Akala Natin

image of one moment

May halaga ang isang sandali

Akala natin

maari tayong magpapasok

sa ating buhay

walang hinihinging

kapalit

simpleng ngiti

o kasamang pansumandali

walang mababago

o mapapalitan

walang ipagpapalit.

 

Akala natin

maari tayong pumasok

at lumabas dagli

sa buhay ng may buhay

ng walang masisira

maiiba

o magagalaw

man lang.

 

Akala natin

ganoon lang

tatlumpong segundo

o tatlong minuto

magkaulayaw

walang ugnayan

magaganap…

 

Sa bawat pagtipa

ng makina

sa bawat salitang

binibigkas

binibitawan

binabasa

may isang damdaming

naghihintay

naghahanap

makatagpo

matagpuan.

 

Image of two hands reaching out

Minsan ay nagkakatagpo ang dalawang magkalayo/ thenextweb.com

Isang isip

na guguluhin

isang imahinasyong gigisingin

isang buhay na babaguhin

ng isang tingin

isang pag-unawa

isang salita

nakintal

sa isang sandali.

 

 

* Ang tulang ito at ang Dito ay kapwa naisulat noong unang linggo ng Mayo 2011 matapos basahin ng may-akda ang librong Fidelity ni Grace Paley, isang ย slim volume of poetry.๐Ÿ™‚

 

24 responses to this post.

  1. uyyyyyy…. hehehe. masarap talagang magbasa ng tula na naiintindihan mo, sa unang pasada pa lamang ng pagbabasa.๐Ÿ™‚

    magandang araw!๐Ÿ™‚

    Tugon

    • haha! hello, manang. masarap talagang magbasa ng comment pag pinupuri ang gawa mo, ahehe… salamat sa laging pagdaan at sa pagbabasa.

      asaan pala ang pasalubong ko galing norte? hihi….๐Ÿ™‚

      Tugon

  2. wala akong masabi …

    kundi..

    tomo! hehehe

    Tugon

  3. Ang ganda po.

    “Akala natin maari tayong pumasok
    at lumabas dagli
    sa buhay ng may buhay ng walang masisira
    maiiba o magagalaw man lang.”

    Madalas lalo na kung napakabuti mo sa isang tao ay mahirap kang makalimutan…at ganun din di mo siya makakalimutan…sana ang relasyon sa isang tao ay puro kabutihan na lamang para walang masisira o magagalit.

    Ang sabi nga…”Life is raw material. We are artisans. We can sculpt our existence into something beautiful, or debase it into ugliness. It’s in our hands.”

    Tugon

    • ahaha, salamat po at nagustuhan ninyo, superlolo.

      yon nga po, we leave imprints sa mga taong nakakaugnayan natin at ganoon din naman sila sa atin. pero sa panahon po ngayong uso ang walang commitment na arrangements, we are sometimes led to believe na walang naipupundar at wala ring nasisira basta ang interaction ay panandalian lamang.

      sana nga po ay ideal โ€“ na walang siraan at pagkakagalit sa mga tao. pero alam naman po nating hindi ganoon ang dynamics ng totoo nating buhay.

      at dahil po nag-quote kayo, makikigaya rin ako, hihiโ€ฆ slogan po namin ito ng friends ko noong araw: โ€œBruised and battered but whole.โ€

      nakakagalak po ang inyong pagdaan at pagsi-share, lolo. salamat.

      Tugon

      • Gusto ko rin ang inyong slogan na yan…tunay na angkop sa mga pangyayari sa aking buhay madalas. Lagi akong kumpleto mula sa pagpapala ng Maykapal…palagi akong nakasandal sa Panginoon sa mga oras ng pagsubok. Salamat.

      • salamat po at naibigan nyo, lolo. kayo na ang whole, ahaha. ako po rine ay puro naman holes, hehe…

        nakow, dapat pala ay makarami ako sa pagba-backread sa inyong site at nang malaman ko kahit paano ang bruises and blows na bumuo sa isang kalmado at religious na lolo, ahehe…

        salamat po sa inyong kind words lagi…๐Ÿ™‚

  4. Ang tulang ito ay pabatid para sa lahat na anumang hakbang mapa-aksiyon o salita man ito, mag-iiwan ito ng impresyong mabuti o masama, depende sa mga ipinamalas na hakbang salita.

    Kamusta San?

    Tugon

    • ah, hello, kulisap! yesyow, ang alternate title nitong post: akala natin, wala pero meron, meron! haha….๐Ÿ™‚

      ayos naman,salamat. medyo malungkot pa rin dahil sa pumanaw naming aso. sumasakit pa rin ang loob ko pag naaalala ko. sad… :s

      and you and your loved ones? kumusta po… ๐Ÿ™‚

      Tugon

  5. sobrang nakarelate ako dito. lahat ng nakakadaupang palad naten sa paglalakabay, mga dumadating at umaalis sa buhay, lagi silang may iniiwan sa atin. ganun din tayo sa kanila. sinasabi naten minsan na sapat na yung tayo yung nagbibigay pero ang totoo, sa kalob looban naten, gusto naten maramdaman na may ibalik din sila sa aten. pinipilit naten itong itago kase mahirap umasa, ay mas tama palang masakit umasa๐Ÿ™‚

    may isang damdaming
    naghihintay
    naghahanap
    makatagpo
    matagpuan

    Tugon

    • hey, nakakatuwa ang ‘yong pagdalaw muli, davin.๐Ÿ™‚

      yes, humans always yearn for connection. and we seek it in whatever means possible and in the direst of situations. including blogs… in the make-believe world of blog, we seek to connect to fellow human beings, assuming that somebody – however far, strange or impossible – is there with us as we trudge our way through this uncertain journey called life.

      and we stumble and fall. we err and we try again. we err and then, we plod on. thinking, assuming, hoping that one day, one time, we’ll make that connection. that we will find and be found. and our sentiments will be laid bare but not to shame. but an unfolding of our new selves and a renewed hope to live and to thrive.

      it must be the romantic in all of us, i suppose. ayon… pasensya na, mas mabilis akong mag-compose sa english… anyway, am glad you liked the post. regards and many thanks!๐Ÿ™‚

      Tugon

  6. akala ko dati sapat nang maging ikaw, pero minsan hindi pala, aminin man natin o hindi bawat hakbang sa kalsada kelangan tumingin sa kaliwa’t kanan, sa unahan at likod para maiwasan ikaw ang masagasaan o kaya ikaw ang makasagasa.

    napakumplikado ng buhay ng tao, mas lalo ang emosyon, may gusto kang sabihin pero hindi magawa, may gusto kang gagawin pero may pumipigil sayo dahil alam natin na may limitasyon ang lahat.

    parang bigla gusto kong magsulat ngayon..hahaha

    Tugon

    • hi, anini.

      oo nga, e. there is always the social side to things: hindi lang ang ating natural, organic selves. kasi, living is a social exercise. hindi pwedeng in isolation. parating may epekto sa iba ang mga ginagawa at sinasabi natin sa iba inasmuch as umayaw man tayo o pilitin nating iwasan, may epekto rin sa atin ang ginagawa at sinasabi ng iba.

      and the individual self is always unique and different from the rest of the other individual selves. and so, inasmuch as we want to identify with the others (the herd, so to speak), we also endeavor to dileanate or differentiate our own unique selves from the others. thus, conflicts ensue. and these make for the variety and struggle of lives. he,he… chaos ang resulta minsan…

      nonetheless, these struggles and conflicts make life interesting. that is, if we survive the challenges…๐Ÿ™‚

      but then again, may ilang tao who do not find it hard to touch and be touched, to leave and to be left. basta, gano’n, haha…๐Ÿ™‚

      Tugon

  7. And as we “assume”, do we consummate the thought? Do we imply that the causality in each effect brings forward manifestation of expected result however bereft of logical reasoning … ?

    I am at loss of explanation… at loss of intuitive reasoning …

    At this juncture, i do always find myself drifting starkly … into digression.

    Alas, I can only muster recollecting below phrase, shared long time ago … and like to share back.

    Have a great day๐Ÿ™‚

    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .

    People come into your life for a reason, a season, or a lifetime. When you figure out which it is, you will know exactly what to do.

    0ooo
    Some people ( )
    come into our lives ) /
    and quickly go.. ( _ /

    ooo0
    ( ) Some people
    \ ( become friends
    \ _) and stay awhile…

    leaving beautiful 0ooo
    footprints on our ( )
    hearts… ) /
    ( _/

    ooo0
    ( ) and we are
    \ ( never quite the same
    \_ )

    because we have made a good friend!!!

    http://www.promiseofgod.com/reason/

    Tugon

    • hello, haribon. natutuwa ako sa iyong paglalahad at pagbabahagi ng mga naisip at naramdaman ukol sa post. salamat!

      oftentimes, we assume that no connection is made especially when the interaction is but a swift one. but when the interaction is made on a frequent or regular basis, a connection happens. albeit it maybe diferent from our other “regular” interactions. as with our blog experiences, whether one is a visitor or a host of a site.

      parang ganito – wala kasing given na formula pagdating sa human relationships, e. at the surface, andyan ang survival – the daily grind to eat, have shelter, meds, respectable education, acceptable social connections and liveable politics, ‘ika nga. sa mas malalim, we seek other things, the so-called higher things in life, the intangibles – friendship, justice, peace, fellowhip with humans from other parts of the world, etc.

      at the surface din, we have rules for living – social rules. rules sa trabaho, sa eskwela, sa community na kinabibilangan, sa peer groups natin. these are expressed in terms of written rules and regulations, norms, traditions, lores and even in sub-cultures na tinatawag. and it is our call, as members of these different groups, to make sense of these rules, to learn the ropes as we make our way thru, to adapt and to juggle the different expectations, to learn the jargons, the taboos and the rewards therein, so we can survive or better, so we will triumph in this complex of relationships.

      sa mas malalim din, our attempts, as human beings, to understand and be understood in these multiple settings remain. we want to connect. we do not want our strugglings to go unheeded, our efforts to be in vain and our yearnings to stay unfulfilled, kumbaga. as with animals, we want to mark our territories (by peeing or leaving behind a scent, ahaha…). palagay ko, may pagka-instinctive ito sa atin,e….

      relatedly, this is encapsulized doon sa chinese proverb about a fulfilled man or ano ang mga dapat gawin to become a full person:

      > plant a tree
      > beget a child
      > write a book.

      thanks for dropping by and leaving pieces of your thoughts. have a good week!๐Ÿ™‚

      Tugon

  8. Posted by sphere on Hulyo 19, 2011 at 9:22 umaga

    patawad naman… AKALA KO TALAGA WALA LANG MERON PALA๐Ÿ™‚

    Tugon

  9. […] iyon. Akala ko lang. Mag-iiba pala ang aking mga tuntungan habang tunatahak ko na ang daan. Ang blogosphere […]

    Tugon

  10. […] haha… Ang trying hard lang, as in. Nailimbag pala ang mga iyon sa DPSA – ang Dito at Akala Natin. Itinulak at impluwensyado ni Lola Grace Paley ang mga nasabing […]

    Tugon

  11. Posted by Rhence on Nobyembre 29, 2012 at 1:08 hapon

    Grabe isang sentimental na post. Hmm. Wag din kasi mag-assume? Haha.

    Tugon

  12. […] nga sa pagiging nosebleed ang site, may mas mabigat pa roon, hehe… Iyon ay ang post naย Akala Natin. Ang akda ayย isang tulang nagpapahiwatig – ย sa virtual setting, ang isang haplos ay tila […]

    Tugon

  13. […] aanyayahan ko na lang muna kayong basahin ang dalawang lumang tula rito – ang Dito at ang Akala Natin. Ang mga iyan, naikwento sa SSA, inspired ng aklat ng tula ni Grace Paley. Mapapansin nyo rin […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: