Bukas

image oftomorrow, borrowed from t1.gstatic.com

Bukas, ang araw ay muling sisikat/ magentocommerce.com

 

Bukas, nasa ibang pahina na ako sa binabasang libro. Matatapos na rin, pinakahuling proyekto. Bukas, lalabas kami ng mga kaibigan ko – manonood ng sine, magtitingin ng mga uso. Umaasa akong doo’y ibang tao na – ang aking ikukwento.

 

Bukas, iba na ang mga eksena sa mundo. Bago na ang headline sa dyaryo, TV at radyo. Iba na ang paksa sa talumpati ng pangulo. Iba na ang pagdedebatihan ng mga pari at politiko. Sana nama’y iba na rin lalamanin – nitong isip at damdamin ko.

 

Bukas, ang araw muli ay sisikat. May dalang panibagong hamon, panibagong kumpas ng buhay. Umaasa akong di ka na noon kasali sa aking mga pangarap. Hindi na ikaw ang pag-aalayan, di na ikaw ang kasama – sa hinaharap.

 

Bukas, umaasa akong malilimot na kita. Hindi nakataga sa bato ang aking pagtatangi. Hindi pinanday ng ulan at hangin ang ating pagtitinginan. Hindi saksi ang buwan – sa ating sumpaan.

 

Ngunit ngayong gabi, iyong hayaan – tayong dalawa ang magkatipan.


image of a poster about tomorrow, borrowed from t3.gstatic.com

Bukas ang paglimot/ 20x200.com

 

34 responses to this post.

  1. …haharapin natin ang bukas na punong-puno ng pag-asa at siksik liglig na good vibes!πŸ˜€

    hello! kamusta ka?

    Tugon

    • hello, joyo! mabuhay ka. asan, asan ang siksik-liglig na good vibes? ahaha…

      am not exactly well dahil sira pa rin ang PC sa bahay at apektado ang blog life ko, haha! but more or less, parang better, a lot better ako than before.

      ‘lam mo, matagal na kitang balak i-email. dapat magawa ko this wk. :s thanks sa pagbisita at pangungumusta…πŸ˜€

      Tugon

  2. Bukas… pa-Boracay ang nanay ko. Bukas… maiinggit ako. Hahaha.πŸ˜€

    Ano po bang inyong librong binabasa?πŸ™‚

    Tugon

    • bukas, may deadline ako. bukas, patay ako, haha…πŸ˜€

      hmm, singkamas, fiction lang ‘tong post na ‘to at wala talagang kinalaman sa binabasa ko, hihi… anyway, am reading a book by donald hall. it’s about the landscape of his place. ‘yon…πŸ™‚

      Tugon

  3. bukas,iba na kesa ngayon at malamang, bukas may new post ka na naman at maghahabol ako sa pagbabasa,haha!

    ang totoo, gusto ko yung idea na hindi ko alam ang bukas or ayoko siyang masyadong isipin, dahil ang totoo, kulang lagi ang ngayong araw para sa gusto kong gawin. ang ganda nitong post na ‘to. i’ll say its you being poetic and all that.

    Tugon

    • bukas, i’ll make the same mistakes. bukas, wala akong bagong post, haha!

      tomorrow and tomorrow and tomorrow… sabi ni shakespeare. haha, ‘yon lang ang tanda ko. mahina ako sa shakespeare -shakespeare, duking. btw, inspired lang ‘tong post ng isang post ng isang ka-blog na pinagdadalaw ko ang site since about a month ago. kumbaga, interpretation ko yan sa post nya…πŸ™‚

      salamat sa pagbabasa at pagla-like, duks. hope you are well!πŸ™‚

      Tugon

  4. bukas, Huwebes kaya umaga pa lang sasamba na ‘ko! hihi..

    magandang umaga po!πŸ™‚ kumusta?πŸ™‚ meron na ako post tungkol sa reactivated na facebook ko. try niyo po magbackread. hehehe.

    Ingat!πŸ˜€

    Tugon

    • haha, huwebes nga bukas. btw, InK ba ang family nyo?πŸ™‚

      teynks for coming over… sige, dadalaw ako sa inyo. see you there!πŸ˜€

      Tugon

      • sa tanong mo ate kung InK, opoπŸ™‚ ikaw nga ate ang madalas dumalaw at mag-iwan ng tugon eh. hihi. maraming salamat.

      • hehe, may barkada ako noong HS na InK. ang alam ko, may samba sila pag thurs and sat ‘ata.πŸ™‚

        no problem. masarap magbasa sa site mo. pero, di ko nakita ang about FB so iba ang hinalungkat ko, hihi… regards,πŸ™‚

  5. ang totoo ate san, mas nauna akong nahalina sa nakakabit na larawan.. isang wow! agad ang nasabi ko, at sasabihin ko naring may simpleng panghatak sakin ang sunset lalo na pag maganda silang gawan ng coffee painting..hahaha

    dati nasabi ko na masarap mag-abang ng bukas yong hindi mo alam ang mangyayari pero hawak naman ng mga kamay mo ang dapat mangyari.. ang gulo ko…hahaha, basta parang ganun..

    Tugon

    • haha, salamat at naibigan mo. hundreds atang images ng tomorrow c/o mr. google ang pinagpilian ko.πŸ™‚ sige, gawan mo ng coffee painting, anini.

      aba, sounds like the diwata girl has plans for tomorrow! sabi-sabi, ang isang tao raw ay excited about tomorrow pag napanghahawakan nya ang today.πŸ˜€

      Tugon

      • dito ako makikisabit dahil gusto ko yung linyang binitawan mo kay anini.
        “ang isang tao raw ay excited about tomorrow pag napanghahawakan nya ang today”
        pero sa case mo (o sige, sa akda mo, malamang kase sasabihin mo bunga lang ito ng iyong imahinasyon) parang umaayaw ka na dahil sa sakit at pagod pero gusto mong namnamin ang huling gabi bago ang bukas na walang kasiguruhan. yung bukas na hinihintay mong sana wala na ang nararamdaman mo.

      • hala ka dyan… ang demanding ng tapa sa paliwanag e, site nya, keraming emo, hahaπŸ™‚

      • hello, davin. good to see you around.πŸ˜€

        hala ka, parang kay kaye ang interpretation mo – mauunlad ang inyong imahinasyon pag usapang lab! haha

        two ways pwedeng i-interpret, tingin ko: sweet lemoning ng bukas o sour-graping ng ngayong gabi… di ka nakumbinsi? :s

        o, eto: s__t ka! you don’t deserve my love pero eto pa rin akong si t___a, nagpapaka-ewan sa ‘yo. better, huh?πŸ˜€

        pero, bok, di ko exclusive claim ‘yan. experience mo rin, ganyan, hahaha!

      • hahaha! sakto!πŸ˜€

  6. Ang bukas ang pagpapatuloy ng ating ginagawa sa kasalukuyan, palaging may bukas para sa pagbabago mapabuti man o masama. Walang kasiguruhan ang bukas, mas makabubuting ito’y ating paghandaan.

    Magandang araw po sa inyoπŸ™‚

    Tugon

    • yes,yo, banjo. masarap ang pakiramdam pag nasi-sense mong may bukas pa para iwasto ang mga mali, ituloy ang mga di natapos at punuan ang mga kulang.

      yon lang, di tayo laging looking forward sa bukas, e. mas madalas, iwas tayo. mga gano’n, hi, hi…πŸ˜€

      Tugon

  7. OMG! pramis, napa-wow ako pagkabasa ko. Pero kasabay nun yung lungkot…bittersweet. kasi alam mo na ngayon magkasama kayo at inyo lang ang mundo pero bukas hindi na kaya dapat lahat gawin na hangga’t magkasama pa. awww…

    para kanino mo ba to inaalay?

    Tugon

    • haha, kaye! ba’t ang ibang bloggers, yong angle lang ng tomorrow ang napansin at di ‘yong tungkol sa lab, huh? ‘kaw talaga, walang pwedeng ilusot sa ‘yo…πŸ™‚

      hala, kung may pinag-aalayan man ako nito, hwah, never kong aaminin online, maski lasingin mo pa ako, haha. anyway, wala naman. fiction lang ‘to. interpretation ko ito re: isang bittersweet post ng isang ka-blog. hayon…

      salamat sa pag-appreciate, dear. romantic talaga ang ale…πŸ˜€

      Tugon

      • haha! I would like to think that I know the person this post is alluding to because it actually instantly reminded me of somebody’s post… hmmm…

        nako, hopeless romantic naman kasi ako talaga. at napansin ko yung caption sa last photo, sabi dun, “Bukas ang paglimot.” I beg to disagree. ngayong gabi ang paglimot dahil kelangang limutin ang katotohanang bukas, wala na siya. kaya hangga’t magkasama ngayong gabi, sige lang, limutin ang mga alalahanin dahil maraming panahon para diyan kinabukasan, bilang hudyat ng paghihiwalay at bagong buhay magisa. hahahha! ang drama!

      • hmm… sino kaya yong tinutukoy mo?

        on the other hand, marami namang nakaranas na ng ganito, wari ko… :s

        hmm… masyadong maunlad ang imahinasyon mo sa lab dept. actually, pahabol ko lang na naisip ang last sentence. so, di ganyang kaunlad ang naisip ko when i did the post. ikaw na ang mahusay mag-imagine, ikaw na, ate kaye!πŸ™‚

  8. Posted by sphere on Abril 14, 2011 at 3:32 umaga

    ang ganda ng pagkakasulat mo tungkol sa bukas, dalawang beses ko syang binasa. isa ito sa magandang naisulat mo kasi may kasamang buhay pagibig ayiiii!!!

    ang masasabi ko lang, wag ng ipagpaBUKAS pa yan ISALYA na yan ahahahaha

    lets make better mistake tomorrow…

    Tugon

    • hi, sphere. salamat ng marami. aliw at naibigan mo.πŸ™‚

      hala, mabilis lang mag-compose ang yours truly ng pag-i-pag-ibig na posts… handami kong ganyang ek-ek, may mga tula pa, hihi…

      natutuwa ako every time na may ka-blog na nagsasabing isalya na ‘yan. parang ang bayolente, haha! peaceable citizen ako, oy…πŸ™‚ teynks for dropping by.πŸ˜€

      Tugon

      • Posted by sphere on Abril 14, 2011 at 7:45 umaga

        ahahaha may pagkabayolente ba? sweet nga ang dating eh parang nagmamadali, parang mauubusan, parang uhaw sa pagsinta, parang hindi na makapaghintay, nagaalab at nagaapoy pa sa init sa madaling salita parang TIGANG!!! hihihi peace

        Ikaw na ang maraming PAGIBIG na post…πŸ™‚

      • haha! parang urgent? mas urgent pa sa utos ng boss? :s

        hala, sasabihin ko sa ‘yo sa email kung kaninong post ang nag-influence nyan. ibubulong ko, haha.

        compositions pa lang. di pa naipo-post or di pam-post.πŸ˜€

  9. ganda ng posteng ito… padaan lang po…

    Tugon

  10. […] BukasΒ – pagtatangkang lumimot […]

    Tugon

  11. […] Ang ideya para sa madramang post na Bukas ay galing sa post ng isang ka-blog na may comprehensive update sa showbiz at politika ng bansa […]

    Tugon

  12. […] ang bansag ko sa kanila. Β Habang Wala KaΒ atΒ BukasΒ ang mga halimbawa ng mala-tula,Β kapwa nailathala sa DPSA. Ang una, tungkol sa pag-ibig ng isang […]

    Tugon

  13. […] Bukas – sometimes, the waiting has got to end, shaks! […]

    Tugon

  14. napakapositibo! good vibes! yun eh.πŸ˜€

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: