Isa kang magandang nilalang, sa aking paningin. Sa iyo’y walang kailangang palitan o baguhin. Sapat nang ika’y mamasdan para mabatid kong buhay dapat ibigin.
Walang pagsidlan ang tuwa pag sa iyo’y napapatitig. Sa bawat sukli mong ngiti, kapayapaan dagling hatid. Damdamin kong di-magkamayaw, tanging puso ang nakakarinig.
Nahahalina ako sa bawat mong galaw. Nabibighani ako sa mga munti mong halakhak. Parang may tambol sa aking loob, sa tuwing ika’y nagpupukol ng pansing gagapiranggot.
Nalilibang ako sa iyong mga tawa. Naiilang ako sa kislap ng iyong mga mata. Gusto kong isiping may kinalaman ako kung bakit – mundo mo ngayon ay masaya.
Hindi ko mawari kung ano ang ginawa kong tama’t tayo ngayon ay magkapiling. Nginitian ba ako ng kapalaran o biniyayaan ng tadhana? Nag-abot ba ako ng limos o tumulong sa kapwa?
Nais kong namnamin ang bawat sandaling tayo’y magkadaop-palad. Nais kong ibulalas sa mundong tayo’y pinagtiyap. Nais kong maniwalang maari nga tayong bumuo, ng mga pangarap.
Hayaan mong sa iyo ako ay makapag-alay. Hayaan mong pasalamatan ko ang mga sa atin ay nagbigay – pagkakataong mailap, minsan lang dumating sa hinuha at buhay.
Inihahandog ko sa iyo, pagtatanging lubos. Ginalugad ko ang pagkakaraming mga sulok, tinahak ko ang mga limot na landas at binuksan ko ang ilang bagong daan – para rito, ika’y matagpuan.
Ilang misteryo mayroon sa bawat pagtatagpo? Anong pagkagulat sa bawat pagkakamay na nagtatapos sa paglalayo? Anong balakid ang di kayang pangibabawan – kung dalawang tao’y taos ang pagmamahalan?
Ako ay sa iyo at ikaw ay sa akin. Hindi ko na pakaiisipin pa, kung paano at bakit. Kunin mo ang aking mga kamay at ikulong ako sa iyong mga bisig. Iyo akong yakapin ng mahigpit – O, taong maganda, sa aking paningin!
Possibly Related Posts:
Posted by Banjo on Abril 16, 2011 at 12:58 umaga
magandang araw po…
umeemo po ba ulit? hihihi
Sa inyong paningin lang po ba? Eh sa inyo pong damdamin?
wala lang po hihi.
magandang araw sa inyo 🙂
Posted by doon po sa amin on Abril 16, 2011 at 10:40 umaga
magandang gabi sa ‘yo, banjo.
yes, part pa rin ‘to ng emo series pero, kabaligtaran na – sa positive side ‘to. malulungkot ang dalawang nauna…
sa tingin mo, di kasali rito ang damdamin? haha. kamusta ka? 😀
Posted by singkamas on Abril 16, 2011 at 2:00 hapon
Emo series. Waw. 🙂
Posted by doon po sa amin on Abril 16, 2011 at 2:08 hapon
yehey, welcome sa ‘yong bagong gravatar!
happy weekend, singkamas. 😀
Posted by narsmanang on Abril 16, 2011 at 3:02 hapon
naks, inspired? hehehe. 🙂
Posted by doon po sa amin on Abril 16, 2011 at 3:19 hapon
hehe, manang. noon ko pa yan sinulat, after ng post na larawan ng taong wala sa sarili – samu’t saring anik-anik. trip lang, haha.. 😀
Posted by sphere on Abril 17, 2011 at 4:04 umaga
ahahahha natawa ako wala kasi akong masabi, naging busy bigla yung gahiblang nagdudugtong sa aking katinuan…sabaw, sabaw na sabaw na lang natira… 🙂
balik ako maya pag nakahigop na ako ng kape xD
Posted by doon po sa amin on Abril 17, 2011 at 11:21 umaga
haha, sphere… hwag mong seryosohin – di rin matino ang isip ng gumawa nyan, haha. hiling ko nga, hwag ‘tong mabasa ng mga kapatid ko, aasarin nila ako ng bonggang-bongga, haha
di ba mainit para magkape, huh? 😀 kamusta pala sa banda ryan?
Posted by sphere on Abril 18, 2011 at 8:31 umaga
noong isang linggo pa hindi naghahari si Haring araw dito sa dsyrto kaya nagkakaroon si Ulan ng pagkakataon para ihayag ang saloobin nya at tanggapin ang offer nya na dagdagan ang serbisyo nya sa dsyrto dati kasi isang beses lng serbisyo nya sa loob ng isang taon at ambon lang at 5minutes lng so ngayon nagooffer sya ng mas mahabang serbisyo at cguro pinagbigyan din sya pagkakataon ni haring araw para ipakita ang pwede nyang magawa para sa ikakaunlad ng negosyo…
ahahaha ang dami kong nasabi pasensya na sana naguluhan ka…
Posted by doon po sa amin on Abril 18, 2011 at 8:55 umaga
hi. ang kuha ko, parang contract worker si ulan, may kontratang on a per project basis. si haring araw ang nagsa-subcon ng mga gawain.
hindi sobrang istrikto ang mga kontrata dyaan, from time to time, pwedeng i-amend basta may consent ang contracting parties at para sa ikagaganda ng disyerto at negosyo.
hindi malinaw ang pagka-gets ko, sphere… alinman sa kailangan kong um-attend ng orientation o makakuha ng copy ng kanilang contract para pwedeng i-review, ahaha 😀
Posted by sphere on Abril 18, 2011 at 9:05 umaga
ahahahaha MAULAN ang dsyerto, basa ang dating tuyong buhangin…at sana magtuloy tuloy ang pag-ulan nya para petiks ako at para matapos ko na rin ang THE BAKER KING ahahaha
Posted by doon po sa amin on Abril 18, 2011 at 9:11 umaga
ahaha, so, masaya ka ryan, hmm… at bagay magkape dahil medyo malamig. at mag-marathon ng dvd ng the baker king, gano’n?
may dyapeyks rin kaming dvd niyan but i haven’t got around to watching it pa. sa tv lang pero, mga twice a week, pag natityempuhan lang.. hwag kang spoiler, hwag mong ikwento.. 😀
Posted by kaye on Abril 18, 2011 at 2:45 umaga
hey, habang binabasa, parang may mga kanta sa background ko…just the way you are ni bruno mars at something right ni julia fordham yung nagpapalitan. hihihi!
sobrang tamis naman nito! anong meron? 😀
Posted by doon po sa amin on Abril 18, 2011 at 7:55 umaga
haha, narinig ko nga ang kantang just the way you are na kinanta ng isang local singer kaya nabuo itong pyesa, right after. korek!
re: julia fordham, nag-concert sya rito (free) sa ayala, last year ‘ata. nanonood pa kami – one sunday afternoon, wari ko. galing mo, dear…
salamat sa pagbabasa at sa pag-appreciate. regards uli, 😀
Posted by kaye on Abril 19, 2011 at 1:43 umaga
hala, bruno mars, di ba? kakilig!
huli kong napanood si julia fordham noon year 2000 pa ata yun, nung magconcert sya sa PICC. She’s one of my favorite singers! 🙂
Posted by doon po sa amin on Abril 19, 2011 at 8:51 umaga
haha, sobrang emo ng mga kanta ni bruno mars, hihi. lalo na ‘yong grenade nyang self-flagellation ang concept, haha!
nanood ang sister ko ng concert nya so medyo napurga ako sa mga kanta ni bruno. buti na lang, the next weekend, nanood naman sya ng the script so, the script na ngayon ang playing, haha! btw, self-flagellation rin ata ang gimik ng kanta nilang the man who can’t be moved, haha! pero gusto ko ang timbre ng boses ng singer. 🙂
lab din namin si julia fordham although the last time she was here, medyo di na same ang pagkanta nya. tumanda na rin siguro, somehow… :s pero, idol pa rin sya. 😀
Posted by J. Kulisap on Hulyo 13, 2011 at 7:12 umaga
Kasarap nari ay. Parang bukayo. Ka-tam-is
Posted by doon po sa amin on Hulyo 13, 2011 at 7:47 umaga
ahaha… toink! 🙂 guilty, your honor….
Posted by mga anik-anik « doon po sa amin on Agosto 11, 2011 at 8:13 hapon
[…] Ang nilalanggam sa tamis na Sa Aking Paningin ay galing sa kantang Just the Way You […]
Posted by kailan huling nagpasya ang iyong puso? « doon po sa amin on Setyembre 1, 2011 at 3:24 hapon
[…] ng congressman? Itong taong hinahanap na ito – isang ispesyal at magandang nilalang – sa paningin noong naghahanap. […]
Posted by Kwento-kwento muna… | sasaliwngawit on Nobyembre 26, 2012 at 7:45 hapon
[…] bagong post sa DPSA, kainaman na… Kung magagawi kayo ro’n, basahin nyo na muna ang Sa Aking Paningin – pinaka-mushy, pinaka-cheesy sa lahat ng nailimbag ng lola nyo, haha. May mga mas cheesy pa, […]
Posted by batopik on Nobyembre 28, 2012 at 1:35 hapon
Hakhak. Kilig kilig naman daw. Hakhak.
Posted by doon po sa amin on Nobyembre 28, 2012 at 9:29 hapon
naman… 😉 hakhak. hello, batopik. salamat sa pagdaan dito sa amin. 🙂
Posted by potsquared on Disyembre 2, 2012 at 1:16 hapon
san!! *kaway kaway* talagang yakapan to the max ang peg mo!! ahahahaha!
Posted by doon po sa amin on Disyembre 3, 2012 at 10:33 umaga
hahaha, na-shock kitang maigi, kapatid? kainaman na, shaks. ahaha. kaway-kaway! have a good week, Pot 😉
Posted by potsquared on Disyembre 4, 2012 at 10:01 hapon
san!! *kaway kaway* thank you!! ikaw din!! have a great week!!