Ang Pag-asa Raw

 
 
 
image of a bird symbolizing hope
 
 
Ang pag-asa raw, bagay na may pakpak
Paano kung ito’y kagyat na lumipad?
Ang pag-asa raw, tulad ng isang bukal
Dalhin mo ako roon nang makapagtampisaw.
 
 
Ang pag-asa raw, tulad ng isang bata
Walang pag-iimbot at buo ang tiwala
Ang pag-asa raw, pirming naiigib
Sakbibi man ng takot, matibay ang pananalig.
 
 
Ang pag-asa raw, di agad sumisibol
Naghihintay ng tulak at pagkakataon
Nag-iipon ng lakas bago sumulong
Naninilip, naninimbang, saka papalaon.
 
 
Ang pag-asa raw, sumusuloy kapag may ligalig
Anupa’t pinatatatag, kumakabog na dibdib
Ang pag-asa raw, doon naaninag
Sa puntong kailan, suko na ang lahat.
 
 
Ang pag-asa raw sa ngayon
Tigib ng takot sa kahapon
Ang pag-asa raw sa bukas
Hinihinging sa ngayo’y kumalas.
 
 
Ang pag-asa raw, paghabi ng mga pangarap
Pagtitiwalang minsan pa, kayang abutin ang mga ulap
Ang pag-asa raw, nagluluwal ng sikap
Nanganganak ng tiwala, nagsusupling ng sipag.
 
 
Ang pag-asa raw, minsa’y wala sa lugal
Mali na nga’y ayaw pang bumitaw
Ang pag-asa raw, kapagka mali
Nangunguluntoy, di agad nanag-uli.
 
 
Ang pag-asa raw ay biyaya
Handog, kaloob o pagpapala
Sa buhay na di piho’t kayraming wala
Bagong isip, pihit at paniniwala.
 
 
Ang pag-asa raw, walang kasiguruhan
Parang buhay, walang katiyakan
Itaya ang sarili, ikaw ay maglaan
Masaya ngayon; baka bukas, luhaan?
 
 
image of a signboard pointing to the direction of hope
 
 

* Naisulat ang tula noong Marso, 2011.

 

 

25 responses to this post.

  1. Posted by jex009 on Hunyo 29, 2011 at 4:08 hapon

    Parang sigarilyo yan sige parin ang hithit mo kahit parang filter na lang ito. Katulad ng pag-asa sige ka parin ng sige kahit alam mong wala ng pag-asa.

    Sinde lang muna ako ng HOPE.
    😀

    Tugon

    • haha, hope against all hope nga raw…🙂

      jex, salamat sa pagdaan uli, sa like at sa comment…

      ba’t pala ‘ala ang url/link mo? lagay mo next time, para hanap ko site mow… 🙂

      Tugon

  2. minsan sa dami ng hinaharap na problema akala mo wala ng kahulugan ang umasa. pero kung pag-iisip nito ang siyang maghahango sa iyo sa kalungkutan at magbibigay ng karagdagang lakas para magpatuloy.

    ang pag-asa ay tulad ng buto. ipinapunla sa puso at pinapalago sa buong pagkatao.

    Tugon

    • ‘lam mo, nangyayari nga minsan ang gano’n… yong parang pagod na tayong umasa kasi, baka false hope na naman. pero hayon, sige pa rin, asa pa rin… kasi, kung di tayo aasa muli, walang pupuntahan at makukulong lang tayo sa takot…🙂

      ‘yong pagpalago ‘ata ang mahirap-hirap… :c hello, hoshi!🙂

      Tugon

  3. wow naman ate san.

    kelan kaya ako makakagawa ng ganitong tula?

    yong magaan na malalim, simple pero may hatak, tulad nito..haays!

    Tugon

    • ei, salamat at na-appreciate mo, ani.

      bukas lang o sa weekend, makakagawa ka na, hihi. try mo, di nga…

      pag nakagawa na ako ng isang coffee painting, malamang nakagawa ka na no’n ng limang maririkit na tula, ahaha😉

      happy weekend sa yow!🙂

      Tugon

  4. Ang PAGASA raw kapag nag-anunsyo
    Baha na kahit saan, o kaya’y hindi sakto
    Kelangan kasi’y modernong kagamitan
    Kailan kaya nila makakamtan?

    Hihi! ang seryoso e. sorry naman at napatula ako ng kalokohan. =)

    Pero ang lagi kong pinanghahawakan, habang buhay, mayroon talagang pag-asa.🙂

    nasagot ko na ang huling email mo ha.

    Tugon

    • hellow, ate kaye! naaliw ako, second time ka nang napatula dito sa site, hihi…🙂

      btw, seryoso rin ng konti ang tula mo, re: modernization ng Pag-asa equipment, lol.

      ikaw nga ang isang kilala kong madalas na hopeful sa mga sitwasyon. iwas ka hanggang maari sa bad vibes at nega-nega… ano nga palang vitamins ang usual na iniinom mo, hehe…🙂

      yes, dear, my bad – di ko pa po na-acknowledge (man lang). teynks at sorry, ha.

      Tugon

  5. palong palo ..sa wakas nakita ko na din ang pananagalog mo …
    clap clap…

    we should never lose hope . It gives us reason to live everyday.
    *awts umeenglish me… you know…

    heheheh..

    =D

    Tugon

    • haha… hellow yahjme! ikaw na, ikaw na ang nakaka-appreciate ng tagalog ko! salamat.🙂

      ayos lang um-english, ‘no ka ba? swak naman ang sinabi mo.

      andyan na kaya ang next installment ng moving on series mo? hehe…🙂

      Tugon

  6. Maganda. Natuwa ako, at napaisip, kung ano nga ba ang pag-asa para sa akin. Ang pag-asa raw sabi ni Akda, maliwanag, nakakahalina, masarap sa pakiramdam, pero madalas mapanlinlang.

    Top post, kaya ako napadpad dito. Salamat sa magandang tula na iyong ibinahagi sa araw kong ito.🙂

    Tugon

    • hello, akda.

      salamat sa isinhare mo. oo, maganda nga ang pag-asa maski sa maraming pagkakataon ay mapanlinlang ito. but then, as we go on,maski papaano nama’y natututo rin tayo kahit paano. sa tingin ko…

      salamat sa pagkapadpad at sana’y mapadpad ka uli rito minsan…🙂

      Tugon

  7. What a lovely poet you are and a lovely poem you wrote. Even if you have written this months ago, it still breathes live air and lingers.

    Tugon

    • what a wonderful comment,pointless paranoia. my heartfelt thanks to you.

      do visit again sometime. there are a few other poems here like nanawagan and paano?

      salamat sa pagdaan, sa like at sa pag-appreciate. tenkyu…🙂

      Tugon

  8. Ang pag-asa ay tila kandila
    Tanglaw sa dilim upang may makapa
    Ang pag-asa ay ang uha
    ng batang bagong salta
    sa mundo ng kaniyang ina
    Ang pag-asa ay di magmamaliw
    Hangga’t busog ang kagustuhang
    pumalaot sa paroroonan
    Ang pag-asa ay namamatay
    gaya ng tigang na lupa
    daglit nabubuhay din kapag pumatak ang ulan
    Ang pag-asa ay nasa nagtatago at
    natatagpuan

    Suloy lang ng pag-asa
    Mundo na ng iba.

    Tugon

  9. Galing naman po magsulat ng tula ^.^

    Tugon

  10. Posted by sphere on Hulyo 3, 2011 at 12:52 hapon

    dalawang beses kong binasa, pinirint at pinadala sa head ofis para idikit nila sa bulletin madami kasing pinoy don para mabasa nila…

    you already!

    Tugon

    • haha! gano’n? may free publicity sa mga pinoys abroad? naman…🙂

      ako na, ako na ang may libreng PR galing sa aleng panalo sa translation, ahaha… sana maka-tsika tayo uli sometime soon… salamat sa ‘yow, hugs. 🙂

      Tugon

      • Posted by sphere on Hulyo 3, 2011 at 1:42 hapon

        ganda kasi ng pagkakalahad bagay na bagay sa mga kabayan na medyo nakakaramdam ng kalungkutan at medyo nawawalan na rin ng pagasa =)

        oo nga kc naman gabing gabi na jan d2 tirik pa si haring araw😦

      • aliw naman, kagagaling ko lang sa site mo tapos, dumaan ka rin pala dito…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: