Paano?

image of a man pondering, borrowed from t2.gstatic.com

Bakit ang tao ay maraming tanong?/ servitokss.com

 

Paano magmamahal

ang taong wala nang kayang ibigay?

Paano mag-aalay

ang taong itinuring na upos na ang buhay?

 

Paano magbabahagi

ang taong busabos sa sarili?

Paano magtatangi

ang taong buhay puno ng pasubali?

 

Paano maglalaan

ang taong bihag ng agam-agam?

Paano hahakbang

ang taong pinanghina na ng kawalang-katiyakan?

 

Paano manunuyo

ang taong damdami’y timid at suko?

Paano magtuturo

ang taong pag-asa’y dinurog, ginawang biro?

 

Paano aalalay

ang taong sya mismo – kailangan ng saklay?

Paano tutunghay

ang taong paniniwala ay nakahandusay?

 

Paano babagtas

ang taong di kayang itsurahan ang bukas?

Paano aalpas

ang taong kinulong ng kanyang nakalipas?

 

Paano huhulagpos

ang taong pananampalataya ay kapos?

Paano makikipagtuos

ang taong hirap kalagin kanyang gapos?

 

Paano gagaling

ang taong ang sugat anong lalim?

Paano papaling

ang taong matagal nahirati sa dilim?

 

Paano susulong

ang taong tanging nais – makabangon?

Paano huhulong

ang taong hiling hwag abutan ng dapithapon?

 

Paano?


image of a woman full of doubts, borrowed from 2.bp.blogspot.com

Inaasahang mga sagot at pagkilos ang kasunod ng mga tanong/ chelle1miracle.blogspot.com

 

*Kahapon po ng dapithapon naisulat itong post kaya medyo malungkot. :D Pasensya na… Isa lamang po itong singit na post habang di pa nakukumpuni ang aming PC.

Ang piyesang ito ay inspired ng isang lumang entry ng hinahangaan kong blogger na si Duking. Tsip, sana’y huwag mong mamasamain… Maraming salamat. Mabuhay ka!😀

 

11 responses to this post.

  1. may naalala ako, may ginawa din akong tula na halos kapareho nito pero di ko nilatha kase masyadong malungkot, at baka usisain ako ng iba..hehe

    madalas akong magsulat ng malungkot pero may pag-asa sa dulo, pero pag ang naisulat ko ay pati ako nalulungkot, tinatago ko nalang para walang mahawa..hahaha

    Tugon

    • hala, anini. nagpa-practise lang ako ng rhythm and rhyme dito. pero ang take off nito ay ang first two lines na interpretation ko sa isang lumang entry ni pareng duking. actually, kinastigo ko sya roon sa comment, haha. sabi ko, hwag syang mag-offer ng love na bahagya lang ang kayang ibigay…

      tama ka, pagkagawa ko nito’y medyo nagulat rin ako at bakit kako ang lungkot? medyo ni-revise ko na ito ng konti para bawasan ang self-recrimination, haha. anlagay, mas malala pa.😀

      am sure, marami kang poems and compositions na malulungkot kasi nga artist ka… antay ko kelan mo i-publish poems mo😀

      Tugon

  2. Ito ang mga katanungang kung iisipin ay ang hirap sagutin.

    Paano?

    mahirap pero may kasagutan at paraan..

    magandang araw po

    Tugon

    • hi, banjo.

      actually, kung sa philo natin sisilipin, mas advanced na ang inquiry pag ang tanong na ay paano? ibig sabihin kasi, tapos na sa bakit? pag paano na ang tanong, nag-uusap na tayo ng plan of action which is closer na sa may mangyayaring changes or adjustments sa isang situation. gano’n ata…

      gandang araw rin sa ‘yo.😀

      Tugon

  3. sabi nila nakakapagsulat ka ng malungkot dahil ito ang nararamdam mo sa kasalukuyan… malungkot ka po ba ate?

    Tugon

  4. hello, welcome back, lian. na-miss kita…

    naku, hindi. at least, yong conscious part ko ay hindi malungkot noong araw na ginawa ko ‘yan. one of those days ‘yon na pinakamarami akong output, kumbaga. around sunset ko ‘yan nagawa at baka naapektuhan lang ako, hihi…🙂

    naku, ‘neng, marami lang akong ganyan sa katawan. mabilis lang akong mag-summon ng angas at hinagpis, haha.😀

    Tugon

  5. ang ganda ng pagkakagawa mo ng tula. madamdamin at puno man ng alinlangan kung paano, napangibabawan pa rin naman ng pag-amin na may kulang at di alam sa tayo sa likod ng bawat tanong na ‘paano’.

    napakagandang rendition ito sa hindi ko alam kung anu mang post iyon. pero isa pa ring malaking karangalan na na inspire kita na isulat ang tula sa itaas.

    magandang araw!

    Tugon

    • salamat, duking. aliw naman at natuwa ka. actually, last week, maraming tula ang nagawa ko. masasaya ‘yong iba pero mahahaba at saksakan ng cheesy – nakakahiya.:s kaya ‘yan ang naisipan kong ipaskil…

      inspired itong Paano? ng post mong tungkol sa baryang pag-ibig – naaalala mo?😀 hehehe. thanks uli! salamat sa pagbabalik at pagbabasa. sana ay nasa maigi ka🙂

      Tugon

      • post mo na rin para mabasa namin. besides, mas masarap ang pandesal kapag may keso.

        ah, yun pala yun. kaya pala parang nag sermon ka sa koment mo. hindi ko na lang sinagot kase dat was a long taym ago. besides, hindi ko alam kung bakit ko yun sinulat noon in the pers pleys. hahaha.

      • hay, naku… nakakahiya. saka, di mo pa sagot kung sino baga nga kayo… mga anim lang ang alam kong readers ko sa wordpress, e. dati ay walo noong nagbabasa pa si salbe at si kaye. recently, hindi na so, sino nga kayo?😀

        btw, tungkol sa sermon ko sa yo – ginagawa ko lang naman ‘yon dahil bukod sa am taking the liberty e, thankfully, sa site mo ay hindi viewable at a glance by the public kung sino ang recent na nag-comment. lab ko ang site mo for being that way, hehe…

        sinulat mo ‘yon noon dahil kamo ang blogger ay sinasalamin ng kanyang mga sinulat, hihi… ay, nagaya ba kita?😀

  6. […] takot ako sa commitment. Iwas akong mangako ng mga bagay na di ko rin naman kayang ibigay o panindigan. Ang dami nang pagkabigo sa totoong buhay, pati ba naman dito sa mundong gawa-gawa […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: