Magpayong Ka

image of gabi or taro plant, the san fernando variety

Karaniwang ginagawang pambakod sa probinsya/ tyonardosbade.com

image of gabi or taro plant, the tagalog variety

Tumutubo sa iba’t ibang parte ng bakuran/ thecaptivatedlife.blogspot. com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa aming lugar, maraming halamang gabi – mayroong itinanim ng mga tao at marami ring tumutubo lang sa lupa sa mga gilid-gilid. Pagtuntong pa lang ng Mayo, mapapansin mo na silang nagsusulputan – anong lalapad ng dahon!

 

Ang gabi ay isang uri ng halamang ugat na name-meryenda ang bungang-ugat, nagugulay ang tangkay at dahon at naipagbibili rin sa palengke. Pero higit sa lahat, ang isa pang mahalagang gamit ng gabi sa mga taga-amin ayΒ  bilang improvised na payong.

 

image of gabi or taro rootcrops

Name-meryanda at nagugulay ang mga ugat ng gabi/ squidoo.com

image of gabi stalks for cooking

image of taro or gabi plant stalks and leaves sold at the market

Naipagbibili sa palengke ang mga dahon at tangkay ng gabi/ marketmanila.com

 

Pag biglang pumatak ang ulan at ikaw ay nasa labas ng bahay, dapat mabilis ang iyong mga mata at kilos sa pagsipat at pagputol sa pinakamalapit na gabi – iyon ang magtatawid sa iyo sa pag-uwi. Sa amin, ito ang isa sa mga senyales na tag-ulan na – pag madalas ka nang makasalubong ng kakilalang tumatakbong nakapayong ng dahon ng gabi.Β πŸ™‚

 

image of a boy using gabi plant as umbrella

Magpayong para di mabasa ang bumbunan/ 1.bp.blogspot.com

 

16 responses to this post.

  1. Naalala ko lang yung dating tirahan namin sa Baguio. Nakaugalian kasi naming magkakapatid na magtanim sa bakuran. Isa na nga ang gabi duon. Haha, minsan na nga rin naming nagawang payong ang mga dahon nito. Pero, minsan lang yun dahil makati sa balat. Gusto kong luto diyan ay ginataan.πŸ™‚

    Tugon

    • hello, taga-bundok!

      salamat sa pagsi-share ng kwentong gabi mo, ahaha…πŸ™‚

      btw, ang makating gabi ay ang san fernando variety. ito iyong nasa itaas sa gawing kanan. ang gabing tagalog na karaniwang ginagataan at ginagawang laing ay hindi makati sa balat. sa amin, mas hilig ang tagalog variety pero dito sa maynila, mas ang san fernando ang ibinebenta at madalas iniluluto. yan po naman ang isini-share ni kuya kim, ahaha.

      salamat sa pagdaan, sa pagla-like at sa masayang comment. :)))

      Tugon

  2. oo nga no? dati ginagawa namin yan. ang gamitin ang dahon ng gabi na pangpandong na mala payong kapag umuulan. pero ang gusto ko sa gabi ay kapag niluluto na ito na maging laing, hehehe. isa sa oiling lutong gulay na gustong-gusto ko.

    Tugon

    • hoshi girl! happy weekend sa ‘yo…

      ay, ang sarap ng laing na lutong probinsya, pramis. iyong maraming gata at sili, pinakuluan ng kay tagal-tagal. ‘ala akong pakialam kung oily, hahaha….πŸ™‚

      Tugon

  3. nakakatuwa naman. sa amin, ginagawang laing at hindi payong ang dahon ng gabi. hehehe.πŸ™‚

    Tugon

  4. hmmm, coincidence or something?

    nitong nagdaang mga araw, ako’y naging abala sa paghahalaman at isa sa mga binalak kong gawin ay mag lipat tanim ng mga suloy ng gabi na yumayabong kasalukuyan sa pilapil ng karatig na palayan. sa di mawaring kadahilanan, ang balaki’y nilamon ng kawalan at nawaglit sa isipan.

    salamat sa mensahe ng iyong akda, napag tanto ko ang higit na kagalahan ng nawaglit na balakin at minarapat na ito’y isakatuparan sa lalong madaling panahon.

    tungkol sa gabi. namumbalik sa kamalayan ang paglalaro ng tubig ulan sa pamamagitan ng dahon ng gabi. nakakatuwang pagmasdan ang butil ng tubig na idinuduyan sa haplos ng mga dahon at nakakamangha ang tila hindi pagkabasa nito.

    marapat lamang na gamitin bilang isang payong ang malapad na suklop ng dahon ng gabi.

    …. pumapatak na naman ang ulanπŸ˜‰

    Tugon

  5. no, it isn’t a coincidence – the forces of the universe conspired to bring you over to this site so you could be reminded of your duties by the gabi plants, ahihi…πŸ™‚

    hey, haribon, salamat sa muling pagdalaw. at ang husay mo ngang managalog i.e., balakin, suloy, atbp…πŸ™‚

    salamat ng marami, naalaala mo pa at ibinahagi rito ang isang katangian ng dahon ng gabi – na kaya nitong magtangan ng tubig at gawin silang tila mercury na tumatalbog-talbog sa ibabaw. ang husay! kami rin noon, aliw na aliw maglaro ng tubig sa dahon ng gabi.

    gusto ko ang sinabi mong ito: “nakakatuwang pagmasdan ang butil ng tubig na idinuduyan sa haplos ng mga dahon at nakakamangha ang tila hindi pagkabasa nito.”πŸ™‚

    Tugon

  6. Rain can be both a blessing and a disaster, depending on its severity. Monsoon season has started here in the southern part of India, but it doesn’t pour like it does in the Philippines, at least not where I’m currently staying at. Here in Hyderabad, rain means cool and pleasant climate; cloudy and romantic afternoons; soups and fried potato fritters; good books and sharing stories; load-shedding and mosquitoes.

    Take care!

    Tugon

    • hello, nadia. thanks for dropping by.πŸ™‚

      hey, i like everything you said about the Hyderabad rains except the mosquitoes. parang gusto kong mag-curl up sa bed, magbasa ng libro at kumain ng fried potatoes. some people have all the luck, ‘no? haha…

      and what about that mention of cloudy and romantic afternoons? may gano’n? ahaha… ingat rin kayo!πŸ™‚

      Tugon

  7. yep yung dahon nga ng gabi ang ginagamit na payong. nagbabounce kasi ang tubig paglapat sa dahon ng gabi. =)

    Tugon

  8. Posted by Haring Ibon on Hulyo 4, 2011 at 1:05 umaga

    Finally!!

    nagawa ko din ang mag lipat tanim ng mga gabi coming from nearby rice field. from here onward, di na ako lalayo kung gusto ko mag luto ng laing na gabiπŸ™‚

    I get to love more about laing after coming from recent albay trip. the way they cooked laing is such a great experience for a foodie’s eating binge.

    cheers to gabi!!

    Tugon

  9. hey, congrats, haring ibon! your gabi plants are finally home, hehe… πŸ™‚

    ay, masarap magluto ng laing ang bicolanos – maraming sili at maraming gata tapos pinapakuluan nila ng matagal, haays…. may uncle in law kami from bicol saka may bro in law din. karir sa kanila ang pagluluto ng laing, hihi.

    da best yan ngayong tag-ulan. ‘yon lang, ang mahal ng niyog these days, haha…

    cheers din sa ‘yo!

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: