Close na ba tayo?

image of formula for closeness

May formula nga kaya?/ oocities.org

 

Pagkatapos ng backread, ano na? Close na ba tayo? Di nga?…

 

Backread. ‘Yan ang dramarama ko pag hapon o early evening. Naghahalukay-ube ako sa archives ng ilan sa ka-blogs, sa inyong bahay-bahay. Natutuwa naman ako, so far, sa mga anik-anik na nakikita ko ro’n. More or less, sampong bahay o sites na ang natapos ko sa loob ng mga sampong buwan. Ano’ng nakita ko ro’n? Hmmn… Na ang mga tao pala ay parehong simple at komplikado. Parang…

 

Ganito kasi ‘yan. Do’n sa sinulat kong Ang Bagong Betamax, sinabi kong mahalay mag-blog, as in… Kasi, kako, sa blog dyan yata natin inilalagay ang ating mga pagmumuni-muni, kababawan, galit, kaadikan at fantasies. In short, sa pagsusulat sa blog, we let others have a look at our most intimate sidesCuriously, ipinapakita at ipinababasa natin ang ang mga ‘yon sa mga taong di natin kilala o di pa natin nakikilala.

 

Sa kabilang banda, aba e, naninilip din naman tayo sa blogs ng iba, sa mga gano’n nila. Hoping tayo na sa inaraw-araw na buhay kung saan obligado tayong sumunod sa mga kalakarang tila lihis, di-tama o di natin maintindihan, dito sa blog ay makakakita tayo ng medyo iba naman. ‘Ika nga natin, ‘yong walang pretensions.

 

Sulat tayo at basa. ‘Yon, blog life raw ang tawag sa gano’n, ahaha. And, I’d say that for the most part, hindi naman siguro tayo disappointed. Hi,hi, at least ako, hindi. Nakita ko naman sa pag-iikot-ikot na the ka-blogs tried to disclose as much as they can, as you can, sa mga sulatin nila, ninyo. Daring ang ganitong ginagawa nyo, natin, kung tutuusin.  Dahan-dahang naghuhubad sa blog at isa-isang ipinapakita sa publiko, hindi lang ang mga bilbil at taba, kundi pati mga galos at sugat.  At sa mga taong di pa natin kakilala, patatawarin!

 

So, ayon. Sa kabilang banda, tila desperate at  pathetic itong pinaggagawa natin. Ang layo na nito sa bilin sa atin ng ating mga magulang, “Don’t talk to strangers.” Haha, we’re in fact talking to strangers and about our most private longings, at that. Hala! Wala na bang happenings sa mga totoo nating buhay kaya sa blog sites na tayo gumagawa ng gimmicks at usap (Excuse me po!)? Pwedeng oo. Pwede rin namang hindi. Pero, tila aminado tayong pare-pareho: may kulang.

 

Iyong mga kulang na iyon, na tatawagin kong mga gatlang at patlang, tila ang mga iyon ang nagpapaandar sa atin para magsulat ng blog entries. Tama ba? Haha, mga gatlang at patlang sana ang title nitong post pero baka sabihin na naman ng iba sa inyong ang seryo-seryoso ko… Kaya ‘yon, may mga gatlang at patlang sa buhay-buhay natin. Chos! At lagi naman yata. Kumbaga, sa history ng tao at sa nararanasan natin, parang laging may ganyan. Kainis, pero parang gano’n.

 

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

 

Fill in the blanks kaya ang pagba-blog? Pwede. Pero, pwede ring enumeration. Pwedeng lecture (di lang sure kung marami ang makikinig)Pwede ring multiple choice. Pwede rin namang True or False. Pwedeng essay (Shit, hindi pwedeng mangopya!). Pwede ring match column A sa column B. At pwede ring connect the dots. Maraming pwede. Pero, alam na yata natin ‘yon. O, hindi? Joke lang!

 

00000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

 

So, ano na? Ang point ko lang… Teka, may point  ba ako? Actually, hindi ko sigurado, lols! Ganito ‘yon, may naisulat ako dati, Baka Sakali ang title. Tungkol ‘yon sa animal husbandry. Haha, tantyado ko sa umpisa pa lang na hindi iyon ang tipo ng babasahing papatok sa ka-blogs. Baka may mga tatlong ka-blogs na nagbasa no’n, baka sakali (pun intended). Ang bida ro’n sa pagkahaba-habang post (na pati ako, nag-nosebleed) ay ang baka. Beast of burden ‘yon, doon sa amin. Wala lang. Sabi ko lang do’n sa post na pag may alagang baka, baka increased ang chances na may makapagtapos ng pag-aaral sa pamilya. Ahehe… ‘Yon ‘yon.

 

Para saan ‘yon? May point ba talaga? Para iyon sa isang ate ko at sa kuya kong nag-alaga ng baka noong maliit pa ako. Sila, nakaranas ng gawaing iyon, ako hindi. Minsan, nakikisalibuyboy ako sa pagpapakain o sa pagpapainom ng baka. Pero, hanggang doon lang. At ngayong matatanda na kami, gusto ko lang sabihin, in so many words, in thousands of words, in fact, may ideya ako kahit paano na mas mahirap ang buhay na pinagdaanan nila. Talk about being roundabout. Ako na ang hindi makapagsabi ng diretso. Ako na.

 

There are so many ways to skin a cat daw, to approach a problem, to say I love youI hate you, Sinaktan mo ako, You move me, Wala akong pakialam, Kaya natin ‘to – at iba’t iba pang mensaheng gusto nating ipaabot,  across the universe. Kung minsan yata, para lang ‘yon sa taong across the room, di nga. Hahaha at haha pa rin. Ang loser lang. And yet, am still hoping (I don’t know about you) na makakarating, na may mangyayari. Mukhang tanga lang.

 

Kaya pagkatapos kong mag-backread, ano na ang kasunod? Kung site mo ‘yon, will we become fast friends?  Ibig sabihin ba no’n, kilala na kita? Close na tayo? Hindi rin. Baka lalong hindi. Baka mas mabuti pang hindi ko sininsin ang pagbabasa sa bloghay mo. At least, pag gano’n, baka posible pang meron akong maihirit sa comment box mo. O, kawayan kita sa YM, maglalakas-loob ako. O, i-email kita, sabihin ko, ‘Naman, you know me so well. You heart me talaga.’

 

Pero dahil nga nag-backread ako, hindi ko na ganoon kadali magagawa ‘yon. Maninimbang na ako. Naks, naman… Papasok na ‘ata yong sinasabing pagsasa-alang-alang? Consideration, sa Englishin. Tapos, respect. Yown, naman! Parang di maiiwasan, di nga. Nagkaka-ideya na akong may iba pang gustong ipahiwatig ang ka-blog –  ikaw, kayo – lampas sa mga isinulat. Panghuli, ang reciprocity. Naman. Ang tanong dyan, nagba-backread ka rin ba sa site ko? Maski isa o dalawang posts lang sa isang buwan? Weh?  Oiieee, ‘yon yata ang parteng tricky.

 

image of two cats close to one another

Alin ang mas madali - ang lumapit o mapalapit?/aesculapius.net

 

So, ‘yon nga. Iisipin ko na ang mga pwedeng maramdaman o reaction ng tao sa kabilang dulo. Titimbangin ko ‘yon versus my own, ‘ika nga. At eto, may tao. Wish ko minsan, wala. Pero, wish ko rin, sana mayro’n. Sana, totoo… Ano ba talaga? Ang adik lang, pramis.

 

So, eto na nga. Sa pagba-blog, some of us may seem to be trying to scratch or see through the surface. Some of us may seem to be leisurely exploring the middle. Some of us may seem to be coming up from the bottom, after inhaling so much shit in the deep part.  Pero ‘yon ‘ata ang point do’nthat the operative word is seem. We never know for sure unless and until… And even then and even after… Heck, you never knew before this that I can talk shit and spell it, too!?! He, he… baka akala ko lang ‘yon?

 

Wala talaga akong point. Weh, dapat meron? Keyr ko?  xD

 

30 responses to this post.

  1. base!

    natuwa ako don sa formula🙂

    Tugon

  2. ayun… sana marami akong oras para mag back read haha.. eto lang kasi yun teh..kapag intresado ka sa isang tao at gusto mo mag reach out kikilalanin mo mabuti ang isang tao at mag iinvest ka ng panahon magbasa sa kung san man sya nagsusulat… who knows magkasundo kayo? para masabing close na tayo… ahehehe tama ba comment ko oh windangers pa rin ako hanggang ngayon…

    ayun masarap mag blog masarap din mag blog hop… tama yun sinabi mo parang binubuksan mo na sarili mo sa mga hindi mo kakilala.. pero kase naman minsan mas gugustuhin mo nalang magsulat kaysa mag wento sa mga kakilala mo mamaya aasarin ka pa na ang corny mo! hahaha.. kaya yun! at ang haba daw ng comment ko… so pano close na tayo nyan? hehehe mwah! ♥

    Tugon

    • hello, lambing! mwah, mwah!🙂

      yon nga ang dahilan ba’t pag may time ako e, nakikinig at nagbabasa ako sa site mo, haha. gusto ko ang mga windangers mong music na madalas kong naririnig sa mga paradahan ng tricycle, hihi. aba, naba-balance naman ‘yon ng iyong light na mga kwento at kakesohang tamang-tama lang. btw, hindi ba dapat sa fan mail ko sa ‘yo ito ilagay? *wink*

      tama ka ryan, noong nabasa ng sister ko ang post kong Kung Tapos Na ang Lahat e, sabi nya, saan ko raw nakuha ‘yon? Kasi, magkasama kami no’ng time na sinusulat ko ‘yon at alam nyang gaga at mababaw lang ako no’n. you’re right, ilagay sa blog lahat ng kakornihan para pag sa real life, mukhang cool lang, ahehe. teka, parang andami na nating kwento? hmmn, parang close na nga ‘ata tayo? haha…🙂🙂

      Tugon

      • ahaha napapabalik ako teh.. parang ang sarap gumanti dun sa dalawang mwah! lam mo na…

        Lambing lang ang katapat ko😉

      • ahaha… natats me much! younger sister na kita.🙂

        btw, mamaya, uutusan na kitang magsaing, ahaha. pwede ang mga gano’ng lambing?… btw, kapeng 3 in 1 lang, pwede nang pansuhol sa ateng masungit.🙂

  3. WAT DA?! san mo nakuha to???

    ito yun formulang gamit ko nuong bata pa sa totoy birdie😛

    i’ll breakdown the formula ha:

    Closeness = Oneness over all the summations of derivatives pertaining to love😉

    KAINAMAN!!!

    Tugon

  4. WAT DA?!
    san mo nakuha to???
    ito yun formulang gamit ko nuong bata pa si totoy birdie
    i’ll breakdown the formula ha:
    Closeness = Oneness over all the summations of derivatives pertaining to love

    KAINAMAN….. ikaw na ang ADIK😛

    Tugon

  5. hi, haribon. sa google images ko lang nakuha, hihi… ako na ang swerte.🙂

    teka, sino si totoy birdie? di nga…

    gano’n? talaga palang may ibig sabihin? ang galing naman… tungkol sa isang sofware for sociology ang site na pinagkuhanan ko nyan. may discussions on coefficients -coefficients, hehe…

    naman, ngayon mo lang pala napansin…🙂

    Tugon

  6. s formula talaga ang closeness.haha

    Tugon

  7. hmmm parang nakukuha ko ang point mo kasi parang di rin masyado. hahaha nag-information overload ata ako. wahehehe

    oh well sa akin ang blogging ay outlet, communication and unexplainable social life.
    usually ang backread na ginagawa ko ay yung kung ano ang makikita ko sa unang page at kung may mahagip akong interesting na title somewhere sa blog. ang sa akin espesyal sa akin ang mga bloggers na marunong mag-appreciate at accommodating.
    basta yung inilalagay ko sa blogroll ko sila na halos yun, hindi naman ako basta-basta naglalagay ng link. yun lang.siempre yung doon po sa amin eh nakiki-amin na rin ako. heehhe

    mabuhay!

    Tugon

  8. mabuhay, hoshi! salamat sa parang comment mo, hihi…

    gusto ko ang sabi mong ito, di nga:

    “oh well sa akin ang blogging ay outlet, communication and unexplainable social life.”

    ako naman, ang gusto ko sa site mo ay para itong mabilis o fast-paced na may laman naman. kumbaga, hindi masyadong nag-i-inarte pero pili rin naman ang inilalagay. yown.

    gusto ko rin yong ka-blogs na ma-appreciate at accomodating. yong parang friendly and sweet din yata sa real life. pero, marami ring suplado’t suplada, ahaha…🙂

    Tugon

  9. “In short, sa pagsusulat sa blog, we let others have a look at our most intimate sides. Curiously, ipinapakita at ipinababasa natin ang ang mga ‘yon sa mga taong di natin kilala o di pa natin nakikilala.”

    when i started blogging last year, my intention was just to let go of my emotions. nung time na yun may pinagdadaanan ako (some sort of depression, brokenheartedness, loneliness). i needed some outlet else hindi ko kakayanin. im not the type who shares problems with friends, sobrang reserved ako pag ganyan, saka sa knila kasi masayahin ako (can read my post yung “sad clown” :)).i thought of writing my thoughts. parang e-diary na din.so i wrote and wrote as frequent as i could. nagulat ako one day, someone from India commented on my posts. may nag email pa nga from Africa then sa US.. kaya most of my posts then were in english kasi puro sa non-pinoys yung nagbabasa ng posts ko. until eventually may pinoy na and ayun naging chain reactions na sya. natuto na din ako ng blog hopping at paiba iba ng themes. at dumami ang naging friends ko dito. yes, i call them my blog friends. may iba na naging close ko na din as in nakakausap ko about personal stuffs. these “friends” inspire to write and share my world at least kahit hindi kami magkwentuhan ng personal, they know my thoughts, they know what’s going on with me, and vice versa. nagiging habit na din yung pagpasyal sa mga bloghays nila to know what’s new with them. nakakatuwa when people pass by my blog and leave comments. kasi feeling ko may bago akong “kaibigan”. that’s how i take this blogging.. making friends and reaching out to others outside my world. stranger man sila o hindi, they are welcome. i write with honesty and humility kaya wala naman ako dapat ikahiya.

    other than Manong, wala pang me nakakaalam sa mga close friends ko na me blog site ako hindi ko din nilillink sa FB, iba din kasi yung mundo ko dun.

    so kung tatanungin mo ko kung close na tayo? hmmm… maaring hindi pa. but i already consider you a FRIEND kasi nararamdaman kita (parang multo ba.. hehe) sa mga posts mo at sa mga pagdaan mo sa bloghay ko. at hopefully mas lumalim pa yung blog friendship as time passes by🙂

    napahaba ata comment ko.. hehe.. bye na for now.. last episode na kasi ng “Minsan lang kita iibigin” kelangan magconcentrate muna sa TV.. hehehe.. mwah🙂

    Tugon

    • hello, ms. greenbellpepper, kumusta?

      i took my time answering your comment. for one, i didn’t know that someone would actually comment in this way and this long. tapos, somebody did and by golly, ikaw ‘yon. ahehe… medyo stupefied ako rito, di nga.🙂

      na-appreciate ko ‘yong sabi mong you were depressed and yet, you could not share your feelings with people close to you or around you as they have a different image of you. ‘yon, parang nakuha ko ‘yon. hmmn… parang.

      actually, may isa akong naisulat before na post dealing with that phase in a person’s life. the title is Isang Araw… in it, i tried to be a bit positive, saying that one day, the person’s going to snap out of that pit and take life and living a little more cheerfully. yon naman.

      yes, the blogworld is a bit different. it’s a hub of sort where you meet all kinds of people. and yes, one comes across those whose presence are light and sunny. at nakaka-cheer to know that yes, we’re all trying to reach out and make friends. hindi man ganoon kadali, meron ding samahang nadi-develop at habang tumatagal, parang naiitsurahan mo/ko na rin ang mga taong kakwentuhan lang online.

      aliw ako do’n sa sabi mong di naka-link sa FB ang blog mo at tila may iba’t ibang compartments para sa iba’t ibang set of friends, tama ba? haha, pag close na tayo, tatanungin kita tungkol dyaan, mrs. GBP.

      kung di pa man tayo close sa ngayon, iyon siguro ay dahil kai-kailan pa lang naman ako nagdadalaw sa may inyo. at feeling ko, ang swerte ko na around the time na binding and settling kayo ni manong, saka ako napapunta ro’n. kumbaga, ang gandang episode ng naabutan ko, ahaha.

      and yes, magba-backread ako ro’n. magiging close tayo kase mahilig ako sa taong bright ang face, di nga…🙂

      Tugon

  10. May flash lng kaya mukhang bright ang aking face. Haha. Nphaba nga yung comment ko. Thanks for taking time to drop by my blog and read my posts. Gusto ko din ibackread ung mga posts nyo kya lng mdalas kulang ako sa oras, basta i’ll do that one day para mas makilala ko pa kayo at maging close na tayo🙂

    Tugon

  11. ah, basta, ms. GBP, bright-faced ka for me. tsaka ang ganda mo kaya no’ng wedding day? ahaha. tapos, ang tangkad ni manong, ala akong masabi… kayo na ang pinagtiyap, kayo na🙂

    oks lang ‘yon, di rin naman ako madaming mag-backread, 2 to 3 posts lang sa bawat daan sa isang site. take your time sa pagbabasa dito. napagkwentuhan ka nga namin one time ni sphere. kako, parang sunny ang disposition mo. tapos, may i agree sya without objection man lang. tama ba ‘yon? hehe…

    ba’t may nyo at kayo? bata pa me, as in, nauutusan pa akong bumili sa tindahan, pramis. pinabili nga ako ng coke sa tindahan kanina? 2 coke sakto – wa poise, hehe.

    happy week sa inyo ni manong! salamat sa pagdalaw uli…🙂

    Tugon

  12. “… isa-isang ipinapakita sa publiko, hindi lang ang mga bilbil at taba…” *gasp* *faint* I hope that’s not what you see when you’re reading my blog!

    Blogs often reveal a lot about the personality of its author. It’s easier for us to write and reveal ourselves, probably because we think, “Oh, it’s not like I’m not going to face my readers anyway!” Some of us are careful in what we reveal because we have this feeling of getting discovered by people who know us in person.

    The good is that we make good friends though our blogs. I found you, for instance. And between the public comments and the private emails, I think I can say, “Close na tayo.”

    PS: I think this is the post with the most number of English words.

    Tugon

    • hello, nadia… no, i usually see well-toned muscles and moisturized skin in your blog and it gladdens me like you don’t know how. it’s always refreshing to visit a site sans the hang-ups, the bitterness and the galit-galitan, ahaha… parang pagkain ng dessert ang pagbabasa sa site mo – ‘yan naman…

      yes, you’re right about the bloggers’ tendency to be open as blogs provide us with anonymity. and yet, there is also that consideration by us, bloggers, about being so open that we might actually be known or discovered, as we are. talk about double quandary…

      ayon nga ata ang magandang ani rito sa blog – nagkakaroon tayo ng mga kaibigan. kahit sabihin pang virtual, darating din sa point na tatawirin natin ang threshold at mag-uumpisa tayong tumahak sa landas na totoo na.

      to think na nagkatagpo nga tayo? ahaha, i’d say na mataas ang odds, magaling ang matching ability ng blogosphere. sabihin pa, e, close na nga tayo. naman…🙂

      oo, nadia, hindi ako nangiming mag-um-ingles dito, lols!🙂🙂

      Tugon

  13. […] din ang Close Na Ba Tayo?, isang sarcasm piece na ang parang sinasabi –  mahihirapan akong makikilala agad si ka-blog, […]

    Tugon

  14. hindi ba uso ang like button dati, hehehe. dami kumoment pero di nag like. sigh, panu yan madalas akong magbackread sa iyo. nye, madalas nga ba? pero minsan ang purpose ko nga eh para at least magkaroon ng ideya sa blogger na sinusundan. subalit, di pa rin mga katha ang tunay na basehan para maging close. kung minsan “email mode on” para sa mas personal na usapan, gat maari “friendship mode on” din.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: