mga anino sa madaling-araw

image of children loitering before a store, borrowed from t0.gstatic.com

Mga bata ng lungsod – gala sa araw, hikap sa gabi/ flickr.com

Nitong mga nakaraang araw, tatlong beses sang linggo ako pumunta kina ate para sa 3-in-1: makisawsaw sa pag-aalaga sa bagong apo, maki-dinner at makigamit ng PC. Pangatlong apo namin ito sa pamangkin, babae, pero malakas umiyak at kay lusug-lusog. Kina ate, pinapakain lahat ng taong dumarating – sino naman ako para tumanggi? Isa pa, sira ang PC namin sa bahay at wala pang kapalit. Kaya hayon…

 

Itong huling weekend, galing uli ako roon. Past 10 na ako nakarating sa kanila kaya past 2 am na ako nakauwi. Hindi ako masyadong naka-computer no’n. Nawiwili yata ako sa pagsasayaw sa maligalig na apo. Itong baby naman, feeling ‘ata nya, yaya nya na ako – panggabing shift. Mahigit dalawang buwan pa lang siya pero aakalain mo, anim na buwang sanggol na. Ganoon na sya kalaki. Paborito nya ang kinakarga sya ng paupo.  Ambigat nya pag pumipitlag, madalas syang nakasimangot at sobra syang cute pag ngumingiti.

 

Pagkalabas ko sa tarangkahan ng bahay nina ate, lakad – mga 20 hakbang papunta sa sakayan. Wala nang bumibyaheng dyip. O, kung meron man, sobrang dalang. Nag-decide akong maglakad – isa’t kalahating kilometro ang layo sa amin. Di ko inisip ang mag-taxi. May bitbit pa mandin akong mga pagkain. Kina ate, para laging di sapat na pakainin ang taong dumarating, halos mandatory pang siya’y pagbitbitin. ‘Yong baby talaga ang gusto kong bitbitin at iuwi.

Sa daan, bukas ang MiniStop sa kabilang side ng kalye. Natutulog naman si Manong gwardya sa unang building na aking naraanan. Bibihira na ang sasakyang lumalampas. May pusang nagkakalkal ng basura sa di-kalayuan. Sarado ang commercial establishments, maliliit na workshops at tindahan. May isang grupo ng homeless na mga nakahiga sa harap ng gusali sa kabilang parte ng kalsada. Kapansin-pansing malapad rin  pala ang national highway sa lungsod. Pero sa oras na iyon, mukha itong inulila.  Maliban na lang siguro sa ilang mga ligaw na aninong gising pa.

 

image of an old man sleeping in the street, borrowed from t0.gstatic.com

Walang pinipili ang katawang pagal/ philippinemanila.com

Binati ako ng Good Morning ng Manong Gwardya sa car service center. Lumingon lang ako’t nilampasan rin sya agad. Maliwanag ang pulang neons sa unang bangkong aking nadaanan. Wala ni isang tao sa harap ng simbahan ng Iglesia ni Kristo, tahimik na tahimik ang compound. Kamuntik nang tumama ang mukha ko sa dalawang paang nakalitaw sa bintana ng nakaparadang dyip – may natutulog bale, sa upuan sa loob. Nilampasan ko ang munisipyo/City Hall na bagong pinta, ang Jollibee  na namamahinga mula sa napakaraming tao pag araw, gayundin ang plaza kung saan ilang kalalakihan ang tulog sa benches.

Maliwanag rin sa may tapat ng Mercury Drug. Wala na ang nagtitinda ng mani sa harap nito, andoon pa ang nagtitinda ng yosi sa gilid. Sa di-kalayuan, sa kabilang side, may ilang taong papasok sa 7/11 – mukhang busy pa rin ang ambience doon. Contrast ang madilim na intersection sa nagpuputiang fluorescents sa loob at labas ng convenience store. May mag-anak na vendor sa labas nito, kapeng mainit ang pangunahin nilang itinitinda.

 

image of a local drugstore at night, borrowed from t3.gstatic.com

May mga establishment na hindi natutulog/ skyscrapercity.com

 

Nilampasan ko ang parlor kung saan ako nagpapagupit at nagpapaayos ng kilay. Dinaanan ko si Manang Lolang nagtitinda ng yosi at skyflakes – tulog siya sa pagkakaupo. Wala naman sa pwesto sa kanyang tabi si Manang L. na nagtitinda ng lutong ulam. Rentahan ng video tapes, bangko, pa-develop-an ng picture – ilan na lang kaya ang nagpapa-develop? Mga bangko uli. Sa tapat naman, sunud-sunod ang mga pwesto ng sanglaan. May isa lamang bangko sa hilerang iyon. Kailangan ko na palang tumawid sa tapat, sa may series ng pub houses. May kumakanta sa videoke.

 

image of night shadows, borrowed from t3.gstatic.com

May mga aninong sumasayaw/ greenarrowradio.com

Pagkatawid, nakasalubong ko ang ilang tambay sa harapan ng mga bahay na patay-sindi. Medyo inaninag ko ang loob-loob nila, halos wala akong makita sa dilim. Wala nang nagbebenta ng barbeque at hotdogs sa hilerang iyon. Nakauwi na ang nagtitinda ng bibingka, nakataob ang silya sa pwesto nito. Saradung-sarado ang tindahan ng LPG.  Tahimik at wala nang kalat sa harap ng video-karera. Wala ang nagsisiksikang kalalakihang larawan ng excitement at desperation. May basket ng penoy-balot na nakapatong sa isang high chair sa bangketa – tila wala sa paligid ang vendor na may-ari.

 

Mga bahay-aliwan uli, iyong tipong hole-in the-wall. Ka-busyhan ng mga nagbi-videoke. Wala ang club ushers na karaniwang nagkukwentuhan  sa labas pag bandang alas-nwebe. Wala rin ang mga GROng kokonti ang suot, peak time ‘ata ng kanilang business. Pag maaga-aga pa, makikita silang naghuhuntahan sa labas tungkol sa mga nabibiling lako, kanino genuine ang mga pabango at saan ang masarap na kainang bukas pag bandang alas-kwatro. May isang bukas na tindahan ng sari-sari sa pagitan ng maliliit na clubs.

Biglang may dumaang isang pulutong ng kabataan – karamihan sa kanila’y mga lalaki, may ilang bading at tatlong babae.  Mukhang di-bababa sa 20 ang edad nila, nangaka-itim sila halos lahat.  Maiingay sila, parang kanila ang kalye kung sila ay maglakad. Bukas ang ilang computer shops sa lugar pero, halos lahat ay nakababa ang kalahati ng railings. Para bang mga nag-a-anticipate ng riot o huli anumang oras. Tila baga mas illegal pa sila sa pub houses, mukha ring mas marami pa silang parokyano.

 

image of shadows on the way home, borrowed from t3.gstatic.com

Hiram na liwanag ang umiilaw sa pag-uwi/ fuelyourphotography.com

Malapit na ako sa 24-hr na panaderya sa may kanto namin. May ilang taong nakakulumpon doon. Pondohan ng mga traysikel ang tapat niyon pag araw.  Pero, wala maski isang traysikel sa ganap na 2:40 ng umaga. Nakaparada na sa kabilang parteng kalye ang isang trak na nagbababa ng mga dalang produkto. Maya-maya pa, magbubukas na ang kanilang establishment. Tulog ang mga bantay sa guardhouse. May mahinang musikang pumapailanlang sa ere.  Malawak  pala ang sukat ng kalsada ng aming lugar sa may bukana, pakipot habang papasok.  Kakaunti noon ang mga sasakyang naka-park sa mga gilid-gilid nito.

 

Bago pa ako nakalapit sa gate, narinig ko na ang kahulan ng aming mga aso. 😉

20 responses to this post.

  1. Natutuwa ako sa post mo, palagi kong naalala noong bata pa ako (well bata pa naman ako he he he) at kami ay mikikipag sayawan sa ibayong baryo at kami ay maglalakad sa kalsada ng alas tres ng umaga at tanging mag babalot at mag papandesal lamang ang masasalubong mo.

    Tugon

    • hello, kiko. salamat sa pagbabasa at sa comment.😀

      naaliw nga rin ako sa mga nakita ko. di ko na kasi napaggagawa ang ganito recently. siyempre, when i was in my 20s, madalas noong umuwi ng madaling araw. pero, siyempre, may kasama sa paglalakad…

      pagtuntong ko ng 30s, usually, inihahatid na ‘ko or naka-taxi lagi so, di ko na napapansin ang sights sa kalye pag madaling-araw… :s

      Tugon

  2. Ow. May naalala na naman po ako dahil sa post niyo. Yung mga araw na madalas e isa ako sa mga anino sa madaling araw. Paglilinaw, di po ako yung tipo ng aninong kokonti ang suot, haha.😀

    Ako yung tipo ng anino sa madaling araw na walang tulog at sabaw ang utak dahil pinaglamayan ang isa o dalawa, o minsan e mahigit pang mga proyekto sa paaralan sa loob lamang ng isang gabi. Madalas akong maging isang anino sa madaling araw tuwing malapit nang matapos ang isang semestre.

    Anyway, nakakatuwa talaga pong magbasa ng inyong mga post. Marami akong naaalala. Salamat po.😀

    Tugon

    • ei, di ko inisip at ng ibang readers marahil, na anino kang kokonti ang suot, ha? parang hindi, hehe…😀

      ikaw, ikaw ang anino ng isang crammer, ahaha! hwag kang maingay – marami akong kakilalang ganyan, hihi.

      hala, teka, di ba madilim sa LB pag madaling araw? di pa ata ako nakaranas na gising sa LB ng madaling araw… ang na-experience ko roon ay gumising ng maaga para abangan ang pagsikat nito at mang-molestya ng hamog, haha…

      nakakatuwa rin at salamat na nagbabasa ka at natutuwa sa mga post dito. teynks, singkamas!😀

      Tugon

      • Sa ibang parte po marahil ng LB e madilim kapag madaling araw pero simula sa highway hanggang papasok sa UP gate e maliwanag naman po. May ilang bars rin po kasing nag-ooperate malapit sa campus.🙂

      • sabagay, siguro nga’y sobrang iba na sa ngayon. two years na ata akong di uli nagagawi dyaan. hah! sarap ng orig’l buko pie.

  3. Posted by Sphere on Abril 19, 2011 at 4:14 umaga

    parang buwis buhay ang paglalakad ng ganung oras nakakatakot parang yon nga buwis buhay ahahahaha
    🙂

    Tugon

    • hindi naman gaano, sphere. kabisado ko na ang community. been at the place for so so long… sa bandang cubao at aurora blvd, sa commonwealth ave – yan sa mga ‘yan, di ako komportableng mapunta pag madaling araw. meron na rin akong mga horror experiences do’n, haha!

      saka, in-a-assume kong marunong ding mag-size up ng bibiktimahin ang mga masasamang loob, ahaha. they should know better – dapat sexy at mapera, haha.😀

      Tugon

  4. parang ganito ang ginagawa ko pag madaling araw na kung dumadating galing probinsya o kaya naman kapag pauwi samin..

    di ko alam kung nakakatakot o masarap sa pakiramdam ang maglakad mag-isa pag madaling araw.

    Tugon

    • hello, anini. di naman usual ang maglakad mag-isa pag madaling-araw. mas karaniwan ang may kasama, di ba?😀

      haha, pero alam mo ba, sa experience ko, mas naha-harass pa ang naglalakad sa madaling araw pag may kasama. ‘yong tipong napapag-tripan or nasusutsutan ng lasing? mga gano’n…

      hindi sa masarap o ano, ang maglakad alone sa disoras. kakaiba lang dahil siyempre, alert ang senses mo at ang daming napapansin.🙂

      Tugon

  5. masarap basahin ito dahil masaya ding paganahin ang imahinasyon kung saan makikita sa iyong isip ang bawat tagpong iyong inilarawan sa taas. Nagenjoy ako sa pagtalunton ng daan papuntang inyong bahay. pero hindi ko shempre malilimutan kung paano mo inilarawan ang iyong bagong “apo.” mahilig din kasi ako sa bata (hindi pa ba obvious?) kaya ang sarap siguro niyang kargakargahin at huntahin. At siguro kapag nakilala mo na ang mga piglets ko, matutuwa ka rin sa kanila, lalo kay Cassie.🙂

    si Ate mo, parang ako lang. Magluluto at maghahanda ako nang marami para pakainin ko lang yung kapatid ko at boyfriend niya sa amin. =)

    Tugon

    • haha, ang laki ng apo! napagkakamalan syang one-year old na. ang dami nya nang napuntahan – malls, starbucks, tiendesitas, makati, kung saan-saan. lahat kasi ng relatives ay nag-iisip lagi ng lakad at kagastusan para magkaroon lang ng excuse na isama sya, hihi…
      ang ginagawa nya ro’n lagi ay matulog at i-enjoy ang aircon, parang ewan lang ang mga adults na nagkakagulo lagi sa kanya.😀

      nagku-cuckoo na pala sya at nakaka-recognize na ng boses at mukha ng mga tao. sa haba nya, pwede syang athlete paglaki!

      hah! sa pics pa lang at sa mga kwento, ang cute ni cassie mo, lalo na siguro pag up close. naalala ko kwento mo re: pagmumura, haha🙂

      btw, our place is a small-town na medyo-medyo nasi-citify pa lang. so it’s a typical small-town scenery sa metro manila. :s

      hala, dapat malapit ka lang, dyan sa inyo makadayo, ahaha😀 teynks sa pag-appreciate, kaye.🙂

      Tugon

      • wow! gala ang bata. haha! But you know, just staring at babies is enough to take away the weariness after a day’s work in the office so naiintindihan kong mabuti kung bakit lahat ng mga relatives e nagkakandarapa makasama ang baby. pwede din siguro siyang maging Miss Universe sa haba dahil alam ko namang given na ang beauty sa pamilya nyo. hihi!

        about Cassie, naku, hindi ko na alam kung paano ko pababaitin ang batang maldita. she coined a term that wouldn’t sound as bad as gago. it’s now gingging. If you listen to her when she uses that word, you know it means the same thing as the “other” word. And she’s barely 3 years old at that. Hindi ko alam tuloy kung matatawag kong smart ang batang yun o ano. hahaha!

        It would be nice to visit your place one time… para magkaron ng comparison. hehe.

        pwede kang dumayo, lalo at nakalipat na kami. kagabi naghanap pa ako ng makakainuman ng malamig at masarap na mango shake na ginawa ko. hahahaha! Ayun, appreciative naman ang kapatid ko at ang bf niya.😉

      • nakakatuwa talaga ang baby, as in… pero, ganito ang kwento – maiksing version- saka na ang mahaba…🙂 noong kakapanganak pa lang sa kanya, OA sya sa ganda. lahat nagki-claim na sya raw ang kamukha. after a month, nag-iba, pramis. nagkaroon ng definite na kamukha. saka na ang details, hi,hi…

        heh! pag in-insist mo pa ‘yang subjective mong pagtingin sa aming angkan, baka hindi na ako magpakita sa ‘yo, haha! subjective ka, aling kaye.🙂

        cute si cassie at nakakatuwa, sabi ng blogger friends mong nakagaling na sa inyo. sya lagi ang naaalala at nababanggit nila sa blogs. tsaka, kita kaya sa pic? e, kung maldita, saan possibly manggagaling, huh? :]

        teka, mas malapit ba sa MM ang new residence nyo? malapit sa makati? may ever ready na shake this summer? haha.🙂 happy easter!

  6. Na-imagine ko yung daan na sinasabi mo. Siguro kse ilang beses ko na rin natahak yang kalye nyo, yun nga lang di habang naglalakad sa madaling araw. hehe.

    Yung anak ko magwa-walong buwan na. Tama lang ang laki nya at bigat nya. Dapat magkita na tayo bago pa lumaki-laki at mamaya ayaw nang magpabuhat sa bagong mukha. ;P

    Tugon

    • hah! di na kita nababalitaang maglakad sa mahabang panahon, hehe… naman, siyempre, alam mo ang lugar namin.🙂

      gano’n na kalaki? yay, expert nanay ka na, bale… btw, antay ko ang writings mo sa ‘yong site. sulat ka na, dali… saka, lagyan mo ng art-art.😀

      Tugon

      • project ko yan ngayong holy week! hahaha. sana matuloy. kung wala kang gagawin bukas, daan ka sa bahay. hehehe

      • sige, aabangan ko. may reader ka na rito, hehe… di ko sure, dear, slated ata kaming umuwi bukas. :s

        have a quiet and meaningful lenten! hah, miss na kita pati haws nyo… ba’t kasi pic ang ‘yong gravatar? haha…🙂

  7. uhm sa quezon city ba ito? hehehe. minsan masarap din maglakad-lakad ng walang masyadong tao. mas naappreciate mo yung kapaligiran mo. minsan kong naranasan na maglakad from CoA hanggang Sandiganbayan ng 1am dahil lumampas yung bus na nasakyan ko papunta sa bahay ng kaibigan ko. wala lang.🙂

    Tugon

    • Oo, nakakapanibago pag nakikita mong walang gaanong sasakyan at mga tao sa mga kalye ng lungsod. minsan kasi, parang ikaw/tayo ang napapagod sa ka-busyhan ng kalsada, haha!🙂

      ‘lam ko yang lugar na yan, hihi. medyo, madilim… pero parang okey lang din naman, manang. ang mga nakakatakot pag madaling araw ay intersections at saka fly-over (pagtawid do’n). parang pag sumigaw ka, di ka na maririnig dahil sa laki at lapad ng avenue, hehe.😀

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: