Habang Wala Ka

image of a loose vine leaf

Panahon at pananabik/ gavinfrye.com

 

 

 

 

 

 

 

 

Habang wala ka, gugulin ko ang mga gabi sa pangangarap sa iyong pagbabalik. Sisikapin kong mabuhay na parang andyan ka lang sa aking tabi. Iisipin kong ika’y nagbabantay, nagmamasid at nakangiti.

 

Habang wala ka, gagawin kong abala ang aking mga araw. Hahapitin ko ang mga oras, minuto at segundo, upang di mamalayang sa ‘yo’y nananabik. Puso’y pagsasabihan, bagalan yaring pintig.

 

Habang wala ka, bubuksan ko ang mga bintana para makapaglaro ang hangin. Ituturing kong ang pagduyan ng mga dahon sa puno ay iyong paglalambing. Ang mga sinag ng silangan ay haharapin kong walang pasubali. Ang mga iyon ay patotoo ng sumpa mong sa ‘ki’y di mababali.

 

Habang wala ka, ipipinid ko muna ang pinto sa paglalambing ng iba. Buo ang panatang sa iyo ang aking pagsinta. Itatakwil ko ang agam-agam na damdamin mo, may inaawitang iba.

 

Habang wala ka, ako’y mananalig na batid mong lantay at wagas, itong alay na pag-ibig. Iingatan mo mga alaalang binuo natin – anong saya’t anong tamis. Aalagaan mo ang mga pangakong dalisay at walang kawangis.

 

Habang wala ka, ako ay aasang isang araw paglingon,  biglang andyan ka na. Pasalubong mo’y yakap, kabig at katiyakang di ka nakalimot. At isang tinging nagsasabi’t nagwawaksi, sa lahat nating dusa’t sakit.

 

Habang wala ka, ako ay matapang. Di ko alintana ang mga suliranin, pagsubok at unos. Pirmi ang loob kong humarap sa bawat panganib. Kailangang ako ay matatag, para sa ating pagdadais at paglalapit.

 

Habang wala ka, pipilitin kong maging buo. Kahit pa batid kong hindi pwedeng suotin ang tsinelas ng iisa. Kahit pa alam kong hindi siguradong tayo’y magkikita. Kahit noon pa’y sinabi mong limutin ka na.

 

image of a port at sunset, borrowed from flickr.com

Umaasa tayo kahit walang katiyakan/ flickr.com

 

20 responses to this post.

  1. napansin ko po eh medyo may kaemohan ang post nyo ngayon hihihi..

    maganda ang inyong nasulat.. iniisip ko habang hindi pa ko nakakarating sa huling bahagi nito, bukod sa tungkol ito sa pag ibig ay tungkol din ito sa ating mga kababayang nakpagsapalaran sa bayan ng ibang lahi.

    “Habang wala ka”.. ibig sabihin na umaasa at may pangakong pagbabalik.

    pero sa bandang huli, tila yata ang pagsasabi ng “habang wala ka” ay pagbibigay na lang sa sarili ng pagasa.

    Kailangan nating tangapin. Mas makabubuting gagawin natin ang lahat ng ating nais hindi “habang wala ka” kungdi “ngayong wala ka na”

    nalungkot ako😦

    magandang araw po

    Tugon

    • hi, banjo. dalawa ang paliwanag sa emo series – ang isa, nasira ang PC namin kung saan ando’n ang files ng pre-conceived/non-emo entries ko.

      pangalawa, dahil bakasyon, wala ang readers kong estudyante na audience ng “informative” posts. ang mas nagbabasa ata ng blogs ngayon ay bloggers din at medyo mabenta sa mga nagsusulat din ay personalized and emo posts, hehe…

      pag “ngayong wala ka na” ang theme, very pragmatic and practical scenario siguro yon. and that won’t make for an interesting read, huh?😀

      hwag kang malungkot. three weeks or one month ago ko pa nagawa ‘tong entry na ‘to… yup. tama ka, may pagka-OFW situation nga ito.🙂 salamat sa pagbabasa!

      Tugon

  2. eto na naman ako.. nahalina ulit doon sa picture ng takipsilim..

    parang post ko lang ngayon to.. “im waiting but not in vain”…hahaha

    alam nyo po ang kanta na “takipsilim” ni kc, nagustuhan ko yong lyrics.. sobra. parang ganito lang din.. malungkot na may pag-asa.

    hmmm, susubukan kung kopyahin yang litratong yan sa coffee painting ko, sana magawa ko..haha

    Tugon

  3. haha! meron akong na-picturan 12 years ago na sunset by the shore – series sya mula umpisa ng pag-set till nakalubog na. idiot cam lang ang ginamit ko. :s

    di ko pa ata narinig. sige, hahanapin ko. mas gusto ko atang kumanta si KC kesa kay sharon, haha.

    btw, nabasa ko na ang waiting not in vain. ako na ang maagap, hihi! 🙂

    Tugon

  4. ilang post na magkakasunod na medyo pare-pareho ang tema ha. hehehe… para kanino po ba ito?

    “Habang wala ka, pipilitin kong maging buo. Kahit pa batid kong hindi pwedeng suotin ang tsinelas ng iisa.” –awts.

    Tugon

    • hehe ka dyan, davin! eto ang istorya para sa curious na bata, este, mama… around the time na sinulat ko ang post na larawan ng taong wala sa sarili (parody, about being in love), itinuloy ko na yon at sunud-sunod akong nagsulat about lablab *wink*.

      marami-rami yon, covering different facets na – may positive, may negative, may unrequited at may tungkol sa fulfilled na pagmamahalan, ika nga, may nasa anyong prose at may anim or pitong poetry ata… sa mga tula, ang na-publish ay ang Paano? re: pag-ibig na walang kayang ibigay.

      itong mga ‘to, tawag ko ay mala-tula. kasi, sa mga yan, hindi na ako sinipag mag-rhythm and rhyme at magsukat ng syllables, hihi…

      wala akong naalalang specific na tao no’ng sinulat ko ang mga ‘yan, pramis. ang alala ko, pakiramdam ng how to be in such situations, haha. hano, pwede na ganyang backgrounder, sir tapa, boss?😀 awts ka ryan…🙂

      Tugon

  5. Posted by sphere on Abril 14, 2011 at 1:38 hapon

    Habang wala ka matutulog ako ng madaming tulog kasi pag dumating ka na malamang kunti na lng tulog ko… hindi magkatugma di ako marunong gumawa ng tula ahahahaha

    Habang wala ka, bubuksan ko ang mga bintana para makapaglaro ang hangin. Ituturing kong ang pagduyan ng mga dahon sa puno ay iyong paglalambing. Ang mga sinag ng silangan ay haharapin kong walang pasubali. Ang mga iyon ay patotoo ng sumpa mong sa ‘ki’y di mababali.

    IKAW NA THE BEST KA!!!

    Tugon

    • haha, ang cute mong tumula, panalo😀 kakaaliw ang poetryng may 3 tulog agad, haha…

      sphere, hala, idol kita sa compositions mong lume-level up. ‘alang sinabi ‘tong mala-tula ko.🙂

      Tugon

  6. ako rin OFW scenario naisip ko. galing mo talaga magsulat. pero na-realize ko rin, hirap magbasa ng tagalog ng malakas. hehe. o di lang sanay.

    oist, kita naman tayo minsan. kailan ka ba pwede?

    Tugon

    • hey, kel, old girl, salamat sa pagdaan at sa pagbabasa (maski tagalog).

      haha, ikaw ata sa lahat ang nakakaalam na nagdudumugo ang english ko…🙂 from time to time, basa ka rito para ma-practise ang ‘yong tagalog.

      kumusta ka na? (parang may karapatan pa akong magtanong, ahaha)

      busy-busyhan ako sa bago naming apo, hihi… pero, sige, kelan mo iniisip na magkita tayo? email me when you’ve the time…

      hope you and your loved ones are okey in the meantime. ingat!😀

      Tugon

    • hala, panalo! may gravatar ka, ang galing… ba’t earlier, wala yan? nako-konsensya tuloy ako, haha… sige, kita tayo, bru…🙂

      Tugon

  7. hmmmm…magkakarugtong ba tong mga posts mo? or at least yung sinundan nito?

    what struck me most is the last paragraph. andun yung culmination ng mga sinabi mo sa taas…lalo dun sa pagsusuot ng tsinelas na iisa lang. damang dama yung kakulangan dun.

    iisipin ko na lang na halaw ito sa iyong malikhaing pagiisip at di ayon sa personal na karanasan. haha! o siguro may pinaghalawan ka nito? kanino kaya?

    Tugon

    • hi, kaye! i hope you’ll have a fun weekend despite the summer heat…😀

      as i explained to tapa above, offsprings ng post na larawan ng taong wala sa sarili ang emo series. kumbaga, yong varieties of emotions doon, kinuha ko ng isa isa at in-expand. so, may recquited at may hindi, sa nagawang compositions.

      bale, trip-trip lang ang mga yan. ang serious business talaga ro’n ay ang mga tulang nagawa ko which i haven’t published naman. yang mga prose ay katuwaan lang. di naman malikhaing pag-iisip, haha!

      you could say that indirectly, may pinaghalawan rin, although remote na. we’ve been there, kumbaga, sa minus at plus sides, hihi…. hmm, kanino nga kaya? as if may interested, haha…

      Tugon

      • yeah. summer heat has started. And what a way to announce its entrance ano? panalo ang sobrang hot and humid weather natin. ang masaklap, wala tayo sa swimming pool kaya ang pawis, wala ring patumangga. pataasan na naman sa kuryente dahil sa aircon maghapon.

        at sa huling tinuran mo, ako, I am interested! hahaha!🙂

        hope you’ll have a blessed holy week.🙂

      • hala, pagkaka-init nga! hindi makatarungan, pramis…

        loka ka, walang interesting sa lab lyp ng taong walang lab layp, ahaha!

        have a good lenten season,kaye- you and your family! thanks for your visits.😀

  8. […]  Ang ideya para sa post na Habang Wala Ka ay galing sa pelikulang While You Were Sleeping ni Sandra Bullock at sa kantang If You’re Not […]

    Tugon

  9. […] ang bansag ko sa kanila.  Habang Wala Ka at Bukas ang mga halimbawa ng mala-tula, kapwa nailathala sa DPSA. Ang una, tungkol sa pag-ibig […]

    Tugon

  10. […] Habang Wala Ka – what’s love without waiting, eh? […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: