mga anik-anik

image of Bart Simpson advocating for open sourcing

May mga sinulat na sinaliksik, may galing sa classic plots at may mga pinulot lang sa tabi-tabi/ toomanytabs.com

 

1. Higit sa sampong oras ang ginugol para sa fact-checking ng post na Bakuran Natin.

 

2. May 23 pictures na naka-attach sa  Sabado ng Kamusmusan. Naisulat itong post dahil sa balitang  nakalagay daw sa bagong bente pesos ang larawan ng alamid.

 

3. Ang mahabang post na Sukatin Mo ay maiksi lang sa original draft dahil tungkol lang sana iyon sa gatang, salop at kimis.

 

4. Ang premise ng post na Ang Paho Nga Naman ay wala yatang Pilipinong hindi alam kung ano ang mangga. Naisulat ito dahil may nag-request na mambabasa. Maiksi rin lang ito sa original draft.

 

5. Isa sa posts na pinakanahirapan akong sulatin ay ang Nagsusunog – tungkol sa waste disposal. Walang gasinong pumansin sa entry na ito.

 

6. Ang Bagong Betamax -Rated PG ang unang nailathala sa walong blog about blogging entries dito sa site.

 

7. Ang Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko ang una kong pagtatangkang magsulat ng post ukol sa pag-ibig. Galing sa classic plot ng romance ang ideya para dito  na karaniwang nasa romance books at chick flicks.

 

8. Ang dramatic technique na ginamit sa  Kung Tapos na Ang Lahat ay mayroong dalawang lalaking nag-uusap – isang nagle-lecture at isang nile-lecture-an.

 

9. Ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili, tungkol sa pagiging in love, ay naisulat dahil lang sa trip, kumbaga. Labintatlong prose and poetry naman ang naging supling nito.

 

10. Ang ideya para sa madramang post na Bukas ay galing sa post ng isang ka-blog na may comprehensive update sa showbiz at politika ng bansa pagkatapos ang dulo ay may nami-miss syang tao.

 

11.  Ang Daloy, tungkol sa pagkaipit sa trapiko, ay naisulat sa loob ng isang Tapsilog House, Biyernes, bago mag-alas-sais. Inilathala naman ito nang sumunod na Biyernes, bago rin mag-alas-sais.

 

12.  Ang ideya para sa post na Habang Wala Ka ay galing sa pelikulang While You Were Sleeping ni Sandra Bullock at sa kantang If You’re Not Here (By My Side) ng Menudo.

 

13.  Ang nilalanggam sa tamis na Sa Aking Paningin ay galing sa kantang Just the Way You Are.

 

14.  Ang post na Salamat ay pasasalamat sa blogosphere.

 

15. Ang Huling Araw ng Pasok ang una kong pagtatangkang gumawa ng fiction. Naisulat at nailathala ito sa parehong araw.

 

16. Ang post na Ang Kwento ni Nine ay naka-14 na revisions bago inilathala.

 

17. Bukod sa kagustuhang magbahagi ukol sa tradisyon ng ligawan sa nayon, isinulat ang Nanliligaw sa Tanghali para okrayin ang aking mga ate.

 

18. Totoong panay ang aking ngiti noong sulatin ko ang post na Ngiti.

 

19. Ang post na Ang Magmahal ay galing sa kantang To Love Somebody at sa pelikulang May Minamahal.

 

20. Ang ideya para sa tulang Nananawagan ay galing sa kantang The End of the World na iniba lang ang twist.

 

21. Ang Payapang Dagat is a very personal post.

 

22. May dalawang posts sa site na sinadyang hindi i-italicize ang mga salitang Ingles sa unang paggamit sa kanila.

 

23. Sobrang bagal kong mag-type. Ang karaniwang ita-type ng iba sa loob ng sampong minuto, baka aabutin sa akin ng 30 minuto.

 

24. 85% ng posts sa site ay nakasulat-kamay ang original drafts at isinulat gamit ay lapis.

 

13 responses to this post.

  1. This is such a brilliant post! Really, San. I love the concept.

    “7. Ang Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko ang una kong pagtatangkang magsulat ng post ukol sa pag-ibig. Galing sa classic plot ng romance ang ideya para dito na karaniwang nasa romance books at chick flicks.”

    Yeah. Yeah.

    Tugon

    • why, thanks, nadia! glad you liked it.🙂

      you sound incredulous, dear. what would it take to convince you such was the context, huh? ano’ng kailangang isuhol sa ‘yo, ha? hehe… hellow!🙂

      Tugon

  2. yan ang blog. may mga trivia pa ng mismong blog.

    aabangan ko na lang ang blog review mo ng sarili mong blog!

    tingin ko, sobrang challenging nun. basta aabangan ko.

    yeeepieee-kaaa-yeeeeyy!!!

    Tugon

  3. hello, duks…

    aba, malay mo, may interesado sa the making, ahaha!

    blog review? hmm… ginawa ko na ‘yan dati noong naggawa ako ng posts for my english blog sana… ‘yong una kong post for that e, pang-o-okray ng dpsa site, ang adik lang. no’n ‘yon, noong isa sa points na binalak kong itigil na ang dpsa at mag-shift sa english blog, sa dot com with ads sana. as of now, saka na ako magga-gano’n….

    pero, may plans ako for ka-blog special in the coming days. kung matuloy, gawa ako ng blogs na panlalait sa sarili, hahaha…

    di ko alam kung matutuwa ako sa patalun-talon mo dyan. feeling ko, rumeresbak ka sa ‘kin sa mga pang-o-okray ko sa ‘yo sa ‘yong comment section.🙂

    pag natuloy pala ang ka-blog feature ko, featured ka ro’n, hala ka…🙂

    Tugon

  4. “85% ng posts sa site ay nakasulat-kamay ang original drafts at isinulat gamit ay lapis”

    saludo talaga ako sayo.. ang tyaga mo. ako madami akong drafts sa isip ko nilalagay ko muna sa notepad o sa email ko sa office tapos saka ko lang nalillipat sa mismong blog ko. minsan panakaw nakaw kong ginagawa sa office.

    ito pala ang kwento ng mga posts mo. very interesting🙂

    Tugon

    • hello, greenbellpepper. oo, medyo sinauna talaga ang lola mo rito….

      madalas kasi, pag may naiisip akong idea, mabilis lang dumating at di kayang habulin. pag sa type kasi, ambagal kong pumindot ng keyboard. mas mabilis pag lapis. yown…

      maski sa work, pag may pinapasulat, wala akong masyadong nagagawa pag sa PC agad, parang nagkukunwari lang ako, haha. tapos, pag lunchtime o meryenda, doon ko nabubuo ang idea at naisusulat-kamay. tapos, kokopyahin ko na lang sa PC.

      thanks sa pagdalaw mo uli at sa pag-appreciate.🙂

      Tugon

  5. grabe, sinusulat muna gamit ang lapis? astig. yan ang totoong writer.🙂

    Tugon

  6. Posted by gnehpalle02 on Agosto 13, 2011 at 4:53 hapon

    pareho tayo ate mas continuous ang idea pag sa papel muna isusulat kasi pagsacomputer kasi mas madalas blangko ako. At kalaunan ay tinatamad na kong magsulat. Maraming scract paper at erasures mas masaya…
    ikaw na ate sue ang may trivia sa iyong sarili post… astig!

    (ingatz ka palagi) mwuahhh….

    Tugon

  7. Posted by gnehpalle02 on Agosto 13, 2011 at 4:54 hapon

    patawad sa wrong grammar… vovomuchme… ehehe

    Tugon

    • asus! para typo error lang (pag minsan at sinisipag ako, pag medyo magkakilala na naman kami ng nagko-comment, iwinawasto ko na pag clear namang typo error lang).

      ay, tama ka sa nauna mong comment – ganyan nga ang istorya. alinman sa blangkong screen o kaya, puro notes na kay tagal bago ko mapagkabit-kabit. matagal ring magkahugis ang composition, haha… mas mabilis talaga sa lapis, naman. tapos, erasures galore with notes and arrows sa gilid-gilid, hahaha.

      ingatz rin u! mwah, mwah…🙂

      Tugon

  8. yon oh may trivia pa tlga xD

    baket ngayon lang ako?

    xD

    Tugon

  9. ahaha… me pa? indi ako narcissistic, walang ebidensya, hihi…

    ewan ko sa ‘yo, kung saan-saan ka punta, parang si duking. galing ba kayo sa montalban? musta ang conference with bernardo carpio, ei?🙂

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: