Manalo, Matalo

image of a man and his fighting cock, borrowed from  t2.gstatic.com

Malalim ang pagkakaugat ng sabong sa kalalakihang Pilipino/ filipinovolunteer.com

 

Tungkol ito sa sabong, isang uri ng laro at sugal na kinahihiligan ng mga kalalakihan doon sa amin.

 

Ang sabong ay di lamang libangan at pampalipas-oras ng mga lalaki sa aming lugar. Para sa marami, isa itong seryosong bagay na pinaglalaanan nila ng abala, panahon at gastos – mula noon hanggang sa ngayon.

Bakit at paano? Ang sabi ng iba roon, “It’s a man thing,” daw. Katulad din daw ito ng pag-aalaga ng kabayo o pagkahumaling ng kalalakihan sa magagarang sasakyan. Ang sabong daw ang isa sa mga paraan ng mga lalaki para maipahayag ang kanilang pagiging macho.

 

 

Image of a cock or game being readied for fowl derby

Ang tandang na manok ay matikas at alagang-alaga/ http://www.sabong.net.ph

Sa amin, pagtingin mo sa loob ng bakuran, hindi lamang mga alagang pananim ang pupukaw sa iyong pansin. Bagkus, babatiin rin ang iyong mga mata ng mga tandang na manok na nakatali sa iba’t ibang bahagi nito – sa harap, sa gilid at sa likod-bahay. Ang matitikas na mga alagang hayop na iyon ang prized possession ng tatay ng bahay at ng mga anak niyang lalaki. Ang mga manok na iyon ay ipinapakita ng may-ari sa bawat bisitang lalaking dumating – aksidente mang napadaan ang panauhin o sadyang dumalaw. At sa oras na mapansin na ang mga tandang, tiyak, mahabang oras ng kwentuhan ang mangyayari.

 

 

Balikan natin pansumandali ang ilang mga batayang alituntunin sa pag-aalaga ng mga manok na tandang na panlaban sa sabong:

 

1. Pumili ng mahusay na lahi o iyong tinatawag na manok na galing sa champion breed.

 

2. Siguruhing pirming may malinis na tubig-inumin sa tabi ng alagang tandang.

 

3. Dapat napapausukan at nahihimas ang mga alaga tuwing umaga.

 

4. Dapat napapaarawan ng sapat-sapat lamang ang mga alaga.

 

5. Tiyaking mahusay na klase ang patukang ibibigay at regular ang  oras ng pagpapakain.

 

6. Mas mainam kung mayroon din silang vitamins and supplements.

 

7. Pana-panahong sinasanay ang sasabungin sa pakikipaglaban o tupada maski laban lang sa mga alaga ng kapitbahay.

 

8. Tiyaking hindi naiiwanan sa labas ang mga alaga pag umuulan para maiwasang sila ay sipunin.

 

9. Sanayin ng madalas ang pagkahig o footwork ng mga alaga, parang sa boxing.

 

10. Kung may badyet, bilihan ng magandang klaseng tari ang manok na panlaban.

 

Sa pagkaalam ko, ang running theme sa pag-aalaga ng sasabunging manok doon sa amin, tender loving care at all times for optimum result, ‘ika nga.

 

 

Sa lugar namin,  ang araw ng Linggo para sa kalalakihan ay nakalaan sa pagsasabong. Ibig sabihin, pupunta sila sa tupada sa bayan o sa derby sa kalapit na lungsod o kung minsan, dadayo pa sa ibang probinsya. Sa araw na iyon, ang mga lalaking nagsasabong ay maaagang magsipaggising para maghanda ng panlabang manok at ng mga sari-sarili.

Matapos ipahid ang huling kuhit ng pomada sa buhok, isusuot na ng magsasabong ang kanyang Ray-Ban eyewear at ang magarbo nyang sombrero. Lalabas siya mula sa kwarto at tutuloy sa sala kung saan naroroon ang kanyang mga kasamahan sa lakad. Lahat sila ay mga bagong-ligo, naka-tuck-in at sa pangkalahatan ay bisting-bisti ang bihis. Mukha sila lahat dadalo sa kasalan. Ang iba sa kanila ay may mga kalong na panabong. Ang iba naman ay sasama lang para pumusta o tumaya sa pinakaantay na derby.

 

Ang mga magsasabong, grupu-grupo lagi kung lumakad. Paglabas nila ng bahay, animo sila ay mga sundalong susuong sa napakahalagang digma. Ang mga hakbang nila ay masisigla at determinado. Tila handa silang sakupin ang mundo.

Wika nga, manalo, matalo – makapagsabong lamang. 😉

 

image inside a derby/cockpit, borrowed from t0.gstatic.com

Pinaglalapit muna ang dalawang manok bago ang sabong/ politico.com

 

29 responses to this post.

  1. Nice post…Sabong ang dahilan kung bakit nag-aaway ang mga magulang ko..hahahaha…Lagi kasi natatalo si Tatay. Pero kapag nananalo, natutuwa naman si Mama…hahahaha

    Sagutin

    • hello, elton.

      naku, ganyan din sa nayon namin – nag-aaway ang mag-asawa dahil sa sabong na laging inuuna ng padre de pamilya…

      swerte ba sa sabong tatay mo, ha? 😀

      Sagutin

      • Nakuh, lagi nga pong talo eh. Hehehe.
        Pero hindi na po nagsasabong ngayon. Nagbago na po nung lumaki na kami. hehehe

      • haha… ay sya, di maigi at naiba. ang masama ay kung nalulong siya roon at nasakripisyo ang inyong pag-aaral… buti, hindi. 🙂

        alam mo, since ang sabong ay isang tipo ng sugal, ang hirap maging ma-swerte dyan, sa palagay ko… 😀

  2. Nyahaha. Took a trip down the memory lane. AGAIN dahil sa inyo pong post. Hihi. 🙂

    Naalala ko yung mga naging alaga naming manok noong nasa Bicol pa kami. Mas marami kaming inalagaan (at kinatay) na inahin kesa sa mga tandang. Noong nagkaroon kami ng dalawang tandang, si Dagul at si Stephen (opo, pinapangalanan talaga sila haha), napagkakatuwaan namin minsan ng aking kapatid na babae na pagsabungin ang mga yun pero wala siyempreng pustahang nagaganap. Madalas manalo si Dagul. Haha.

    Sagutin

  3. naalala ko dati dito sa amin, may nagpasabong para makapagraise ng fund para sa isang namatay at hindi daw sabong ang tawag doon sabi ng kapatid ko, tupada daw. 🙂 anyways, talagang bahagi na ng buhay ng pinoy ang sabong. pero ako, hindi pa nakakakita ng totoong sabong.

    Sagutin

    • hi, manang. 🙂 ang tupada yata ay parang small fight lang, neighborhood level kumbaga. parang practice for the upcoming bigger fight at mas mababa ang bets.

      long time ago, nakakita na ako ng sabong. sa umpisa ay mababango pa at masayahin ang mga magsasabong. habang tumatagal, nagiging intense ang atmosphere at ang amoy- pawis sa loob ng sabungan, haha! sa pagkaalaala ko…

      for curiousity’s sake, siguro minsan, silip ka sa sabungan. di ko sure if it’d be an interesting sight – parang mga tatay na adik lang ando’n, haha. 😀

      Sagutin

      • natatakot ako eh, dun nga sa tupada para bang mga nagwawala ang mga tao, sa malayuan ko pa nakita yun ah. at yung mga tao lang nakita ko, hindi ko nakita yung mga manok na naglalaban. feeling ko malulungkot ako ng bongga kasi pinagaaway nila ang mga walang malay na manok. 🙂

      • haha, medyo gano’n nga. pero, di naman walang malay ang mga manok – from the start, they’re trained as fighting fowls/games naman… yata. 😀

  4. napadaan ulit po dito sa inyo, kahit na medyo abala sa pagharap sa trabaho, napukaw ang aking interes para basahin ang iyong sulat.. tungkol pala sa sabong…

    aking mga ama hanggang sa aking mmga kapatid na lalake ay hilig lahat ang sabong, ako lang yata ang walang hilig subalit tuwing may laban ang aming manok, nagpapadala ako ng pampusta.

    Bukod pa po sa inyong nabanggit na mga pamamaraan sa pagaalaga ng manok na panabong, marami pa din yata style ang taga roon sa amin. Hindi ko alam kung anong tawag sa pinaggagawa nila pero ung inyong mga nabanggit ay madalas ko din mapansin.

    Di tulad ng ibang sugal, madaling pagpustahan ang sabong.. palibahasa dalawang manok lang ang maglalaban, pansin ko lang sa loob ng ruweda (sabungan), bumabase din sila sa balahibo ng manok na nananalo. Bumabase din ang pusta sa lyamado o dehadong tinatawag.

    Nakakatuwang sa senssyan, nagkakaintindihan na agad ang bawat sabungero kung alin ang pinustahan at kung magkano ang pusta. Kahit pa napakalayo ng agwat ng iyong kapustahan.

    Medyo napahaba na po yata…

    Magandang araw po sa inyo. 🙂

    Sagutin

    • hala, magaganda nga ang iyong nai-share. personally, ayaw ko sa sabong. di rin ako solb sa dami ng oras at resources na inuubos para dyan sa mga manok na iyan. tapos, masyadong high stake ang labanan – 50/50?

      pero doon sa amin, naku, adik ang mga tao dyan. ewan ko baga… 😀

      Sagutin

  5. Nalala ko noong bata pa ako may alagang manok si tatay, nanalo ito ng 6 na beses bago mag retire, di ako sabungero pero alam ko na bahagi na ng kulturang pinoy ang sabong at nasa dugo nila ang pagiging sabungero.

    Nice post, kuhang kuha mo yung sigla at itsura ng isang sabungero.

    Sagutin

    • tama ka, pareng kiko. nasa dugo nga ata… maigi kamo’t di ka sabungero -aprub! 🙂

      hala, paanong di ko makukuha? sa loob at sa labas ng bahay namin noon puro magsasabong. practically, napapaligiran, haha… 😀

      Sagutin

  6. tatay ko rin ganyan. iritang-irita ang nanay ko dahil nauubos ang pension nya sa sabong. pag wlang pera, magmumukmok. hay..

    Sagutin

  7. kami maraming manok pero walang panabong.. ayaw ni tatay sa sugal.

    Sagutin

  8. hi, anini. oks talaga papa mo – masipag at di pa nagsusugal. 😀

    may kakilala rin akong nagri-raise lang ng mga manok na panabong pero never sya mismong pumasok sa sabungan o tumaya sa sabong. breeder lang sya talaga. 🙂

    Sagutin

  9. ang tatay ko, ginawa niyang mini farm ang bakuran ng bahay ko. wala kasi siyang espasyo sa bahay nila ni nanay. natutuwa lang ako kase nahiligan niya ito ng nakatapos na kaming lahat sa pag aaral magkakapatid. mabuti na rin dahil talaga namang magastos mag alaga ng mga ‘prized fighter’. more on sa prestige yung tingin ko kapag nag aalaga ka ng manok na panabong. yung tipong gumagawa ka ng pangalan bilang breeder. ganun daw yun sabi ni tatay para magkaroon ng value ang mga manok. kailangan, kilalang laging nananalo yung mga alaga.

    Sagutin

  10. hi, duking. okey naman ang kay papa mo. malinaw ang priorities nya at pwede na siguro yang magastos nyang hilig ngayong semi-retired na sya.

    btw, kilalang breeder na si papa mo ngayon, eh? marami na sa alaga nya ang nanalo? balato, balato! hahaha. 😀

    Sagutin

  11. sa akin, walang problema ang ganitong klaseng libangan o kagustuhan as long as hindi masyado na sukat nang may maisanla para lang may maipusta.

    dati uso sa amin ito, pero ngayon karera na ata ng kabayo sa TV ang trip nila. sa awa naman, natapos na ang pagkahilig ng isa kong kuya dyan.

    Sagutin

    • hi, hoshi.

      iyon ang isang munting problema dyan sa pagkahumaling sa sabong. karamihan sa magsasabong na kilala ko ay talagang hahamakin at isasangla ang lahat makapagsabong lang… :s

      meron silang pang-shopping para sa manok pero tiis muna ang pamilya. medyo sad, di baga? 😀

      Sagutin

  12. musta po.new lng po ko sa sport hingi sana po ko help pano tumawag sa sabungan.salamat po in advance

    Sagutin

    • hello, stephen. salamat at napunta ka rito sa amin.

      ah, wala ako mismong first-hand experience sa sabong, pasensya ka na. mga kamag-anak na mahilig magsabong – yon ang marami ako, lol 🙂

      may i suggest na punta ka na lang sa site na sabong.com.ph. doon, maraming taong knowledgeable talaga sa sports ng sabong. 🙂

      Sagutin

  13. […] post sa DPSA, tungkol sa sabong – Manalo,Matalo. Itong si dabarkads nag-request no’n, naaalala nya raw ang Tatay nyang sabungero… Noong […]

    Sagutin

  14. 1. dynastY?

    2. Baka siguro mag ka amoeba =LBM = loss of fluids = weakness = talo sa laban.

    3. Hindi ako familiar dun sa nauusukan. pero alam ko dapat talagang hinihimas ang *toot* ( tandang)

    4. Parang halaman lang.

    5. Relate ako dito kasi ako nagpapakain dati sa isang dosenang manok ng tito at tatay ko.

    6. hinahaluan din ng honey , pampatapang daw ata.

    7. sparring ^___^.

    8. Parang anak lang. hahha

    9. Naaawa ako sa manok pag hingal na hingal na dahil sa footwork. haha.

    10. dapat kasi pati tuka may blade din.

    Di ko talaga gusto ang sabong. Ang ingay. Tapos naaawa pa ko sa mga manok kapag nagpapatayan na T_T

    Sagutin

    • hello, bagotilyo… nakakaaliw na bloghopping ka uli. mabuhey! 🙂

      1. champion breeds dapat, sabi… application ng survival of the fittest. sa breeding ng horses and dogs, ganoon din daw principle, sa pagkaalam kow…

      2. a, di ko alam… 🙂 basta, nakikita ko no’n, men make sure, parating bago at malinis tubig ng manok. nakaka-relate here, pag may pet, i make sure, clean drinking water…

      3. ahihi, pinapausukan sa siga or sa tabako, for some reason. di ko alam bakit… about himas, di ko alam – yun ang hinihimas? ahihi. teynks for pointing that out, kapatid. i mean, ni hindi ko naisip till now, may sex organ manok, haha. as in… and to think, aspiring writer ang lola mow… * slaps forehead* how could i not have thought of that? dumb, dumb, dumb!

      4. a, gano’n? di ko rin alam… mas na-associate ko lang sa baby, pinapaarawan sa umaga, yown. parang Vit D req’s, hihi…

      5. ahihi, apprentice ka pala sa dad mo…. a, i learned about that kasi, men from our place, they really do take the time, money and effort para mag-shop for feeds and foods ng manok, i tell you… may patuka ang manok, walang bigas pamilya, as in…

      6. ay, oo, salamat for that. may honey nga mixed sa food ng manok – tama!

      7. yun nga ata ang tawag. ikaw na… naman kasi, you know better. gaming and taking care of fowls – they’re men thing, di ba? 🙂 ba’t di ikaw ang nagsulat ng gan’to? mas believable kung ikaw, di nga… shaks na ‘yan, napaghahalata, di ko sadya alam paksa, kainaman na…

      8. yes, parang mga anak (or even, asawa) nga turing ng kalalakihan sa alaga nilang mga sasabungin, kainaman na…

      9. ahaha, gano’n? a few times lang ako nakanood talaga ng sparring ng manok, kapatid. and, halata ba, i didn’t like it? i still don’t, ahaha… peace

      10. ay, ang lupit mo. pasaway ka, violent ka mag-isip, pambihira…

      apir, kapatid. i never liked sabong. never will like it, siguro… 🙂 it’s too violent – for the games (fowls) and the men…. di ko rin gusto nakikita sa facial expressions and bodily gestures ng mga magsasabong – raw and naked desire? may mirth sila sa kill or be killed situation – lantaran, i don’t like it. 🙂 pasensya naman… ^^

      salamat sa pagsi-share and sa insightful comment. pakabait tayo, ahaha. 🙂

      Sagutin

Mag-iwan ng tugon sa doon po sa amin Pindutin ito para bawiin ang tugon.