Mga Patalastas

image of a megaphone

Makikisingit po ang ilang paalaala/ msplaskohistory.wikispaces.com

Kumusta, mga ka-blogs? Bitin ba ang bakasyon? Hayaan nyo, sa makalawa lang, weekend na uli…   >:d<

 

Hihingiin ko ang inyong pasensya, hindi pa ako tapos sa editing ng scheduled post sana – tungkol sa Luma at Bagong Media. Hindi pa rin ako tapos sa pagtsi-tsek ng references para dito.

 

Ganito kasi ‘yon… Naisulat ko ang nasabing post tatlong linggo na ang nakakaraan pero dahil isa itong full article na may walong pahina yata, may katagalan ang editing.  Ayon pala, sakaling mailathala na ito, payo kong maghanda kayo ng kape at crackers pag magbabasa, haha… In fairness, marami kayong mapupulot na inputs dito, lalo na’yong bloggers and readers na 20 o mas bata pa ang edad.

 

Ipapaabot ko na rin sa inyong mayroon pang isang article na nakatakda ring ilathala rito, tungkol sa Era ng 80s. Naisulat itong post tatlong buwan na ang nakakaraan. Marami-rami rin itong inputs bagaman marami  siguro roo’y dati nyo na ring nabasa o narinig. Hopefully, pag nabasa ninyo itong lathalain, mas mauunawaan ninyo kung bakit ganito ang site – may pagka-seryoso, mahahaba ang sulatin at emosyunal ang karamihan ng nilalaman. Basta, ikalulugod kong labis kung aabangan nyo ang lathalain ukol sa 80s Era.

 

Marami-rami pa ang mga paksang gusto ko sanang talakayin dito gaya ng:  ukol sa puno ng niyog at papaya; tungkol sa mga prutas na kaymito, tsiko at balimbing; panggatong at pangangahoy; tradisyon ng paghahanda sa baryo; relihiyon at pagsamba sa mga liblib na lugar; panahong ang makinilya pa ang bida; ang paghahari noon ng casette player at ang pagdating ng multiplex; panahong ang malls pa lang sa Kamaynilaan ay Fair Center, Plaza Fair, COD, Uniwide Sales at Isetann at; panahon ng komiks at Liwayway. Ayon, mga kapatid. Sana naman nga ay maisulat ko ang mga paksang ito.

 

Samantala, may dalawa pang love posts na tapos na ring isulat at maaaring isingit ang paglathala sa mga darating na araw, siguro. Ang isa ay breakdown ng components ng institusyon ng pag-ibig, ahaha, at paano ito napapatibay o nawawasak. Ang ikalawa naman ay ukol sa pagkahuli sa bitag o patibong ng pag-ibig. O, di ba? Garantisadong baduy ang mga ‘yan, mga ka-blogs. Kaya maiging abangan ninyo…

 

Maraming-maraming salamat sa inyong pagtangkilik. Mabuhay kayo!🙂

 

20 responses to this post.

  1. aabangan ko yang mga posts na yan,😛

    Tugon

  2. baduy ako kaya aabagangan ko ang mga post mo ..wehehehe

    Tugon

  3. Ay naexcite naman ako🙂

    Bibili na ako ng mga crackers para dyan, yung kape naman kukuha na lang ako sa pantry namin bilang yun lang naman ang libre dito😀

    Tugon

    • salamat sa pag-antabay, mmc…🙂

      ay, may pantry sa workplace. hohum… maraming nagaganap dyan sa pantry, haha… bukod sa pagkuha ng kape. *wink* pag magka-time na ako uli, ba-backread ako sa site mo – baka may kwentong pantry do’n, ahaha…🙂

      Tugon

      • hahaha napaisip tuloy ako😀 Sa totoo, wala masyadong kwento ang pantry namin maliban sa mga maiingay na ahente ng call😀 lols. Ang alam ko, sa fire exit maraming kwento hehehe🙂

      • ahaha, sa fire exit pala.. o, sige, kwentong fire exit ang hahanapin ko sa site mo, lols! behaved kayo sa pantry – walang nag-iiringan at nagpaparinigan? ahaha.🙂

  4. Posted by Sphere on Setyembre 3, 2011 at 5:13 hapon

    may teaser🙂

    musta San? marami akong kwento sayo…

    Tugon

  5. ang gustong gusto kong nababasa sa mga posts mo, ate susan, ay ang mga kwento tungkol sa inyong kamusmusan.🙂 sana marami pang mga ganoon.

    pero ang totoo, ikaw na ang maraming naisulat at nakaschedule na posts!

    Tugon

    • ate kaye, hellow! ala, andami ritong tungkol sa kamusmusan. buksan mo ang may binubukbok at inaamag page – table of contents ‘yon. di pa nga lang updated uli…

      ah, totoo ‘yon. usually, pag nagsusulat ako ng posts, parang by batch. halimbawa, apat o lima sa isang linggo, connected usually ang topics tapos, handwritten lang. sa typing at sa editing ako nahihirapang maglugar.

      usually, mabilis ko lang naisusulat ang posts dahil doon ako sa liga ng manunulat na may trigger lang, kumbaga… yown! musta u?🙂

      Tugon

  6. hahaha! wala naman. Ako lang ang mahilig magparining sa mga nangaagaw ng pwesto😀 Amboring ng pantry namin e no.

    happy monday ^^

    Tugon

  7. Looking forward to your posts! Don’t make us wait too long😉

    Tugon

    • ahaha…ayan,napilitan tuloy akong mag-post na naman ng tungkol sa pag-ibig pag-ibig na yaan. kamo’y ganyan ang mga nagugustuhan mo sa posts ko. tama ba? hehe…

      hellow, nadia! warm regards… 🙂

      Tugon

  8. mukhang nakakasabik ang mga dapat abangan hehehehe😆 may babalikan ako dito ung dalawang entry na nauna dito about sa lovelife hehehehe!

    Tugon

    • hello, joyo! glad to see you around. ayan, nadagdagan na ang babasahin mo about love, hehe… kayo talaga, mabenta senyo ang pag-i-pag-ibig na yaan. there, isang nilalanggam sa tamis ang recent post… kumusta ka? 🙂

      Tugon

  9. dagdag mo na rin ang Good Earth sa maynila😀

    Tugon

  10. naku usapang pag-ibig.alam mo hilig ko rin yan..kaabang abang..;-)

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: