Nananawagan

image of birds chirping

Huni ng saya/ shutterstock.com

 

Kung makahuni ang ibon

akala mo ay anong saya

Kung makasikat ang araw

tila mundo, anong ganda

 

Kung makatawa ang kapitbahay

parang ang dali lang ng buhay

Kung makatalon ang bata

tila katiting na lungkot, wala

Kung humaplos ang hangin

tila gusto ka nang akapin

Kung maglaro ang mga ulap

akala mo, ang dali lang mangarap

Kung humalakhak ang ale

parang tawa ay nabibili

Kung humarurot ang dyipni

tila hinahabol ng tsuper ang sarili

cartoon image of a jeepney

Parating nakikipaghabulan/ toledofathoms.blogspot.com

Kung tumakbo ang panahon

parang minuto lang ang maghapon

Kung humampas ang mga alon

tila santambak na galit, itinatapon

Kung mangaral ang paham

parang madla, sya’y pinakikinggan

Kung mangako ang buwan

parang pag-ibig, walang hanggan

Kung magwaksi ka ng pagsuyo

tila laruan lang itong puso

Kung magtatapos rin sa paglalayo

damdamiโ€™y huwag gawing biro.

* Isa po lamang itong lumang tulang inilalathala sa kadahilanang walang mapili sa mga huli niyang naisulat ang may-akda. Mga kababayan, katoto at kapatid…ย  hindi po ito ayon sa kasalukuyang karanasan, pinangungunahan ko na kayo, hehe. Oo, ako na ang defensive, haha… Sana ay napasaya kayo nitong post.ย ๐Ÿ™‚

28 responses to this post.

  1. nahihirapan akong gumawa ng tula sa wika natin ewan ko ba? maganda ang tula parang natutulog lang๐Ÿ™‚

    Tugon

    • hindi rin ako gaanong nagtutula dati, kiko. essays kasi mostly ang isinusulat ko. the few poems i wrote in the past, mostly ay sa t.h. na english pa, he, he… nitong nagba-blog ako, medyo nabuhay ang pagtatangka kong bumuo ng mga taludtod, ahaha!

      kaya mo’yan, practise-practise lang, haha…

      inantok ka ba sa tula ko?…๐Ÿ™‚

      Tugon

  2. ang ganda kya ng tula! at sasabihin ko pa namang oo, ikaw na ang defensive. pero dahil nagandahan talaga ako sa sinulat mo, sige, i will treat it as you have said. hahaha!

    miss you na.๐Ÿ™‚

    Tugon

    • gano’n? salamat at nagandahan ka… tsamba lang siguro yan. sang-ayon sa baliko mong pananaw e, ang may-akda ang maganda, ahaha!๐Ÿ™‚

      miss ka dyan! weh?๐Ÿ™‚ ala ka pa ring bagong post?…

      Tugon

      • marami akong gustong isulat pero sabi ko di ba wala akong panahong magsulat.๐Ÿ˜ฆ sumisingit lang ako ng bloghopping. pag sumulat kasi dapat pagtuunan ko nang pansin. may ginagawa ako ngayon kaso di ko matuloy tuloy e

        sorry naman.

      • hmm… ang mungkahi ko dyaan, paminsan-minsan, mag-imbak ka ng istorya o entry. tipong isulat mo lang ng isulat tapos, konting pag-aayos na lang before mo i-publish. suggestion lang… :s

        oks lang, ‘te keekaye. masipag naman akong mag-intay, ahaha…๐Ÿ™‚

  3. ate san, isa eto sigoro sa mga tulang na-appreciate ko talaga.. ang simple pero may dating.. parang nasa bahay ka lang sakay sakay ng duyan tapos nakikinig ng music, ganyan ang pakiramdam habang binabasa ko to.

    Tugon

    • salamat ng marami, ani… ahaha, lumaki by an inch ang atay ko… true, i was just lazing around when i wrote the piece. nare-reflect pala ‘yong mood sa pyesa?…

      btw, lazy me, yes…๐Ÿ™‚

      Tugon

  4. Posted by sphere on Hunyo 2, 2011 at 1:14 hapon

    salamat sa nakakarelax na tula…

    d2 na me, wr na u? musta na censya na sobrang naging busy lng.

    p.s. sali ka sa patimpalak ni Jkul ha aabangan ko ang iyong akda.

    http//jkulisap.com

    Tugon

    • ikinalulugod kong na-appreciate mo ang tula…

      whoa! anne is around, yipee yehey! upo ka, eto ang iyong drinks, haha…:) here lang me, i get by, uhuhom…

      thanks, am sure maiging bagay ‘yang iyong pinagkaabalahan. akala ko nga, natuloy na ang uwi mo dito kaya nahinto ang posting mo… :s

      salamat sa info at sa tiwalang may k akong sumali, ahaha. btw, di ko pa nasusubukang sumali sa online na patimpalak. paano ba ang mga ganyan? :s

      sige, sisilipin ko ang site. nagagawi ako paminsan-minsan dyan, dati…

      Tugon

  5. wow! ang ganda-ganda-ganda-ganda. galing. ang simple ng mga salita pero bagay na bagay lang. hindi ako marunong gumawa ng tula eh, kaya soooobra bilib ko talaga sa mga gumagawa ng tula na kayang intindihin ng utak kong sabog.๐Ÿ™‚

    Tugon

  6. sa lahat ng anyo ng panulat, pinaka malapit sa akin ang tula. ewan ko kung bakit.

    eto yung tipo ng tula na madaling nguyain, madaling lunukin at madaling tunawin ng pandama at unawa. parang may ini rereklamong kung ano pero wala naman pala. hahaha!

    Tugon

    • haha! salamat, duking.

      ba’t nga ba? kasi sa tula yata, mas distilled ang iniisip at nararamdaman ng sumulat kaysa sa prose… :c

      wala talaga akong reklamo no’ng time na isinulat ko ‘yan, haha…๐Ÿ™‚

      Tugon

      • mas gusto ko ang tula dahil hindi niya kailangang magpaliwanag ng kung ano sa nais niyang ihayag. tinatanggap siya bilang siya-kung totoo man o nagkukunwari. tingin ko kasi, kung hindi tula ang isang sulatin, marami tayong hahanapin dito.

        mula sa unang tula na nabasa ko, kahit kailan hindi ko nagawang kuwestiyunin kung bakit ganoon o bakit ganyan ang anyo nito. dahil kapag ‘di ko nauunawaan ang tula, nagiging mas ma-sining ito sa aking paningin.

      • ganoon nga siguro, duking…๐Ÿ™‚

        sa kabilang banda, hindi yata sa lahat ng oras ay makakagawa tayo ng tula. somehow, may nire-require kasi itong frame of mind bukod sa pakiramdam para ito’y malikha – hindi lamang ang nilalaman kundi maging ang mood at kaparaanan. sa tingin ko… :s

        salamat nga pala sa pagbabahagi ng opinyon sa kalikasasan ng tula bilang anyo ng panulat…๐Ÿ™‚

  7. Wow! I find your way of writing very fresh and sweet. This poem is very beautifully written. And yeah, I understood everything, except “paham”. I guess that goes to say that my “reading and understanding” level of Tagalog is acceptable…now need to practice on writing and speaking๐Ÿ˜€

    Tugon

  8. like this post! (hindi pala naka-sign in sa wordpress kaya di ko na na-like!)

    masaya lang ang dating kahit makatotohanan ang paghahambing sa mga bagay-bagay.

    “kung makapost ka ng magandang blog akala mo ay nag-aanalisa ka sa iyong sarili”
    kung maka-react naman ako sa comment para akong natatamaan. hehehe

    Tugon

    • ahehe, natuwa naman ako sa comment mo, hoshi. bitter-bitteran post yaan as in, ba’t masaya ang mundo, ako hindi? akala mo naman, there’s something to be happy about. dapat, lungkut-lungkotan din ang world kasi, malungkot me, haha!

      ikaw na, este, ako na, ang self-indulgent, hihi… ๐Ÿ™‚

      Tugon

  9. Ang ganda ng areglo mo sa tula.
    Simple pero ang lakas ng tama.
    Napanganga at namangha
    Kainaman, sambit ng dila

    Tugon

  10. […] maaliwalas ang paligid at puno ng mga berdeng dahon at mga kagiliw-giliw na bulaklak. Maligamgam ang sikat ng araw na dumarampi sa aking mga balat habang doon, ako’y namamasyal. Banayad ang hangin, maliwanag […]

    Tugon

  11. […] Nananawaganย – ย huwag paglaruan ang damdamin (tula) […]

    Tugon

  12. […] Ang ideya para sa tulang Nananawagan ay galing sa kantang The End of the World na iniba lang ang […]

    Tugon

  13. […] pagkakabuo ngย Nananawagan. Sabado yata at may sinusulat ako noong hindi para sa blog, habang ang kapitbahay namin, ang lakas […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: