Gusto Kita Dahil…

image of two animals acourting

Pag-usapan natin kung ba’t gusto kita/ shirt.woot.com

 

Ligawan tayo. Oo, dito. Di nga…πŸ™‚

 

Gusto kita hindi dahil kilala na kita. Hindi. Siguro, dahil nga bahagya pa lang kitang nakikilala kaya gusto kitang mas kilalanin pa. Gusto ko ring magpakilala sa iyo, sakaling interesado ka at sa tingin mo, may pupuntahan ang pagpapakilanlanan natin.

 

Maaring gusto kita sa isang dahilan lamang. Pwede ring sa maraming dahilan. Pero, pwede ring gusto kita maski wala akong masabing matinong dahilan*. Basta. Oo, pwede ‘yon. Nasa mundo tayo ng blog… Ang mga bagay dito ay karamihang tila, mukha, parang, siguro at malay mo? Ang sukatan pa rin ay kung paano natin tatratuhin at ilulugar ang isa’t isa sa totoong buhay.

 

Parang ang seryoso ng blog ko? Kasi, sabi ng mga kapatid, kaibigan at katrabaho ko, madalas daw ay hindi yata ako seryoso. Mukha raw akong naglalaro lang at naglalaro pa rin yata hanggang sa ngayon. Iyon. Pero, mas matagal na ako sa inyo sa mundong ibabaw at marami na akong nasalubong sa totoong buhay. Hindi virtual, totoo. Hindi ibig sabihin ay mas marami na akong naintindihan. Hindi. Andito pa rin ako sa blog – ang lugar ng mga may hinahanap at nagpapahanap.

 

image of two ducks courting

Maglapit at mag-usap/ ehow.co.uk

Siyanga pala, hindi na ako patalun-talon at paiba-iba – Β di na bagay sa edad ko… Nahihiya na rin naman ako pag minsan, naman. Saka, alam ko nang ang concepts gaya ng solidity, volume, texture, angle, trajectory, parameters at limits ay di inimbento lang para pahirapin ang aking buhay-estudyante. May ideya na akong may mga equivalents sila sa totoong buhay at pangyayari. Hinahahanap ko na rin sila sa mga taong nasasalubong ko – sinadya man ang pagdating nila sa eksena o hindi. Yown…

 

Having said that, Be that as it may, So?, Tapos?… Bumubukas ako sa posibilidad na may personal relationships na maaring umusbong at i-develop sa isang non-traditional setting gaya ng blogosphere. Β Bakit hindi? Noong araw, may mga nagiging mag-asawa dahil sa sulatan – penpals. May mga nagiging BFF dahil sa telepono – phonepals. May mga nagiging business partners dahil sa chatrooms – kahuntahan online. Hindi imposible na mula virtual, maging real ang personal na ugnayan ng mga tao. Pwedeng ang nag-umpisa sa tantyahan at landian ay gumradweyt at tumuloy sa seryosohan at aktwal na hawakan. Shaks ba kanyo?πŸ˜‰ Β xD.

 

O, sya, mahaba na ang pambungad. Ito na ang mga dahilan kung bakit gusto kita

 

Gusto kita dahil pareho tayong nag-aral sa mababang paaralan sa baryo at parehong may lugar sa memories natin ang flagpole. Pwede siguro tayong magkukwentuhan tungkol sa flag-raising ceremonies.

 

Gusto kita dahil nag-aral ka sa exclusive school sa city. Matuturuan mo siguro ako kahit konti kung paano pumormal, magkaroon ng poise at humarap sa mga tao. Tuturuan kitang magsalita ng may punto, di nga. O, sige na nga, pati ng malalalim na Ingles.

 

Gusto kita dahil pareho tayong promdi. Hindi mo pa ako gaanong magugustuhan sa ngayon dahil ang gusto mo yata ay makalabas ng probinsya, habang ang gusto ko yata, tahakin ang daan pabalik doon… Pero nagkasalubong na tayo dito sa blogosphere at isang araw, sakaling magkakasalubong tayo sa totoong buhay, sigurado ako – hindi na tayo mahihirapang gumawa ng usap.

 

Gusto kita dahil cityboy ka. Iba kang manamit, streetsmart ka at ikaw ang tipo ng taong may confidence. Matuturuan mo ako banda roon. Ipakikilala naman kita sa nanay-nanayan kong mananahi, kung paano magngatngat ng tubo at paano makipag-usap sa kamag-anak na lasing. Haha.

 

Gusto kita dahil parang pwede tayong magkape lang ng 3-in-1 sa may kanto at pwede na tayong magkwentuhan ng dalawang oras. Siyempre, hindi tayo pareho bihis no’n at pwedeng di pa tayo ligo, haha. Pero, hindi na siguro natin papansinin ‘yon. Maghuhuntahan tayo na parang dating magkakilala. Ang kulit lang…

 

Gusto kita dahil parang pwede tayong magkape sa Coffee Beanery sa Shangrila o kaya sa UCC, sa baba. Uupo tayo roon at magkukunwaring sanay tayong uminom ng sosyal na kape at tila mga disente’t pormal tayong tao. Babatiin tayo roon ng mga kakilalala nating nagkukunwari rin, haha.

 

Gusto kita dahil parang ang gaan mong kausap. Payak at praktikal ang pagtingin mo sa mga bagay-bagay at di mo pinahihirap ang mga pangyayari. Seryoso naman ako at may pagka-komplikadong mag-isip, pero engot naman sa totoong buhay. Matututuruan mo ako, wari kong humanap ng balance… Β Tuturuan kita ng malalalim na salita at concepts. Haha, yong mga ‘yon ang alam ko, pasensya naman.

 

Gusto kita dahil parang may purpose ka sa buhay. Tila ang husay mo sa problem-solving at alam mo kung paano pangyayarihin ang mga balak mo. May pagka-pormal ka at flippant naman ako. O, di ba, bagay tayo? Ha, ha…πŸ˜‰

 

Sabi, we like people for different reasons and different seasons in our lives.

 

image of a pair courting in the olden days

May mga pwede na tayong pag-umpisahang usapan/ paintinghere.com

 

* Oo, ito ang pick-up line, ahaha.

 

Mga ka-blogs, kayo na ang magdugtong sa ating listahan. Pwedeng maghayag at magsabi ng diretso sa nagugustuhan. Pwede ring magpalipad-hangin. Siguruhin lang nating di tayo mauuwi sa sakitan, hablahan at karahasan. Wholesome ang DPSA blog, naman…πŸ˜‰

 

24 responses to this post.

  1. I’ve been trying to read writings written in Filipino, and though I believe I’m fluent in conversational Filipino, I just realized my vocabulary is so limited ( I left the Phili. when I was 6 ) that I cannot even understand posts written entirely in Filipino. In fact, I have to use Google translate to understand some of the posts… they’re either too deep or too slang.

    So here I am… struggling to learn.

    Anyways, cheers from California!

    Tugon

    • hello, Ren. salamat sa pagdaan mo dito sa amin.

      yes, just like you, am more at home with English – spoken, written and even thought. this is why i decided to write a blog in Tagalog – para hasain ang aking kakayahang sumulat nito, nyehehe. I speak conversational Tagalog well enough and know a lot of Tagalog words, but writing it is such a huge challenge, promise.πŸ™‚

      in my first three months of blogging, i had to use two online dictionaries and three Tagalog tutorial sites, hahaha. pero, akala ng ibang ka-blogs, ang dali lang para sa aking magsulat…πŸ™‚

      hey, just read on and practise. before long, you’ll be good at Tagalog again.

      salamat uli at regards sa ‘yo at pamilya mo, dyan sa California… balik ka. πŸ™‚

      Tugon

  2. Panahon ko ang penpals at phonepals pero di ako napasuot sa paraan na iyan…sa ligaw tingin pa rin ako dumaan sa aming bayan at pagkatapos ay ang pagsulat ng love letters.

    Naniniwala rin ako sa iyong sinabi na…”Hindi imposible na mula virtual, maging real ang personal na ugnayan…”

    Ang aking dagdag na linya naman ay…

    “Gusto kita dahil simple ka lamang at alam kong maiintindihan mo ang kasimplehan ko sa buhay.” Na puwede tayong mamuhay sa isang bahay-kubo at maging masaya sa mga kaloob ng yamang-lupa. Na puwede tayong maging masaya kahit wala ang mga materyal na bagay.

    Tugon

    • hello, lolo. inabutan ko rin ho ang penpal at phonepal systems pero ako mismo, di nakaranas magkaroon ng ganyang ugnayan, e. love letters po at saka letters from friends, ‘yan ang marami-rami ako, ahehe… hindi ko po naitago lahat. :s

      gusto ko ho kayo dahil parang sanay kayong maging good boy at good man, hehe… bihira ho akong makasalubong ng gaya ninyong di nagkabisyo at di nalulong sa pagbabarkada. gusto ko ho ang mga sulatin ninyo dahil mababanaag sa mga iyon ang pagiging payak at straightforward ninyong tao.

      salamat sa pagbabasa at pagbabahagi, superlolo. πŸ™‚

      Tugon

  3. nasubukan ko dati ang makipagpalitan ng sulat, at mas exciting yon sa pagtetxt dahil sigoro mas mahabang panahon ang hihintayin.

    ang sa tingin ko lamang, kaya naman natin nagugustuhan ang isang tao dahil either marami kayong pagkakapareho o kaya meron sya na wala ka o viceversa at yon ang magpupuno ng kakulangan natin.

    eto naman ang aking dagdag linya:

    “gusto kita dahil alam kong kaya mong sakyan ang kababawan ko, ang kaadikan na pareho natin pinagtatawanan. Na sa tingin ko ay parehong bangka ang pipiliin nating sakyan sa pagtanaw ng mga nakalipas”.

    Tugon

    • hello, ani. tama ka, ang sarap ng pakiramdam pag nakakatanggap ng sulat, galing man sa kaibigan o sa nanliligaw. parang isang tipo sya ng regalo? mayroon pa akong ilang kaibigang sumusulat sa akin hanggang ngayon pero ilan na lang ang sa pamamagitan ng card at sulat-kamay pa. karamihan ay sa email na rin… :s

      oo, uli. may pagka-subjective talaga ang pagkagusto natin sa isang tao. kumbaga, hindi pwedeng itakda ang isang pamantayan para sa lahat ng tao at applicable sa lahat ng pagkakataon. di pwedeng standardized kundi costumized, ahaha…

      hmmn… nalulungkot ako ryan sa palipad-hangin mo. parang may pagka-impossible or past love na ang dating sa ‘kin (peace!). hanap ka ng bagong gusto, ahaha. ‘yong abot ka at abot mo rin at di kahirapan ang sitwasyon, kumbaga…

      darating ‘yon. talasan mo ang iyong pakiramdam, hi, hi…πŸ™‚

      Tugon

  4. wow inlababo? kaya pala may casting spell haha naisip ko lang naman yun

    ahmm ano ba?

    pwede talagang may buo sa mundo ng blogsperyo gaya ng sinabi mo ate ko marami kayong pag kakapareho pwede kayo mag usap ng mag usap kahit ano, may matutunan sya sayo at ikaw naman sa kanya ayun… hahayss ako ba? Ayaw ko na magkagusto ko haha kasi feeling ko walang nakakaintindi sa kabaliwan ko haha mayron isang nag tyaga ayun sumuko rin hehehe…

    ” gusto kita dahil sayo ko naramdaman kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal at pagpapahalaga, pero hindi rin ako makahanap ng malalim na dahilan kung bakit sa dinami dami ng sakit na naramdaman ko dahil sayo eh gusto pa rin kita”

    Tugon

    • haha! hellow, lambing, little sister… nye, hindi, dear. naisulat ko ito early august pa yata. magkakasunod sila – kainaman, close na ba tayo, itong gusto kita at ‘yong ilalathala pa lang – tungkol sa balita at sa media. haha, walang lab lab pa rito, may pagka-academic pa ang treatment sa mga ito. anlagay, e…

      ganire, last week ako nagsulat re: love topic proper, ahaha. may tatlo akong post na nagawa about lab (ano pa nga ba?). ayon ang abangan mo, hihi… gagawan ko ‘yon ng announcement, doon ang love proper, haha…masaya ‘yon, pramis. asukal…πŸ™‚

      hala, iyang palipad-hangin mo sa itaas, ganyan yata ang papaksain doon sa isang mahabang post about lab. romantic love, hehe… and why we’re never cured of it. ang kulit lang.

      basta, abangan mo ang mga ‘yon. regards sa ‘yo!πŸ™‚

      btw, gusto kita dahil ang gaan mo lang magdala ng mga dalahin, ‘ika nga. ako na ang fan, naman…πŸ™‚

      Tugon

  5. hmmmm…

    “gusto kita dahil…. ”

    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    some things are meant to be kept said in silenceπŸ™‚

    Tugon

  6. hello, haribon,

    ang dami mo ngang nasabi, ahaha. gustung-gusto mo siguro, ahaha.πŸ™‚

    btw, gusto pala kita dahil tungkol sa numbers and measurements ang formal activities mo pero ang blog posts mo ay karamihang ukol sa pagtatanim. siyempre, related sa DPSA topics, haha…

    i admire you pala, sir, kasi parang sincere ang passion mo about planting. ang karamihan kasi sa kakilala kong professionals ay parang farm-farm lang kunyari, ahehe… πŸ™‚

    Tugon

  7. ang pinakagusto ko ay…

    Gusto kita dahil parang pwede tayong magkape lang ng 3-in-1 sa may kanto..

    hahaha, simple pero swak!

    Tugon

  8. i was suppose to say this but i’d chosen to say not,
    but still can’t resist the urge… and so i’ll say,

    .
    .
    .
    .
    .
    .

    early yet to say what lies ahead…
    it’s the first day of the rest of our lives…
    can we just stop and talk awhile…
    get to know each other…
    who are we to know…?

    love could be waiting at the end…
    round that bend and so…
    let’s stop and talk awhile…

    there’s a match made in heaven…
    someone, somewhere out there…
    the one being looked for…
    may had already came upon…

    have a good day ……πŸ˜‰

    Tugon

  9. hindi pa ba sapat ang salitang GUSTO KITA?
    πŸ™‚

    Tugon

  10. first time ko tong nabasa ah may pagkaemo ka pala..hehehe..kakatuwa.aba ano pat hinihintay mo sabihin na ang dapat sabihin sa knya wag na magpatumpiktumpik pa…sabihin nang GUSTO KITA!.

    Tugon

  11. ahaha! myr, emo itong series from the post Kainaman to Tawagin ang Pulis. pero, mas marami naman dito sa site ay hindi. mas informative kinds ang karamihan dito. yon.

    sinabi ko nang GUSTO KO SYA, hi,hi. alam nya na yon. ahaha, akala mo, totoo… wala lang, in love lang ako sa ideya ng love noong time na sinulat ko ang mga ito.πŸ™‚

    Tugon

  12. Posted by lablab on Setyembre 26, 2011 at 12:16 hapon

    nice blog. this is actually my first time to visit your site and it reminds me something. awesome!

    “baket ganun ang PAG-IBIG? … kelangan mo pang mag-LOAN para magka HOUSE and LOT. :)”

    keep up the good work! I’ll follow you.πŸ™‚

    Tugon

    • hello, lablab… salamat sa pagkaligaw dito sa amin at sa compliments. pati sa pag-follow mo sa site. sana naman nga ay masulit, ahaha…πŸ™‚

      marami-rami na akong naisulat rito tungkol sa pag-ibig na yaan. when you have time, pls visit the page, may binubukbok at inaamag – lista yon ng posts at andoon ang pag-i-pag-ibig na mahiwaga, ahehe…πŸ˜‰

      btw, matagal ka nang blogger?…πŸ™‚

      Tugon

  13. Pwede rin namang “gusto kita dahil napapangiti mo ako.” Walang iba pang dahilan at walang balak alamin ang dahilan. (charot! ang harot!)

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: