Pakiramdam

image of an emo young man, borrowed from t1.gstatic.com

Nauso ang emo sa pananaw, pananamit at gupit/ emo-genre.blogspot.com

Sa subject namin noong Humanidades o Humanities, doon ko naalaalang tinalakay ang paksa ng pakiramdam. Nababanggit ko ito dahil madalas kong maengkwentro rito sa blogosphere ang salitang emoshit. Ako nga pala ang tipo ng taong mabagal maka-catch up sa usong salita. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin ng😄 na lagi kong nakikita sa blogs… Anupaman, ang kuha ko, pag usapang pakiramdam na, kailangan may kasunod agad na pagtanggi o mura para maging katanggap-tanggap.  Tila sa kasalukuyan, hindi dapat i-dignify ang nararamdaman ng isang tao.

 

Ang Humanidades nga pala ang araling tumatalakay sa ugnayan ng tao, lipunan at panitikan. Ang natatandaan ko rito, ‘yong diagram na may tatlong bilog na pinagkabit-kabit.  Isa sa sinasabi rito, mahalaga raw ang pakiramdam sa tao at sa buhay.  Kung wala raw kasi nito, walang magiging tulak o motibasyon ang tao para gumalaw, mabuhay at sumulong bilang indibidwal at bilang grupo. Kaya mahalaga raw ang galit, ang takot, ang tuwa, ang kalungkutan, ang pag-ibig, ang inis, ang pagkainip at ang marami pang ibang nararamdaman natin bilang tao sa pang-araw-araw at lalo na sa pangmatagalan. Kailangan raw ito para maipundar at mapaunlad ang sibilisasyon.

 

Sa totoo lang, ng panahong iyon, hindi ko pa  gaanong na-a-appreciate ang mga itinuturong iyon. Medyo malalim pa sa kamalayan ko ang mga turo sa bahay at sa eskwela ukol sa pag-kontrol ng emosyon. Halimbawa, pag  nagkakasayahan kaming magkakapatid noon, ang madalas na sinasabi sa amin ay  huwag masyadong maharot. Sa eskwela naman, parang ganoon din. Parang hindi talaga kanais-nais ang ipakita at palayain ang nasasaloob. Kailangan ang mga iyong pigilan o itago dahil kung hindi, may hindi magandang kasunod o mangyayari.

 

Ang problema ko rito, hindi ako gaanong marunong magpigil at magtago. Pag masaya ako, karaniwa’y makikita mo akong nakabungisngis. Pag meron akong hindi naiintindihan, ang mga kilay ko ay agad na nagsasalubong. Siyempre, malakas akong tumawa at pag malungkot, bakas na bakas sa aking mukha. Ang tangi ‘atang nagligtas sa akin sa mga kapahamakang dulot ng pagkabukas sa mga nararamdaman ay ang aking kadaldalan. May mga taong natutuwa dahil ako ay kainaman ng daldal at ang iba naman ay natatakot dahil dito.

 

Noong mapunta na ako sa lungsod, madalas akong makakita ng  tellers sa bangko – blanko at magalang ang expression ng kanilang mga mukha. Sabi ko sa sarili, ang galing naman nila! Paano nila nagagawa ‘yon? Parang hindi sila nagagalit at maski magulo na, parang hindi sila naguguluhan! Mula noon hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung paano nila nagagawa ‘yon.

 

Isa pa, noong nasa kolehiyo na, marami akong naging kaklaseng galing sa exclusive schools, mga batang kolehiyala. Ang napansin ko sa kanila, pag nagsasalita sila sa publiko, halos di gumagalaw ang mga bibig nila at di kumukunot ang mga mukha. Kahit galit na sila o nalilito, ang mga mukha nila ay poised na poised pa rin. Siyempre, ang iba sa kanila ay naging mga kaibigan ko at pag kami-kami lang ang magkakasama, nagiging mabalasik rin pala ang kanilang facial expressions, humahagalpak rin sila ng tawa at mas mahuhusay pala silang magmura kaysa sa akin.

 

Noong nag-aaral pa rin, sa subject na Economics naman, laging ipinagduduldulan ang salitang rationality. Na kesyo raw ang tao ay rasyunal o objective kung gumawa ng pasya at hindi nagpapatali sa subjective na konsiderasyon. Bakit? Kasi,  siya raw ay isang nilalang na laging nag-iisip kung paano iuuuna ang kanyang interes.  Iyon daw  iba pa niyang nararamdaman ay isasantabi muna niya pag usapang kabuhayan na ang nakasalang. Iyon ang sabi.

 

Napapag-usapan din lang, ano nga ba ang masama sa emosyon?  Ang unang sabi, pag somobra raw ito ay masama – sobrang galit, sobrang lungkot, sobrang takot at sobrang pagmamahal. Ang pangalawang sabi, pag wala raw nito, masama rin sa tao – walang empathy, walang konsiderasyon, hindi sensitibo sa lugar at kapakanan ng iba. Ang ikatlong sabi, mahirap daw pag pinipigil ito, may masamang epekto sa well-being ng tao. Ang karaniwang halimbawa raw nito ay pagmamahal na pilit itinatago (nagkaka-tagihawat), galit na kinikimkim (sumasabog) at lungkot na sinasarili (nakaka-depress).

 

Inilalarawan ng emo culture ang imahe ng kabataang alienated sa kapaligiran – mahiyain, puno ng angas, naka-pokus sa ligalig na panloob at may tendensyang saktan ang sarili. In ang maging pokus sa mga pansariling hinagpis at maramdamang insensitive ang mundo sa mga suliranin ng indibidwal. Kung tutuusin, bilang trend sa kabataan, ang emo ay hawig rin sa punk subculture noong ’70s at ’80s na sinundan naman ng goth culture or genre. Ang kaibahan marahil ng emo ay isa itong phenomenon na nauso sa panahon ng internet at makabagong teknolohiya. Subalit sa maraming aspeto, kahawig ito ng dalawang naunang subcultures.

 

image of an emo young woman, borrowed from t1.gstatic.com

May mga kabataang babae ring emo/ flickr.com

Nitong nauso  sa Western world ang mga kanta, choreography, larawan, CD at DVD na emo, pati emong pananamit at  gupit, nauso rin.  Emosyunal na emosyonal – nagpapakalunod sa panloob na pakiramdam. At dahil tayong mga Pinoy ay parating nakatingin at na-impluwensyahan ng mga kaganapang Kanluranin, aba ay nauso rin ang ganito sa Pilipinas.

 

Sinubukan kong saliksikin sa internet kung kailan napadagdag sa panitikan ng emo ang kadugtong nitong shit. Wala akong gaanong nakasalubong na materyal na magpapaliwanag sa usapin. Hindi ko tuloy alam kung ang ibig sabihin ba nito ay in denial pa ang mga taong nagpapaka-emo sa  pagsusulat o ang ibig sabihin ba nito ay tapos na ang emo bilang trend, namamaalam na ito at may bagong uso nang paparating?

 

Hindi emo ang post na ito. Simpleng boring lang. 😀

 

Please see:

http://en.wikipedia.org/wiki/Emo

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=61640

http://www.harpercollins.com/books/Everybody-Hurts/?isbn=9780061195396

http://www.associatedcontent.com/article/2668841/amoung_youth_subcultures_the_emo_culture.html?cat=7

 

20 responses to this post.

  1. para lang akong nag crash course sa isang subject na ibabagsak ko rin kalaunan.hahaha!

    detalyado na ang lahat sa mga sinabi mo saka dahil lahat ng ito ay tinalakay na pala sa pamantasan, tingin ko, hindi ko na kailangan pang susugan ng anuman.

    ayon sa alamat, ang😄 di daw ay tumutukoy sa masayang emosyon ng isang tao. makikita ito sa mga ancient artifacts na nahukay simula pa noong unang panahon. mayroong ganito na nakita sa loob ng mga pyramids, sa dead sea scrolls, sa mga kweba at maging sa mga fossils at remains ng sinaunang tao.

    joke lang.XD

    Tugon

  2. nung mabasa ko ang humanities, bigla akong napangiti, syempre isa iyan sa mga subject na tumatak sakin hindi dahil sa mga seryosong behavior ng tao kundi kung paano i-convert ang mga nararamdaman thru art.. naging basic course ko yan sa painting, photography at kung anu-ano pang artistic daw na gawain.. naalala ko pa dahil ang kuya ko ay artist din, nagseseat-in sya sa klase namin..hahaha, madalas pang pagkamalang boyfriend ko.

    hmmmm, tungkol naman sa mga emoshit na sinasabi nila, pag malungkot ang mga sinusulat ko di ko tinatawag na nagpapaka-emo ako, isang malungkot lang na entry ang nagawa at lalong hindi ko masyadong ginagamit ang term na emoshit dahil hindi ako nagmumura..hehe

    sa mga kaibigan ko, madalas nilang sinsabing napaka-transparent ko sa mga nararamdaman ko, pero nagtataka naman ako pag di ko ka-close madalas ang comment ay ang hirap ko daw basahin, ang hirap lapitan kase blanko ang mukha.. so ano ba talaga ate charo?..hahahaha

    Tugon

    • hi, anini.

      gaya nga ng nasabi ko, medyo bata pa ako no’n at di ko pa sineryoso ang humanidades (tagalog version ang kinuha ko). pero, later, na-appreciate ko na siya bilang core subject sa tinatawag na liberal education. importante pala sya, haha…

      tungkol naman sa emoshit-shit na ‘yan, natutuwa naman ako pag nakikita kong ginagamit ng bloggers ang term. feeling ko’y cute. e, ako, hindi ko na pwedeng gamitin dahil sa edad ko, ang sagwa na kung ako ang magga-gano’n, haha.

      i hold that blogging as a whole, as an enterprise, kumbaga ay isang emotional/emoshit endeavor. so, di na kailangan pang tawagin ang specific post/s as emoshit – tingin ko.

      medyo ganyan din ako – transparent na prangkang taong hindi raw mabasa, sabi… :s

      Tugon

  3. Ang natatandaan ko naman, nadiscuss ang topic na human emotions sa Psychology class. Tumatak sa isip ko ang idea na nabanggit sa ‘min nun, na ang facial expressions ng isang tao ay kadalasang itinatago ang totoo niyang nararamdaman sa loob gayundin naman, na ito ang nagsasabi ng totoo niyang nararamdaman sa ibang pagkakataon.

    Tugon

    • hi, singkamas. salamat sa madalas mong pagdalaw at pagbabasa.😀

      hmm… sa psychology, ang eewan ata ng naging profs ko, hi hi. di ko natandaang natalakay do’n in an interesting way ang human emotions. parating clinical ang approach nila dyaan at ang focus madalas ng discussions ay pag hindi theories ni freud, tungkol naman sa deviant behaviors at pathology… :s

      sa literature ko na uli na-encounter ang tungkol sa ugnayan ng emotions at facial expressions. do’n sa mga tula ni t.s. elliot at sa discussions ng drama…😀

      Tugon

  4. hala at talagang niresearch mo pa? emoshit emoshit. hindi ko na gustong malaman ang etymology niya. ginagamit ko na rin dahil nakasanayan lang.

    Nung una kong maencounter yung word na emo, tinanong ko ke ate kara kung anong ibig sabihin nun at sabi niya, yung mga kabataang goth ang look, may black eyeliner, nakaitim, basta lahat madilim. kalaunan, kahit na sinong nagpapahayag ng lungkot ay tinawag na ring emo. keri lang.

    napansin ko naman sa kultura natin, nawala na ang interpersonal skills nang karamihan dahil sa pagkauso ng mp3 players at pakikinig rito gamit ang earphones. parang kahit na sinong makaengkwentro mo sa labas ay tahimik na nakikinig lang ng musika, kung minsa’y tumatawang magisa.

    ako, very transparent ako pagdating sa pagpapakita ng emosyon, tawa kung tawa, iyak kung iyak, simangot kung simangot. Pero kung minsan dahil tawag ng pangangailangan, dpat lang na medyo itago ang totoong emosyon lalo kung sa tingin ko e para naman sa ikabubuti nang marami. hay.

    Tugon

    • hi, kaye! e, di naman kahirapan sa ‘kin ang mag-research dahil gawain ko ‘yon, haha. wala akong nakitang formal lit discussing emoshit. ang marami kong nakita ay blog posts na sinasabing emoshit lang daw ‘yon…

      natatandaan ko noong ’90s, uso ang goth look – black lipstick, thick eyeliner tapos buhok na may bangs at nakayungyong sa mata para pag ayaw makipag-usap sa mundo ng kabataan, haha. favorite ko dati ang tv ad ng globe, yong may goth daughter tapos ang parents ay kagalang-galang at naka-chedeng. tanda mo’yon? yong goth child na nag-text sa parents pagkahatid sa kanya sa school?

      actually, a few years earlier, may mga college classmates na akong goth, mga lalaking sosyal – rich and super rich families sila galing. pumapasok sila noong naka-make up, all black ang suot, naka-palda kung minsan tapos, may metal-metal. btw, may counterpart sila sa mga urban poor out-of-school-youth – mga punkistang all black din ang get-up, sumusugod sa sunken garden as a group, pag may free concerts no’n.

      rich or poor goths, nakakatakot tingnan. ang main trait nila, uncommunicative. tapos, mati-tyempuhan mo minsang nagla-laughing trip.

      parang hawig din sila sa emo kids of 2000. mas concentrated lang yata itong emo dahil nga may MP3 na at may internet. so, pwedeng halos virtual na lang ang communication ng kabataan at halos wala na sa immediate environment nya. parang gano’n ata…

      hmm… am sure you’re both good at spontaneous facial and verbal communications and at social, poker-faced comms, haha…🙂

      Tugon

  5. Biglang flashback… “pons” ang isang word na natandaan naming magbabarkada sa psycho prof namin na ang ibig sabihin daw ay “facial expression”. Mula noon, ginagamit na namin ‘yung word na ‘yun ‘pag nag-aasaran.😀 Halimbawa sa isang picture sasabihin, “Wow, ang ganda ng pons mo dyan ah!” Tapos tatawa. Hehehe.

    Salamat po pala sa madalas na pagbasa at pag-iwan ng comment sa blog ko ha?🙂

    Mabuhay po kayo!🙂

    Tugon

  6. minsan natatawa, natutuwa at deadma na lang ako sa mga sobrang kaemohan. okay lang naman ang maging emo o kahit ano pa, basta ba marunong makisama.

    emo ako sa loob ng kuwarto ko at minsan naialabas ko rin naman sa labas at iba’t ibang pagkakataon. pero mahirap kasi yung masyadong emo. parang ini-enjoy mo lang ang sarili mong emosyon. tas may iba na magrereklamo na bakit hindi siya naiintindihan ng mundo, kung siya mismo ang nagkukulong sa sarili niya at ayaw umintindi.

    para sa akin, once na lumabas ka na sa shell mo, i-expect mo na hindi lang ikaw ang emo. mas marami pa o mas malala pa sa iyo. subukan mong damahin ang iba para masabi mo na ang pagiging emo ay hindi lamang tungkol sa iyong sarili. (hahaha napahaba ata ang comment ko. hehehe)

    Tugon

    • hi, hoshi.

      parang ang old and wise mo pag nagko-comment, ‘neng. parang iba ang lens mo? tsaka, parang ang tapang mo…🙂

      ako, di naman na masyadong emo sa totoong buhay. at least, hindi ko gaanong ipinapakita outwardly, kung nag-i-emo man ako. hi,hi, mahirap na…

      at di na ako gaanong matapang, hehe. pero dati, yes, dumaan rin ako sa mga yugtong very adventurous at dare kung dare, haha…😀

      Tugon

  7. […] Pakiramdam – pagiging emosyunal […]

    Tugon

  8. Reblogged this on doon po sa amin and commented:

    Hello, ka-blogs! Reblog lang po muna uli, pasensya na…🙂 One of the early posts rin itong Pakiramdam. Dito, sinilip ng bahagya ang papel ng emosyon sa tao at bakit parang may love-hate relation ang mga kabataan sa emosyon, ahaha. Gusto ko rin ang post na ito, among sa mga naisulat. Feeling ko, naka-tsamba rito, ahaha. ‘Yon lang, parang it raised a few sets of eyebrows din yata… Kumbaga, parang ang daming topic na napagdi-diskitahan ng blogger dito, pasensya na… Sari-sari nga yata ang napapansin, kainaman na…

    Have a good week, mga kapatid. Cheers!🙂

    Tugon

  9. * sigh * can’t understand, Ate. Though I understand it to be about different emotions. Too much or lack of it are not good… there should be a happy balance between the two .

    Sometimes we can’t help it if we’re the passionate type of person. I like a person who’s got passion in her/his blood. It’s frustrating to be with a person who’s too rational and too nuetral. You don’t know what they stand for, and where you yourself stand with them.

    Tugon

    • hello, Ren… ahaha, you understood it, alright…🙂 it says, one should have some emotions. a good measure of it, when properly managed and handled, helps out a person in life. a happy balance, as you say…🙂

      i agree with you there, dear. there’s nothing wrong with passion and it is somehow frustrating to be with people who pretend they don’t have any, haha.

      thanks for coming by, have the rest of the week pleasant.🙂

      Tugon

  10. Hi San! I like the “emo shit” thing. Taray ng dating hihihi! Kamustasa? Namiss kita sa tagal ng pagkawala

    Tugon

  11. Yung😄 smiley, X yung eyes tapos D yung bibig. Alam mo na siguro yun ngayon. Hakhak. Anyway, ganun din kami dati kapag nandyan sila mother and father, kelangan prim an proper. Bawal maglandian kaming magkakapatid. E ang iingay pa naman namin. Noong hayskul lang ako nag-out. Haha i mean hindi nagpigil sa emotions. Wala lang. Share lang. Tagal kong nakadaan. Hakhak. Hello hello sansan!!!😀

    Tugon

    • ay, bawal maharot noon saka magaslaw… kailangan lagi, magkasalikop ang mga kamay… sa amin pa naman, ang daming matatanda (clannish) so daming pwedeng sumutsot at manita, kainaman na… noong 4th year high school, medyo nag-let ng hair down kami ng classmates, 4th year na, pede na sa kalokohan. di na sobrang aral.., gala gala na sa mga bahay-bahay namin after class and during weekends, hoho. may pressure sa amin noon maging behaved, nasa first section kaya dapat model daw, hakhak… pagdating sa college, mga baliw na, wala na, haha.😉

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: