Ang Kwento ni B.

image of a young man selling bread

Hindi niya alintana ang hirap at panlalait/ flickr.com

Sumusuray kung maglakad si B. Hindi rin siya nakapagsasalita ng maayos. Utal. Sa edad na labintatlo, hindi siya nag-aaral. Nagtatrabaho na siya.

 

Ang ama ni B. ay magsasaka at mangangaral naman ng Bibliya kung Linggo. Ang ina niya ay maybahay lamang. Negosyo ng pagtitinapay ang ikinabubuhay ng pamilya ng kanyang ina,  pagtitinda na rin ng tinapay ang inatupag ni B. sa mura niyang edad.

 

“Napay! Napay!” Ito ang sigaw niya tuwing madaling-araw. Ang kaing na nakasampay sa kanyang likod ay laging may lamang isandaang pandesal, limampong bonete at sampong monay. May hamog pa ang damuhan sa tuwing daraan si B. para mag-alok ng tinapay sa bahay-bahay.

 

Hindi gaanong kinagigiliwan ng mga tao sa baryong iyon si B. Hindi sila komportable sa hitsura niya at pananalita. Ngunit dahil dadalawa lamang silang nagtitinda ng tinapay sa lugar, madalas pa rin siyang nabibilihan.

 

Kapag tapos na sa paglalako si B., umuuwi siya sa kanilang bahay para kumain. Saka siya tumutulong sa pagpapastol ng mga alagang baka ng pamilya. Tuwing hapon, nanonood si B. sa mga batang naglalaro malapit sa kanilang bahay. Pag nagsawa na ang mga bata sa kalalaro, si B. ang sa tuwina’y nagiging tampulan nila ng tukso. Hindi si B. pumapatol o lumalaban sa kanila. Madalas, hindi lang siya umiimik.

 

Image of a cow grazing on the field

Nagpapastol si B ng baka, pagkatapos niyang maglako ng tinapay/ panoramio.com

 

Lumipas ang maraming taon. Nagsipag-asawa na ang marami sa mga batang tumutukso kay B. Ang iba ay nanirahan na sa Maynila. Si B. ay nanatili pa rin sa baryong iyon. Isa na siya sa masasabing matatagumpay na negosyante sa lugar. Nangangalakal siya ng mga prutas sa iba’t ibang probinsya. Nakapagpatayo na siya ng malaki-laking bahay.

 

Pag napag-uusapan ng matatanda sa nayon ang inabot sa buhay ni B., napapatango na lang ang mga dati’y tumutukso sa kanya – sila na ngayon ang hindi maka-imik.

 

cartoon image of a dream fulfilled

Maliit kung mangarap pero nagtagumpay/ facebook.com

 

 

* Ang kwentong ito ay base sa totoong buhay. Pinalitan ang ibang detalye para itago ang katauhan ng bida, si B. Naisulat ang akda noong Enero 2010.

 

14 responses to this post.

  1. Wow, such an inspiring story! I love reading about people who take charge of their life and succeed in the end, despite their shortcomings.

    Thanks for sharing!

    Tugon

    • salamat at naibigan mo, nadia…🙂

      medyo kawawa talaga si B. noong araw. sya ‘yong batang walang kaibigan noon, doon sa amin. iniisip ko, kasi people, especially children (myself included) are not that forgiving when it comes to a person’s physical defects. ayon…

      thanks for dropping by!🙂

      Tugon

  2. coffee paintings sent🙂

    Tugon

  3. eat your heart out, people.🙂 yung mga ganitong kwento ang nakakatuwa kasi alam mo na very deserving si B sa kung anuman ang meron siya ngayon. =)

    Tugon

    • oo, nagi syang local success as an enterpreneur. . .

      hindi ako kasama sa nambibiro at nanlalait sa kanya noon pero, hindi ko rin sya kinaibigan or kinakausap. parang kakaiba kasi ang itsura nya? tapos, umalis na ako sa baryo namin. matatanda na kami noong makabalita ako uli tungkol sa kanya. ‘yon… :c

      Tugon

  4. kaya dapat huwag magmamanliit ng tao kasi hindi mo alam kung ano kanyang gawin at hinaharap.

    mabuhay kay B at pinagbuti niya ang laban niya sa buhay!

    Tugon

  5. Posted by sphere on Hunyo 23, 2011 at 8:46 umaga

    ahahahha parang kwento ni Pacman🙂

    Tugon

    • oo, kamo. isang batang naka-ahon sa panunudya at kahirapan si B.

      salamat sa pagbabasa at sa comment, anne.🙂

      Tugon

      • Posted by Sphere on Hunyo 23, 2011 at 4:49 hapon

        nakakatuwang isipin ang kasabihang ang buhay ng tao ay parang gulong lng at sabi nga ng Aegis noon akoy nsa ilalim sana bukas nasa ibabaw naman! sabi nga sadyang mapaglaro ang tadhana…

      • ahaha! aegis band, fan din ako nyan. kelalim ng pinaghugutan ng ‘yong words of wisdom, anne.🙂

        tama, ako dati’y lampayatot tapos ngayo’y mas mabigat pa ako kay pacman. sana ay yumaman na lang ako at hindi ‘yong bilbil at tyan ko ang na-enlarge, ahaha. ang buhay nga naman, maigi pa si B. … 🙂

  6. Mukhang nakikinikinita ko ang depekto na pisikal ni B, kaya siya utal. Ngunit walang depekto ang kanyang isip na magpursigi sa kabila ng kanyang kalagayan, kaya siya ay naging tagumpay. Mas kahanga-hanga lalo ang kanyang puso, na hindi pumatol sa mga kumukutya sa kanya, kaya siya lalong pinagpala.

    Tugon

    • hello, dok… salamat ho sa pagdaan at sa iniwang bakas… btw, what could be B’s defect, sickness? would you know…ako ho, hindi magtatakang enterprising siya. bukod sa challenge ng mga nangungutya sa paligid, ang relatives nya on the mother side, mga entrepreneurs, proprietors sa kabilang bayan. ayon… tapos, yun nga, yong pansarili nyang perseverance…🙂

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: