Daloy

image of EDSA traffic - t3.gstatic.com

Daang libong sasakyan, nag-uunahan/ bloggista.com

Saan papunta ang daang libong sasakyan kapag Biyernes ng alas singko y medya ng hapon? Sa mga panulukan para maghatid ng mga inang nanabik makauwi sa mga anak? Sa mga daang palayo sa mga kompanya at empresa, para iuwi ang ponglibong mga pagal na katawang humihingi ng pahinga? Sa mga kulumpon ng kainan at kapihan, para doon idulog ang mga propesyunal na naghahanap ng paglalagakan ng salaping kinita, habang nilalabanan ang matinding pagkainip sa malamig na kwadradong opisina?

 

Saan pupunta ang mga sasakyang naggigitgitan, nag-uunahang makatalilis, makalayo? Pasilangan? Pakanluran? Pa-ilaya? Pa-ibaba? Mabagal ang andar ng trapiko. Magastos sa gasolina. Mahal ang gasolina – pamahal ng pamahal. Habang dumidilim, lalong bumabagal ang daloy…

 

image of waiting for the traffic to move - t2.gstatic.com

Pasensya ang susi para makarating/ article.wn.com

Naiinip ang tsuper ng dyip, panay ang sulyap nya sa unahan. Malimit ang pag-konsulta sa kanyang relo ng ale sa loob ng taxi. Nagta-tap sa manibela ang kamay ng mamang makisigย  na nagmamaneho ng sariling sasakyan. Lumilingon-lingon naman sa paligid ang driver ng delivery van – mahuhuli na siya sa paggagarahe ng sasakyan at sa usapang inuman kasama ang mga kumpare, bandang alas-otso ng gabi.

 

Bumababa na ng dyip si Jasper, lalakarin nya na ang natitirang isang kilometro papunta sa kanila – maliligo muna siya’t magpapalit ng damit bago dumiretso sa kabarkada. May date si Lala, tipanan sa bago nyang ka-chat. Lalabas muna sila bago siya pumasok sa kanyang 11pm to 8am shift sa call center. Mabagal pa rin ang daloy ng mga sasakyan, nanlalagkit na ang kanyang mascara

 

image of jeepney amidst the rush-hour traffic - t1.gstatic.com

Nakikipaggitgitan, humahaharurot/ wn.com

 

Sandaling umandar ang trapiko. Nagharurutan ang mga sasakyang nagmamadali, paalis. Kanya-kanya silang pulasan. Pumailanlang ang musikang disco mula sa loob ng isang dyip na pang-labindalawahan. Sumigla ang pakiramdam ng driver ng taxi – baka sakali, makaabot siya ng boundary…๐Ÿ˜‰

 

Image of early evening traffic in one of the Philippines' cities

Kanya-kanyang pulasan – palayo/ framework.latimes.com

 

23 responses to this post.

  1. hindi mahirap ang pagsusulat sa taong mulat, ano?

    huwag matutulog sa byahe. damhin ang paghinga ng lansangan. may ibinubulong ang paligid. lahat halos, narinig mo. nakita. naramdaman.
    saka mo muling binuhay ang tagpo sa panulat. sa gayon, hindi ka na mag-isa sa pagkakaupo mo. andoon na rin kami.๐Ÿ˜€

    Tugon

    • ahaha, meron lang talagang mga taong kung anu-ano ang napapansin maski sa daan. kahawig lang ito wari ko noong post mo about traffic light – observations ng taong walang magawa… mas makulit ‘yong sa ‘yo…๐Ÿ™‚

      Tugon

      • ah, ganoon ba? on the other hand, ‘yong maloloko mong twists, ‘yon nga mostly ang masaya. your ability to do such shows flexibility and grasp of your audience, sa tingin ko…

        kasi, kung tutuusin, isa ‘yon sa duties ng informal writer – to entertain. and in this, marami pa akong dapat matutunan sa ‘yo at sa iba pang bloggers, palagay ko… :c

      • hindi lang ako marunong magsulat kaya nagmukha lang makulit. pero napaka seryoso ko habang sinusulat ko lahat ng post ko.hahaha!

  2. dapat ata ang pamagat nito ay dalaw at hindi daloy sa dahilang paalis si Jasper he he he ang trapik nga naman ng buhay..

    Tugon

  3. hello po๐Ÿ™‚

    Tugon

  4. sakto sa news na napanood ko kanina sa bus. asahan na raw na tatrapik sa may bandang quezon ave at araneta ave. good luck naman eh halos daanan ko rin araw-araw ang mga yan lalo na yung una. nakaka-frustrate lang din kasi ang gusto mo lang naman magtrabaho at kumita. pero yung pagpasok mo pa lang hirap na tas nakaamba yung pagtaas ng gasolina at naghahamon ng strike ang mga driver. pero ganun talaga … iniisip ko na lang na training ang mga ito. just in case na mag-abroad ako. chuz.

    Love ko pa rin ang Pinas!

    Tugon

    • haha! natawa naman ako sa mahaba mong kwentong nakarating sa pag-a-abroad at pag-lab sa pilipinas – ang kulit lang. ๐Ÿ™‚

      gets ko, btw, lab mo ang country kahit saksakan ng traffic! ala akong masabi ro’n… :)))

      Tugon

  5. galing galing pati traffic jam nagawan ng eksena ..๐Ÿ˜€

    p.s saludo tlga ako sa pananagalog mo..

    Tugon

    • salamat, salamat… ah, di ba naman ganyan nga pag friday ng hapon? ang dapat, di muna sasabay sa buhul-buhol na traffic, davah?๐Ÿ™‚

      hay, salamat at natutuwa ka sa pananagalog ko. ibabalita ko ‘yan sa mga kapatid kong nanlalait sa aking pagsusulat sa tagalog, hihi…

      btw, ang paraan naman ng pagku-kwento mo ang ikinakatuwa ko sa ‘yong posts.๐Ÿ™‚ salamat uli.

      Tugon

      • ei, nars ka di ba? may nephew din akong RN. nag-stay home sya for a while until nakakuha sya ng item sa DOH. a little above the minimum lang ang salary but at least, napa-practice nya na profession nya. hayon…

        ah, yes, for a BS grad, you do write well, kapatid. your style in writing is fresh and sprinkled with humor. natatawa talaga ako sa mga sinulat mo…. ^_^

        good luck with your jobhunting pala๐Ÿ™‚

      • haha jobless ako ngayon eh kaya di ko pa naeexperience yan.

        thanks for the complimet (wow umienglish?)

        salamat din.

      • *compliment pala ..heheh

  6. […] tunatahak ko na ang daan. Ang blogosphere ย pala ay ย kalsadang hindi iisang tunguhin lang ang daloy. Oo, nga at kung minsan ito ay tila isang hardin – maaliwalas ang paligid at puno ng mga […]

    Tugon

  7. […] Daloyย – pagkaipit sa trapiko […]

    Tugon

  8. […] ย Ang Daloy, tungkol sa pagkaipit sa trapiko, ay naisulat sa loob ng isang Tapsilog House, Biyernes, bago […]

    Tugon

  9. Reblogged this on doon po sa amin and commented:

    Hello, ka-blogs! Huling hirit na po for the season itong re-blog ngayon, hihi. Isi-share ko sa inyo itong post ukol sa traffic, ang traffic sa paningin ng isang dakilang commuter, ahaha. Btw, nagkaroon na rin po ang blogger dito ng pambili ng awto noong araw, pero di nya itinuloy. Ang lakas lang ng loob, ahihi… Wala naman po akong masyadong na-derive na aral sa karuwagan kong iyon, hehe. Ang masasabi ko lang, kung natuloy ang pagbili ng kotse noon, malamang, di naisulat ang post na ito, hahaha.

    Sana ay nasa maigi kayo. Happy weekend!๐Ÿ™‚๐Ÿ˜‰

    Tugon

  10. ke masikip o maluwag man ang daloy, basta makarating lang sa mapupuntahan…thumbs dito pati trapiko ay nagawan ng panulat..hehehe…ayos ka talaga…enjoy kapatid..kawai kawai!๐Ÿ˜‰

    Tugon

    • hihi, wa ka care, gano’n? hala, ganyan din marahil ang iniisip ng mga naiipit sa trapik. ay, siyempre, walang magawa, naiinip. kung anu-ano ang pumapasok sa kukote, hehe. salamat, kapatid na Myr.๐Ÿ™‚ hope your bakasyon is going on fine. kaway-kaway…

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: