Kinig, Sagap…

 

Image of a portable radio in the 70s

Ang radyo noon ay portable na rin pero baterya ang nagpapaandar/ http://www.vintageradios.com

Lumaki kami noong pirming nakikinig sa programa ni Tiya Dely sa radyo. Iyon kasi ang madalas pakinggan ng aming Inay. Nakikinig din siya sa mga payo nina Helen Vela at Kuya Eddie. Kaya sa aming magkakapatid, patok din itong dalawang radio personalities.

 

Nakakarinig naman kami ng balita pag umaga, habang nagsisipaghanda sa pagpasok. Ang aming Tatay naman ang mahilig makinig nito. Natatandaan ko, kakaiba ang pag-deliver ng balita pag sa radyo. Madalas, kung hindi sobrang excited ang tagapag-ulat o reporter, galit na galit naman ang program host o commentator. Parang lagi silang nagmamadali, tila baga ang mga isyu ay dapat agad aksyunan – ngayon na! Isa pa, laging may sound effects na nagda-drumbeat sa urgency ng mga bagay na pinag-uusapan sa ere.

 

Iyon nga lang, bago mag-alas sais ng umaga,  kailangan na namin noong umalis papunta sa eskwela. Ang sunod na naming pakikipag-niig sa radyo ay mga alas-sais na uli, ng gabi. Kung mabait ang moods ng aming mga magulang, ipapahiram muna nila ang radyo sa mga ate ko. Sa loob ng kulang-kulang na isang oras, makikinig sila ng musika sa FM frequency. Sa pakikinig sa FM, doon namin nalalaman ang mga usong kanta at sayaw.

 

Image of an old Sony brand portable radio

Mas bago-bagong model ng radyong nabibitbit/ http://www.sony-asia.com

Bandang alas-siyete, kung tapos nang maghugas ng pinggan at magligpit sa kusina, makikinig na kami ng paboritong drama sa radyo ng aming ina. Nalimutan ko na ang pamagat nito, pero tanda ko pang ang bida ay ang mag-asawang sina Teresa at Ruben. Ang kontrabida naman ay ang kapatid ni Teresa, isang babaeng nakatira sa Maynila at dumating sa lugar ng bida para magbakasyon. Nagustuhan ni Ruben ang kapatid ni Teresa at sa gayo’y nasira ang pagsasama ng mag-asawa. Sabihin pa, si Teresa ay isang martir – mahal nya kapwa ang asawa at kapatid. Handa siyang masaktan ng paulit-ulit para sa mga taong kanyang minamahal.

 

Mahirap makalimutan ang theme song ng programang iyon: “Ang aking buhay, maiksi aking hirang. Kung kaya’t kailangan, ang pagsuyong wagas kailanman. Ang sumpa ko sa iyo ay tunay. Nais ko sanang patunayan, huwag ka nang mag-alinlangan pa. Ikaw lamang ang aking iibigin, magpakailanman…”

 

Image of a radio waves transmission facility

May higanteng antenna at mga plato o discs na nagta-transmit ng airwaves patungo sa mga radyo sa bahay-bahay/ http://www.123rf.com

Pagkatapos makinig sa dramang iyon, tulugan na sa amin, maliban sa mga estudyanteng hindi pa tapos gumawa ng takdang-aralin. Sa ganoong oras, ang Kuya naman namin ang gagamit ng radyo. Ang madalas na pinapakinggan niya ay balagtasan. Ang kapatid namin kasing ito ay mahilig gumuhit, sumulat ng tula at magkakanta palagi. Dahil madalas ay gising pa ako pag ganoong oras, nakakapakinig na rin ako noon  ng balagtasan. Hindi ko lang alam kung may balagtasan pa ngayon sa radyo, pero sa pagkatanda ko, nakakaaliw itong pakinggan. Ang balagtasan mandin ay isang battle of wits and gabs ng mga kalahok na ang pagbigkas ng mga salita ay parating may rhythm and rhyme.

 

Pag Sabado at linggo, noon kami mas maraming panahon para makinig sa mga programa sa ere. Ang kainaman pag ganoon, pwedeng bitbitin ang radyo pag naglalaba sa kuluong. Nakakapakinig tuloy kami ng mas maraming FM music at di lamang mga kanta nina Didith Reyes, Imelda Papin at Eva Eugenio.  Basta ang usapan sa bahay namin,  tuwing dinadala ang radyo sa labas, kailangang maiuwi rin ito bago mag-alas-onse ng tanghali.

 

Image of the movie poster of Zimatar, a popular action series on radio

Sikat na sikat noon sa mga tao ang programang Zimatar sa radyo/ komixrama.blogspot.com

Alas-onse, makikinig na ang mga kapatid naming lalaki ng programang Isagani. Hindi ko na tanda ang plot nito pero, medyo aksyon sya. Ang kasunod ng Isagani ay ang pinakahihintay ng marami  – ang programang Zimatar. Si Zimatar ay nakakabayong bida at laging nagwawagi sa mga laban. Mayroon siyang powers na bigay ng ninang niyang mangkukulam – si Wengweng. Hindi ko pa malilimutan ang tunog ng tawa ni Wengweng at parati ko noong inaantay ang paghahalo niya ng kawa. Ang ibig sabihin kasi noon, may mangyayari sa istorya…

 

Nasa kolehiyo na ako noong sa wakas, nakabili na kami ng telebisyon sa pamilya. Sa loob ng maraming taon, radyo lamang ang pirming paraan sa amin para maka-konekta sa labas at para makasagap ng mga bagong balita at uso. Ang munting problema rito , ang radyo noon ay pinapaandar lang ng mga baterya. Ang siste dyaan, ang baterya ay sa bayan pa nabibili. Isa pa, hindi sa lahat ng oras, may pambili ng bala sa aparato ang mga tao doon sa amin. Kaya ayon, pag walang baterya ang radyo, maiinit ang ulo ng lahat…😉

 

Possibly Related Posts:

 

Busy ang Linya

Ang Baku-bakong Kalsada sa Aming Nayon

Maglalako

Sabong Mabaho

 

23 responses to this post.

  1. nakakamis makinig ng am radio. na miss ko tuloy si tia delly.

    Tugon

    • oo, nga, nakaka-miss… nakakarinig na rin lang ako ng AM radio pag nakakatyempo ng dyip o taxi na AM pa ang pinapakinggan ng tsuper. kung sa sarili, ala ako masyadong initiative makinig ng AM. medyo sawa na sa kakakinig dito when i was younger… :s

      Tugon

  2. Nakakamiz nga po ang makinig sa radyo..hehehehe

    Tugon

  3. Posted by gnehpalle02 on Marso 31, 2011 at 2:36 umaga

    ahaha, naabutan ko pa yata ung drama sa radio. tuwing bakasyon eh madalas yan ang aming kasama sa pagtulog sa tanghali. Tulog sa papag at paggising eh kakain na ng minindal (meryenda). Lumaki akong puro fm, lagi ko nung pinakikinggan at Kool 106. ehehe, kakamis ung drama sa radio na kapag kumulog eh yero ang hahampasin o kya naman takbo ng kabayo eh bao ng niyog

    Tugon

    • hi, lian. ang galing – radyo kasama sa pagtulog. oo, nga, ‘no?

      modern na ang inabutan mo, FM na ang pinapakinggan. noong araw kasi, mahina at mahirap ang reception ng FM frequency so, obligadong mas madalas na sa AM makinig, haha…

      kainis ka, ba’t alam mo na yero at bao ng niyog ang sound effects sa radyo? you’re not supposed to know that… you’re supposed to listen and to believe na totoong kulog at totoong kabayo ‘yon, haha! hello, hello!😀

      Tugon

      • Posted by gnehpalle02 on Abril 1, 2011 at 5:27 umaga

        ahahaha, dahil un sa napanood kong movie na luma, ung kay dolphy. ahahaha, ang kulit nga, sana nga ganun ulit ung mga palabas mas kyut. walang masyadong kiss puro akap lang… ehehe..

      • ah, naman pala… hindi ako gaanong madalas manood ng tv. gano’n marami nang yakapan at halikan? hamo, manonood nga ako this weekend, hihi.

        hello. lian!😀

  4. hehehehe may naalala ako ung gabi ng lagim, madalas ko yun naririnig sa sasakyan kapag late na kami nakakauwi. Nakakamiss yang mga simpleng bagay na ganyan, simpleng pakikinig lamang solve na. Ngaun parang nasa kanila na lahat ng gadget di pa rin matahimik.

    Tugon

    • hello, joyo. ansaya, nilubayan ka na nina Inis at Init ng Ulo at itinaboy ka ng mabining hangin paparito -yehey!😀

      takot ako noon sa gabi ng lagim. ang dilim kaya ng gabi sa probinsya?…

      oo, ka. noon ang radyo ay parang sing-importante ng internet – link to the outside world, kumbaga. pag nakakarinig noon ng radyo ang tao, parang ang saya na. ngayon, we are wired all over – PC, ipod, digicam, itouch, ipad, MP4 at kung anu-ano pa – at kamo nga ay tila baga kulang pa.

      puro kawad, alambre at antenna na nga ang makabagong tao… interactive daw na ewan. :s

      Tugon

      • Posted by gnehpalle02 on Abril 1, 2011 at 5:28 umaga

        ahahaha, ate joyo naalala ko yang gabi ng lagim. Nirecord pa yan ng dady ko pag ayaw naming matulog ng tanghali yan ang pinaparinig nia kaya super pikit talaga kami ng kapatid ko. lalo na ung a ululong ng dog(dog talaga… ahahaha) iskerimats me.

  5. mahilig pa rin naman kami sa pakikinig sa radyo. ang hindi ko na lan masundan ay yung mga drama na medyo kinatutuwaan ko na kapag naalala ko. madetalye kasi sila sa mga eksena at nakakatuwa yung mga improvised props nila para ma-produce yung hinihinging sound effects.

    dati natatakot akong makinig sa gabi ng lagim at asar naman sa Matudnila.

    Tugon

    • hello, hoshi. ang ibig sabihin nyan, you still live with your parents and old folks kaya mayroon pa sa bahay nyong regular na nakikinig sa AM radio, hano?😀

      haha, kabisado at tanda mo pa nga lahat. strike 2 na ang recall sa gabi ng lagim. aliw, nakikinig sya ng matudnila…🙂

      Tugon

      • oo tumpak ka dyan. hindi mo magagalaw ang karaoke namin pagpatak ng sunday. aawawayin ka ng nanay ko. kailangan mapakinggan nya yung mga musika ng kapanahunan nya.

        kaya masasabi ko na kahit layo-layo ng generation ko eh, pamilyar ako sa mga old songs at old drama sa radio. yun na ang mga nursery rhyme ko hahaha

        mas alam ko pa ang mga lumang kanta kaysa mga bago ngayon. kailan ko lan nakilala yung mga kanta nila taylor swift at miley cyrus. hahaha

      • hello, hoshi.

        nakakatuwa at kakaiba naman ‘yang listening experience mo. di ba kamo ay taga-QC kayo, sa lungsod pero dala-dala ni mama mo ang old habits nya? at naimpluwensyahan ka pa, aliw!

        akala ko dati ay updated na updated ka sa new tech like most kabataan. e, kasi, may social networking sites ka, may sariling domain atbp. hindi mo rin nga agad masasabi, ano?😀

  6. AM radio tapos may anim na double D na battery. naalala ko ang Lola at Lolo ko. nagbabakasyon ako sa kanila madalas nung elementary kapag summer. Ganun lang umiinog ang buhay. AM radio, paborito ko yung mga komentaryo ni ka totoy talastas then later, nasa net25 na siya. kahit si ka totoy sumulong sa pagbabago.

    at siyempre, ang gabi ng lagim, zimatar at ang mga nakakatuwang descriptive lines sa mga drama:

    hinahabol nila ako, papalapit na sila…malapit na…diyos ko…huwag sana nila akong abutan…hayun…may drum na walang laman…magtatago ako. (sound effects)

    ang simple lang pero nalilibang na ko nun.

    Tugon

    • haha.. ang galing mo, duking! tanda mo pa how things were and how they sounded, haha!

      siguro, nakabaon pa ang radyo at komiks sa conscious at sub-conscious na parte ng utak mo. iyon kasi ang isang napapansin at nagugustuhan ko sa mga isinusulat mo – folksy pieces sila, haha.🙂

      at saka, siyempre, pareho tayong taga-Southern Tagalog so, marami ang hawig sa language at kalinangan natin – ahaha. ayan, nag-a-assume akong may commonalities tayo, hi,hi…

      salamat sa pagbabasa.😀

      Tugon

  7. Naalala ko sa post na ‘to ang mga times na napagkakatuwaan naming magkakapatid yung huling line ba yun ni Tiya Dely kapag closing na ng programa niya. Yung mabagal na pagkakasabi niya ng “Ito po ang inyooong (slight pause) Tiiiya Delyyy (tapos pasok yung sound na typical pang-radio-drama yung tunog).” Napapahalakhak rin kami sa tuwing maririnig namin siya noon sa pagkalakas-lakas na radyo ng kapitbahay namin.

    May isa pa ‘kong naalalang kwento na may kinalaman rin sa radyo. Experience ito ng isang kasamahang pastor ng tatay ko doon sa Bicol. May isa raw church member na lumapit doon sa nasabing pastor and asked na ipagpray daw si (nakalimutan ko yung pangalan) kasi malala na raw ang sakit at malapit ng mamatay. Nag-agree naman ngayon yung pastor tapos nagtanong dun sa miyembro kung saan yung bahay nung maysakit. E wala naman talagang “bahay” yung maysakit kasi karakter lang naman siya sa isang drama sa radyo.😀

    Tugon

    • haha, ang husay, tanda mo pa talaga! para kang si duking, pati tunog, kuhang-kuha – ang galing…

      gano’nga sa baryo. sobrang affected ang mga listeners sa naririnig at sinusubaybayan nilang mga programa sa radyo na willing sila to do things for them.

      yon ‘yong panahong ang impluwensya ng radyo ay parang ‘yong pag-invade ng internet sa mga kabataan the last few years.

      salamat sa incisive mong comment, singkamas.😀

      Tugon

  8. Posted by sphere on Abril 5, 2011 at 4:19 umaga

    ahahahha naalala ko may radyo din kami noon pero ung may plaka para syang maleta na malaki hindi kami madalas makinig ng drama or news si nanay kasi napakadaming plaka more on music kami sa bahay at pag sunday ang music sa bahay ay mga pang march ng mga sundalo / para kaming laging nsa opera house. tapos pag nasa bahay naman kami ni Lola at lolo ganun din ung mga cha cha, rumba, samba bata pako madalas ako nilang turuan ng mga sayaw na ganyan pero hindi sila nagwagi dahil parehas kaliwa ang paa ko hehehe
    🙂

    Tugon

  9. hello, sphere…🙂

    hindi ba pono o ponograph ang tawag do’n sa parang maletang ginagamit no’n para magpatugtog ng plaka? nagkaroon din kasi kami noon, later. ‘yong ang mga bala ay parang pre-cursor ng CD? haha…

    ay, ang galing, musically-inclined ang family mo… btw, sa ‘min din naman, bumibili ang tatay namin noon ng plaka nina victor wood at yoyoy villame, haha. meron din namang mga billy joel at elton john para sa mga ate ko…😉

    ang naaalaala ko sa kwento mo, parang sa commercial ng bear brand at saka MTV ng eraserhead’s huling el bimbo, haha… parang period film na sepia ang kulay. ganoon nga? 😀

    Tugon

  10. […] naglalakad pa ang tagakuha ng balita at ipinaabot ang mga nakalap sa publiko sa pamamagitan ng radyong aandap-andap ang baterya. Subalit di natin dapat kalimutang ang lakas ng balita ay depende pa rin sa mga totoong kaganapan […]

    Tugon

  11. […] radio, walang telepono at wala ni anong makabagong paraan ng pakikipagtalasan. Samantala, ang Kinig, Sagap… ay ukol naman sa panahong transistor na radyo ang pangunahing aliwan ng mga tao sa nayon at siya […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: