Dito

                                         image of the world held in a pair of hands

Dito…

… sa mundong lihis

at buhay na puno ng hinagpis

naghahanap tayo

ng mga katiyakan

maliban

     sa pagsikat ng araw sa umaga

     pag-ihip ng hangin sa hapon

     at pagdating ng buwang malamlam.

 

sa mundong maligalig

at buhay na tigib ng pasakit

naghahanap tayo ng kasiyahan

inaaninag natin

     sa tawa ng mga bata

     sa ngiti ng matanda

     sa akbay ng kaibigan

     sa yakap ng minamahal.

 

image of filipino children laughing

Nakakapagpasaya ang kanilang mga tawa

 

sa mundong tiwarik

at buhay na hitik sa panganib

naghahanap tayo ng munting kaligtasan

kapirasong masisilungan

     sa makulay na patalastas

     at masasayang balita

     sa naitagong kulubot

     ng magandang mukha.

 

sa mundong malupit

at buhay na sa dusa’y liglig

naghahanap tayo ng mga bagay na maririkit

nililibang ang sarili

     sa pagkaing matatamis

     magagarang damit

     matuling sasakyan

     sapatos na kaibig-ibig.

 

image of a red pair of shoes

Gumagaan ang mundo pag may magandang sapatos/ /t2.gstatic.com

 

18 responses to this post.

  1. normal lang sigoro na i-divert ng tao ang kalungkutan sa mga bagay na pansamantalang nakakapagsaya. nakakagaan din naman ng loob ang tumawa.🙂

    Tugon

    • hello, anini. happy mother’s day sa lahat ng nanay at sa lahat ng may nanay!🙂

      oo, naman… little things in life help us get thru the journey, ika nga. kagaya ngayon, nagkakape ako at nagtse-tsek ng blog – happy na ako.🙂 mamaya ko na iisipin ang ibang mga bagay, haha…

      isa sa mga certainties na gusto ko sa buhay ay makita ang tsinelas ko kung saang spot ko sya iniwan the night before, ahaha. ikaw, ano sa ‘yo?…🙂

      Tugon

  2. kung ang sapatos na yan ang inspirasyon mo sa tulang ito. naniniwala akong maganda ang sapatos na yan.

    mahusay na pagkakasulat sarap bigkasin.

    happy mother’s day sa iyong ina!!!!!

    Tugon

    • haha! hindi ko naman sapatos ang nasa itaas. pero totoo, pag may magandang sapatos akong nabibili, sumasaya ako. pag isinusuot ko yon at napapansin ng iba, x3 ang saya – feeling ko, maganda ako, hihi…

      salamat at naibigan mo ang post, hoshi. sana ay happy ang nanay mo kahapon at lagi-lagi.🙂

      Tugon

  3. ako lam mo may araw na sobrang down na down ako pero pag nakakita ko ng chocolate sa tindahan nakakalimutan ko bakit malungkot ako…

    isa lang malinaw dun…chocolate lang pala katapat ko haha!

    minsan may mga pagkakataong kahit anong dilim at sikip at bigat ng paligid natin, may mga simpleng bagay pa rin na nakakapagbigay liwanag sa buhay natin…

    Tugon

    • hello, joyo. salamat sa pagdaan uli.🙂

      may mga times na chocolate rin ang nagpapasaya sa akin, haha… pero sabi naman ng nanay ko dati, kape lang daw ang katapat ko. pero, hindi totoo ‘yon. napapangiti rin ako pag nakakakita ng banana cake. at pag tag-init, ice cream – ahaha!

      tama ka sa huli mong sinabi – simpleng bagay minsan ang sagot sa komplikadong sitwasyon.🙂 btw, punta ako sa bahay mo later…

      Tugon

  4. puno pa rin ang mundo ng mga nilikhang may buhay at mga bagay na naghahatid ng kaligayahan at kahanga-hangang mga pangyayari at iba pang damdamin kung kaya’t hindi nakakasawang silipin araw-araw ang durungawan ng lansangang daigdig.

    maligayang tag-ulan!

    Tugon

    • durungawan ng lansangang daigdig – ang arte at ang kulay mo talagang mangusap, duking! wala akong masabi as in, tameme…

      sana ay mahanap mo ang iyong kaligayahan ngayong tag-ulan! salamat sa pagdaan…🙂

      Tugon

      • nyahaha!

        natawa ako sa sarili ko. titigilan ko na ang pag gamit ng komplikadong salitang minsan, sinasabi ko lang pero hindi ko naiintindihan.

      • hahaha! sana nagagamit mo ‘yan para tunawin ang damdamin ng napupusuan mo, ahaha🙂

      • hindi rin. maliban sa blog, wala na akong ibang napag gagamitan ng mga salitang di tuwiran na kadalasang binubulalas ko ng hindi sinsasadya.

        sa taong napupusuan mo…sapat na lagi lagi ang ‘i love you,goodbye’

        nyahaha!

      • hala! ‘yang mga ganyang salita, mas maiging gamitin sa partikular na tao. pag sa blog, random ang audience na kinakausap mo, haha!

        ‘kaw talaga, parating cynical kundi himig broken-hearted.🙂 pagalingin mo na ‘yan, sinuman ang naka-cause nyan – antagal na ata, e, hihi… peace, duking!🙂

  5. […] Ang tulang ito at ang Dito ay kapwa naisulat noong unang linggo ng Mayo 2011 matapos basahin ng may-akda ang librong Fidelity […]

    Tugon

  6. […] di ko rin naman kayang ibigay o panindigan. Ang dami nang pagkabigo sa totoong buhay, pati ba naman dito sa mundong gawa-gawa lamang ay dadalhin ko pa ang pagiging bulaan? Hayaan na lang muna nating […]

    Tugon

  7. […] tula, haha… Ang trying hard lang, as in. Nailimbag pala ang mga iyon sa DPSA – ang Dito at Akala Natin. Itinulak at impluwensyado ni Lola Grace Paley ang mga nasabing […]

    Tugon

  8. HULI KA!!! aw, na-touch naman ako dito. Damang-dama at sagad hanggang buto. Si pulang sapatos….Ako naman ay nalilift ang spirit every time it rains. Ito yung puntong ang sarap magsulat. Pero higit sa lahat, masarap mag-isa. Pupunta ako ng Pan Pacific, dun sa lobby o di kaya ay sa Gloria Jeans nila sa baba at papanuorin ang ulan habang humihigop ng masarap na kape. Ganun lang yon. Kasabay na ninanamnam ang kape at ang pag-iisa habang pinapanuod pano sumayaw ang ulan (charot!)😉

    Tugon

    • ahaha, alin ang huli – about the red shoes? ahihi, di nga ba at ikinumpisal na yaon sa yong Adik post? yep, maganda ang pulang sapatos, though every three years lang ata ako nakakabili. mas marami pa rin ang black ones – buhay talaga, haha.😉

      mahilig ka rin sa ulan. hmn, pag marami ka nang time, basahin mo rito ang Pangako ng Tag-ulan (lumang post na rin, 2km ang haba, hehe). hala, alam ko Pan Pacific, been there three times yata – twice to have dinner and once to have coffee… matagal na ring di napupunta sa hotel (although sa area, medyo madalas pa). di ko alam na may gloria jeans na ryan. ang alam ko, may figaro sa area – malapit sa Landbank bldg?

      at sumasayaw talaga ang ulan? kainaman na, haha. marami ata akong nasulat about ulan sa SSA. pero wala pang naisusulat about its pagsasayaw. ma-explore nga ang idea, ang kulit. thanks for reading, happy summer pa rin…🙂

      Tugon

  9. […] medyo bitin, aanyayahan ko na lang muna kayong basahin ang dalawang lumang tula rito – ang Dito at ang Akala Natin. Ang mga iyan, naikwento sa SSA, inspired ng aklat ng tula ni Grace Paley. […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: