Kalsadang One-Way

Image of a blogger in a car, waving

Pinasaya nyo ang isang taon/ http://www.imageenvision.com

Sa buwang ito, unang anibersaryo ng naturingang pangalawa kong bahay, pasasalamatan ko ang mga lugar at taong nagpasaya at nagpakulay sa isang taong paglalakbay. Kayo ‘yon, mga ka-blog.🙂

Pana-panahon ay dinadalaw ko ang inyong sites.  Minsan ay aktibo akong nagko-komento  at nagla-like doon sa inyong mga bahay. Kung minsan, tahimik lang ako roong nanonood ng mga larawan, nakikinig ng musika, nagmamasid sa inyong mga kwentuhan at minsan ay nagbabasa ng walang-imik ng mga teksto ng inyong posts.

 

Paminsan-minsan, pumapasok rin sa isip ko ang paggawa ng blogroll. Una na, para isang click lang ng mouse, andoon na ako agad sa bloghay nyong mga kapatid at katoto. Pangalawa, para maipaalam ko rin naman sa sangkatauhan, este, sa pangkalahatang audience, kung sinu-sino ang mga hinahangaan ko at kinagigiliwang kakwentuhan. Kumbaga, ipagmalaking kong kayo ang mga gusto ko sa blogworld at dahil sa inyo, parang mataas na rin naman ang panlasa o pamantayan ko sa pagbabasa, haha.

Pero, takot ako sa commitment. Iwas akong mangako ng mga bagay na di ko rin naman kayang ibigay o panindigan. Ang dami nang pagkabigo sa totoong buhay, pati ba naman dito sa mundong gawa-gawa lamang ay dadalhin ko pa ang pagiging bulaan? Hayaan na lang muna nating panahon ang magsabi kung kaya kong manatili sa inyong tabi at kung para sa inyo, ako’y magiging katanggap-tanggap bilang pirming kakwentuhan o kung sinuswerte, bilang kaibigan.

 

Minsan ay nagtatampo ako sa inyo. Minsan ay natatakot. Minsan, ako’y nagtataka lamang. Palagay ko, ganoon din kayo sa akin.

Sa bawat isa sa inyo, andoon ang aking pagtatanongbakit kaya niya nasabi ang ganoon? Ano kaya ang nais niyang ipakahulugan? Sino kaya ang kanyang pinatutungkulan? Bakit ganoon na lang siya kalungkot? Sino o ano kaya ang nagpapasaya sa kanya ngayon? Bakit kaya matagal siyang nawala? Ano kaya ang baon niyang kwento sa kanyang pagbabalik?

 

Ang inyong mga bahay ay tila imbakan ng mga mumunting galak; mga lihim na kaligayahan; mga inipong lungkot na unti-unting isinisiwalat; mga kaalamang pinaghirapan ng maraming taon – ibinabahagi ngayon ng walang bayad sa sinumang mapadaan; mga patawang may kahalong pait at; mga larawang gustong magpakilala, habang wari’y nais rin namang magkubli.

Naroon ang mga salitang nagsasabing wala, kanyo, kayong pakialam – pero tila nakikiusap ring pakinggan at ang mga paanyayang lumapit at makinig sa inyong kwento – habang tila nagpaparinig, “Lumayo ka, hindi ako karapat-dapat.”

Parang magagaslaw ang inyong mga panulat. Tila nakaipit o nakasuksok sa mga payak nyong pahayag at paglalarawan ang hiling na kayo ay dinggin at samahan. Inyo man ang wika nyo ay pinakanakaka-inip na istorya ng buhay, iyo’y buhay pa ring pumipintig at may kwenta. May saysay.

Kung minsan, sa inyong mga sinulat ay tila tahasan kayong nanghahamon, iniimbitahan ako at ang iba pang maghanap sa katotohanang nakatago sa mga letra. Kung minsan ang mga mensahe ninyo ay parang puno ng galit, nagpapa-alala – kailangang maging mahinahon at ang paghahangad sa kapayapaa’y isang pagpapahalagang di-kumukupas.

 

Noong mag-umpisa akong mag-blog,  inisip ko rin lang na magkwento ng mga karanasan sa mga taong andyan pero di ko kilala at mas malamang, di rin makakaisip na kilalanin ako. Kumbaga, unloading lang. Anonymous. Mass audience. At dahil kako, ako ay matanda na, marami-rami nang laman ang aking baul.

Gayundin, pagsusulat ang linya ko – malamang kaya ko nang magdugtong ng mga salita para palabasin ang isang punto sa paraang kainti-intindi naman. Isa pa, malamang sa hindi, hindi aktibo sa blogosphere ang mga dati kong guro sa Pilipino. Ligtas, kako, ako sa tila one-way na kalsadang pinili ko.

 

Image of the happy sun taking a peek

Dito sa sphere ng blog, nakakakita ng maaliwalas na lansangan/ graphicleftovers.com

Pero, iyon. Akala ko lang. Mag-iiba pala ang aking mga tuntungan habang tinatahak ko na ang daan. Ang blogosphere  pala ay  kalsadang hindi iisang tunguhin lang ang daloy.

 

 

Oo nga at kung minsan, ito ay tila isang hardin – maaliwalas ang paligid at puno ng mga berdeng dahon at mga kagiliw-giliw na bulaklak. Maligamgam ang sikat ng araw na dumarampi sa aking mga balat, habang doon – ako’y namamasyal. Banayad ang hangin, maliwanag ang mga ulap at mapagkalinga ang lupang binabagtas.

 

Pero, may mga bahagi ring matinik, may batuhan at may mga parte ring matarik at madulas. Kung minsan, dumidilim din ang langit at nagbabadya ng bagyo. At bago ko pa namalayan, ako pala’y naroroon na sa kadawagan. Tulad din sa totoong buhay – ako ay nagkakamali, naliligaw, namamalik-mata at napapaliko — kung saan-saan.

Subalit, may mga puno rin namang nagiging giya sa paglalakbay. May mga mumunting halaman ding ang mga sanga’y nakakapitan. May mga munting liwanag pa ring tumatanglaw sa mga manlalakbay. At, muli akong hahakbang at babagtas patungo  sa malayong dako.

 

At tulad ng dati, naroroon pa rin ang kaba, ang pag-aalinlangan, ang pagkasabik sa mga di ko alam at ang pananalig na ang mga pagtatangka ko’y may pupuntahan. Maligalig at hindi tiyak kung minsan ang byahe, may mga panahong naantala at paminsan-minsan, pinanghihinaan ako, kanyo, ng loob. Pero, tuloy pa rin…😉

Sa daan, andami kong nakakasabay at nakakasalubong. May mga hindi namamansin, mayroong umiiwas, may ilang nambubunggo, may rumaragasa at may mga tahimik lang na lumalakad. Pero, may mga ngumingiti rin at kumakaway. May ilan ding malugod na bumabati.

 

At sa tuwing hindi banayad ang byahe, sa tuwing mapapakunot ang aking noo sa mga kaganapan at sa mga panahong ‘ika nga ay matamlay, minsan ay sapat na ang alaala ng ilang ngiti at masisiglang kaway – para ibulong sa sarili: Sus, tuloy lang!

 

I get by with a little help from my friends. Kayo ‘yon, da bes kayo! ahaha…🙂

 

Larawang karton ng mga bloggers na nagkukwentuhan

May mga totoong tao sa likod ng blogs. Totoo rin yatang makukulit/ http://www.123rf.com

 

38 responses to this post.

  1. happy anniversary ate ko mwah!

    enjoy enjoy lang sa pag susulat ate ko

    at salamat sa mga information na sini share mo sa amin😉

    Tugon

    • hello, lambing! hala, sa kabilang pisngi pa, ahaha…

      happy ako at ikaw ang unang nakabasa, nag-like at nag-comment dito, ahaha…

      salamat sa greetings at sa huli mong sinabi. feel ko tuloy ngayon na may upside din ang maging senior citizen, hehe.

      nasabi ko na bang gusto ko ang site mo dahil ang simple lang?🙂

      Tugon

  2. Happy bloggiversary/blogoversary/blog anniversary. Anuman ang tamang katawagan at pagbigkas, ako ay bumabati at isang taon na ang lumipas.

    Happy ako at “nagkita” na naman tayo, kahit dito man lang sa blogosperyo. Sana ang susunod, magkikita na nga ulit tayo sa mata.🙂

    Tugon

    • hello, kaye!

      basta ‘yon yon! first birthday na nitong lungga ko. biruin mo yon? btw, nais ko po palang pasalamatan ang asian food channel, ang tv station na nag-trigger na mag-blog ako, haha.

      mas happy ako na nagkita tayo sa virtual world, kamo. kasama ka ro’n sa mga puno – los arboles – ‘ika nga. ahaha!

      oo, magkikita tayo. dapat payat na ako no’n at di malalaki ang eyebags, ahaha… kumusta ang mga batits?🙂

      Tugon

      • mga puno, albeit maliit na puno. hahahaa!

        Hmmm…if there’s someone who should make sure she looks so much better than how she currently looks, ako kaya yun. ahahaha!

        Kids are ok. medyo wary because of the weather. Alam mo naman na with any change of weather, may dalang sakit😦 oh well.

        ayun bumalik lang ulit ako dito before ako umuwi.🙂

      • naman, ako ang magsasabi no’n kung anong size at klase ng puno, ahaha. basta…

        weh, eh, kita naman kita sa pics, so, wala nang masyadong isyu banda ro’n, haha…🙂

        oo nga, medyo sakitin ang kids mo. btw, may bago akong pamangkin – baby boy. nabanggit ko na ‘yon sa ‘yo. hindi pa namin sya nakikita, though. ‘yong apo naman namin a.k.a. weh, di nga? (pirming naka-frown) ay six months na at tumatayo nang mag-isa, ahaha.

        salamat. appreciate the pagdaan uli.🙂

  3. Ang blog mo ang isa sa totoong blog. Lamang ka dahil ikaw ay nasa larangang ganyan kaya maraming salamat dahil marami akong natutunan. Sa mga dalisay mong salita, sa mga karanasan at sa matatas na pagkakaunawa mo sa ating buhay, maging sa iyong sariling pagmamasid. Eh di ikaw na the best ka!

    Masarap, masalimuot, ang buhay ay Blog at ang Blog ay KARSADA. Nagpromote pa ako.

    Bumabati sa iyong pagdiriwang.🙂

    Tugon

    • ellow, jkul!

      ang kulet naman no’n, totoo rin ‘yong sa iba. di imaginary ang mga ‘yon, ‘nokaba. mas marami na lang akong walang kwentang kwento kasi naman… kasi sa bukid pa nag-umpisa ang wento at spanning 30 years, ahaha…

      teka, basahin mo pag may time ka ang post kong gawa-gawa lamang. yon.

      salamat sa papuri, sa bati at sa pag-appreciate, kulisap. anokaba uli – pare-pareho lang tayong nag-umpisa sa pagbabasa ng komiks na may larger-than-life drawings, hahaha…

      inom ka muna, may lambanog pa dito.🙂

      mga kapatid, inyo pong subaybayan ang KOMIKS na gawa ng malikhaing kukote at kamay ni Jkul. makapigil-hininga ang mga eksena roon- para ka na ring pumunta sa Quiapo, hahaha. basta, KARSADA po ang pamagat ng kanyang obra.🙂

      Tugon

  4. Posted by Haring Ibon on Agosto 8, 2011 at 6:10 hapon

    I can sense the heightened level of inspiration on your pieces of work… really amazing and not a waste of time in each passing by your place…

    great idea on the linkage of each words… pahiram at paturo kung pano gamitin yun hehehe🙂

    too bad i don’t have net connection at home, masarap sana mag read pa ng mag read dito. but on the contrary, there’s a purpose of me keeping away from the net while at home… business wise. and to keep me focused on my other side of life especially on weekends…

    by tomorrow, i’ll drop by here again

    cheers!!!

    Tugon

    • I can sense that i have one attentive reader in your person, haribon. somebody who really lives it up in the rural area and is rather proud of it, especially the planting part, haha.

      maraming salamat sa pagsubaybay.

      ah, pagli-link sa loob ng post? pag nag-i-edit, just highlight the word/s na gustong i-link tapos, click the tanikala logo sa itaas, above the text. magpa-pop na ang box asking you which of your previous posts ang gusto mong i-link. sundin mo lang ang instruction, di mahirap. ..

      salamat uli sa yo.🙂

      Tugon

  5. happy 1st birthday blog.🙂

    nakakatuwa naman ang karanasan niyo po sa mundo ng pagb-blog. sana hindi ako yung matinik at yung pinagtampuhan niyo. hehehe.🙂

    salamat sa pagsusulat ng mga tula na naiintindihan ko. salamat sa magagandang mga akda.🙂

    Tugon

  6. thank you, manang.

    ah, hindi ka pa natitinik? ano lang yon, ibig sabihin, may nakagalit o nagalit dahil nagkamali kayo ng tantyahan, kumbaga. ordinaryo daw naman ang ganoon, parang binyag sa blogging, haha…

    yong tampo naman, common din lang. kasi, di ba? di pa sync’d with ka-blogs kasi, di pa naman kayo nagkikita at ang parang rule, wala kang pwedeng i-expect – the kablogs may come and go sa ‘yong site anytime (at ikaw rin sa kanila). something about alignment, kumbaga…

    hmm, ang tampo ko sa ‘yo? hmm…sasabihin ko lang na di emo ang blog ko, hoho. tungkol itong site sa rural living at may articles about agri. gawa lang ako ng emo para sa ka-blogs, para masaya, hahaha….

    i-e-elaborate ko na lang sa susunod na posts. salamat sa pagdaan ng blogger na una kong hinanap ng walang given URL ang site.🙂

    Tugon

    • hala, naramdaman ko na nagtampo na po kayo sa akin? waaaahhhh….

      uhm, nasanay na din ako sa they come and go na yan. madami dami na din sila. haha. kaya no expectations na din ako. hehehe.

      Tugon

      • hi, manang!

        di ako tampo sa ‘yo, pramis.🙂 feeling ko lang, natandaan mo ako sa summer posts kong emo series at personalized (sort of) posts. kako, i should go back to talking about pagtatanim dahil ‘yon naman talaga ang “issue” ko, in the first place. haha, ‘yon yon.

        yong sa come and go, medyo ganoon talaga kasi ang set-up sa blog, parang call center, mabilis ang turn-over ng tao, ahaha. at saka, kung sa friendship-friendship naman ang usapan, medyo mahirap ‘yon sa virtual setting. pati awayan yata, gano’n din. kasi, maraming nakakanood at nakakarinig. kailangan siguro, medyo tatabi ang parties involved para may privacy tsaka di mixed ang signals, kumbaga. parang sa kanta – did you get my message? uhuho…🙂

        pwede namang mag-expect kasi may mga totoong tao naman sa likod ng blog. kaya lang, siguro, it takes time kasi, ang samahan/personal relationships sa totoong buhay, ipinupundar, di ba? para kasing sa dami ng platforms sa ngayon, it gives us or me, the impression na kaya nating i-compress at hawakan agad halos lahat. medyo mahirap ‘yon, parang malaking responsibility yata. ayon…

        teka, ipapaliwanag ko palang ang metaphors sa itaas – matinik, batuhan, matarik at madulas – para sa sarili ko at hindi sa mga ka-blogs na nagalit o nagtampo sa akin. para sa akin kasi, blogging is personal. akala ko noong una, nagpapa-discover ako sa kung kanino (sa makaka-discover ng writing skills ko, sa kindred spirit ko o sa best friend ko doon) pero hindi pala. ako ang tila naghahanap sa sarili kong nawawala, haha.. at hindi patag ang terrain at may nasasalubong ako roong na-o-offend, nasasaktan o kung minsan ay nai-inspire ko daw. yown naman!

        good day sa ‘yo. smile ako ng malaki dito para kita mong di ako tampo.🙂

      • mas naalala ko po yung mga posts niyo tungkol sa probinsya, promise. pero mas nakakapagcomment lang ako sa mas personal posts kasi…kasi… eh…

        anyways, hindi ko makakalimutan yung una akong naligaw sa blog niyo po, yung post tungkol sa mga kweba. hehehe. :)))))

      • ah, okey lang sa ‘kin ‘yon, manang. ano kabey? no case, ika nga, ahaha.🙂

        ang kuluong ang title ng post… isa ‘yon sa paborito ko at naibigan rin ng mga kapatid ko among the things i wrote. important part yon ng childhood naming magkakapatid. ang di lang naka-appreciate no’n ay yong dalawang younger than me sa dahilang sila ay prinsipe at prinsesa – di nakaranas na mag-igib. ‘tsura lang nila, haha!

  7. *smiled and waves*

    Happy first blog anniversary!!!

    Thank YOU for providing us with a constant stream of very well-written posts. I take my time reading your posts and pronouncing the not-so-easy words out loud so that when we meet I can converse in Tagalog decently, lol. I refuse to speak with you in English. When we meet, we will speak in our language.

    Keep up the good work, San! You are a very talented writer.

    PS: If you don’t mind, I’d like to add you on FB. I suppose it’s time we *meet*. I go by the same name🙂

    Tugon

    • kaway rin ako ng marami sa ‘yo, nadia. hello, hello!🙂

      salamat at may nakaka-appreciate sa akin na ang husay magsulat, pramis. naglalaan din ako ng oras para magbasa ng blog mong ang dami ng pics, info at may built-in humor, ahaha! mutual admiration society (of two) tayo? *wink*

      thank you for your kind words, nadia. tatandaan ko ang sabi mo, hehe…

      hey, wala akong FB. susulatan kita sa email within the week – kwentuhan tayo ro’n. maraming salamat sa bati at sa well-wishes.🙂

      Tugon

  8. Happy 1st anniversary sa iyong blog.

    Isang inspirasyon ang iyong pagsusulat at ikinagagalak ang iyong pikikipagkaibigan.
    Maraming salamat.

    “People create their own questions because they are afraid to look straight. All you have to do is look straight and see the road, and when you see it, don’t sit looking at it – walk. ” –Ayn Rand

    Tugon

    • ahaha! salamat at napadalaw kayo uli, lolo. salamat sa pagbati sa aking bloghay!

      isang karangalan pong nagpupunta kayo rito, nagbabasa at nag-o-offer ng kamay ng pakikipag-kaibigan. sana po ay mapanghawakan ko iyan at magi akong karapat-dapat. i thank you, sincerely, superlolo.

      ay, pakisabi po pala kay ayn rand na wala pa kasing blog noong time nya kaya di sya nagba-blog, ahaha. pero, kamag-anak kami nyan, ako ‘yong poor relative – pareho lang kaming ang daming sinasabi pero iisa ang point, ahaha. pero naman, ang lalalim at ang hahaba kaya ng books nya? isa lang ‘ata ang maiksi, naman… parang blogs din ang writings nya, haha.

      my point po is, gusto sana nating ganyan tayo ka-decisive (ala ayn rand) pero hindi siguro ganoon kadali. tama ba, ‘lo?🙂

      salamat ng marami!

      Tugon

  9. happy blogoversarry ate san.

    marami akong gustong sabihin pero hindi ko sila maisulat lahat..hahaha

    at natuwa ako dun sa pag-gamit mo ng puno, halaman at sanga.. pinapa-alala na naman ako na manggigubat ako..hehehe

    masaya ang buhay blogosperyo lalo na if nakakatagpo ng taong pwedeng-pwedeng maging kaibigan🙂

    Tugon

    • thank you, anini, thank you.🙂

      teka, yan na nga ang sinasabi ko kaya ipinaliwanag ko ang meaning ng metaphors ko kay manang… dear, mga tao (ka-blogs) ang ibig kong patungkulan ng puno, halaman at sanga. pero sa isa nga palang forester, puno sila talaga, ahaha. hehehe… 🙂

      babawasan ko na talaga ang metaphors kasi ang interpretation ng ganyan, personal din, e. bawat babasa ay ipapakahulugan sila sa level ng sariling karanasan at pag-intindi, kumbaga…. anyway, sasabihin ko sa ‘yong isa ka sa mga halamang metaphorical. “)

      ayon, uulitin ko lang ang sinabi ko sa itaas. pag nagba-blog, hindi imposible ang makatagpo at matagpuan ng mga taong hinahanap at naghahanap sa atin. but then, hindi rin yata ganoon kadali, lalo na ang pag-maintain sa kanila….

      mas easily accomplished ‘ata ang pag-build ng personal relationships sa same interest groups/blogs gaya ng fun clubs, fan clubs, enthusiasts groups and cause advocates na tinatawag. doon kasi, nakaguhit kaagad na may pareho na kayong gusto halimbawa, photography, charice fans club at organic farming, mga gano’n.. tapos, i-explore nyo ang iba pang hilig at ayaw ng isa’t isa.

      pag sa general interest blogs gaya ng what we have here, nag-uumpisa tayong parang variables lahat, walang constant… mas madali ang may constant, mas madaling mag-solve pag may given na, ‘ika nga. pag variables lahat, may isa lang tayong maling mapindot, magta-tumble na agad lahat. ‘yown, naman…

      basta, ikaw naman ang mas maalam sa math kaya gets mo ‘yon, ahaha.

      ngiti ka lang, ani. anniversary ng dpsa ngayong august, dapat happy.🙂

      Tugon

  10. maligayang unang taong kaarawan doon po sa amin blog!
    sana po ay magpatuloy kayo sa pagsusulat dito sa WP at maginspire pa ng mambabasang gaya ko.
    hindi man po ako laging nagkokomento dahil mas karaniwan akong piping bisita sa mga akda nyo, hehe
    mabuhay!

    Tugon

  11. ayy, putol ang comment, eto ang nangyayari sa nagnanakaw ng oras ng trabaho sa opis makapagbloghop lang, hahaha, basta po un, keep writing and keep on shining, mabuhay!haha (part2)

    Tugon

    • ahaha! salamat aubu, daming salamat…

      ate san lang ang tawag ng mga tao sa ‘kin dito, ahaha. aha! isa ka ring lurker? apir tayo, lurker din ako sa maraming bloghays, ahehe… pati sa bahay mo. napilitan lang ata akong mag-comment do’n dahil sa strong feelings mo tungkol sa okra, naman…🙂

      re: nakaw-nakaw – hirap akong magtago, ahaha (masyadong halata) at di ako komportable sa multiple windows ang naka-open (low-tech ako). pero, kaya mo ‘yan, haha, hwag kang papahuli.🙂

      salamat sa pagsubaybay at sa pagbati. ikaw rin, sulat ka lang ng sulat. naaaliw rin ako sa ‘yong mga kwento.🙂

      Tugon

  12. Maligayang unang taon!!! Salamat sa mga post mo na nagpapa-alala na matanda na ako ay tayo pala

    more power!

    Tugon

  13. Happy anniversary!

    ako rin ay natututwa at nagkasalubong tayo sa mundong ito. hindi man natin nakikita ang isa’t isa ay mayroon tayong komunikasyon sa sarili nating paraan.

    ang nakakatuwa kasi sa iyong pagba-blog ay may saysay, makulay ang kwento at magiliw kang magpatuloy. maaaring may pagkakataon na hindi ka sang-ayon pero patas at malumanay mong napapatid ang iyong opinyon.

    Mabuhay sa Doon po sa amin!

    Tugon

    • thank you, hoshi, teynks!

      ahaha, tanda kong ang una kong comment sa bloghay mo ay tungkol sa dolor’s sapin-sapin. pero pinupuntahan ko na ang bahay mo bago pa ‘yon…

      hmmn… pwede naman siguro tayong magkita o magkasalubong isang araw, pag nagggawi na ako uli dyan sa may bandang commonwealth, hamo.

      ahaha, may saysay? masyado kamong maraming sinasabi. kamuntik ko na ngang palitan ang sub-title ng site – gawing the toxic blog, hehe…

      pero gusto ko ‘yong huli mong sabi, hihi… medyo fair-fair ako minsan sa tunay na buhay something which some people can’t see agad, siguro, hehe…

      salamat sa bati… mabuhay ang kwentoatpaniniwalanihoshi!🙂

      Tugon

  14. Hapi bertdey sa bloghay mo! Tama ka, ituloy mo lang! Hehe.

    I honestly enjoy reading your posts. Makatotohanan kc, not merely just talking about anything. Hindi nkkabato. Though minsan gusto ko tlga suyurin lhat ng mga posts nyo, kulang din ako sa oras. Kya pasensya na kung minsan pkatok katok lng ako sa bahay mo. But assure you, every visit nman is worth it.

    Keep writing and stay happy din.
    Glad to be your new blogfriend🙂

    Tugon

    • salamat, ms. greenbellpepper! upo ka, inom ka muna ng kapeng barako, hihi…

      salamat sa pag-appreciate.🙂 ah, di naman kailangang sinsinin mo ang basa, happy na ako sa ka-blog na sumisilip dito ng 2 to 3 times a month, haha.

      kasi, kasi, para sa mga pamangkin ko ‘to and am supposing na babasahin nila ‘to 5, 10 and 15 years from now pa, ayon. kaya meron akong posts re: bukid na nag-strive talaga ako for accuracy kasi, gusto ko sanang maitsurahan nila talaga what and how it’s like back then and back there. online sermon ‘to…

      ay, happy ako na nakasalubong ko ang isang cheerful soul gaya mo, ms. pepper…
      sa sites nina duking at tapa kita nasalubong, ‘yong dalawang sweet na mga panget na ‘yon ang sisihin mo, hehe.

      glad to be your new blogfriend as well… hi kay manong!🙂

      Tugon

  15. Happy blog anniversary San.😀

    aaminin ko hindi ako madalas na napaparito pero alam ko na napakaraming laman na aral ang mga lathala mo…. Walang mapaglagyan ang tuwa ko sa tuwing pinupuri mo ang mga sinusulat ko dahil ang makatanggap ng papuri sa isang batikang gaya mo ay tunay na nakakataba ng puso.

    Marami na akong hinangaang manunulat na naging inspirasyon kong sumulat ngunit isa-isa silang nagkawalaan… Sana hindi ka umabot sa araw na magsawa ka na rin o mawalan ng time.

    Happy Blog Anniversary ulit😀 \m/

    Tugon

    • salamat, joyo, salamat!

      naku, oks lang sa ‘kin na minsan-minsan ang punta mo rito. pag dumaraan ka naman, pansin na pansin ko, hehe… saan galing ‘yong batikan? ipakita ko kaya sa ‘yo ang papers ko noong college, di na makita ang mga sinulat ko dahil sa tintang pula c/o nina professor, haha lang.

      but yes, i admire your writings like you know how. at sure ako ro’n, naman…🙂

      hindi siguro ako magsasawang magsulat. medyo limited duration itong dpsa, mga one year pa to one and a half lang siguro ‘to. tapos, likely, gagawa ako ng bago, iba naman.

      salamat sa bati, salamat at nasalubong ko ang aleng “walang magawa,” hehe..

      Tugon

  16. Happy Blog Anniversary sa DPsan!!!!

    Salamat sayo sa mga kwento tungkol doon sa amin kahit minsan nahohmesick ako pagnagbabasa ng mga post mo🙂

    Isang taon na ang diwata ng halamanan, gulay at iba pa yehey!!!!

    Tugon

  17. salamat, anne!!! mwah.🙂

    welcome at naiintindihan ko pag sabi mong pinapa-homesick kata madalas sa posts ko. sorry naman… kasi, nakaka-homesick talaga ang probinsya pag sa lungsod na nag-stay ang isang promdi, ayown…

    isang taon na nga, yehey!

    pero, di yata bagay sa ‘kin ang diwata, anne. parang pang-cute ang ganyang description, ahaha, malaki kaya akong tao? hehe…

    kay ani na ang pagiging diwata. gardener lang me, ahaha.🙂 teynks…

    Tugon

  18. […] maraming iba pang nagsusulat, sa tingin ko… Anupaman, ang findings sa usapin, nasa post na Kalsadang One-Way – inilathala noong Hulyo, […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: