kailan huling nagpasya ang iyong puso?

 

Handa na ba akong umibig? Iyan ang nakakawindang nating tanong ngayong araw. Handa na ba kayo? Ha, ha, ha…😉

 

image of love defined

Marami ang kahulugan at pakahulugan sa pag-ibig/ matavuvale.com

Pag kahulugan na ng pag-ibig ang pinag-usapan, kaya nating pumuno ng blackboard na mas mahaba pa sa EDSA sa dami ng maisasagot. Kesyo love is a many-splendored thing daw, kesyo love is like a resting place at kesyo love hurts and scars and mars (sige, mas corny, mas maganda). Yown naman! Siyempre, laging may katuwang iyang mga salitang foolish o hangal, wound o sugat at pain o sakit. Hmmn… Bakit nga ba? Ba’t ang hirap mong mahalin? Tsos! Ba’t di mo makita kung gaano kita kamahal – bulag ka ba? Ha, ha…

 

Ba’t nga ba ang hirap bumukas at pumasok sa larangan ng pag-ibig? Ang hirap ding umalis at lumayo pagkatapos. Pag usapang pag-ibig na, dyan madalas lumabas ang mga salitang may y sa dulo. Yes. Gusto nyo ng sample? O, eto: baby, mushy, corny, tricky, heavy, bloody, sticky, funny, starry, messy, crazy at iba pang ka-ewan-an.

Parang nakakatakot na nakakakilig na nakakasaya, nakakalungkot, nakakabagbag-damdamin at nakakabaliw. Iyan ang pag-ibig. Isa siyang pagsakay sa tsubibo – mararanasan mo lahat ng range of emotions na naka-display sa counter, ha, ha. Pero, ako, since romantic ako kahit di halata, ang paborito kong analogy o paghahalintulad sa pag-ibig, kay Victor Hugo. Oo, iyong andoon sa nobela nyang Les Miserables.

Tatlo o apat na beses ko yatang binasa ang librong ito – ang kulit lang. Hindi pa rin ako nagkaroon ng matinong pag-ibig. Ha, ha… Ano, dapat isang beses lang? Oo, sabi ko rin nga…

 

image of love defined

Maigting at mahigpit ang damdamin para sa minamahal / bloglovin.com

Sabi sa librong iyon, love is like a pebble on your shoe. Yown naman! Binibigyan ka raw nito ng matinding discomfort pero hindi mo naman maalis-alis, haha… Ang saya, di ba? Ikaw na ang di makapaglakad ng tuwid, parang laging may sinusungkit at ipinapagpag at, pahintu-hinto ang lakad. Inlababo, patatawarin! Ikaw ‘yon. O, ako ‘yon. O, tayong lahat ‘yon pag tinamaan na ng matinding virus na walang available na anti-dote. We are doomed to suffer, ‘ika nga.

Pero bakit nga ba ganoon ang pag-ibig? Magulo, maligalig at nakakawindang – susmaryosep! Gusto nating lahat ng tahimik na buhay, iyong walang manggugulo at wala rin tayong guguluhin… Papasok sa umaga, maggo-grocery sa pagabi at uuwi ng bahay para magluto, kumain at matulog. Tapos, bukas ganoon uli. Walang problema, walang hassle. Iikot ang mundo, kasama tayo. Payapa ang ugnayan natin sa sangkatauhan at hindi natin iistorbohin ang predictable, kundiman, proper functioning of the universe.

 

Di ba sabi natin dati, kaya tayo andito sa blogosphere ay nagpapadala at tumatanggap tayo ng sangkatutak na mensahe at signals across the universe? Oo, baka sakaling may makakarinig o makakasagap ng ating secret codes at ang tao na ring iyon ang bahalang mag-decode at mag-process nito para ipadala pabalik sa atin. Ang saya lang, di ba?🙂

Ganoon pa man, andito tayo, sumusuntok sa buwan sa pamamagitan ng ating mga sulatin, pagguhit at paglalarawan. Umaasang sa escapeworld ng blogosphere, makikita’t matatagpuan natin ang mga di natin nakita’t napagtagumpayan sa totoong buhay… Ang adik lang, oo. What are the odds?, sabi nyo. What are the chances?, sabi ko rin nga…🙂

 

image of stock market figures

Tuluy-tuloy ang salubungan ng mga numero/ ipprospective.com

Ganito, doon sa mundo na kung tawagin ay stock market o securities industry, mayroon doong tinatawag na matching o pagtatagpo ng mga bumibili at namimili. Ng stocks, siyempre…  Ang kinukwenta rito palagi ay ang dami o volume ng stocks at ang presyo nito. Kaya sa pangkalahatan, dalawang kategorya lang ang transaksyon dito: to buy and to sell. So, ‘yon. Parang ang simple, di ba?

Pero sa totoong buhay, hindi. Komplikado sya. Application sya ng lahat nating inaral na formula sa kaibig-ibig na subject na Algebra, haha.  Lahat ng axioms, theorems at derivatives na iniwas-iwasan ko noong araw – andoon.  At working gear, ’ika nga. Hindi pwedeng theories lang. So, ‘yon. Ano ang koneksyon ng stocks sa pag-ibig, sa atin at sa universe? May perfect matching na nagaganap do’n. Yon.

 

Pero ang stock market sa Pilipinas, hindi 24 hrs. bukas. Dati, sa umaga lang – mula alas nuwebe hanggang alas dose.  Ngayon, meron na ring trading na panghapon, experimental stage pa lang. Pero ‘yon, hindi 24 hrs ang pamilihan.  Ang pinagtitiyap sa stock market ay puro numero – volume at price per share. Pag nagkakataong parehong-pareho ang order to sell and order to buy, nagkaka-perfect matching. Hindi lagi, pero nangyayari ang gayon. Iyon.

Ang blogosphere, 24 hrs ang pag-inog. Tuluy-tuloy ang pagsusulat, paglalathala at pagpapadala ng secret codes all over the world. Sumasakay ang ating mga sinulat sa isang higanteng infrastructure na kung tawagin ay host site na partner ng dambuhalang search engine companies na may kontrata naman sa mga kompanyang nagpo-provide ng internet connection – sa iba’t ibang panig ng mundo. Nabubuo nyo ba ang larawan? O, yown!🙂

 

image showing how routers make possible the connection

Diagram na nagpapakita paano nagaganap ang ugnayan ng PC user at infrastructures/ cisco.com

Pag nagla-log in tayo sa ating mga bahay-bahay, opisina o PC shops, doon ‘ika nga ay umuugnay o linked tayo sa mundong ginagalawan ng lahat ng internet users. So, ‘yon. Upo tayo para sulatin at ilathala ang ating mga likhang magpapatawa, magpapaiyak at magpapakilig sa isandaan, sa isang libo, sa isang milyon o sa sampong milyong tao sa universe… Kumbaga, we hope to set the world on fire with our writings. O, di ba?

 

diagram showing the conection of internet users

May hardware at infrastructure na tinutuntungan ang ugnayan/ jabrauum.blogspot.com

At kung hindi man tayo magtagumpay, at least, naistorbo man lang natin ang universe sa loob ng isang minuto – may isa tayong napatawa, napaiyak o napakilig sa isa nating sinulat. Ganyan yata tayo kaaadik. Ha,ha, natawa ba kayo?😉

 

Mabalik tayo sa pag-ibig at bakit ako o pati iba sa inyo, nahihirapang hanapin ito. Samantalang isa lang naman ang ating hinahanap? Isa sa kulang-kulang na pitong bilyong tao… Kung tanungin kaya natin ang bloggers na mahuhusay sa Math at sa kwentahan? Ha, hwag na? Marami rin ba sa kanila ay loveless? O, sige, hwag na lang.😉

Sasabihin ko sa inyo ang isang sikretong alam nyo na rin naman, kung tutuusin – ang bawat isang tao ay katangi-tangi o unique. Yown! At hindi tayo puro numero lang. Sabihin na nating may numero rin: isang ulo, dalawang kamay, isang puso, dalawang atay, dalawang paa atbp. Mayroon ding: dalawang magulang, isang bahay o tirahan, 14 na taon sa eskwelahan,  at least, tatlong sets ng kaibigan at iba pa.  Pero malinaw, hindi tayo panay numbers lang.

 

Image of lovers in a tight embrace

Hinahanap natin ang magiging katuwang sa buhay/ live-wallpaper.net

Mayroon daw tayo noong tinatawag na sensibilities? Ang ibig sabihin daw nito sa Tagalog ay katalusan. Ang malapit na kahulugan nito ay keen awareness. Hindi ako sigurado kung sadyang aware ang mga taong umiibig o pansamantalang tinatakasan ng awareness, haha. Pero dito sa pack ng sensibilities, dito naroroon ang mga pagpapahalaga natin, ang pagkakasunud-sunod ng mga ayaw at gusto natin at ang mga sinasalubong at tinatakbuhan natin sa buhay bilang tao. ’Yon. At pag naghahanap daw tayo ng katuwang sa buhay o pag-ibig, iyon daw ang hinahanap natin – ang taong may sensibilities na kahawig, kundiman kapareho, ng sa atin. Pwede? Hmmn…

So, what are the odds nga? Mataas. Ang laki kaya ng populasyon ng tao? Ha, ha… Tuluy-tuloy ang andar ng makinaryang nagpapanagpo ng mga naghahanapan. At hindi lang dito sa blogosphere, ha? Dagdag na venue na lang itong huli nitong makabagong panahon. Bagong hunting ground, kumbaga. O, pwede ring sabihing last frontier para sa mga kagaya ko, hi, hi… Tapos na raw ang era ng disco, bowling alleys at clubbing.  Merong bago – ang blogosphere. Ha, ha, ang kulit lang… Siyempre, laging place of ill repute ang dating – hanapan, landian at matching. Pero bago tayo mapunta sa usapang kabastusan, mabalik tayo sa huntahang esoteric. Naman…

 

Pag naghahanap daw tayo ng pag-ibig o katuwang sa buhay, hinahanap natin ang isang taong kakatawan sa sangkatauhan sa buhay natin. Weh? Di nga? Oo, iyon ang sabi. Di ba, wika nga sa Ingles, “You mean all the world to me” ? Yown naman! Bale, tall order, ano po? Representative of mankind, huh? Parang mas madali yatang pumili ng congressman? Itong taong hinahanap na ito – isang ispesyal at magandang nilalang – sa paningin noong naghahanap. Susmaryosep!😉

 

Ano ang magiging papel ng ispesyal na taong ito sa buhay nitong si naghahanap? Kako nga, kakatawanin lang naman niya ang sangkatauhan at ipapakita nya sa nakakaibig sa kanya kung anu-ano ang mga maaaring pangyarihin sa mundo. Iyon lang naman… Siyempre, sa mas payak na usapan, ang ibig sabihin lang nito – isang taong sasama, mag-aaruga at makikialam sa buhay ng taong naghahanap, sa isang taong umiibig. Kasama niya sa pagtuklas, pagharap at pag-unawa sa mga hamon ng buhay at pangyayari sa mundo. Katuwang niya sa pagtupad ng mga pangako, paghabol ng mga pangarap at pagpapagpag ng mga alalahanin sa araw-araw, sa isang tila napaka-imperfect na universe. Yown!

Siya ‘yong isang taong kahit pa nagde-deliver ng pinaka-historical na speech si Obama, kahit pa halimbawa, nagka-security problem si Pinoy habang namamahagi ng bigas sa komunidad at, kahit pa nagkakandabuhul-buhol ang traffic sa EDSA, iisa pa rin ang sabi: “Kumain ka na? Hwag kang aalis dyan, susunduin kita.” Ikaw ang kanyang universe,  pinaka-VIP  ng sangkatauhan.

Dalawa kayo – pwede nyong sabayan ang pag-inog ng mundo, paminsan-minsan ay istorbohin ang takbo nito o together, you can set the world on fire.😉

 

image of lovers' shadows on the grass

Katuwang at kasama sa laban ng buhay/ ecomii.com

 

Teka, tinatanong nyo pa rin ba kung ba’t ako single? Kayo na!🙂

 

Maaring patugtugin ang videos sa ibaba:

 

 

 

*Mga ka-blogs, bukas ang comment section, pero no heckling, hooting and howling. Wala rin sanang defamatory languages at mudslinging. Dapat behaved tayo para hindi tayo puntahan dito ng Senate Sgt. of Arms, ahaha…😉 O, sige, gow!

 

30 responses to this post.

  1. Ahahay, LOVE LOVE LOVE sabi nga ni Kris sa Kris TV. Masyadong complex ang pag-ibig. I have many single friends at minsan nkpagtataka bkit single p din sila. They have the looks, the wit, the career nman. Iniisip ko n lng siguro hindi plang nila nkikilala ung para sa kanila. At mas mdami tlga ang girlash population compared sa guys so mas lalong lumiit ung chances nila.

    I was in that stage, too, dati. Ung tipong bkit ngfail ung relationship, bkit hindi p ko married, etc. There were many questions, doubts, worries. Pero sabi ko ke Lord sana one day He will send me one who will stay. And He did! Hindi ko nga lng alam kung kelan nya ibibigay sa kin but He did. So eto after my broken heart has stopped bleeding it started beating again. That’s the mystery of love. You’ll never know when or how, it will just come at the right place and at the right time..

    Enjoy ako mgbasa ng blog mo kc nppaisip ako nang husto. Hope you find the right one for you🙂

    Tugon

    • “Masyadong complex ang pag-ibig.” yown naman! hindi ko na yata kailangang mag-second the motion do’n, ahaha.

      yan, yang sabi mo, ms. GBP, hindi pa nakikilala ang para sa kanila, ‘yan ang mabigat atang usapin, hihi… ang mga tanong banda ryan ay ganire: moving in ba sa right circle? masyado bang pihikan? ano’ng level ng pagpo-project at marketing ang kailangan? ahaha…

      and i suppose, as one ages, it’s a bit more than just the physical attraction… on the other hand, siguro, pag hindi masyadong maraming ek-ek, considerations na sinasabi, mas madali. i mean, some people just plunge right into it, di ba? ‘yong parang d_ the consequences, as in… so, ‘yon…

      pero, ‘yon din ang sabi ng mga kaibigan ko – that when the person is the right one, you’ll know. ‘yon daw ‘yon. sabi…😉

      kapatid, pasensya na sa excruciating na ugnayan ng stock market, blogosphere and pagsuntok sa buwan, ahaha.

      salamat sa pag-share mo ng story about finding the right one. hmmn, may isang swerte… 🙂 salamat sa well wish. malay mo naman nga? ahaha.😉 hugs,

      Tugon

      • Katuwa nman ang daming comments. Everyone indeed has her share of story when it comes to love:)

        Alam mo yung song ni Jaya yung ‘Sometimes you just know” ? Super like ko ung lyrics nun.

        Anyway, mppachika na naman ako nyan. Hehe.. Basta basta, meron nkalaan para sa bawat isa sa tin. Maaaring natraffic lang, o busy pa pero DARATING YUN.. IN HIS TIME:)

        Happy weekend, miss DPSA:)

      • hello, bell. salamat sa pagdalaw mo noong weekend. medyo busy naman ako no’n… aliw nga at nagko-comment ang mga ka-blogs.

        hehe, ako mismo, medyo kinabahang i-publish ito. baka kako, di pa ready ang mga ka-blogs na ganito ka-diretsa ang usapan. it seems, okey naman sa iba…

        ah, oo. maganda nga ang lyrics nyan, as in. pati melody…

        haha, oks ang na-traffic – optimism to the highest level, ahaha.🙂

  2. “Ba’t who do the hard open and entered the field of love?” I’m telling you, your posts are being rated as X by Google translation standards.

    On a more serious note, this was an excellent write-up. The beauty of love is that you can’t possibly define it accurately. But I do believe that love is when you begin caring for and doing things for the other person first, then yourself later.

    Tugon

    • ahaha! Nadia dear, naiingit ka yata sa potential nitong site na maging x-rated? pasensya naman, di ko kaya ang travelogue at food photography, e. kaya, eto, bordering on kahalayan lang ang nakayanan, hehe… 🙂

      salamat sa pag-appreciate… bale, aug 27 ito na-publish – paksang pag-ibig sa unang anibersaryo ng site, ahaha. iba sana ang scheduled post.

      yes, love is going out of yourself for somebody. tama ka, kapatid.

      hi to your love, ehehe…🙂

      Tugon

  3. Posted by Haring Ibon on Agosto 31, 2011 at 4:06 hapon

    iba nga naman talaga ang nagagawa ng “love” sa isang umiibig…

    ang marubdob na pagpapalaya ng damdamin ay nasasalamin at nasumpungan sa pag bibigay anyo sa mga akdain…

    up to the extent of taking an extra mile of effort begetting information and details of each chosen subjects. i.e., stock markets et al… makes me wonder.., are these of second nature to you?

    you’re simply astonishing…🙂

    Tugon

  4. haha nakakatuwa yung mga illustration… wala lang natuwa lang ako..

    Usaping pag ibig muli ang iyong post — mukang inspired na naman ang lola ko..wehehhe,,

    “Dalawa kayo – pwede nyong sabayan ang pag-inog ng mundo, paminsan-minsan ay istorbohin ang takbo nito o together, you can set the world on fire.”

    -ang cool nito😀

    Tugon

    • hello, bagotilyo! salamat sa pagdaan uli.

      maigi’t nagustuhan mo ang illustrations… ah, oo, medyo nagti-take time talaga ako sa paghahanap ng angkop na pics para sa post. gusto ko kasi sana, ako ang mag-illustrate mismo ng posts kaya lang, makain ‘yon sa oras. so, hanap na lang ako sa internet, hehe…

      ahaha, medyo inspired ako no’ng gawin ko ito. siyempre, pang-anniversary, naman…pero may nauna pa ritong love post, for publication in the coming days pa. makulit yon – break down yon ng components ng so-called love. o, di ba? abangan mo ‘yon, ha.

      salamat uli. nagustuhan ko rin ang ending, hihi. di ko akalain, that way mako-conclude ang essay, ahaha… regards sa ‘yow!🙂

      Tugon

  5. hello, haribon…

    haha, one year anniversary offering itong post. temang pag-ibig, instead na serious. yon ang napagpasyahan… di pa rin kasi tapos i-edit at i-check references ng post na scheduled sana, before mag-end ang august. yong tungkol sa luma at bagong media…

    ano, research kasi ang field, kaya medyo marami-rami scope na pwede-pwedeng pasukin… do’n kasi, pwedeng today, nagbabasa at nagsusulat ka ukol halimbawa sa cosmetic surgery and spa. tapos, bukas o sa makalawa, tungkol sa something entirely different naman… hindi pwedeng humindi. kahit nangangamote ka sa topic, dapat alamin lahat tungkol doon. mga gano’n… ang adik lang, pramis…

    pero, iba’ng iba ang format ng formal writing kesa sa blog where one has almost all the latitude sulatin ang gustong sulatin sa paraang alam at /o gusto ng blogger. ayon…

    hindi rin… haha, pero salamat ng marami. cheers! 🙂

    Tugon

  6. ako ate simple lang ang pag ibig ko parang kape ahaha.. yun na yun…

    ang haba ng explanation ahaha lalo ako nawindang…

    ang galing mo mag connect ng mga bagay bagay ikaw na ang genius… ako konti lang ang alam ko wala akong theory theory basta kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito.. yun ang motto ko noong bata bata pa ako, pero ngayong nakakaranas ng kabiguan sa pag ibig nagiging wise na rin ako sa mga desicion ko kasi hindi naman lagi puso ang pinaiiral.

    dapat pairalin ang utak at humingi ng gabay sa taas kung sino ba ang gusto mong papasukin sa buhay mo … kasi ang feelings nagbabago.. kaya kailangan gamitin ang utak hindi puro puso.. and dami ko daw sinabi ahaha.. basta wise nako now.. saka masaya ako ahaha.. minsan nga parang masarap pa yun walang center of attraction ang puso kasi less stress … nakakaganda. di gaya kapag may chinochorva puro wrinkles ang mapapala… pero empre sabi ko lang yun. kapag dinadalaw din ako ng lungkot naiisip ko yung taong gusto ko makasama at hinihiling na sana pag gising ko mukha nya masisilayan ko ayiiiiii ako na ang makeso haha…

    Tugon

    • ahaha, gusto ko ito – “basta kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito..” ah, medyo hindi kasi ako ganyan sa totoong buhay, maraming chorvah tsenes that get in the way, kumbaga.

      gusto ko rin ang “kapag dinadalaw din ako ng lungkot naiisip ko yung taong gusto ko makasama at hinihiling na sana pag gising ko mukha nya masisilayan ko ayiiiiii…” as in, doon sa kantang you’re so far away, na sabi, it will be some fantasy, your face at my door… ayiii 🙂

      anyway, you sound conflicted, sister lambing. which probably means, you’ve the greater chance in love, or falling in love, ahaha…🙂

      Tugon

  7. May kulang ka po. Love is like a rosary that is full of mystery😀 Charot lang ^^

    “Siya ‘yong isang taong kahit pa nagde-deliver ng pinaka-historical na speech si Obama, kahit pa halimbawa, nagka-security problem si Pinoy habang namamahagi ng bigas sa komunidad at, kahit pa nagkakandabuhul-buhol ang traffic sa EDSA, iisa pa rin ang sabi: “ Kumain ka na? Hwag kang aalis dyan, susunduin kita.” Ikaw ang kanyang universe, pinaka-VIP ng sangkatauhan.”

    Sobra lang akong napangiti sa parteng iyan ng iyong akda. Syang tunay. Na kahit na gaano man kadilim ang daan o gaano man kalakas ang ulan, keribels lang basta jowa ang pupuntahan :))

    Hindi man ito dumadating sa oras na gusto natin o dumating man ito sa maling pagkakataon. Walang sayang na pagmamahal basta totoo🙂

    At gaano man kapait o kaasim minsan ang pag-ibig. Ito pa rin ang pinakamasarap na timpla sa mundo.

    Tugon

    • haha! hi, mmc.XD… tama ka dyan sa rosary na ‘yan, hihi… sobra nga akong tempted na maglagay ng galing sa hiritan segment ng bubble gang. ‘yong mga hirit na, Q: “Calculus ka ba? A: “Kasi, ang hirap mong i-solve.” Lels!🙂

      amen lang ako ng amen sa last three paragraphs mo, as in… ang kulit lang ng tungkol sa pinakamasarap na timpla, ahaha…

      much appreciated ang iyong comment… musta u? happy weekend sa ‘yow!🙂

      Tugon

      • Hahaha🙂 Yung mga hirit na ganyan kahit corny minsan pero effective naman. Wiheeee😀

        Perfect example kasi ng oxymoron ang pag-ibig eh no. Hay. haha sabay buntong hininga.

        Goodmorning! ^^

      • ahaha! basta usapang pag-ibig, asahan mo ang masiglang partisipasyon ng mamamayan, wiheee….🙂

        may maasim at may mapait, may makaluma at may makabago, may nakaka-blush at may nakakabuntong-hininga, hahaha…

        happy start of the week sa yo!🙂

  8. Korek! kapag pag-ibig ang pinaguusapan parang nagkakaron ng adrenalin rush yung mga tao😀 Cute hehe!

    Tugon

    • korek! at ‘yang adrenalin rush na ‘yan, it doesn’t come everyday… yan ‘yong sabi sa legally blonde na substance that make people happy, hihi… and happy people don’t commit crimes daw. haha! hellow sa ‘yo, mmc… 🙂

      Tugon

  9. Posted by bursky on Setyembre 7, 2011 at 6:05 hapon

    hay, di ko maiwasang mapa-buntong hininga sa post na ito. at masabi ang cliche na “marriage is not a bed of roses”. *iling* but then again, masarap na mahirap. yun at yun naman lagi ang description sa mga desisyon at pagpapasya ng mga puso naten, lalo na yung huling pagpapasya (bawal ang divorce dito!😛 haha).

    at dahil sa mga video, dapat yatang kasali ito: http://www.youtube.com/watch?v=X-CtBBcMgsY ahahaaaay! *sigh*

    Tugon

    • hello, bursky! salamat sa muling pagdaan… oo, nga, medyo matagal na pala akong di nagagawi sa bakuran mo. medyo busy, di nakakapag-bloghop, e.

      ‘musta ang bagong lagay sa tahimik? ahaha, naninibago yata… hmmn… sabi-sabi, sa umpisa lang daw mahirap dahil nag-a-adjust pa pareho.

      bubuti’t iigi rin ‘yang sitwasyon mo. ikaw itong si nagpasya, ahaha. regards 🙂

      Tugon

  10. hays! wala na akong masabi kundi tumunganga na lng pagkatapos kong basahin to…

    teka babasahin ko ulit…

    salamat para dito, wala lang mas masarap pala magbasa ng mga ganitong babasahin pag medyo inlab ka ayiiiii

    Tugon

  11. […] ng 2011. Bakit nagsusumigaw na single – tanong nyo at tanong rin ng lola nyo rito. Ang sagot, nasa kailan huling nagpasya ang iyong puso? Sakaling mayroong mahilig sa writing […]

    Tugon

  12. […] kailan huling nagpasya ang iyong puso? – bakit nga ba inevitable? ayiii […]

    Tugon

  13. hay, pag-ibig. *sigh*

    napaisip ako dun ha. pinatugtog ko pa talaga yung video. ang galing lang ng mga insights mo po. tagos sa puso. nakakakiliti. haha

    Tugon

    • haiii, pag-ibig… ahaha, at talagang pinatugtog, shaks. salamat sa pagbabasa at paglilimi-limi, ahehe… don’t worry, kapatid. ang lola mo man, one week na nakinig sa attached videos pagkalathala ng post, pambihira… it seems, the love bug spares no one, ayiii… love on!😉 magandang hapon, Dale…

      Tugon

  14. […] Anyway, para sa unang anibersaryo ng DPSA, naghanda ang lola ninyo ng isang mahabang essay ukol sa makabagong journalism –  ang Lumalakad ang Balita – dalawang linggo bago ang okasyon. Serious piece itong Lumalakad at ang sabi, may kaakibat na responsibilidad ang pagba-blog at iba pang modernong paraan ng pakikipagtalastasan… Subalit dahil unang anibersaryo nga ng DPSA noong ika-27 ng Agosto, 2011, naisip kong mas maigi kung magaan at nakakaaliw ang ilathalang piyesa. Saka, tagubiling pana-panahon, dapat ay magsabog ng tuwa at pag-ibig sa blog, ahaha. Kaya ayon, tatlong araw bago ang okasyon, gumawa ang inyong lingkod ng isang love post na siyang ipinampalit at inilathala para sa mismong kaarawan ng site – ang kailan huling nagpasya ang iyong puso? […]

    Tugon

  15. […] paborito ko sa mga naisulat ditong ukol sa pag-i-pag-ibig, ang kailan huling nagpasya ang iyong puso? Gaya ng naikwento na rati, medyo personal ang nasabing post, ayiii…. Doon ko ipinahiwatig […]

    Tugon

  16. Handa ka na ba? GAME NA! Ang timeless ng topic, PAG-IBIG! So… Bakit nga ako single? Hahaha! Wag na!

    Masarap pag-usapan ang pag-ibig, masakit, magulo, nakakalito. Pero masaya. At universal. At hindi nauubos.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: