I am sharing the poem below to fellow bloggers, especially to those who strongly believe that they have stories to tell and have a special way of telling them, before an audience as large as the world.
Casting a Spell
Learn a spell. It takes some time
First you must have the gift of rhyme,
New images, a melody.
Verse will do but poetry
Sometimes will come if you have luck.
Play tunes, blow trumpets, learn to pluck
The harp. The best of spells are cast
When you have written words to last,
Rich in subtle rhythms and
Right words which most will understand.
Casting a spell’s a secret skill
Which few learn fast. No act of will
On your part hands the gift to you.
Words must surprise yet ring true.
False sorcerers are everywhere
But the true magic’s deep and rare.
- Elizabeth Jennings
from the book, A Spell of Words
Macmillan, 1998
Inaanyayahan ko po ang mga kasamahang bloggers na isalin ang tula sa wikang Pilipino bilang munti nating ambag sa pagpapayabong ng wikang sariling atin ngayong Buwan ng Wika. Wala pong pabuya. Subukan lang po natin. Salamat sa inyo. 🙂
Posted by Lambing on Agosto 22, 2011 at 8:14 umaga
ate ko dinugo ako ahaha… hmmm i cant promise… pag may time sige isasalin ko yan.. pwede ba wikang lambing? lols…buwan ng wika na nga pala ahek…
Posted by doon po sa amin on Agosto 22, 2011 at 1:17 hapon
ahaha! yes, pwedeng-pwede sa malambing na wika. ganda nga gano’n… yes, buwan ng wika kaya, naisip kong um-ingles. haha, ako na ang adik.
antay ko salin mo. btw, sa sunod mong punta ng maynila, pansit cabagan, ahaha. 🙂
Posted by Dhang on Agosto 22, 2011 at 11:30 umaga
habang binabasa ko, sinusubukan ko nang tagalugin pero hindi kaya. ahaha!
Posted by doon po sa amin on Agosto 22, 2011 at 1:25 hapon
hello, dhang. kaya mo ‘yan… dito sa blogging, una nating sinosorpresa ay ating mga sarili, ahaha. aantayin ko subok mo. ingatz, mwah 🙂
Posted by kritikong kiko on Agosto 22, 2011 at 2:54 hapon
o yan ginawa ko ko request mo kahit walang premyo, lol
tignan mo na lang sa blog ko – http://kritikongkiko.wordpress.com/2011/08/22/sa-mga-salita/
Posted by doon po sa amin on Agosto 22, 2011 at 5:50 hapon
salamat, kiko. ikaw na ang maagap. ikaw na 🙂
Posted by foobarph on Agosto 22, 2011 at 3:08 hapon
really like this. 🙂
Posted by doon po sa amin on Agosto 22, 2011 at 5:52 hapon
salamat, foobarph. nalulugod naman ako, napadaan ka uli.
btw, ganoon talaga site mo, IT-related na di interactive? :c hellow sa yo… 🙂
Posted by kaye on Agosto 22, 2011 at 4:07 hapon
Ito ang aking simpleng pagsubok sa iyong hamon. Hindi ako magaling tumula nguni’t dahil buwan ng Wika, kailangan kong subukan.
Pag-aralang humabi ng orasyon. Gugugol ka ng panahon
Una’y kailangan ang angking galing sa paggawa
ng mga salitang nagtutugma-tugma,
Mga bagong ideya, isang awit
Talata’y maaari, ngunit ang tula
Kung minsa’y daratal, kung ika’y matiyaga
Humuni ng himig, hipan ang trumpeta, mag-aral patugtugin
Ang alpa. Ang pinakamahusay na orasyon ay mailalabas
Kapag nakasulat ka ng mga salitang gaano man katagal siya pa ring maibubulalas
Puno ng mainam na tiyempo at
Tamang mga salitang mauunawaan ng maraming tao
Ang paggawa ng orasyo’y may lihim na kasanayan
Na ang iba’y mabilis na natututunan. Walang ganap na kalooban
Na magbibigay sayo ng kusa
Mga salita’y dapat makamangha nguni’t dapat pa ring magsabi ng tama
Mga huwad na manggagaway ay makikita kahit saan
Ngunit ang tunay na mahika’y malalim at madalang.
Posted by doon po sa amin on Agosto 22, 2011 at 5:49 hapon
hi, kaye. para sa isang subok, pagkaganda nitong gawa mo, para sa akin… feeling ko, malapit ito sa puso mo, di lang dahil ukol sa pagsusulat, dahil harry-potter related, ahaha…
salamat, my dear. paborito ko sa salin mo-ang huling linya. cheers! 🙂
Posted by kaye on Agosto 22, 2011 at 6:25 hapon
hehe sinubukan ko pa ring gawing magkakatugma kahit papano ang salin. mahirap pala. gusto ko nga sanang itama ang mga rhymes sa kung paano pinagtugma ang mga rhymes dun sa english poem pero parang wala akong mashadong panahon para magisip pa ng mas mahaba. medyo maraming ginagawa sa trabaho at talagang sumubok lang ako. hehehe
salamat po sa magandang komento sa aking salin. ikaw naman ang magsalin sa filipino nito!
Posted by doon po sa amin on Agosto 22, 2011 at 6:38 hapon
sige, magsasalin rin ako. pero, paunahin muna natin ang iba. ang dami kayang ka-blogs na ang husay managalog dito? as in…
maganda talaga ang iyong salin. hwag nang umapela, ahaha. 🙂
Posted by kaye on Agosto 22, 2011 at 4:26 hapon
teka, bakit nga ba magpapasalin ka lamang ng tula sa Filipino, ito pa ang napili mo? curious lang po ako.
Posted by doon po sa amin on Agosto 22, 2011 at 5:57 hapon
kasi, si elizabeth jennings, kilala sa larangan ng chidren’s poetry. maigi siguro, mag-umpisa tayo sa medyo magaan lang, pero may kaugnayan sa paano pahuhusayin ang pagsusulat sa blog. yown… ahaha, ayos lang, tanong lang, kaye. 🙂
Posted by aninipot on Agosto 22, 2011 at 4:53 hapon
Paghagis ng Salamangka
Matuto ng salamangka, panahon ang ibibigay
Una’y kailangan ng alay ng makatugma
Bagong imahe, isang himig
Bersikulo ay pwede ngunit tula
Minsan kagustuhan ay darating pag may swerte
Maglaro para maisatono, hipan ang trumpeta, matutong kumalabit
Ang alpa. Pinakamahusay na salamangka ay hinagis
Kapag naisulat ang mga salitang walang kupas
Sagana sa mahiwagang ritmo
Tamang salita na maiintindihan
Paghagis ng salamangka ay kakayahang lihim
Na madaling matutunan ng iilan, walang pagsagawa ng kagustuhan
Kapag hawak na ang iniregalo
Salita’y may sorpresa ngunit sa iyo’y totoo
Mapagkunwaring salamangkero’y nakakalat lang
Ngunit ang totoong mahika ay malalim at wagas.
hehehe! subok lang ate san!
Posted by doon po sa amin on Agosto 22, 2011 at 6:01 hapon
ang ganda kaya ng subok mo? naman… subok pa lang ‘yan, ha? salamat, ani. 🙂
Posted by aninipot on Agosto 22, 2011 at 4:57 hapon
*salita’y
may typo ako..haha
Posted by doon po sa amin on Agosto 22, 2011 at 6:02 hapon
naiwasto ko na po. haha, ang huhusay nyong magsalin. kainaman! 🙂
Posted by narsmanang on Agosto 22, 2011 at 5:04 hapon
eh, kakaririn ko muna itong tulang ito kaya male-late ang comment. hehehe. 🙂
Posted by doon po sa amin on Agosto 22, 2011 at 6:04 hapon
oo, ba? balik ka, narsmanang. antay ko ang salin ng isang taal na bulakena, haha. 🙂
Posted by narsmanang on Agosto 24, 2011 at 11:42 hapon
Matuto ng mahika. Gugugol ka ng oras.
Una ay kailangan mo ng karunungan sa pagtutugma,
Bagong imahe, isang himig.
Ang talata ay katanggap-tanggap ngunit ang tula
Ay dumarating kapag ikaw ay may swerte.
Tumugtog ng mga awitin, hipan ang pakakak, matutong kalabitin
Ang kudyapi.Ang pinakamahusay na mahika ay bigkasin
Kung naisulat mo na ang mga salita na walang hanggan,
Puno ng mahihinang tugtog
Mga tamang salita na karamihan ay maiintindihan.
Pagbigkas ng mahika ay isang lihim na katangian
Na iilan lamang ang mabilis na natututo. Walang ganap ng kasunduan
Na nasa iyong magkahiwalay na kamay ang ireregalo sa iyo.
Mga salita ay gigitla sa iyo ngunit ito ay totoo.
Mga huwad na salamangkero ay nagkalat.
Ngunit ang totoong salamangka ay malalim at bihira.
–sobrang pasensya na, lalo na sa no act of will… wala na talaga akong maisip eh, parang maisalin na lang sa tagalog. pero i tried my best, promise. hehe. hindi nga lang tunog makata, pero tagalog naman.
maligayang buwan ng wika! 🙂
Posted by doon po sa amin on Agosto 25, 2011 at 12:06 umaga
hello, manang. salamat sa pagtupad ng iyong pangako. appreciated po.
hala, ba’t may excuses? ayos ‘to. gusto ko sa mga salitang ginamit mo sa pagsasalin – pakakak, gigitla at bihira.
nagagandahan ako sa sali mo at alam ko, nag-try ka ng best. salamat… 🙂
Posted by narsmanang on Agosto 25, 2011 at 11:08 hapon
hehehe. favorite word ko yung pakakak na yan, ginagamit namin ng kapatid ko once in a while. hahaha. aliw. yung sa kudyapi, medyo nandaya ako kasi ginugoogle ko yun, hindi ko kasi alam ang tagalog ng harp eh. thanks po sa pag-appreciate. hehehe. 🙂
Posted by doon po sa amin on Agosto 27, 2011 at 4:06 umaga
ngayon ko lang uli narinig/nabasa ang pakakak, manang. sobrang tagal ko nang di nakakasalubong. buti’t alam nyo pa ang salita, ahaha… happy weekend and long holidays! 🙂
Posted by Dhang on Agosto 23, 2011 at 8:41 umaga
Mahika’y Likhain
Ang mag-aral ng mahika’y gumugugol ng panahon
Kaloob sa tugmang-tinig unang kuwalipikasyon
Mga bagong imahe, iisang himig
Maari na sa bawat taludtod ay tula
Ito ay darating, ikaw ay mamamangha.
Laruin ang tunog, hipan ang trumpeta’t tumipa
Ang kudyapi. Pinaka-mahusay na mahika’y bigkasin
Kapag iyong naisulat ang mga salita’y wagas,
Mga ritmo ay masagana ring mamamalas
At ang tamang salita marami ang makaunawa.
Ang paggawa ng mahika ay isang lihim na talento
Na kakaunti lamang ang madali na matuto. Kung wala ang pagkagusto
Ang katangian na nasa kamay mo
Masusurpresa ka sa mga salitang totoo
Nagpapanggap na mananambal sa mundo ay nagkalat
Ngunit ang tunay na mahika ay nakabalot sa hiwaga at natatangi.
========
Ayan na ang subok. 🙂
Mailagay nga din ito sa blog ko. Haha!
Posted by doon po sa amin on Agosto 23, 2011 at 4:47 hapon
salamat, salamat, dhang. tunay, ako’y nasosorpresa sa inyong mga pagtatangka… akalain mo, subok pa lang yan? ahaha…
gusto ko mga salitang nakita ko sa ‘yong salin: taludtod, kudyapi at ritmo. ikaw na! 🙂
Posted by Haring Ibon on Agosto 23, 2011 at 9:10 umaga
share ko lang:
Casting a Spell
Paghahabi ng mga Bulong
Learn a spell. It takes some time
Ibayong panahon ay gugulin, kaalamang mahikal ay kamtin,
First you must have the gift of rhyme,
Nararapat hangarin, lantay na diwang pagbaybay angkinin,
New images, a melody.
Sa pagpaimbulog ng panibagong wangis, kalinsabay ay ang mabining himigin,
Verse will do but poetry
Bawat anyo ng mga kataga, taglayin ang talata ng mga tulain,
Sometimes will come if you have luck.
Wala man sa hinagap, mabibigyan katuparaan ang mithiin,
Play tunes, blow trumpets, learn to pluck
Damhin ang liryo ng mga nota, hipan ang trumpeta, harpa ay kalabitin,
The harp. The best of spells are cast
Sa pagpaimbulog ng musika ng Alpa, pinakamahusay na bulong ay bigkasin,
When you have written words to last,
Sa kaganapan ng mga paglalahad ng mga kataga, sa dakong huli’y mamalasin,
Rich in subtle rhythms and
Natigib sa karangyaan, napuspos ng hiwaga ang ritmo ang damdamin,
Right words which most will understand.
Ang natatanging kataga’y lubusang unawain.
Casting a spell’s a secret skill
Ibayong kaalamang lihim sa paghabi ng bulong taglayin,
Which few learn fast. No act of will
Maraming sumubok at di nasumpungan. Maraming nakatakdang biguin,
On your part hands the gift to you.
Tanging sa iyong mga kamay, ipinagkaloob ang takdain,
Words must surprise yet ring true.
Hindi inaasahan subalit magaganap, magtutupad ang layunin,
False sorcerers are everywhere
Uusbong ang mga bulaang dalubhasa, hangad ika’y linlangin,
But the true magic’s deep and rare.
Sa kaganapan, bukod at natatanging galing, ang atas sa iyo ay tuklasin.
Posted by doon po sa amin on Agosto 23, 2011 at 4:56 hapon
kainaman, haribon. salamat ng marami sa madamdamin mong salin. 🙂
wala akong masabi, iba rin nga ang habi ng natutong magburda, ahaha. gusto ko ang paggamit mo ng mga salitang natigib, takdain at atas. ikaw na ang taal na tagalog… 🙂
Posted by Casting a Spell « Haribon's Blog on Agosto 23, 2011 at 9:30 umaga
[…] https://may11apr1940.wordpress.com/2011/08/21/sa-mga-salita/#comment-1624 […]
Posted by Haring Ibon on Agosto 23, 2011 at 9:31 umaga
i also took the liberty of posting this on my blog 🙂
http://haringibon2011.wordpress.com/2011/08/23/casting-a-spell/
cheers!!
Posted by kritikong kiko on Agosto 23, 2011 at 1:49 hapon
magaleng!
Posted by Haring Ibon on Agosto 23, 2011 at 2:45 hapon
thank you sir 🙂
Posted by doon po sa amin on Agosto 30, 2011 at 12:22 umaga
mga ka-blogs, silipin nyo po ang salin ni haribon na nakapaskil sa kanyang blog. mas maganda po ang bersyong andoon – tuluy-tuloy ang salin at di line by line. ang gandang basahin, pramis. salamat. 🙂
Posted by -=cuteberl=- on Agosto 23, 2011 at 3:17 hapon
cge mukhang mahihirapan ako dito ah…
Posted by doon po sa amin on Agosto 23, 2011 at 4:58 hapon
hi, cuteberl, salamat sa pagdaan at pag-iiwan ng bakas.
antay ko ang iyong salin. siyanga pala, dalawang inhenyero na ang lumahok. ikaw ang pangatlo, kung sakali… kaya mo yan, pangako. 🙂
Posted by Ang Tambay na si Warren on Agosto 23, 2011 at 8:57 hapon
pabangisan at tagisan ng mga salita…galing ninyo guys..
Posted by doon po sa amin on Agosto 24, 2011 at 8:45 hapon
oyy, warren, sali ka rin sa translation pag may time ka. para masaya rin….
salamat uli sa pagdalaw at pag-iiwan ng comment. 🙂
Posted by mmc.XD on Agosto 24, 2011 at 1:19 hapon
Waaa. Lubhang napakahirap tagalugin ng iyong ibinigay..
‘just roaming around. Glad to have dropped by here :))
Posted by doon po sa amin on Agosto 24, 2011 at 8:50 hapon
hello, mmc. salamat sa pagkaligaw banda rito. sana’y makabalik ka uli minsan… 🙂
sa biglang tingin, parang mahirap isalin. pero, hayan, ilan na nagtagumpay, ahihi… 🙂
Posted by mmc.XD on Agosto 26, 2011 at 10:22 umaga
Ikalulugod ko ang pagbisitang muli sa iyong tahanan 🙂 Sana’y maliugaw ka rin sa aking pahina paminsan ^^
Akin ding susubukan ang gumawa ng bersyon 🙂
Posted by Joyo Marin on Agosto 24, 2011 at 2:42 hapon
tama true magic’s deep and rare! yung mga karapat dapat lamang ang nakakatagpo ng mga yan. 🙂
sana maasikaso ko itranslate yan… pwede bang ikonsulta kay gugol? 😆
Posted by doon po sa amin on Agosto 24, 2011 at 8:47 hapon
hello, hello, joyo… sana, makatagpo ka ng oras para magsalin. sige, consult ka kay gugol, para madami kang tawa, haha… 😉
antay ko, ha… musta? 🙂
Posted by -=cuteberl=- on Agosto 24, 2011 at 3:51 hapon
Eto na po… pwede ko bang iposte sa blog ko ito….
Casting a Spell
Pagbibigkas ng Salamangka
Learn a spell. It takes some time
Natuto ka ng Salamangka. Ang tagal din noon
First you must have the gift of rhyme,
Una, kailangan mo ng biyaya ng ritmong itutugon
New images, a melody.
Bagong imahe, isang melodiya…
Verse will do but poetry
Ang mga versikulo ang bubuo ng isang tula.
Sometimes will come if you have luck.
Maswerte ka kung makakamtam mo ang mga ito
Play tunes, blow trumpets, learn to pluck
Tutunog ang musika, mahihipan ang trumpeta kung pagtitiyagaan mo
The harp. The best of spells are cast
Magiging mabisa ang salamangka kung babanggitin ito ng walang hanggan
When you have written words to last
Makakagawa ka ng mga salitang magtatagal hanggang sa katapusan
,
Rich in subtle rhythms and
Punong puno ito ng mga kakaibang tunog at ritmo
Right words which most will understand.
Meron din itong mga tamang salitang maiintindihan ng bawat tao
Casting a spell’s a secret skill
Ang pagbibigkas ng salamangka ay isang sikretong kakayahan
Which few learn fast. No act of will
Kokonti lang ang saglit itong natututunan. Minsan pagkilos ay di na kinakailangan.
On your part hands the gift to you.
Sa iyong mga kamay isang biyaya itong pinagkaloob sayo
Words must surprise yet ring true.
Mga salitang bubulaga at magsasabi ng tunay mong pagkatao
False sorcerers are everywhere
Marami sa mundo ang manggaya ng mga salamangka mo
But the true magic’s deep and rare.
Pero malalim ang tunay na salamangka at piling pili lang ang meron nito. Katulad mo…
Posted by doon po sa amin on Agosto 24, 2011 at 8:53 hapon
hello, cuteberl! hala, eto na nga. salamat sa iyong pagpapaunlak na sumubok isalin itong tula. mabuhay ka. 🙂
oo, siyempre, pwede mong i-post sa site mo. yessir! salamat, salamat…
Posted by kengkay on Agosto 25, 2011 at 1:30 hapon
an dami ng nag translate at ang gagaling nila. bulol akong magtagalog e, hindi ko kakayanin yan 😀
Posted by doon po sa amin on Agosto 26, 2011 at 12:20 umaga
hello, kengkay… salamat sa pagdaan at pagbasa. magagaling nga ho sila.
ei, pwede po sa pagsasalin ‘yong tagalog nyo, parang medyo slang na medyo modern. kanya-kanya naman pong paglalapat. 🙂
sana po, nasa mabuti kayo at ang pamilya. 🙂
Posted by aubu22 on Agosto 27, 2011 at 8:49 umaga
nalula ako sa madaming sumubok na magtranslate, hehe, makagaya nga, 😛 abangan, haha
Posted by doon po sa amin on Agosto 27, 2011 at 9:11 umaga
hi, aubu!
aba, pwedeng-pwede, aantayin namin ang subok mo. hanggang sa aug. 31 naka-banner sa homepage itong Sa Mga Salita.
happy holiday! 🙂
Posted by aubu22 on Agosto 28, 2011 at 10:09 umaga
Tsaran!dahil sa paanyaya mo, nagkaroon ako ng instant blog post!salamat! 🙂
Paghahabi ng salamangka
Mag-aral ng mahika, ito’y pagtuunan ng panahon
Una ay dapat, may taglay na pagtutugmang dunong
Isang bagong imahe, isang musika
Taludtod ay maari subalit ang isang tula
Minsana’y dumarating kung ikaw ay pinagpala
Maglaro ng himig, hipan ang trumpeta, matutong kumalbit ng gitara
Gamit ang alpa, usalin ang makapangyarihang salamangka
Kung ika’y humabi ng mga salitang mananatili magpakailanman
Punuin ang ritmo ng kahiwagaan
Tumpak na salitang mauunawaan ng sangkatauhan
Ang salamangka ay isang lihim na kakayahan
Na pili lamang ang makakaalam at hindi bata’y sa kagustuhan
Sa iyong palad, matatagpuan ang regalong handog
Mga salita sa iyo’y mumulagat subalit magniningning ng taos
Matatagpuan saanman, bulaang manggagawa
Subalit ang dalisay na mahika’y pambihira at tunay na mahiwaga
– AuBu, the odd one out, since 2009
Posted by doon po sa amin on Agosto 30, 2011 at 12:28 umaga
hello, aubu… mas maraming salamat sa iyong pagpapaunlak. natuwa naman ako… 🙂
gusto ko ang mga salitang nasa salin mo – pagtutugma, usalin at mamulagat. tagalog rin kayo (ng pamilya mo)? ask lang, hihi… 🙂
salamat uli. happy end of ramadan. hope you’re enjoying the extended weekend…
Posted by aubu22 on Agosto 30, 2011 at 8:34 umaga
walang anuman po!nasiyahan ako sa pagsasalin kahit nakurta ung utak ko kakaiisip ng translation, haha,
ang ermat ko po ay waray at ang erpat ko ay caviteño (hindi ko alam kung tagalog ang salita doon, hehe) pero lumaki po akong tagalog ang ginagamit tapos may onting waray,
kayo din po!enjoy the long weekend!sana laging holiday!haha^^
Posted by doon po sa amin on Agosto 31, 2011 at 9:30 hapon
haha! nakurta ba? oo, parang mahirap ngang isalin. akala mo sa biglang tingin, madali. pero, hindi. but then again, namangha ako sa huhusay ninyong mga nagtangka. ang gagaling nyo!
ah, tagalog na may wisik ng waray, owki… 🙂
salamat, medyo na-enjoy naman. medyo busy. hope yours was swell.. 🙂
Posted by sphereq on Agosto 27, 2011 at 11:31 hapon
aw ipagpaumanhin mo alam mo naman na hindi ako mgaling sa mga ganyan pagtratranslate bka kung san mpunta ang tula bka iba klabasan hahaha
may hika ako pero wala akong mahika:-)
Hello San:-)
Posted by doon po sa amin on Agosto 30, 2011 at 12:34 umaga
haha, ano kaya kalalabasan pag ikaw nagsalin? ahaha… kaya mo ‘yan… collection of poetry for children kaya pinanggalingan ng tula? naman.
aw, pwede ring tumula ang mga may hika. gawan mo ng medyo upbeat na translation, ahaha… 🙂
hello, naghahanda rin ba mga pinoy dyaan pag end of ramadan? teka, mamaalam ka na ba sa panahong mahabang-mahaba ang tulog? 🙂
Posted by Joyo Marin on Agosto 28, 2011 at 5:39 hapon
Pagtipa ng mahika, sa oras ay mamumuhunan ka
Tamang indayog ng mga tugma ang unang iiamba
Hikbi ng makinilya ng mga ideya, hatid ay musika
Huhuni ang mga talutod, hihimig ang mga tula
Kapag sumipol ang swerte nang kusa
Makipaglaro sa tono ng damdamin sa saliw ng trumpeta,
Kalabitin ang silindro ng mga letra…
Sining ng mahikaý mabisa kapag akma ang bawat bitaw ng mga kataga,
Ritmo ng mga dalisay na salita ang siyang hahaplos sa madla
Abang salamangka, sa bawat isa ay nakatagong sadya
Nakakapansin ay bihira, mangilan lang ang natutong kumapa
Malikhaing biyaya sa mga kamay mo mismo mahuhulma
Babatinting ang pagkamangha sa tining ng makatotohanang salita.
Huwad na salamangka kahit saan ay nagpaparada
Subalit ang totoong mahika’y kahit nasa isang tabi, kikislap nang pambihira.
rakenrol! \m/
Posted by doon po sa amin on Agosto 30, 2011 at 12:42 umaga
rakenrol, joyo!
pramis, ang saya ko, ika’y lumahok. abot-tenga ngiti ko, ahihi…
salamat sa ‘yow… 🙂
gusto ko mga ss na salita sa iyong salin – indayog, iaamba, hihimig, silindro (ng mga letra), bitaw, babanting at kikislap. teka, parang andami yata? haha…
halata bang nagustuhan ko iyong salin? sana, di napansin ng iba 🙂
musta na you? salamat uli. happy end of ramadan… 🙂
Posted by hitokirihoshi Jr. on Agosto 31, 2011 at 5:35 hapon
wow may challenge pala dito. kaso mukhang pag nagawa ko ‘to tapos na ang buwan ng wika. hehehe
mabuhay! para sa akin ibang klaseng target market ang mga bata lalo na kung sila ang puntirya mong sulatan.
Posted by doon po sa amin on Agosto 31, 2011 at 10:14 hapon
ahaha! salamat sa pagdalaw uli, hoshi! pasensya, di ako gaanong nakakapag-bloghop for more than a week na yata. medyo naging busy sa personal na mga bagay-bagay. hamo, hopefully, dadalaw ako sa inyo itong coming days…
oo, kakatuwang magbasa ng children’s lit, sinabi mo pa… hope your long weekend was fun! ingat… 🙂