Magkatalikuran

image of lovers parting ways

Mahirap sabihin kung sino ang mas nasaktan/ myniceprofile.com

 

Gusto Kong Isipin…

 

Gusto kong isiping
Saan ka man naroroon, ika'y masaya
May ngiti sa 'yong mga mata
Mga tao sa 'yong paligid - ika'y napapatawa.


Gusto kong isiping
Naalaala mo ako kahit sandali
Na sa kaibuturan mo'y may konti pang pagtatangi
At naguguluhan ka rin - kahit man lang kunyari.

Gusto kong isiping
Sa maiksing panahon, kita'y nakilala
Na nasilip ko kahit paano
Kung ano at sino ka.

Gusto kong isiping
Inisip mo kung sino ako
Kung ano ang nagpapalungkot sa akin
Ano ang sa aking - ayaw at gusto.

Gusto kong isiping
Tayo'y nagkatagpo ng may dahilan
Hindi nagkataon o laro ng kapalaran
Dalawang pusong naghahanap - sadyang pinagtipan.

Gusto kong isiping
Sa buhay na di sigurado
May sadyang panahon at espasyo
Sa pagtungo mo sa akin at pagdating ko sa iyo.

Gusto kong isiping
Sumandaling totoo tayo sa isa't isa
Na pinaghandaan mo, bawat pagkikita
Na tunay ang saglit - mo akong napaligaya.

Gusto kong isiping
Hindi simbilis ng hangin ang pagkawala ng lahat
Na pagtatangi nati'y agad sumambulat
Na paglimot ang lunas - sa isang pitik, isang iglap.

Gusto kong isiping
Nag-aalala ka't naririyan pa.
Gusto kong isipingย 
Pagbalik mo - ako'y andito pa. :) 

 
 
Huwag Mong Sabihin…
ย 
Huwag mong sabihing madali ang magpatawad
Batid mo ang lalim ng poot na hubad
Lalo't higit ang pagkasuklam sa sarili
Mga puyos at galit, mga luhang itinabi.

Huwag mong sabihing ikaw lang ang nagbigay
Ikaw lang ang umunuwa at umantabay
Na ikaw lamang ang may karapatang bumitaw
Umiwas, lumayo't magsabing sadya nang ayaw.

Huwag mong sabihing ikaw lang ang nabigo
Dalawa tayong nagpundar, nag-alay ng pagsuyo
Hindi man ninais, minsa'y kailangang isuko
Kung galang, wala na - di inisip o kinuro.

Huwag mong sabihing kalimutan dagli lahat
May mga bagay talagang di agad nagluluwat
May mga sandaling alaala'y ayaw paawat
May mga pagmamahalang di malilimot ng kagyat.

Huwag mong sabihing kahapo'y dagling iwaksi
Mag-umpisa nang bago ng walang pagsisisi
Ipaanod sa agos ang damdaming sarili
Iasa sa panahon ang paghilom, kapalara'y sino nga ang magsasabi?

Huwag mong sabihing mahal pa kita
Oo nga't nang ika'y lumayo, lumuha mga mata
Di nangangahulugang pagtatangi'y buo pa
Nang binigkas mo ang paalam, sa aki'y wala ka na.

Di mo na kailangang sabihin. ;)

Image of a broken heart with patches and band-aid

Kung hindi makumpuni, ibalik sana sa dati / love.catchsmile.com

 

* Ang huling tula ay kumuha ng inspirasyon sa tulang If You Forget Me.

 

Naisulat ang mga tula noong ikatlong linggo ng Marso, 2011, sa parehong araw.

35 responses to this post.

  1. gusto ko… gustong-gusto ko ate sue ang tula.
    ikaw na po ang inspired, two in a row!! whoooah!

    Tugon

  2. melody na lang ang kulang at kanta na to.
    galing hehe…

    ang tagline sa mga larawan ay palong palo…

    Tugon

  3. ate san, kuhang-kuha mo ang panig ng lumayo at naiwan.. ang galing talaga.

    Tugon

  4. kwento:
    May mag syota na di nagkita ng maraming taon…
    Then 1 day nagkita sila, at ang unang tanong ng girl sa boy…
    “MAHAL MO PA BA AKO?”
    Di nakasagot ang boy pero ang ginawa nya ay…kinuha ang kamay ng girl sabay itinapat sa kanyang dibdib…at dun napaiyak ang girl kasi
    .
    .
    .
    .

    may boobs na pala ang loka!!

    hahaha…^_^

    Tugon

    • P.S.
      Di lang ikaw, di lang ikaw ang nahihirapan, damdamin ko rin ay naguguluhan, Di lang ikaw ang nababahala, Bulong ng isip wag kang pakawalan. Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan – Juris (ex MYMP)

      wag kana malungkot San malay mo naman nagpalagay na sya ng boobs ahahahaha

      Tugon

    • ahaha! nak ng… na-tats na ako sa kwento, anne, lalo na do’n sa itinapat ang kamay sa dibdib tapos, tapos… sira ka talaga. panira ka sa mga plot.

      wala, iba talaga ang epekto sa ‘yo ng ramadan… hmm, parang natatastas ang mga hibla ng yong katinuan, ahaha. ibalik ang 8-hr sched ni anne!๐Ÿ™‚

      btw, alam mo, may experience akong medyo ganyan. naikwento ko na ‘to sa comment ng isang ka-blog dati. di naman ‘tong guy nagpalagay ng boobs pero noong unang pagkikita namin after several years apart, habang magkayakap kami ay ibinubulong nya sa ‘kin how his bf just broke his heart, ahaha. naalaala ko tuloy no’n – sya ba ang dating nagpakilig sa ‘kin? ayayay…๐Ÿ™‚

      Tugon

  5. ate ang galing mo talaga.. nadadala ako ahahaha

    sana makapagsulat din ako ng ganyan ahek

    Tugon

  6. may type ko ‘yung pangalawa kasi parang may tapang siya.๐Ÿ˜€

    naalala ko high school days ko sa mga tula mo ate susan. hilig ko ding maggaganyan noon.๐Ÿ™‚

    Tugon

    • hello, dhang. parang kay tagal mong nawala. sabi ko na’t babalik ka rin, ahaha!๐Ÿ™‚

      korek ka – mas strong talaga ang pangalawa, mas nauna syang nagawa. iyon talaga ang galing sa If You Forget Me. ang nasa una ay parang tilamsik na lang, ahaha. naisipan ko lang gawan ng kabilang kwento, kumbaga…

      haha, sabi ko na nga ba, may mag-iisip na HS composition ko ‘to na hinugot sa baul. recent na ‘to, recent na kaadikan – march. ๐Ÿ™‚

      Tugon

  7. wow, ang ganda ganda naman ng tula.๐Ÿ™‚

    nakakatuwa lang yung irony nung unang tula. (sana tama ang intindi ko, hahaha).๐Ÿ™‚

    magandang araw po.๐Ÿ™‚

    Tugon

  8. awww…sadyang ganito lang talga ang buhay..haysss

    Tugon

  9. aba, kakaiba naman ang topic natin ngayon. pero ang relasyon ay parang halaman din, dapat alaga sa dilig๐Ÿ˜€

    Tugon

  10. Posted by Haring Ibon on Agosto 5, 2011 at 1:15 hapon

    Gusto kong isipin ……

    pambihirang tula, wala ako maisip … i’m awed๐Ÿ™‚

    Tugon

  11. gusto kong isiping magaling kang manunula. maganda at malinaw ang mensahe ng tula. nakakadala ang mga salita.

    pero ayaw kong isipin lang yun. kasi sigurado ako magaling ka talaga๐Ÿ™‚

    Tugon

  12. nakupo! nanliit ako, ms. greenbellpepper. salamat ng marami.

    ganito ang kwento ryan. years ago, medyo nagsusulat na talaga ako ng tula pero in english. tsaka, tyempuhan din – may year na nakakasulat, merong hindi. nitong nag-blog na lang uli ako nakagawa tsaka in tagalog pa, ahaha.

    thanks at na-appreciate mo. flattered me much. ๐Ÿ™‚

    Tugon

  13. ang ganda naman ng dalawang tulang ito, ms. doon po sa amin!ramdam na ramdam! Pero nakakalungkot nga lang..

    Tugon

  14. ahaha! nalungkot ba you, aubu? medyo gano’n talaga ‘to kasi, kasi…

    gaya-gaya ko lang ‘to sa if you forget me. sabi ro’n, if little by little, you stop loving me, then i shall stop loving you – mga gano’ng drama ba?๐Ÿ™‚

    meron ako ritong magagaang komposisyon e.g. nananawagan (tula), sa aking paningin (mala-tula, saccharine sweet, hihi…) at bukas (prose about paglimot).

    try mo pag may time ka. di ka masa-sad sa mga ‘yan.

    teynks, btw!๐Ÿ™‚

    Tugon

  15. hindi ko maipaliwanag ang gusto kong sabihin ukol sa tula. may mga bagay talagang mas mabuting sarilinin na lamang.

    joke lang. pilit kong inilalagay ang sarili ko doon sa tula. ganun ko kasi kamahal ang panulaan. gusto kong maunawaan ko siya maski man bahagya hanggat kaya ko.

    Tugon

    • duking! kung saan-saan ka na naman naglimayon… upo ka muna at tumagay, me lambanog pa dito, ahaha

      asus!… may mga hirit ka pa tungkol sa panulaan. sasabihin mo lang na ampanget o di mo na-appreciate, di mo pa masabi, ahaha. dyok lang!

      o, e, di ba sabi mo naman, nasasa bumabasa ‘yon kung maa-appreciate nya o hindi? have it your way, duks. basta, nakulitan din ako dati nang mabuo ko ‘yan. mabilis lang ang pagkagawa and as usual, di ko sana balak i-publish (napa-publish ako ng tula either pag tamad akong mag-type ng post or mag-edit, haha).

      ano palang pasalubong mo? may tinapay?๐Ÿ™‚

      Tugon

  16. nakakadugo ng puso ang post na ito. hahaha

    tinagusan pa ata ako… hay pag-ibig nga naman ang hirap i-loan.

    Tugon

  17. […] tula sa DPSAย sa post na ang pamagat ayย Magkatalikuran. Ang dalawang tula ay angย Huwag Mong Sabihinย at angย Gusto Kong Isipin. Kasama sila sa 13 anak ng […]

    Tugon

  18. […] Magkatalikuran – parting – two sides of the fence, hehehe… […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: