Mga bangkang tahimik na binubunggo ng mga along parang bula, picnic basket na ang lama’y bubusog sa pamilyang napagod sa kalalangoy, at halakhak ng mga kabataang sumasabay sa saliw ng musika (malayo pa sa hinagap ang mga hampas ng alon ng totoong buhay) – iyan ang mga alaalang madalas kakabit ng salitang dagat.
O, di kaya, matingkad na asul na sumisimbolo sa lalim ng tubig, nag-aalimpuyos na laot na nangangahulugan ng ligalig at malawak na espasyong tumutudya sa kaliitan ng ating lugar dito sa mundo – ilan yaan sa mga sumasagi sa ating isip, sa tuwing matatanong tayo ukol sa imahe natin ng dagat.
Iba-iba ang kahulugan ng dagat para sa iba’t ibang tao. Iba’t iba rin ang mga karanasan nating galing sa paglangoy, pakikipaglaro at pagtawid dito. Kanya-kanya rin tayo ng takot, saya, pagkamangha, pagkabighani at pag-aatubili – pag sinabing dagat. May taong dagling napapatahimik sa tuwing nababanggit ang dagat, mayroong biglang tumatabil ang dila at may simpleng napapangiti pag tungkol dito ang naririnig.
May mga tao raw na sumasamba sa araw, mayroon ding pirming kaulayaw ang mga bituin sa langit, may mga nakikipagtiyap sa buwan at mayroon din namang nakikipaghabulan sa mga bagyo. Higit na marami yata ang mga taong iniaalay ang kanilang panahon sa pakikipag-tuos sa dagat – may lumalangoy ng malayo, may sumisisid ng malalim at may sumasakay sa mga alon nito. Mayroong tahimik lamang na nagmamasid sa tanawin at kontento nang matamaan ang mga pisngi, niyong hanging-dagat.
May mga awiting nalikha at tinangkilik dahil ang binibigkas ay ang ugnayan ng tao at ng dagat. May mga makatang nag-alay ng mga taludtod para sa dagat. May mga nagsulat ng nobela ukol dito. May mga pintor na gumuhit ng mga kamangha-manghang larawan para hulihin – kahit sa ilang sandali – ang ganda at misteryo nito. Saan ka baga – may dagat na makisig, may dagat na marikit, may dagat na palalo, may dagat na mapanghalina, may dagat na nagmamalupit at may dagat na kumakalinga. May dagat na di- maipaliwanag.
Napaglalanguyan ang dagat. Napapangisdaan. Napagkukuhanan ng yaman. Natatawid. Napag-aalayan ng mga salita at tinig. Pero may mga pagkakataon, nais lang natin itong pagmasdan…
Damhin ang kapayapaang dala ng banayad nitong agos, ang malumanay na dampi ng hangin at ang susun-susong puti-berde-asul na patas ng kalikasan. At tahimik na umusal ng panalangin, sana, ang mga sugat na dala ng pagmamalupit ng kapalaran, ng panahon at ng sarili ay pasasaan ba’t, gagaling din?
* Para kay K.T. – Maligayang kaarawan sa kanya noong ika-13 ng Hunyo.
Posted by nadia on Hunyo 15, 2011 at 11:41 umaga
Um, have you vowed to increase the difficulty level of your vocabulary with each post?
Just kidding! But yeah, it took me a long time to read this post, hehe. But it’s worth it, anyway. Very well written, San.
Posted by nadia on Hunyo 15, 2011 at 11:43 umaga
Even Google had problems translating this post. Here’s how your first paragraph is translated:
“Binubunggo boats quietly along like the bubbles, picnic baskets to the families bubusog lama’y tired of kalalangoy and laughter of young sumasabay the accompaniment of music (far more suspicion the breakers of real life) – that The extension of the term memories often sea.”
LOL
Posted by doon po sa amin on Hunyo 15, 2011 at 12:21 hapon
lol! am humbled, terribly so. 🙂
but then, i’ve always had this suspicion that mr. google will one day change all the rules in communication, grammar and literature, lols!
he should take lessons from my former teachers – they’re very strict, i barely passed the subjects, haha. 🙂
Posted by doon po sa amin on Hunyo 15, 2011 at 12:13 hapon
ay, ang saya naman at dumalaw ka, nadia! haha, pasensya naman, pa-profound nga ang effect nitong post. naman nga naman kasi… 🙂
as mr. google rarely does justice in translating my posts and in penance for having made you suffer, i’ll translate some words for you, nadia dear, ahaha:
saliw – in the accompaniment of
hinagap – notion, inference
hampas – the beat of
lumusong – to take the plunge
nag-aalimpuyos – furious, turbulent, in a state
laot – deep (part of the sea)
ligalig – chaos, turbulence, difficulty
tumutudya – makes a mockery of, derides
sumasagi – (what) comes to mind
pagkamangha – state of being being awed, galled or stupefied
pagkabighani – state of being charmed or enticed
pag-a-atubili – hesitation, indecision
dagli – at once, immediately
tumatabil – becomes talkative
kaulayaw – company
nakikipagtiyap – to have a meeting or rendezvouz with
pakikipagtuos – reckoning with, settling account with
sumisisid – dives
taludtod – line in a poem
kamangha-mangha – awesome, magnificent
tinangkilik – patronized
binibigkas – being uttered or declaimed
makisig – handsome, gallant
marikit- charming
palalo – arrogant
mapanghalina – enticing, charming, tempting
kumakalinga – caring/ caring for
pagmasdan – to observe, to stare at
damhin – to feel, to sense
banayad – calm, placid, serene
malumanay – gentle, slow
suson – layer
patas – pile
umusal – to utter, to whisper
pagmamalupit – cruelty
ahaha! as i had to translate practically every word in the post, i’d say, yeah, it’s a difficult read…i can be sure by now that most readers will skip it, haha. or, only readers 35 and up will bother browsing… i thank you sincerely, nadia, for going thru the torture and for your very candid feedback.
salamat at ingat kayo ni masood sa mga byahe! 🙂
Posted by nadia on Hunyo 16, 2011 at 1:09 hapon
“”…only readers 35 and up will bother browsing…” Ha Ha 😀
You took such pain in helping me out, but really, thank you! I read every word. I hope I remember them next time you use them in your posts. Oh, and I think my favorite word is “malumanay” 🙂
Posted by doon po sa amin on Hunyo 16, 2011 at 2:00 hapon
yes, naparami ata ang nabasa ko sa panitikang pilipino, haha. hindi na gaanong ginagamit sa conversations ang mga salitang nagamit ko rito sa post, e.
no problem, it’s my pleasure. yes, malumanay is a nice word, ‘no? it’s also used as an adverb e.g., malumanay magsalita ang ale. 🙂
Posted by aninipot on Hunyo 16, 2011 at 5:28 umaga
pag naririnig ko ang dagat, unang-unang papasok sa isip ko HOME.
buong kabataan ko ginugol ko yata malapit sa dagat, ang daming magagandang memories 🙂
Posted by doon po sa amin on Hunyo 16, 2011 at 9:26 umaga
haha, alam ko,alam kong ika’y lumaki sa piling ng dagat. sabi na nga ba’t ‘yang dagat ang dapat sisihin kung bakit anlalim mag-isip nitong si anini…
at kung bakit din sya’y artistic at malapit sa nature… 🙂 punta tayo sa dagat ninyo, tara!
Posted by Sphere on Hunyo 16, 2011 at 7:55 umaga
may kakaibang magic ang dagat para sakin pag pagod ako sa work dagat lng katapat ko magbabaon ako sandwich makikipagtitigan sa dagat hanggang dumilim nawawala na pagod ko, pag masakit ang katawan ko o nalulungkot ako magtampisaw lang ako sa dagat napapawi nito ang lungkot ko…
ako na ang sirena nong unang buhay ko ahahahaha
Happy birthday KT 🙂
Posted by doon po sa amin on Hunyo 16, 2011 at 9:33 umaga
tsj, tsk… ba’t parang naging substitute ng lablayp si dagat sa ‘yo? ahaha. sa dagat ka nakikipagtitigan at sa kanya ka rin nagpapamasahe. may dala pang magic, ano ba ‘yan… 🙂
ei, nakita ko na pala ang luma mong gravatar noong unang panahon,hihi…. btw,magaganda ba ang dagat dyan? padala ka ng pic ng seascape dyaan… 🙂
salamat sa bati kay K.T.
Posted by Sphere on Hunyo 16, 2011 at 10:51 umaga
kung papipiliin ako malamang piliin ko ang dagat kesa sa lablayp ahahaha 🙂
napaisip tuloy ako ano ba ang gravatar ko noong unang panahon ahahaha
🙂
Posted by doon po sa amin on Hunyo 16, 2011 at 11:23 umaga
paktay na! ahaha… 🙂 okey naman anne ang dati mong gravatar, nothing incriminating or scandalous, hihi… 🙂
Posted by duking on Hunyo 16, 2011 at 11:39 umaga
ilang ulit ko na rin yatang naihambing ang buhay at pag-ibig sa dagat sa ilan sa mga post ko.
ang gusto ko sa dagat, para siyang babae. hahaha! hindi mo masusukat ang lalim niya. laging pabago bago ang alon. minsan payapa, minsan nag-aalimpuyo. minsan, tahimik, minsan sobrang lakas ng daluyong. kapag nawala ka sa lawak niya, paniguradong hindi ka na matatagpuan. kahit layuan mo, siya pa rin ang hangganan ng kayang landasin ng paa mo. kapag mainit, hinahanap hanap lagi. nakakalunod. at higit sa lahat, laging nag aanyaya. whahaha!
Posted by duking on Hunyo 16, 2011 at 11:40 umaga
maligayang kaarawan na lang kay KM. malamang na siya ang SSS mo.
Posted by doon po sa amin on Hunyo 16, 2011 at 1:49 hapon
teka, ano ba ang ibig sabihin ng SSS? :c
gow! baradong lababo is it. basta malikhain, ahaha 🙂
Posted by duking on Hunyo 16, 2011 at 11:40 umaga
KT pala. susmaryosep.
Posted by doon po sa amin on Hunyo 16, 2011 at 12:15 hapon
si KT ay isang lalaking mahusay ring mag-drowing, ma-emote pagdating sa mga tanawin at mahilig mag-vidoke, ahaha!
ang dagat ay parang lalaki – makapangyarihan. nagsu-suplado pag nilalambing at nanunuyo kung kailan wala ka sa mood, ahaha… gawa ka kaya ng bagong post tungkol sa dagat? 🙂
Posted by duking on Hunyo 16, 2011 at 12:32 hapon
si KT nga ang SSS? hahaha!
nasabi ko na ang saloobin ko sa dagat. next time, baka tungkol naman sa baradong lababo ang gawin kong post. hahaha! ihahambing ko ulit sa babae.
Posted by Judy Ann Chan-Miranda on Hunyo 17, 2011 at 4:07 umaga
nangiti ako ng nabasa ko ito, napabuntong hiniga, nagnilaynilay, ngumiti muli. sa pagtatapos ng pagbabasa ay gusto ko ng umuwi at yakapin ang mga mahal sa buhay at yayaing magtampisaw sa dagat ng magkakahawak-kamay.
nagsisisi ako at ngayon ko lang nasipatan ang iyong mga akda.
miss you, my friend!
Posted by doon po sa amin on Hunyo 19, 2011 at 3:12 hapon
salamat sa compliment, dear. kamusta sa family mo… 🙂
ababa, kasi naman ang tagal ko na kayang nag-imbita? hmm…
miss ka dyan… weh? some friend i got, huh?! welcome dito sa site! 🙂
Posted by yahjme05 on Hunyo 20, 2011 at 5:41 umaga
matanlinhaga ang ibang salita , pero naarok naman… wahhaha ..nice post ^_^
Posted by doon po sa amin on Hunyo 21, 2011 at 7:54 umaga
hello, yahjme! salamat at naligaw ka banda rito… 🙂
ang husay naman at pinagtyagaan mong basahin. hamo, gagaanan ko na sa susunod. balik ka minsan! :)))
Posted by yahjme05 on Hunyo 21, 2011 at 11:42 umaga
hahah…cge mejo gaangan mo lang para skin ..dalaw ka din sa blog ko minsan… ingats.
Posted by doon po sa amin on Hunyo 21, 2011 at 1:27 hapon
hello, uli. nakadaan na ako ro’n. haha, andami kong tawa… 🙂
Posted by Haring Ibon on Hunyo 24, 2011 at 7:33 umaga
i must say, you’re very good in composing your story. the title and the contents are well connected. The “calm ocean” theme is in itself representing depth and mystery and you had wonderfully expounded it’s essence with the usage of deep meaning and seldom used local words and phrases.
certainly a good read on this very rainy afternoon!
cheers!
Posted by doon po sa amin on Hunyo 24, 2011 at 1:52 hapon
why, thank you for your compliment, haribon! it isn’t everyday that i get such, haha…
salamat sa pagbabasa. btw, i dropped by your site already. english blog pala ‘yon, hehe… mag-iikot-ikot muna ako ro’n bago mag-comment, ha? i tried to look for your about the author page but couldn’t find it. saang banda kaya ‘yon? :c
the next posts would be about the rainy season na… regards sa ‘yo! 🙂
Posted by Haring Ibon on Hunyo 27, 2011 at 12:13 umaga
my pleasure 🙂
pasensya na kung english blog ko, nasimulan ko kc yun nuong OFW pa ako, para mabasa din ng mga kasama ko sa work na ibang lahi, kaya nakasanayan ko ng gawing english hanggang sa kasalukuyan.
glad to know you had dropped by.
have a nice day 🙂
Posted by doon po sa amin on Hunyo 27, 2011 at 8:58 umaga
ah, it’s alright that your blog is in english. mas sanay na akong magbasa ng matl’s in english. dito nga lang uli sa blog ako napasabak ng pagsusulat at pagbabasa ng nasa tagalog…
btw, kakatuwa ang site mo, parang no-nonsense ang entries, parang blog ng isang busy na tao, hihi… 🙂
at oo, babalik ako roon sa inyo… salamat at magandang araw din sa ‘yo! :))
Posted by Kalsadang One-Way « doon po sa amin on Agosto 8, 2011 at 5:01 hapon
[…] sa tuwing hindi banayad ang byahe, sa tuwing mapapakunot ang aking noo sa mga kaganapan at sa mga panahong ‘ika nga […]
Posted by Maiksi Lang… « doon po sa amin on Agosto 9, 2011 at 4:15 hapon
[…] Payapang Dagat – ang dagat sa buhay ng tao […]
Posted by mga anik-anik « doon po sa amin on Agosto 11, 2011 at 8:14 hapon
[…] Ang Payapang Dagat is a very personal […]
Posted by Doon Po sa Amin, balik-tanaw – mga kwento at tulang pumapag-ibig | sasaliwngawit on Nobyembre 13, 2012 at 3:53 hapon
[…] ang pagtingin ng manunulat na blogger dito sa usaping sex? Mga kapatid, nasa sanaysay na Payapang Dagat, inilathala sa DPSA noong Hunyo ng 2011. Bakit nagsusumigaw na single – tanong nyo at tanong rin […]