Maiksi Lang…

cartoon image of somebody reading a report

Masaya po ang mga ulat doon sa amin/ static1.kilu.net

 

Top 12 Informative Posts:

 

Bakuran Natin – mga halamang tanim sa loob ng bakuran

Sabado ng Kamusmusan – pamumuhay ng malapit sa kalikasan

Sukatin Mo – mga tradisyunal na panukat

Ang Paho Nga Naman – apat na klase ng mangga

Pag-iigib ng Tubig – panahong wala pang tap water

Banda Roon – sense of direction ng taga-amin

Pagtatanim at Pangangalaga ng mga Gulay – mga batayang hakbang sa pagtatanim

Bago Makapag-ani – mga dapat gawin bago maani ang palay

Usong Yari ng Bahay – mga sementadong bahay doon sa amin

Wala Niyan sa Amin – mga gulay at prutas na wala sa amin

Kahit Munti – bahay-kubo, bahay na una naming tirahan

Baka Sakali – pag-aalaga ng baka at iba pang hayop

 

* Ang info posts ay nakaayos sang-ayon sa pagkakasunud-sunod, mula pinakamataas ang estadistikong nakuha hanggang sa pinakamababa. Ang mga ito ang nakakuha ng pinakamataas na estadistiko for all time sa DPSA site. Hindi kasali ang istadistikong nabilang  sa Bungad o Homepage.

 

Top 12 Posts for Bloggers:

 

Ang Bagong Betamax – Rated PG – bakit mahalay ang mag-blog

Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko – di-inaasahang pagsinta

Luntiang Panganib: deconstructing salbehe – ang blogger na si salbehe

Gawa-Gawa Lamang – blogging bilang virtual experience

Kung Tapos Na ang Lahat – pagmamahalang nauwi sa wala

Larawan ng Taong Wala sa Sarili – paglalarawan sa taong in love

Pakiramdam – pagiging emosyunal

Bukas – pagtatangkang lumimot

Si May 11 – kwento ukol sa aming ina

Daloy – pagkaipit sa trapiko

KM2: Sa Pamilihan ng Paniniwala – pagpili ng paniniwalaan

Ba’t mo nga ako iniwan? – mga panimdim ng isang iniwan

 

* Ang bloggers’ preferred posts ay nakaayos ayon sa petsa lamang ng pagkakalathala – mula pinakamaaga hanggang sa pinakahuli. Ang mga ito ang nakakuha ng pinakamataas na estadistiko among posts classified as blog about blogging, profiles and emo/mushy writings. Hindi kasali ang estadistikong binilang para sa Bungad o Homepage.

 

Top 12 Personal Favorite Posts:

 

Ang Kuluong – kuhanan namin ng tubig-inumin noon

Walang Bait – kailan nasasabihang walang bait

Parang Puputok – kahihiyan sa loob ng klasrum

Huling Araw ng Pasok – eksena sa opisina bago mag-pasko

Ang Kwento ni Nine – tsismis sa baryo

Nanliligaw sa Tanghali – lumang tradisyon ng ligawan

Ngiti – iba’t ibang klase ng ngiti

Ang Magmahal – mga personal na ugnayan ng isang tao

Nananawagan –  huwag paglaruan ang damdamin (tula)

Payapang Dagat – ang dagat sa buhay ng tao

Pangako ng Tag-ulan – ups and downs ng tag-ulan

Dantay – touch and sensations

 

* Ang personal favorite posts ay nakaayos ayon sa petsa lamang ng pagkakalathala – mula pinaka-una hanggang sa pinakahuli. Hindi ayon sa pinakapaborito o sa taas ng nakuhang estadistika.

 

12 responses to this post.

  1. wahhh himala nauna ako. hmmm… actually sa first list parang wala ako matandaan pero sa mga kasunod marami na. ang pinakagusto ko yung may 11 saka yung sa Lola mo… yung mananahi ng bayan. nakalimutan ko na yung title. hehehe

    mabuhay!

    Tugon

    • beys you, beys!🙂 ah, ‘yong sa itaas kasi ay tungkol sa pagtatanim at lumang pamumuhay, hoshi. ang mga ‘yon ang kinakarir ko ang pagsusulat, haha… likely, di mo sila gaanong maiibigan kasi, kasi.. ipinanganak at lumaki ka na ata rito sa city, hehe…

      ah, oo. yong tungkol kay Inay namin tsaka tungkol kay Nanay, hehe… mga poised at masisipag na mga tao ‘yon, ahehe… akstwali, ang nauna kong sinulat na character profile ay tungkol kay charice. Ordinaryo Lang ang title. gusto mo pala ang mga gano’n?🙂

      btw, natatandaan ko rin ang posts mo tungkol kay Nanay mo – yong saan sya galing, yong bday nya ‘tsaka yong may tula ka pa para sa kanya, ahaha…

      mabuhay ang mga Nanay! salamat sa comment, hoshi.🙂

      Tugon

  2. paborito ko yung post mo tungkol sa mga halaman😀 keep blogging!

    Tugon

  3. hello, mskengkay! ah, mataas po ang score dito ng paghahalaman, nakakatuwa…

    ang highest view for any given day po dito sa site ay ang Pagtatanim at Pangangalaga ng mga Gulay, ahaha.

    salamat sa encouragement!🙂

    Tugon

  4. Marami-rami pa akong babalikan doon po sa amin San. Pasasaan ba’t mapapasadahan ko ang mga iyan. Kainaman ang KM2, na sana ay isinali mo at may tsansa iyang magwagi.🙂

    Tugon

  5. hello, kulisap. salamat at nadaan ka kahit busy ka sa pagbubuo ng iyong obra, ahaha…

    ay, di ko talaga inisip isali ‘yon, jkul. di ko nga sana ipa-publish, ipapabasa ko lang sana kina anne at anini kasi, sila ang nag-encourage sa ‘kin to join. buti pala’t naisipan kong ilathala kasi, kasi, ngayon, nakakadalaw ka na rito, hihi…

    btw, pasilip-silip rin lang ako ro’n sa bahay mo, ha? parang relatives tayo, e, anhahaba ng posts. ba’t gano’n? noong araw, puro drawings ang nakikita ko ro’n?… 🙂

    Tugon

  6. Posted by gnehpalle02 on Agosto 13, 2011 at 4:46 hapon

    Madalas ang pagbisita sa iyong bahay ng hindi nag-iiwan ng bakas. Lahat ng akda ay magaganda sapagkat hindi lamang ito nagbibigay ng impormasyon, nagbabalik din ito ng alaala ng nakaraan na kung saan ang buhay ay simple lamang at wala pang gaanong gadgets na umaagaw ng atensyon ng mga kabataan at mga matatanda. Mga panahong wala pang computer, psp, laptop, facebook, tumbler, multiply, cp at pirated cd’s and dvd’s, na umaagaw ng oras upang makipaglaro sa kapwa bata… SALAMAT sa pagbabahagi mo ng iyong mga karanasan, alaala at tula na talaga namang sa bawat akda ay nag-iiwan ng tatak sa iyong mga mambabasa at isa na ako dun ate…

    Sana marami pang ganito…🙂 ingat po lagi. Hailabshu ate sue. MABUHAY ka😀

    Tugon

    • hello, lian.🙂 iwan ka ng bakas minsan isang buwan – may doormat naman dito sa amin, ahaha…🙂

      hmmm… medyo mahirap na sigurong ibalik ang nakaraang wala pang gadgets at di pa wired nang husto ang mga tao. parang nais ko lang ipakita sa mga bata (una na, sa mga pamangkin ko)na hindi sa kasalukuyang may remote control, sobrang daming malls at may internet nag-umpisa ang lahat.

      na minsan,umubra ring uminog ang buhay na wala pa ang benefits and freebies na meron tayo sa ngayon. mas may k ata ako ng konti na magsabi sa kanila kaysa sa older siblings ko kasi, naabutan ko pa pareho…parang perspective ba? not necessarily better days ang noon but good, workable days din naman at doon kami/tayo galing.

      salamat at naa-appreciate mo ang posts dito. susulatan kita minsan. natutuwa ako na ang isang simbata mo ay may napupulot dine.

      labs u din.🙂 ingat ka… let’s strive for a world that’s a bit kinder and gentler, ‘ika nga… salamat, lian.

      Tugon

      • Posted by gnehpalle02 on Agosto 15, 2011 at 10:48 umaga

        aabangan ko sulat mo ate sue.. masarap magbasa ng mga babasahing alam mong makakatulong sa pagpapayabong ng iyong kaalaman at karanasan…

        Salamat din ate sue sa appreciation.😀

  7. minsan pag dumadalaw ako dito may pagkakataon na nalulungkot ako kasi namimiss ko yong doon sa amin parang binabalik mo ang mga alala na ito…

    musta naman ang diwata ng bahay na ito?🙂

    Tugon

  8. P.S. Diwata pala ng halamanan

    Tugon

  9. ei, anne…🙂

    di ko naman balak na palungkutin ka sa posts, gusto ko lang sana, ma-reconnect kahit paano ang promdis sa liblib na nayong pinanggalingan nila/natin. yon lang naman… dapat masaya ka pag naaalala mo ang lugar ng childhood mo, di nga.

    hmm… busy-busyhan ang lola mo. maraming mga pagkukunyari, hehe. di na ako nakakabasa ng english ng wordpress, two weeks na ‘ata. sana, makabawi this coming week.

    and you, daming kabisihan o katulugan? haha, musta ramadan?🙂

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: