembre 17, 2011 at 9:35 umaga
Nice post! Totoo man o kathang isip, mganda ang mensahe.
I once wanted to share a post like this. Title nya sana “pintuan” which actually signifies the door to my heart. Ung tipong mdaming tumitingin
Tingin sa labas pero takot pumasok, mdami ding pumasok pero sa ibat ibang kadahilanan, umalis din at hindi na bumalik. And how i long for that one person to just come by and stay and never go away. Pero hindi ko na napost.
Anyway, pagdating talaga sa four-letter-word na yan, nwawala lhat ng rules, pati mhihigpit na kandado kayang mabuksan dahil sa totoo lng mas powerful pa din ang LOVE. Sa simula’t simula kasi, LOVE na ang ngdala sa tin sa mundong ito.
Wheeww…ang hirap mgtype sa iphone nang nkahiga.. Hehe..mkabagon na nga. Gandang morning, DPSA π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 19, 2011 at 12:37 hapon
hello, ms. che! good to see ya…
hmmn… parang mas maganda ‘yang sa ‘yong wento, di nga… parang himig good-natured and gentle. it’s probably the way you put things, e. etong andito, parang offshoot lang ng discussion namin sa bahay about breaking in. tapos, nagkataong kakatapos ko lang ng write-up about love kaya nabuo itong mala-komiks na wento (may pagka-baduy talaga ang format,hehe)…
gusto ko ‘yong formulation mong, “And how i long for that one person to come by and stay and never go away.” nakakakilig, ayiii..
ako man, i never knew i could discuss love as a topic until nag-blog ako. pero, marami na pala akong nasulat about it, mga isang dosena na siguro… you’d think you’ve forgotten it until you find it in unlikely places, kumbaga. ahaha…
hope your week is starting out just fine. really glad to see you. π
Posted by aubu22 on Setyembre 17, 2011 at 1:17 hapon
ayihee, may pakandakandado pa, may makakalusot din pala, hahaha
ibang klaseng kawatan ito!
“pag-ibig pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang”
ayihee, kinikilig pa din ako, π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 19, 2011 at 1:26 hapon
oo, aubu, nag-i-inarte. kainaman…
talaga kamo, sinabi mo pa…
ahaha, napakilig ng write-up about pag-ibig si aubu. kumusta ang papa mong pogi? ahaha… π
Posted by Blotspace on Setyembre 19, 2011 at 11:09 hapon
Ang tindi .. hehe.. cheesy pero maganda.. napapaisip ako tuloy.. hehe.. sa totoo lang cheesy din ako.. hehe.. mababasa mo yan sa mga sinulat ko.. π
Posted by doon po sa amin on Setyembre 20, 2011 at 4:59 hapon
hello, blotspace… saksakan nga ng kakesohan, ahaha… ano kaya ang naisip mo, hmmn… π salamat sa pagdaan at sa comment.
Posted by Awing A.whang on Setyembre 21, 2011 at 11:12 umaga
ayeee dobleng kilig naman ito… doble rin kasi yung lock ng aking puso …lels
Posted by doon po sa amin on Oktubre 5, 2011 at 9:08 umaga
hello, awing. salamat sa pagdaan, pagbasa at pag-appreciate. π pasensya na at huli itong tugon.
naadaan na ako sa site mo a few times. naghanap rin ako ng nakakilig doon, ahaha… salamat uli. π
Posted by Pag-ibig, sabi-sabi… :) | sasaliwngawit on Nobyembre 13, 2012 at 9:42 hapon
[…] Tawagin ang pulis – warning: super mushy at nilalanggam, hahaha […]
Posted by sjanima on Nobyembre 14, 2012 at 10:11 umaga
gusto ko mag comment pero wag na lang, he he he. super like!
Posted by doon po sa amin on Nobyembre 14, 2012 at 2:15 hapon
sige ho, comment kayo. subukan nyo lang, hehe… salamat. π
Posted by sjanima on Nobyembre 14, 2012 at 10:13 umaga
Reblogged this on sjanima and commented:
hindi ko yan masabi but I can relate. when you put barriers around you and let no one in, sometimes those are useless barriers. hahamakin ang lahat, sabi ni Balagtas.
Posted by doon po sa amin on Nobyembre 14, 2012 at 2:23 hapon
ahaha. amen! salamat po for reblogging. have a good day and a good week! π
Posted by Mga tinig sa panulat | sasaliwngawit on Enero 29, 2013 at 10:07 hapon
[…] mga halimbawa ay angΒ Tawagin ang Pulis at dito sa SSA, ang Minsan pa, sa tag-araw… Ang Tawagin ang Pulis na pagkabaduy, parang sya […]
Posted by ResidentPatriot on Enero 31, 2013 at 8:07 hapon
nagustuhan ko ang istilo mo dito, ate san…
nagustuhan ko rin ang kuwento.
higit sa lahat, maikli π
Posted by doon po sa amin on Enero 31, 2013 at 11:44 hapon
hello, RP… salamat at nagustuhan mo, salamat. π tamo may hirit pa rin. marami akong sinulat na maiiksing posts. ewan, ba’t ang natatandaan ang mahahaba? shaks π
Posted by may mga paborito | doon po sa amin on Oktubre 11, 2013 at 8:42 hapon
[…] sa blogger dito, hihi. Ayon lang, may kahabaang istorya. Sa mga maiiksi, paborito ko ang Tawagin ang Pulis. Tawa ako ng tawa, habang iyon ay […]
Posted by 25pesocupnoodles on Nobyembre 11, 2013 at 12:49 hapon
mag βhiβ na lang ako ha, mahirap na kasi ang βhelloβ, baka maipa-pulis bigla, haha. may tanong lang ako, “kung nakuha ba ng nais kumuha ang kukuhain niyang sadyang para sa kanya lamang?β, nabitin ako sa short story.
ang nakiki-usisa sa naka-kandadong puso.
-cup
Posted by doon po sa amin on Nobyembre 11, 2013 at 2:47 hapon
hi din, Cup… hahaha, nadala naman ang isa ryan sa kwento. a, dinoble ko na security force, kapatid, hakhak. maski di na ako kumain, ma-insure lang na protected ang entrance and walang intruders, hihihi. π
oy, relaks lang, wala pa akong naipapapulis. saka, di ka naman masamang-loob? a, oo, martilyo, π yon daw sadya nyang kukunin, hakhak. hiniram daw sa kanya ng gwardya, hahaha. kinuha nya na at di na uli bumalik. hehe. π
Posted by 25pesocupnoodles on Nobyembre 11, 2013 at 2:52 hapon
uhm, akala ko kasi puso, haha.
Posted by doon po sa amin on Nobyembre 11, 2013 at 4:13 hapon
hihi, maunlad at makulit ka parating mag-akala. π kaway-kaway, salamat sa like. π
Posted by 25pesocupnoodles on Nobyembre 12, 2013 at 9:03 umaga
kasi naman, kapag ganitong maunlad rin ang estilo ng pagsusulat, talagang magbibigay rin ng maunlad na imahinasyon. hihi.
Posted by doon po sa amin on Nobyembre 12, 2013 at 1:43 hapon
asus, maunlad ka ryan, pagkakabaduy. formula nga ang istorya? ako mismo, tawa ng tawa habang ire ay isinusulat, haha… π
Posted by 25pesocupnoodles on Nobyembre 12, 2013 at 1:45 hapon
may pa-suspense kasi. π
Posted by doon po sa amin on Nobyembre 13, 2013 at 4:31 hapon
ahihi, style comics ang ginaya… π