ba’ mo nga ako iniwan?

Image of a woman mortified

Baka may ibang mas magandang balita?/ isplotchy.blogspot.com

Ba’t mo nga ako iniwan? Madalas, hindi ko na rin maalaala kung bakit. At siguro na rin, dahil ayaw ko nang alalahanin pa. Isinama ko na lang doon sa bunton ng mga bagay-bagay na nasa back burner ng memorya ko – hahalungkatin kung kinakailangan at kung hindi naman, hahayaan na lang nakaimbak. Kaya ‘yon, doon nakalagay ang tanong na ‘yan. Kung bakit kasi, may nakapag-usisa pa…

 

Iniwan mo yata ako dahil may nakita ka biglang iba? Hindi mo kamo sinasadya. Magkasama kayo sa isang regular at intimate na setting at di mo napansing nahulog na pala ang loob nyo sa isa’t isa. At isang araw, kailangan mo nang sabihin sa aking naka-commit ka na sa kanya. Na para bang sa aki’y wala kang binitawang salita? Na para bang inaasahan mo na lang na mauunawaan ko ang lahat?

Sabi ko sa ‘yo, oo. Pero alam mong hindi. Alam mong sinabi ko lang ‘yon dahil ayaw ko nang guluhin pa ang set-up. Kasi, kung pinigilan ba kita noon, iiwan mo lang sya bigla? Babalik ka lang sa tabi ko na parang walang nangyari? Ewan ko lang, pero hindi yata…

 

Iniwan mo yata ako kasi ayaw mo sa mga kaibigan ko at sa mga pinaggagawa nila? Namin? Tingin mo, hindi sila magandang impluwensya. Na dadalhin nila ako sa kapariwaraan. Na kung alin ang pinaka-iiwas-iwasan at inaayawan mo, iyon mismo ang pinagkakaabalahan namin pag magkakasama kami. Na sa tingin mo, kailangan kong mamili – sila ba o ikaw?

At dahil parang natatantya mo nang hindi ko sila iiwan, ayon – nauna ka nang nagalit at umalis. Ni hindi tayo nakapaalaman ng maayos. Bigla mo na lang akong initsapwera sa buhay mo. Alam mo ba ang pakiramdam pag nagkakasalubong tayo tapos pag natanaw mo ako’y iiba ka ng daan? Palagay ko, hindi. Kasi, kung alam mo, hindi mo siguro ginawa ‘yon. Ang layo noong ikaw na tumatakbo palayo sa dati kong kakilalang tumatakbong palapit sa akin.

 

Iniwan mo yata ako kasi sa umpisa pa lang, wala ka nang kumpyansang kita’y mamahalin? Tingin mo, hindi tayo bagay. Na lamang ako at dehado ka. Na wala kang kayang ibigay. Na wala kang kayang itumbas sa kung anong meron ako o sa kung anong kayang ibigay ng iba sa akin. Na inisip mong magbakasakali ka pero noong nasa gitna’y nanaig pa rin ang dati mong takot – na ang pag-aalay mo ay hindi sasapat sa hinihingi ng sitwasyon?

Naisip mo ba, kahit minsan, na may kakayanan din naman akong magpuno ng kulang? Na kaya ko ring umunawa dahil sa aki’y marami ring dapat unawain? Na sabay at magkasama tayo dapat humarap sa ating mga kinatatakutan? Siguro nga’y tama ka – mahirap bihisan ng pagmamahal ang taong binalot ang sarili ng pangamba.

 

Iniwan mo yata ako dahil abala ka? Marami kang pinagkakaabalahan noon  –  trabaho, sports, duties sa bahay at commitments sa mga kaibigan. Busy ka ngang tao – no time for love.  Pero, marami ring nagsasabing iyong taong totoong busy ang kayang maglugar ng mga bagay-bagay. Hindi nga kaya kayang ilugar noon ang tayo?


image of a busy man

Marami ka noong pinagkakaabalahan/ cutcaster.com

 

Ang saklap no’n, alam mo ba?  ‘Yong kitang-kita mong nasa ilalim ka ng priorities? ‘Yong natatabunan ka ng priorities ng taong mahalaga sa ‘yo? Kaya nga noong gabing sinabi mong hindi mo na kaya ang pressure, ang banggaan ng expectations ng iba’t ibang panig, hindi na ako kumibo. Malinaw naman kasing hindi ako kasama sa nagbibigay ng pressure.

 

Iniwan mo yata ako para sa iyong pangarap? Ang hirap din ngang karibal ng ambisyon. Mas mabuti pa yata kung tao rin ang kalaban – mas may tsansang makaagapay. Pero pag ang kakumpetensya mo ay ang kagustuhang umasenso, parang nakatakda ka nang kumain ng alikabok. Maghintay at umasa. Umasa at maghintay. Baka isang araw, maiisip kang balikan. Baka isang araw, maiisip mong ako’y balikan.

Naisip mo ba? Naisip mong ako’y balikan at isama sa panulukan ng iyong tagumpay? Sakali kayang nagkabaligtad tayo ng sitwasyon, itatanong mo rin kaya sa akin ang tanong ko sa iyo ngayon? Ba’t nga ba hindi tayo pareho ng pinangarap?

 

Iniwan mo yata ako dahil kamo ay magkaiba tayo ng mga paniniwala sa buhay? Hindi ako sang-ayon do’n, alam mo ba? Kasi, sabihin man nating magkaiba tayo ng mga panuntunan sa buhay, ng mga prinsipyo, ng mga itinataguyod at gustong itaguyod – pwede pa rin naman tayong magsama. At maghawak-kamay. At tumingin sa mata ng isa’t isa.

Mayroon noong tinatatawag na galangan ng paniniwala. At siguro, kung meron mang dalawang taong higit na kayang isabuhay ang ganito, iyon ay ang dalawang nagkakagustuhan na sa umpisa pa lang. Pero, minarkahan mo agad ang pagkakaiba natin bilang irreconcilable differences. Hindi ko lang alam, pero sa mag-asawang dumudulog sa korte, hinihingian ng mabigat na ebidensya ang irreconcilable differences. Sa iyo, hindi mo na tayo isinalang sa pagdinig. Hinusgahan mo na agad.

 

image of a woman with the word jilted painted on

Sino’ng maysabing madali?/ zazzle.com

Ba’t mo nga uli ako iniwan? Kasi, para sa iyo, hindi sapat ang kung anong mayroon tayo para ipaglaban. Sabihin na nating hindi mahirap para sa iyo ang lumayo. Inisip mo ba noong madali lang para sa akin?

Ayoko na sanang balikan pa ito. Para saan, kung tutuusin? Para saktan uli ang sarili? Para sabihin at ulit-ulitin ang panghihinayang? Tapos na, e. Sinaktan mo ako at hindi ka bumalik para paghilumin ang sugat.

 

* Ha, ha… Pampasaya lang ito ng linggo natin, mga kapatid. Bukas ang comments para sa bulabugan ng mga dilengkwenteng alaala.  😉

 

Maaaring i-click sa ibaba ang video ng Don’t You Remember? by Adele.

 

 

36 responses to this post.

  1. “Magkasama kayo sa isang regular at intimate na setting at di mo napansing nahulog na pala ang loob nyo sa isa’t isa.”

    this translates to (in Mr. Google’s language):

    “You together on a regular and intimate setting and you do not notice the shovel fell over one another nyo.”

    The shovel feel over one another … hahaha😀

    OMG, I’m so glad I still know Tagalog kasi kung hindi, I’d go crazy over the translation!

    I’m sure this was based on personal experience. Don’t deny it.😉

    Tugon

    • hahaha! sometimes i double over with laughter at the english translation of tagalog blog posts… mabuti na nga lang at mahusay kang managalog, nadia. kung hindi…🙂

      my policy is neither confirm nor deny, ahaha. parang artista lang? lol!

      maniwala ka sanang fiction lang lahat ng may pag-i-pag-ibig na entries, ha? ha? please, pretty please… 🙂

      salamat sa madalas na pagdalaw at matiyagang pagbabasa.>>>

      Tugon

  2. hahaha..fictional daw oh?…
    parang may pinaghugutan naman eh ..hehehhe…

    *peace*

    great imagination….^^,

    Tugon

  3. aw! ang lalim naman yata ng pinagbaunan ng alaala, at sa oras na hinalungkat na ang daming nailalabas.

    sinong maysabing madaling lumayo? mahirap kaya.

    Tugon

    • ay ano pa ngang masasabi ko? sa ‘yo na nanggaling, e… sa aleng nakapagsulat ng very introspective na post tungkol sa isang babae at ang mga bituin, ahaha! 🙂

      at bakit wala pa akong nababasang post tungkol sa pagtatangkang lumayo ng isang bata dyan? hehe… :)))

      Tugon

  4. ganun talaga

    Tugon

  5. it’s not you, it’s me. Yan ang palaging naririnig sa mga taong hindi marunong iexplain kung bakit siya nangiiwan.

    kaya ang naiiwan, yung mga sinulat mo sa taas ang ginagawang haka-haka. Thing is, mahirap din talagang i-gauge if one would rather hear the hurtful/painful truth than just live in blissful ignorance. ako, i’d rather hear the painful truth. At least that would help me move on and make something out of that reason, than forever be in limbo. =)

    Sige I will not think this came from your personal experience as I know you are wont to pick things from what you read in the the blogosphere. Still, there must be one here that pertains to your own experience. And as I know you won’t confirm, I won’t ask anymore either.🙂

    Tugon

    • ahaha! naman, siyempre merong galing sa personal experience. ‘yong unang sitwasyon, halos lahat naman ‘ata, nakaranas ng gano’n – aray ko! haha…

      at dahil minabuti mong hindi magtanong, aaminin kong twice ko ‘yon naranasan. ‘yong una ay iniyakan ko much, ahaha at ‘yong second ay carry lang, nyehehe… mas mahaba ang history namin noong una while ‘yong pangalawa ay wala pa namang gaanong developments, kumbaga. o, ‘yan, ate kaye, may inamin na ako, ha?

      naisulat ko ito, kasi mayroon talagang nagtanong sa ‘kin recently kung ano raw nangyari. since salbahe ako, instead na ikwento ko sa kanya ang detalye, sinulat ko itong post. ayon, hindi ngayon nagpaparamdam ‘yong taong nagtanong. nye, baka hindi na kami friends? :c

      btw, sa movies lang halaw ang situations enumerated above. ayon… ang corny, ‘no?

      Tugon

  6. talagang nagtaka daw kami kung fiction ito? hahaha

    anyway, problema ko rin yan. puwedeng ako yung na-intimidate or ako nang-intimidate. oh well, mahirap kalaban yung mismong inner struggle ng isang tao. para siyang si sponge bob na daming butas sa katawan na kahit pinipilit mong tanggapin na buo, siya na mismo ang nakakahanap ng butas sa sarili nya para lumayo.

    hay daig pa sa very complicated ang status ng taong ganyan. (reklamo daw talaga?!) hehehe

    Tugon

    • ahaha! sabi na ngang fiction na hindi na fiction – o, malinaw na ba?🙂

      hmm… pag sa traditional standards, hoshi, sa atin nga ang problema. kasi raw, kung mahal mo talaga ang isang tao, pilit mo syang hihigitan sa pagmamahal nya sa ‘yo, ahaha. naman, naman… at ipapakita at ipaparamdam mo raw ang ganoon para maging secure siya na he is at the right place, kumbaga. that is, beside you, hehe…. sya, bago maging super corny na ito, i’ll stop here.🙂

      btw, in the future, i intend to do something na exact opposite nito. kumbaga, the view from the other side of the fence, haha…. kumusta ka na, hoshi? makadalaw pala sa bandang inyo.🙂

      Tugon

  7. …sa totoo lang tinatanong ko rin dati yan, crayola patola din ako, di ako makapagmove on… natauhan lang ako nung marealize ko na sa haba ng panahon na ginugol ko sa paghahanap ng sagot at dahilan, sarili ko pala ang aking iniwan.

    …ngayong nasa sarili na ako, pinipilit kong ayusin ulit ang buhay ko.

    (drumama ba? hahaha! relate much ang bangs ko hohohoho)

    Someday we’ll be looking back to those days we learned to love, got hurt, cry and fight. Maybe when that time comes, we’ll be laughing at our old dumb selves. Realizing how stupid we were to stand up for things we knew weren’t really meant for us. But I guess learning takes time, & mistakes make one’s journey fun!”-Anonymous

    Tugon

    • Joyo!!! 🙂

      hala, kung andito sa pilipinas ‘yang taong nagpa-crayola patola sa ‘yo, ituro mo – hanapin natin and i’ll help make him see the error of his ways, ahaha. next time, he should know kung sino ang tatalunin nya, hihi…🙂

      korek, doble ang talo natin kung matapos masadlak sa lugami (paging j.kul) ay magpapakalumbay pa at sisikilin ang sarili sa kung anu-anong shit na tanong, haha.

      oo, sabi nga sa kanta ni alanis – we live, we learn, we cry, we learn. same thoughts sila ni anonymous.😉

      Tugon

  8. Posted by sphere on Hunyo 23, 2011 at 8:48 umaga

    wala akong masabi pasok na pasok sa banga San🙂

    Tugon

  9. hanga ako sa mga taong kagaya ni B. niyuyurakan ng mundo, hinahamon ng tadhana, sinusubukan ng panahon pero lumulutang na matagumpay. minsan kasi, tumitigil na lang tayo dahil sa takot, kinukulong natin ang sarili natin sa kwento ng kahapon, tinatalikuran natin yung sitwasyong nagbubukas dahil sa pangamba. pero anu nga bang alam ko? basta nagpapatuloy ang buhay at pag-ibig sa bawat segundo at bawat sandali. ang nanghihinayang ngayon, nakatira sa kahapon, ang umaasa sa bukas, baliw na nakatali sa di tiyak na mangyayari, pero ang taong bukas sa ngayon, tingin ko mas naging mabuti siya kaysa sa kanya kahapon at may pagkakataong maging mas mabuti kaysa sa sarili niya bukas.

    at minsan pa, may mga maling comment na nailalagay sa maling post. gaya nito.

    Tugon

    • hala, duking, sitwasyon ko ba o sitwasyon mo ang inilalarawan mo sa mga naunang pangungusap? ahaha… paano ba naman, palumaan tayo ng plots sa posts natin, hihi…🙂

      mas magaling nga si B. kaysa sa atin – nalampasan nya ang limitations na itinakda sa kanya ng paligid samantalang tayo, eto at naghahalungkat ng mga lumang tanong sa baul. at hanggang sa ngayon, wala pa ring malinaw na sagot, ahaha…

      yessir, we’ll be better off kung now persons tayo pero parang hindi, eh. andito tayo sa blogosphere at dito natin ini-indulge ang mga could have beens at should have beens and we aren’t the wiser. oh, well… 🙂

      btw, related naman – may tungkol sa buhay, pag-ibig at overcoming our foolish selves, haha!

      Tugon

  10. Usaping buhay kasama puso at atay ito.

    Sa paglayo maraming natutunan, sa paglayo maraming buntong-hininga, dalayday ng luha at ang mga hinanakit na hindi masabi-sabi. At tila mas nakakaunawa ang sulok at dilim ‘nong mga panahong, sinisisi mo ang pagkukulang o pagkakamali.

    May mga bagay talagang mahirap limutin, kahit sinabi na nating nakabaon na sa ilalim ng alaala, minsan aalingasaw pa rin ang umaantak na sugat…minsan lang naman.

    Mas maige nang lumayo kung sa pagkakalapit nama’y para na ring malayo.

    Minsan lang din naman, hindi palagian.

    Tugon

    • hello, j. kulisap!

      maige at ika’y naparine. gusto ko sa mga sinabi mo ang part na ire:
      “Mas maige nang lumayo kung sa pagkakalapit nama’y para na ring malayo.”

      estrangement – ang ganda! sabagay nga, ano? hamo, minsa’y makagawa naman ng post tungkol dyaan, haha…

      salamat at ika’y nakahikap dine sa amin!🙂

      Tugon

  11. […] bawat isa sa inyo, andoon ang aking pagtatanong – bakit kaya niya nasabi ang ganoon? Ano kaya ang nais niyang ipakahulugan? Sino kaya ang kanyang […]

    Tugon

  12. […] Ba’t mo nga ako iniwan? – mga panimdim ng isang iniwan […]

    Tugon

  13. nakakalungkot pero patuloy pa rin ang buhay sa pag-inog…take a one step forward.;-)

    Tugon

  14. […] exercise ang mga sulatin ng inyong lola. May halaw din sa totoong buhay… Sa sanaysay na ba’t mo nga ako iniwan?, may pitong instances ng iwanang tinalakay. Apat doon – based on real life… Hala pa, kung may […]

    Tugon

  15. […] ba’t mo nga ako iniwan? – ampalaya post ire – ang pait, sobra! […]

    Tugon

  16. […] Kagalang-galang siyang nilalang, pag makikita nyo… Siya rin nga pala ang isa sa andoon sa ba’t mo nga ako iniwan?, pangalawa sa istorya – iyong umiiba ng daan, hakhak. .. After all these years, nakukuha pa […]

    Tugon

  17. MGF!?!? May Ganung Factor pala san!! *kaway-kaway* grabe.. naantig ako sa mumunting love story.. talagang may pinaghugutan… aaawwww…

    Tugon

  18. Ate San!!!! This made me cry… anu ba yan!! Naalala ko tuloy ang last serious relationship ko…. at kung bakit nya din ako iniwan… anu ba yan!!! hahahaha! may nakilala din syang iba… napressure din sya kahit hindi sakin galing ang pressure… madami din syang self-doubts dahil magka-iba daw kami… langit daw ako at lupa sya. hahahaha😀 nakakaiyak… ayoko na din sana alalahanin ang lahat.. ahhahaha!😛 very moving.. tumulo ang sipon ko… nubeyen! hehehe😀

    Tugon

    • hello, Karen… naiyak ka talaga? gano’n nga ata, dear. buti sana kung mas maganda sa atin yung girl, e, ‘no? hahaha…kaya bukod sa masakit, nakakainsulto pa, haha.😉 tong si guy naman, kung kelan nakaalis na, saka natin na-realize – cute nga pala ang gunggong at malambing pa, shaks… anyway, sana maganda ang Vday mo, kapatid. hamo, darating yon, mahahanap ka nya when you’re good and ready. cheers!😉

      Tugon

  19. ako po ay nagtataka kung bakit hindi nag-appear ang comment ko.😦

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: