Salamat

trschools.com

Sa pagtuturo sa akin paano muli kumampay, lumangoy at makitungo – salamat. Sa matiyagang paggabay sa akin paano magmahal, umalalay at magbigay – salamat. Anumang maliit na mayroon ako sa ngayon, dahil ito sa iyo. Salamat.

Akala ko dati, alam ko na ang mga lihim ng buhay at batid ko na kung paano sumabay. Akala ko dati- malawak na ang aking pananaw. Sa aking hinagap, inisip kong marunong na ‘kong umigpaw. Mali ako. At hindi ko ito malalaman kung hindi dahil sa iyo.

Sa pag-intindi ko noon, gamay ko na ang umunawa ng mga pangyayari at bagay-bagay. Hindi pala, hindi sadya. Ang isip ko mandi’y punung-puno ng mga agiw, alikabok at mga haka-haka. Ang mga kilos ko ay balatkayo, makikitid at animo’y sa bata. Isa pala akong musmos sa katawan ng matanda.

Walang bagay sa akin ang magkunwari, magmalabis at magmarali. Sa makipot kong mundo, ako ay nagpapakatayog at alam ay tanging pansarili. Sapagkat bihasa sa paghahabi ng mga salita, mabilis magpasakalye ng di-nahahalata – inakala ko, ang mundo’y laruan at munti ko lang bangka. Kung di ka dumating marahil, tuluyan nang napariwara.

Sana nga’y hindi pa huling ang gaya ko ay matuto. Sana nga ay pwede pang hutukin ang punong malago.Β  Sana nga sa mga bagong pananim, pag-asa’y kasabay tutubo. At mabibigyang-anyo ang bagong ako. Salamat, nariyan ka, inaalalayan ang ‘sang tulad ko.

Salamat sa pagpapaliwanag sa kahulugan ng paggalang. Salamat sa pagtuturong may saysay ang pananahimik. Salamat sa pagpapakilala sa mga bagong anyo, kulay at gamit. Salamat at ikaw ay ikaw.Β  Salamat sa pagbibigay-tanglaw.

Salamat sa paglulugar ng mga bagay na luma. Salamat sa pagpapakilala sa ‘kin ng bago at tama. Salamat sa pagsabay sa paglalakad at sa paghila tuwing kailangang tumakbo. Salamat sa kakaibang tanawin at sa pakiramdam na may panibagong kayang tunguhin. Salamat at ika’y aking natagpuan. Salamat sa iyo, di mo ako iniwan.

Salamat.

shairy.com


9 responses to this post.

  1. sarap naman ng pasasalamat na toπŸ™‚

    dati may taong nagtatanong sakin bakit madalas akong mag thank you, sabi ko ‘I am always grateful for those person whom become a blessings in my life’. Salamat lang ang kaya ko.πŸ™‚

    Tugon

  2. akala ko tuturuan mo kami kung paano mag-swimming ibang kampayan pala ito. kampay ng pasasalamat hehehe.

    pero maigi yang pagpapasalamat. kapag marunong kang magpasalamat sa mga tao at pangyayari sa iyong buhay. mas nakikita mo yung positive sides at tila magaan lang ang lahat.

    mabuhay and salamat sa palagi mong pagbisita sa aking dalawang blog.

    Tugon

    • haha, summer lang kasi kaya mahilig ako sa mga may kinalaman sa tubig… btw, tampisaw lang ang alam ko at paglangoy sa tubig na mga apat na metro, haha…

      yes, ma’am! pag nakakapagpasalamat tayo, nakakagaan ng pakiramdam. btw, walang anuman re: pagdalaw sa ‘yong blog – nakakatuwa namang mamasyal do’n.πŸ™‚ salamat rin sa ‘yoπŸ™‚

      Tugon

  3. awww… very touching tribute…

    ang tanong, sino sila’ng pinasasalamatan mo? Feeling ko kasi hindi lang iisang tao ito.πŸ™‚

    habang nagpapasalamat ka, kakanta ako sa background ng Thanks to You ni Tyler Collins at Glowing Inside ni Nikki Gil. Hihi!

    Tugon

    • haha! kaye, eto ang kwento – may kapitbahay kaming nagpapatugtog ng kanta ni tyler collins 3x a week, umagang-umaga, for two hours! dinig na dinig sa kwarto ko, minsan mga past 5am pa lang, gusto ko pang matulog, pramis. one time, inisip kong sugurin at sabihin sanang medyo ibahin naman, pausap… instead, ang ginawa ko, sinulat ko ‘to.

      so, salamat kay kapitbahay, haha. lalagyan ko sana ‘to ng audio-video, wala akong makitang maganda ang sound at maayos rin ang pic/video. ayon, text na nga lang… ba’t mo nasabing marami sila?πŸ˜€

      Tugon

      • see? parang lahat ata ng mga kwento behind your posts ay nauulinigan ko. hihi! paborito ko rin yang kantang yan. isa sa mga kinakanta ko sa videoke.πŸ˜€

        bakit ko nasabing marami sila? feeling ko lang. pag unang basa, parang sinasabi mo to para sa iisang tao lang…pwede ngang romantiko ang dating. But somehow I get the feeling na pwedeng dedicated ito sa iba ibang tao. haha! ako na ang assuming!

      • haha, ikaw na ang matanong at makulit alamin kung sino at ano ang nasa likod ng posts…πŸ™‚ hmm… iyong informative posts tungkol doon sa amin ang orihinal ang ideas, more or less.

        iyong emo at personalized posts ay usually drawn ang inspirations sa posts ng ka-blogs or na-trigger ng narinig na kanta, mga ganyan. in-explain ko na ‘to sa mga ka-blogs na hiniraman at pinagnakawan ko ng concepts, haha… ako na, ako na ang dakilang scavenger.

        tara, videoke tayo! di lang ako binabagayan ng kanta, masakit sa tenga ang boses ko. papakinggan na lang kita… mga 98 ang score mo? hehe…πŸ™‚

  4. […] Β Ang post na Salamat ay pasasalamat sa […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: