Ang Masusunod

Parating magkasama ang Mamay at ang kanyang tungkod/ maninstitute.com

Inabutan ko pang buhay at malakas ang Lolo namin. Bale, ama siya ng aming Tatay. Siya talaga ang magsasaka sa aming angkan. Siya ang dating maraming pag-aari doon sa aming lugar.  Siya rin iyong taong maalaga sa lupa. Siya ang aming Lolo. Sa puyukan ng mga bahay na kinalakhan namin, ang mga salita niya ang pirming masusunod.

 

Sa kinasanayan doon sa aming lugar noon, ang kalalakihan ang laging nangingibabaw. Ang mga kababaihan ay inaasahang susunod lamang sa bawat naisin ng ama, nakatatandang kapatid na lalaki o ng asawa. Kung kaya nga di nakapagtatakang sa aming pamilya, ang lolo namin ang bida.  Siya ang patriarch, kumbaga.

 

Ang tawag sa amin sa Lolo ay Mamay. Ang Mamay ay di pwedeng tawagin ng basta na lang. Pag ang mga apo niya ay nagkukwento tungkol sa kanya, hindi pwedeng si ang gamitin. Dapat ay ang Mamay. Hindi rin pwedeng kay Mamay kundi, sa Mamay. Kumbaga, pormal lagi ang pagtawag at paglalarawan sa kanya. Kasi nga, ang Mamay ‘yon.

 

Ang Mamay namin ay mestisong Espanyol. Pero, hindi siya gaanong matangkad. Sobrang malago ang kanyang mga kilay kung kaya, mabalasik ang kanyang anyo. Ang inabutan ko, puti na ang lahat niyang buhok sa katawan – sa ulo na sa bandang gilid  na lang ang may buhok, sa mga butas ng ilong at sa mga butas ng kanyang taynga. Mukha syang Santa Claus  na walang balbas at bigote.  Maliban sa bunso nyang anak na babae, ang mga anak nya ay pawang mga mestiso rin at mestisa – blonde ang mga buhok, prominente ang mga noo at matatangos ang ilong.

 

Ang aming Mamay ay hindi masalita. Lagi lamang siyang nakatingin at nagmamasid sa paligid o nakikinig sa mga kwentuhan. Lagi rin siyang may dalang tungkod na handang ihataw sa sinumang taong kokontra sa kanya o hahara-hara sa daraanan nya. Hindi ako nakatikim ng sinasabing hataw ng tungkod na ‘yon (ahem!). Pero, ang mga kapatid at pinsan ko’y sumusumpang masakit ang tama no’n.

 

Semi-retired na ang Mamay nang maabutan ko. Halos ubos na rin ang mga lupang source ng kabuhayan at pride ng angkan noon. Kulang na sa dalawang ektarya ang sukat ng lupang iniikot ng Mamay noon pag umaga. Pero, madalas pa rin namin noong nakikita siyang may gulok na nakasukbit sa beywang. Kung minsan ay nagbabambang pa rin siya ng lupa. Isa-isa nyang binubusisi ang mga tanim roon. Alam nya ang mga parteng kailangang gamasan, ang mga bunga ng saging na nahihinog na at kailangang balutan, at ang mga punong ang bunga ay kailangan nang anihin. Ng mga panahong iyon, pag makaharap mo sya, mapapansin mong ang talas pa ng kanyang senses.

 

Sa isang angkang karamihan sa mga miyembro ay maiingay, kakaiba ang presence ng Mamay – isang matandang tahimik at gawa lang ng gawa.  Noon, pag papalapit na ang Mamay sa umpukan ng mga nagkukwentuhan, biglang magbabaan ang mga boses. Ang mga malilikot ay nagbi-behave, ang mga makukulit ay nagpapa-charming at ang mga matatandang babae ay agad pumupunta sa kusina para tingnan ang nakasalang.  Halos lahat sa amin noon ay takot sa Mamay.

 

Pero ang hindi alam ng marami, ang Mamay namin ay may itinatago ring kabaitan sa katawan. Halimbawa, madalas nya noong tinatawag kaming mga apo nyang babae para pasalubungan ng mga bungang-kahoy na galing sa gubat – rare fruits, kumbaga. Pag anihan naman ng palay, iginagawa nya kami ng wawo.

 

Ang wawo ay isang klase ng musical instrument na gawa sa palay stalk. Pinuputol ang tube ng palay ng mga limang inches ang haba, nililinis ang loob nito at ginigilitan sa isang gilid para doon lalabas ang hangin pag hinipan. Maaring makagawa ng sari-saring musika at iba’t ibang tunog gamit ang wawo. Napakaganda ng tunog ng wind instrument na ito lalo na kapag ang Mamay ang gumawa.

 

Sa aming magpipinsan, madalas mapagkwentuhan ang panghahataw ng tungkod ng Mamay noon sa mga batang umaakyat sa mga lansones na nakatakdang anihin para ibenta. Tumatawa lang kaming magpipinsang babae pag iyon ang  usapan. Siyempre, dahil hindi kami nakakaakyat ng lansones, ang turing sa amin ng Mamay ay mababait. Kami ang mga apo nyang nakokontento sa mga laglag na bunga. Kami rin ang pinaglalaanan ng Mamay ng isang kaing na lansones na nakatago sa silong matapos ang anihan.

 

Malalambing raw kami at mababait – iyon ang akala nya. Over the years, hindi namin naisip na iwasto ang impression sa amin ng Mamay. Matanda na rin kasi siya, may sariling pag-iisip,  at isa pa,  para saan? 🙂

 

22 responses to this post.

  1. Mamay din ang tawag namin sa lolo at lola namin, ngayon yung lola ko na lang ang buhay, mamay pa rin ang tawag namin sa kanya. kakaiba kami sa lahat dito sa pampanga na ang tawag sa lolo ay ingkong o kaya’y apu.

    Tugon

  2. may lolo pa ako sa side ng nanay ko, sa lahat ng apo nya alam ko ako ang pinakamadali nyang makilala, medyo kamukha ko daw kase si lola aside sa ako lang ang tanging apo nyang babae na hindi nagpapahalik sa kanya, kahit nung bata pa..hahaha. ang totoo, sa ngayon sinasadya ko na di magpahalik sa kanya dahil sa gesture na yon, nakikilala nya ako kahit ang tanda na nya. ako lang kase ang nagmamano tapos tatakbo agad..hehe

    sabi ng mga tita ko, ang paborito daw ni lolo ay ang nanay ko pero kahit anong pilit namin na sa bahay na sya tumira, ayaw nya.. paborito ba yon?

    may lola din ako sa side ni tatay, instead na lola, mama ang tawag namin, baliktad kase ang totoo kung ina, nanay namin kung tawagin namin..hehe, pero cool si mama, mahilig sumayaw at kumanta kaya dati pag may concert o ano mang sayawan, lahat kami pinapalayas nya ng bahay, punta daw kami sa may kasayahan..hehehe

    Tugon

  3. wala yan sa lolo ko! hahaha!

    natuwa ako dito. hindi ko na madalas maalala si lolo. its been 15 years mula nung namatay siya. pero ang hindi ko makakalimutan eh yung panahon na nagbabakasyon ako at ang mga pinsan kong lalaki sa kanila ni lolo kapag summer.

    karamihan ng acquired principles ko ngayon, galing sa kanya. siya ang mentor ko sa pagbibigay halaga sa mga bagay na gusto mo, mapa sining, buhay man o pangarap. isang bagay noon na tinanong ko sa kanya kung bakit ang buong baranggay may kuryente pero sila ni lola eh wala, sabi niya, ang gabi raw kasi ay nilikha para matulog. sapat daw yung araw sa maalam na tao para gawin ang dapat gawin sa araw sa gayon, nagkakaroon siya ng karapatang matulog sa gabi. lagi siyang may simpleng paliwanag sa lahat ng bagay.

    sayang, kung buhay pa siya ngayon, siguro, mas naunawaan ko ang buhay sa kanya kaysa sa sarili kong pagtutuklas.

    Tugon

    • ha,ha!🙂

      salamat at nakapagpaalaala itong post sa ‘yo ng lolo mo. am sure he was a wonderful and wise man…🙂

      duking, hwag nang mag-alala pa. balang araw, magiging lolo ka rin – ahaha!🙂

      Tugon

      • isa yan sa mga bagay na gusto kong maranasan if life wills it.

        sana nga. hehe!

      • hello! di ba kamo madalas ka lately nagtitingin sa salamin? tingnan mong maigi, baka nag-uumpisa na ang proseso, haha!

        peace, duking!🙂 ‘lam ko, bata ka pa. marami ka pang iipuning kalokohan bago maging lolo, hihi…🙂

  4. Posted by bursky on Mayo 26, 2011 at 8:50 umaga

    yung lola ko sa mother side lang ang inabutan ko.😦 sa bahay ng tatay ko kami nakatira, malayo sa lola ko. although yung dalawang lola ko (mga kapatid ng tatay ng tatay ko) ay lagi akong sinasama.🙂 di naman sila ganoon ka-strikto sa akin. masaya naman mga ala-ala ko sa kanila.

    Tugon

    • hello, bursky! yes, grandparents are fun persons, correct ka do’n…

      btw, yong lola namin, tahimik lang noong buhay pa ang lolo. noong wala na ang Mamay, parang nag-blossom ang Nanay (tawag namin sa lola) – ang kulit nya at ang kikay, haha! binobokya nya kami sa kanyang mga hirit. :<

      salamat sa pagbasa at pag-comment. daan ka uli minsan🙂

      Tugon

  5. Madalas talaga kung sino yung alam mong strict sa iyo, iyon din ang ma-miss mong tunay. hehehe Angkan pala kayo ng mestisuhin. ini-imagine ko daw talaga ang itsura ng lolo mo.

    Tugon

    • hello, hoshi! tama, pag istrikto ‘ata, parang nagmamarka?🙂

      ang lolo, tatay at uncles ang mga mestiso. mostly rin pala ng cousins, haha… pero, kami ay mga hindi.😦 maiitim at pinoy ang itsura namin kase, kuha kami sa nanay, ahaha! may dalawa lang akong kapatid na mapuputi – token, hi, hi… kumusta ka na?🙂

      Tugon

  6. ang pagkakaalam ko bibihira lang ang mga probinsyang tinatawag ng mga apo na mamay ang lolo nila. saang probinsya ka?

    Tugon

  7. Posted by Haring Ibon on Hunyo 13, 2011 at 7:35 umaga

    sa amin sa batangas, mamay ang tawag namin sa mga lolo at lola🙂

    Tugon

    • talaga? sa amin, ang mamay ay ang lolo lang. ang lola, nanay ang tawag, ang sariling ina naman ay inay…. i guess, ang tawag na mamay is really a kinagawiang southern tagalog.🙂

      Tugon

  8. Posted by Haring Ibon on Hunyo 24, 2011 at 7:13 umaga

    hahahaha! may mali yata ako doon😦
    yung lolo nga lang pala ang tawag ay mamay… na alala ko tuloy bigla yung kapitbahay naming mamay K, palagi naming binabato ang puno nya ng sinegwelas… sungit kasi nun gusto pa ipakain lang sa ibon ang bunga …😛

    Tugon

  9. Posted by Haring Ibon on Hunyo 24, 2011 at 7:14 umaga

    oopppss, sorry po mamay K, nagkwento lang po…. peace be with you in heaven😉

    Tugon

    • ahaha! usually, mababait naman ang mga Mamay. ang mga bata lang kasing gaya natin noon ang makukulit – always getting in the way and making terrible rackets, haha… tama ba? 🙂

      salamat sa pagdaan ulit, haribon.

      Tugon

  10. […] Ang Nanay nga pala sa amin , Lola ang ibig sabihin. Nanay siya, bale, ng Tatay namin. Asawa ng Mamay, na naikwento ko na sa inyo dati. Magsa-sampong taon nang patay ang Nanay. Pero, ang nangyari roon, […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: