Teka…

image of bitter gourd

Ampalaya na naman??? Ampalaya pa rin? / adobongblog.com

 

Kumusta, mga kapatid? Kumusta naman dyan (tonong Ruffa Mae Quinto)?!?πŸ˜‰

 

Break lang sandali. May ikukwento lang ako sa inyo…

 

Nitong linggong ito, may nasagap akong dalawang payo – Β galing sa dalawang ka-blog na kumakaway sa ‘kin sa YM, pag minsan. Oo, minsan may nagkakamali ring kumaway sa ‘kin, ahaha. Β Ang unang payo, parang ganito: sisimple ang buhay pag nag-umpisa tayong tanggapin ang mga pinagdaanan natin. Hindi eksaktong ganyan ang pagkakasabi, pero parang ganyan.

 

Ang ikalawa naman, iwasan ang panghuhusga at ang pag-focus sa negative. Dapat daw ay masaya.

 

 

Napaisip tuloy ako. Parang may sense ang mga sinabi nila. Katunayan, parang maraming sense ang sinabi nila… Napagtanto ko tuloy na oo, nga, isang malaking oo, nga, ako nga pala ay bitter-bitteran. As in, paano? Parang may talent lang naman akong magpakomplika ng mga bagay-bagay. Magpahirap, kumbaga. Actually, hindi ako sigurado kung talent nga bang matatawag ang gano’n – pero kung anuman ‘yon, meron ako no’n.Β Well-developed, pramis.

 

Parang totoo rin ngang may mga negatibong kwerdas akong nakakabit sa katawan. Nakakahawa… Hindi na importanteng ang nagsabi nitong pangalawang payo ay may post dating tungkol sa kakulangan nya ngΒ negative ions, ahaha (Peace!). Ang mahalaga, noong sinabi nya ‘yon sa akin, parang angkop sa sitwasyon, kumbaga.

 

 

Ako na ang ampalaya. Ako na. Ang concern ko lang, hindi ampalaya ang paborito kong gulay. Which brings me to the point na di pa tapos ang kahabaan nating talakayan tungkol sa mga gulay. Gulay at gulay pa rin ang kasunod na posts, ipapaalam ko lang sa limang ka-blog kong mambabasa at sa isang dosenang site subscribers. Di bale, ito ring darating na linggo, maglalathala ako ng isang back-to-back na tula tungkol sa kwan, ano… pag-ibig. Pangako ko ‘yan sa inyo.πŸ˜‰

 

At pagkatapos no’n, pipilitin kong 3/4 lang ng usual na pagka-seryoso ang lalamanin nitong site dahil, dahil… magpi-first birthday na ang blog ko ngayong August.Β And in keeping with the spirit of the occasion, ‘ika nga at sang-ayon sa payo sa akin ng ka-blogs, dapat ay simplehan at gawing happy.

 

S___ na malagkit! Kinakabahan na ako… Kaya ko kaya ‘yon?πŸ™‚

 

image of a red balloon

Parang kailan lang… / musictap.net

 

34 responses to this post.

  1. Minsan din pala. Bitter-bitteran ang drama mo…hahaha

    Tugon

  2. wow malapit na din birthday ng blog.πŸ™‚

    ako man bitter sa buhay, buti na lang hindi ako pormang emo kundi… hahaha.

    happy birthday! :)))))

    Tugon

    • hello, narsmanang! oo, august last week ang birthday nitong dpsa. dala ka ng mapupulutan, ha? hehe…

      ahaha, hindi emo ang format ng blog na ire… yan, ikukwento ko ‘yan in the coming days – kung ano talaga ang niluluto at mini-mix ko rito sa kusina ko, ahaha…

      salamat sa bati! hope you’re ok… πŸ™‚

      Tugon

  3. iba ang style mo sa pagsusulat mo ngayon? ikaw ba yan?
    ngayon ko lang nakitang ang ka-jologs na panunulat mo, infairnes ok lang naman ang bagong istilo. congrats sa 1st year anibersary!

    Tugon

  4. ahahaha, natawa ako promise!

    iniisip ko na baka ako yong blogger na walang negative ions sa katawan..hahaha

    Tugon

  5. Yep, those are indeed precious advice from your friends. And I salute you for your self-reflection and soul-searching, and then eventually coming to the realization that you are a vegetable.

    But seriously, I love ampalaya. I can have it everyday. I’m certain it can bring about world peace.

    Tugon

  6. hi, nadia. ampalaya nga!

    wow! some conviction, huh?! ampalaya and world peace… i-suggest kaya natin yan sa U.N.? lol! :):)

    Tugon

  7. ahahaha kainaman kang tunay…kala ko naman kung ano na yong sinasabi mo…

    o sya ikaw na ang may positive ions sa katawan xD

    Tugon

  8. Huwat?! Kala ko may guest blogger. LOL
    Peborits ko ampalaya sa mga gulay, pangalawa na ang kalabasa. Dati okra. Wala, share ko lang.

    Anyway, blogverssary mo na pala ngayong August. Unang taon mo, ikalawang taon ko naman. Tuloy lang po kayo doon sa amin! ^^

    Tugon

    • weh? did u think dat, did u think? guest nga sya, guest for this season, ahaha.πŸ™‚

      ayon naman, malayo ka sa diabetes. pati ang ‘yong mga mata, lulusog dahil sa kalabasa. teka, di ko alam ang health benefits ng okra pero mahilig din ako ro’n – isawsaw sa kalamansi at asin. rapsa!

      yes, yesyesyow! salamat, taga-bundok. mamaya, punta ako sa bundok nyo, antay ko lang humupa ang ulan para di gaanong madulas, ahaha!πŸ™‚

      Tugon

      • Oh yeah, baby! I thought, I thought talaga. Haha!

        Anyway, sa di maipaliwanag na dahilan kahit anong kain ko ng kalabasa di lminaw mga mata ko. 17 pa lang ako nuon ate charo nang magdilim ang aking panningin. Pero sa okra, yuck na siya sa akin ngayon. Ewan ko pero sawa na ako sa kanya. LOL

      • ahaha! merong niluluto sa kusina yang si guest blogger na yan. di ko lang alam kung mapapanindigan nya, hehe…

        ah, may salamin ang taga-gubat? haha, masarap pa rin ang okra para sa akin. mabuhay ang okra! btw, may nasalubong rin akong ayaw sa okra – si aubu..πŸ™‚

  9. Naks. Umaaniversarry!

    magpapayo rin sana ako para maging trio. triyong tagapayo. parang face to face. haha! nga lang, kulang ang credentials ko.

    back to back na tula. aabangan ko yan.

    Tugon

    • naman… naman, siyempre! parang pumapag-ibig lang yan kahit walang lablayp, ahaha. inom ka muna ng kapeng barako, duking!

      ababa, pwedeng-pwede kang taga-payo. alam kong kabisado mo pareho ang negative at positive ions, ahaha. maski conversion no’n at pag-compute ng volume at mass, hehe…

      talagang abangan mo ‘yon, duks. maski mag-comment ka pa ng two pages, no problem… pag nai-publish ko na, di kape ang ise-serve dito. lambanog! haha. malasing na ang malasing. noon ka mag-demo ng trajectory-trajectory at angle-angle, whahaha!

      happy to see you.πŸ™‚

      Tugon

  10. Ang Sarap ng Amapalaya Harvests koπŸ™‚

    Yung iba inihalo ko sa ginataang labong at yung iba sahog sa paksiw na bangus!
    Sarap kumain kapag malamig at maulanπŸ™‚

    Tugon

  11. Happy Anniversary
    Doon Po sa Amin … ang sarap ng feeling lumalaganap na paunti-unti ang positive effectsπŸ˜‰

    Tugon

  12. Wala namang poblema kung hingahan mo ang blog mo ng kainisan at kaaniknikan mo sa buhay. Kahit pa nga ang isinusulat mo ay kasing pait ng fresh amplaya. Ito ay base pa rin sa kung anong rason mo bakit ka nagdudura ng salita sa birtwal na mundo. Sa puntong iyon duon nagkakaiba ang mga manunulat dito sa blogsphere. Sa mga nagdaang mga araw napagtanto ko na kailangan din ng balanse sa pagsusulat. Kasi madalas sa minsan may mga naisusulat tayo na hindi man sadya ay nakakaapekto sa iba. Minsan namimisinterpret pa. Duon makikita ang iba’t-ibang pagtanggap ng mambabasa sa iyong sinusulat. Sa pangkalahatan, magkakaiba ang pananaw ng bawat tao at dahil dito hindi rin pare-pareho ang pagtanggap. May positibo may negatibo. Base na rin ito kung sa paano mo ito isinulat. Mahirap pero kailangan balanse. At sa ayaw man natin o sa hindi sa kaliit-liitang sulot ng ating puso dapat nating ikonsidera ang ating mambabasa….

    … Ang gusto ko lang naman talagang sabihin ate sue eh ADBANS HAPI ANIBERSARI sa bloghay mo..πŸ™‚ Pa-tanduay Ice ka naman… Ehehe.

    (disregard comment if paid) ehehe

    Tugon

    • hello, lian. upo ka, upo ka… may painom ako rito, pero lambanog. yon kasi’ng naipangako ko sa ka-blog na kababalik lang sa paglilimayon sa kung saan… πŸ™‚

      napapanahon yang advice mo about balance, ‘neng. may niluluto nga si guest blogger tungkol dyaan… di ko lang alam kung matatapos nya, ahaha.

      pag-iipunan ko ang tanduay ice na yaan, hamo. pagbalik mo, tsi-chill tayo, ahaha…

      salamat sa bati mo at natutuwa ako, may idinudura na naman keyboard mo…πŸ™‚

      Tugon

  13. Aba at akalain mong pati ikaw ay makikiuso din sa selebrasyon ng buhay blogging.
    Kung sino ang nagpauso non hindi ko alam, pero may sense din naman dahil sa buhay blog, suwerte na kung maka-survive. Hehehe

    Ako, paborito ko ampalaya lalo na kapag mapait.

    Minsan nag-papapaitan din ako sa buhay.πŸ™‚

    Tugon

  14. ei, kulisap! upo ka rine. parang may gano’n daw e, nabalitaan ko lang. kailangan may celebration para masaya, para may excuse to get together at higit sa lahat, para malasing! ahaha… inom ka, may lambanog dito. anim na galon, sapat na kaya yon?πŸ™‚

    ang sarap ng ampalaya, true. ang di masarap ay pag ako na pala ang dramaramang ampalaya, hohoho… btw, parang masayahin ka naman, ata?πŸ™‚

    Tugon

  15. ahaha! may ganoong hirit? ahaha!…πŸ™‚

    Tugon

  16. Happy Blog Anniversary… Blog lang ng Blog!πŸ™‚

    Tugon

  17. salamat sa bati at sa pagdaan uli, ana. salamat sa encouragement…

    antay ko ang bago mong post…πŸ™‚

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: