Hindi Putok sa Buho

cartoon image depicting love of blogging

Parang pag-ibig, isang tipo ng ka-adikan/ domjullian.blogspot.com

Bakit nga ba dumarami ang nagba-blog? Ang pinakamadaling sagot: kasi, gusto natin at pwede. Pero, hindi iyon lang ‘yon. Alam mo, alam ko at alam ng marami, may mga iba pang kadahilanan. Ang sasabihin ko sa ibaba , mga hula lang – pwedeng mintis, pwede ring sapol.

 

Una, karamihan sa mga napilit, napilitan, kinantyawan at sa wakas ay nakumbinsing mag-blog – dati na, dati pang mahihilig magsusulat at magdo-drowing ng kung anu-ano sa maliit nilang kwadernong ipinagkakatagu-tago.

Ikalawa, marami sa bloggers medyo nakiliti sa ideyang pwede pa rin namang nakatago ang isinulat pero online nga lang. Medyo ironic, ano po? Pero, may pagka-ganoon ‘yon, sa pakiwari ko. Sa umpisa’y naniwala tayong pribado at sekretong journal ang blog na accessible thru the internet.

 

Ikatlo, ‘ika nati’y panahon nang magpaka-techy kahit konti. Halos lahat ng ginagawa ngayon sa mundo’y pinapadaan na sa internet, hindi rin siguro masamang doon natin ipadaan ang ating mga: buntong-hininga; hirit; pambobola; pagkainis; angas; pagkamangha; galit; pagkainip; kapalpakan; inaakalang karunungan; modest successes paminsan-minsan,  at iba pa.

Ikaapat, karamihan sa atin, may mensaheng kung ano. Basta. Sa tingin natin – tama man o mali – may iba at natatangi tayong pananaw, anggulo, tienes, na dapat masabi, maisulat at maipaabot sa sangkinapal. Aminin man o hindi, naniniwala tayong tayo ay mga original at creative na nilalang (kahit pa ang pinagsasabi natin sa blogs ay ang mga nasa ikatlo). Sabihin mang ito ay subject to arguments, discussions and outright rebuttal.

 

image of hands typing along on keyboard

Panahon na raw para ipaabot sa sangkatauhan ang ating mensahe/ britannica.com

Ikalima at kabaligtaran ng ikalawa, naniniwala tayong maski papaano, may publikong babasa at makakaintindi sa (pribado, sekreto at) nakakahikab nating mga kwento. Kumbaga, sa law of probability, tatama at tatama tayo rito. May mga taong tatamaan sa ating mga istorya at paglalarawan. Higit na malaki ang tsansa rito kaysa sa  lotto, oo.

May pag-amin tayo, alanganin nga lang, na oras na para palawakin ang ating readership, lampas sa iilan-ilang pinasisilip-silip natin sa mahiwagang secret notebooks. Baka sakaling dito tayo mapansin, ng madlang global.

 

Ika-anim, nagkaroon tayo ng sapat na oras para talagang umupo, tumipa ng keyboard at masdan ang creation nating nagkahugis maski papaano sa screen ng computer. Nalibre tayo para gawin na ang dati pang isinusulsol sa atin ng iba – ang mag-blog. Iyong puntong sinabi natin sa mga sarili, ‘Ba’t nga hindi?’ Walang bayad ang publication space, may kasama pang editing tools.

Ika-pito, karamihan sa atin, matatagal nang may nililimlimang ideyang nangangating ipanganak. Galing man iyon sa – pagtambay at pagbibida-bidahan sa eskwela, sa pagmamasid-masid sa kalye, sa pagtityaga at pagkainis sa trabaho, sa pagtinga-tingala sa kisame, sa pagtitig-to-death sa telebisyon at sa pag-upu-upo sa mga kainan at inuman.

 

Umabot sa hangganang parang ganito: ‘Hala, eksperto na yata ako rito. Pwede na ‘kong gumawa ng manual sa pagka-show off/ pagka-mahadero/ pagka-martir/ pagka-buryong/ pagka-gimikera. Inaantay na ng mundo ang take ko sa mahalagang usapin. Maisulat na nga, in installment basis.’

 

By some omen or curious spell, nailuwal ang libu-libong blogs/brags.😉

 

image of a woman typing decades ago

Ang nagsusulat ang nagtatalaga ng paksa sa blog/ flickr.com

 

Anu-ano pa  ang mga dahilan ba’t ang mga tao’y nagba-bog? Este, blog.🙂

 

 

Possibly Related Posts:

 

Ang Bagong Betamax – Rated PG

Ba’t Mo Naman Napagdiskitahang Mag-blog?

Bahay-bahayan, luma at bago

Gawa-gawa Lamang

 

* Ang blog post na ito ay naisulat noon pang Disyembre, 2010 bago pa ang lathalaing Ba’t Mo Naman Napagdiskitahang Mag-blog? ngunit ngayon lamang naisipang  ilathala. Sana ay may mapulot pa rin dito kahit paano ang mambabasa. Salamat.

 

42 responses to this post.

  1. Great points! You have become an expert😉

    Personally, my own reasons for blogging is to share my passion (travel and photography), and the greatest reward I got in return is coming across really wonderful people, some of whom I’ve already met in person! Who knows I might even meet you someday🙂

    Tugon

    • hello to you… an expert at?😀 i don’t know what,lol.

      i blog about rural life to share to my nieces and nephews the place and the period their parents and relatives grew up in. they hardly visit the site now but am hopeful that they’ll be interested about it someday. at least i hope… :s

      i likewise blog to practise writing creatively. my job is usually to read and to write. but usually, assignments consist of formal and technical writing. this is something new because i have more latitude in terms of content and style. and am challenged to write here in tagalog (harder).

      yes, that’s interesting – to meet you someday. who knows?😀 that’d be fun, am sure. regards, ms. Nadia

      Tugon

      • Well, you are doing a great job! I’m sure they will be interested.

        And I love reading your blog kasi napa-practice ko din Tagalog ko. I read your posts out loud🙂

        And please just call me Nadia😀

      • thanks, Nadia. i hope that someday you’ll prove correct, haha…😀

        nakakatuwa namang pinagsasanayan mo ng tagalog ang mga isunulat ko. naku, pressure, haha!😀 i have to improve my written tagalog pa. i speak and think in tagalog, but my written tagalog is rather poor by my siblings’ standards. nasobrahan daw ako ng mga nabasa sa english. :s

        just my luck to have noticed your post at freshly pressed. know what? i have a sister who is similarly more gifted – in academics, in the arts and in languages. but she doesn’t blog – haha. this is where i top her by a notch, hehe…

        thanks for dropping by.😀

  2. hehehe… ako sa totoo lang, mahilig na magsulat sulat sa kung saan saang notebooks nung highschool ako. tinigil ko lang kase yung isang frend ko ng college hiniram (arbor) ung notebook kong isa, remembrance daw. ngayon ngbabalik loob ako. kung baga, labasan ng sama ng loob sa buhay (lalo na sa opisina). Kase tama ka, sa office, malabong may maki-ayon sayo at kampihan ka dahil may punto ka. kase takot sila madamay. sa mundo ng blogging, impossibleng walang makarelate sayo. ^__^

    Tugon

  3. Posted by gord on Marso 21, 2011 at 11:56 hapon

    “Ikalawa, marami sa bloggers medyo nakiliti sa ideyang pwede pa rin namang nakatago ang isinulat pero online nga lang.”

    Tama! Tama! Sekretong pampubliko ang mga article ko.
    Salamat at nakarelate ako sa sinulat niyo.
    Galing! Apir tayo!

    Tugon

    • hello, gord. apir!😀

      btw, di nakalagay sa log info mo ang URL/site mo. hanap ko pa naman ang sekretong pampubliko mo noong weekend pa, haha!😀

      salamat sa pagdaan at sa pag-appreciate sa posts.

      Tugon

  4. nagbblog ako para maging time capsule ko kasi makakalimutin ako at minsan nagsshare ako ng natutuklasan ko o ng experience ko para sa mga naghahanap ng impormasyon na tulad ko na kakampi si google kapag may gustong malaman.🙂 magandang araw po!

    Tugon

    • hello! gandang idea ‘yon, ah – time capsule.😀

      maganda ngang mag-share. ako, nakaka-relate ako sa karamihan sa isini-share mo, kahit ‘yong pics lang mong posts. there is something about them na parang take them as they are, baga… simple pero maraming sinasabi.

      sa ‘kin naman, napansin kong marami ang naghahanap ng info about rural lives and ways na nakasulat sa tagalog. maraming info na available online pero in english ang karamihan. so, nag-a-assume rin akong me natutulungan maski paanong mga grade one to three ang blog site ko, hehe…

      have a good week, manang!😀

      Tugon

  5. siguro since na-share ko na yung
    – bat ako nag-blog http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com/2007/10/03/bat-ako-magba-blog/
    -How to keep your passion in blogging http://hoshilandia.com/?p=1224

    idagdag ko na lang yong masasayang bagay after pumutok sa buho ang ang aking mga blogs
    1. nagagamit ko sa mga seryosong bagay ang ibang post ko.
    2. marami akong nakikilala nilalang na hindi ko man nakikita ang mukha at naririnig ang tinig ay parang nandyan lang at handang maging kaibigan.
    3. dami kong nasasagap na info at inspiration
    4. may uma-appreciate sa’yo o nagbibigay ng suggestion para ma-improve ko ang mga kabagayan (like you)
    5. may way ka para ilabs ang ang iyong makabag (…bag damdaming) sentimiento.

    mabuhay!

    Tugon

  6. bat di ko kaya makita comment ko dito, pa-check na lang sa spam. hehe

    Tugon

  7. nakakairita kasi mga anonymous, blog ng blog ayaw magpakilala, sana nag diary na lang tulad ni mang kardo.

    ang nangyayari kasi, kapag may di nagustuhang feedback sa blog nya ay magagalit, nakakairita.

    nakikiraan lamang po.

    Tugon

    • ouch naman… anonymous kase ung saken eh… ehehehe.. siguro masama o panget lng kung anonymous yung ngbblog tas naninira siya ng iba at pinapangalanan niya. saken, i chose to be anonymous kase parang free ako ilabas yung weird side ko ng walang magjujudge, meron man, hindi ko rin sya kilala. at minsan, may nakakarelate na may pagka weird din – mas masaya ^_^

      Tugon

  8. hello, boybochog.

    noong una rin, pa-anynomous ang pa-effect ko. hindi naman ako nagagalit dahil wala namang gaanong nagko-comment, haha…😀

    eto pa. di ko alam dati na nakikita ng ibang bloggers ang mga post ko. akala ko, ‘yong mga kakilala’t kaibigan ko lang na in-invite ko sa site by email ang makaka-access, hihi… ang engot, di ba?

    salamat sa pagbabasa at pag-koment. balik ka another time…😀

    Tugon

  9. Galing naman. tumpak ka dyan, may suggestion lang, ako personally kaya gusto kong mag blog para magkaroon ng secret freedom, hindi naman sa hindi ako pinapayagan ng esmi ko mag blog, kaya lang ayaw ko syang mag koment o mag isip ng kung ano ano kaya ako anonymous.

    mahaba na comment ko pero nice post🙂

    Tugon

    • alam mo, kiko, yan din ang madalas kong nababasa at naririnig sa ibang bloggers – na malaya raw ang kamalayan sa blog. na pwede raw ilagay ang anumang maisip o gustuhin at mananatiling ligtas dahil nga may anonymity na ipinapangako ang blogosphere. iyon ang kanilang sabi…😀

      okey ang sa ‘yo, anonymous ba kay misis ang blog identity mo, ha? exclusive? haha…😀

      Tugon

  10. natawa ako, kase parang ganito yong una kung rason, magpapakilala ako sa iba pero hindi ako ang makikilala nila.. ang gulo no?.. pero masaya kaseng magkaroon ng mga kakilala dahil pareho kayo ng gusto which is writing what you’ve felt.. at di ka nahuhusgahan based sa kung anong pagmumukha meron ka..

    dati ang sabi ko, masaya to, kase laman lang utak natin ang nakikita nila.. walang mukha at kaya mong humabi ng katauhan ayon sa panlasa natin.

    pero sa panahon pala na nagkakaroon ka na ng kaibigan, magbabago ang lahat, dun natutunan paano ikonsider ang mga taong nagbabasa, kahit isa lang sila o dalawa.. nagiging conscious narin tayo sa sasabihin nila.

    Tugon

  11. pag ako ang tinanong kung bakit ako nag ba-blog, depende sa araw at iniisip ko ang nagiging sagot ko. pero lahat, totoong dahilan.

    kung yung iba, gustong mag kwento, ako, gusto ko lang iligaw ang sarili ko sa mundong hindi mahalaga kung ano ako sa totoong buhay. yun ang kinatutuwa ko sa blog. walang kailangang requirements para magsulat ka. hindi kailangan ng masteral, BS , doctorate o kung anu anu pang titulo. sa blog, ikaw ang hindi ikaw sa totoong buhay. pwede mong sabihin na sa’yo ang kapirasong espasyo ng mundong virtual kahit pa nga sa totoong buhay, kung kagaya mo ako, ay isang taong walang kahit ano maliban sa suot na brief at pangalang gustong kalimutan. hahaha!

    ooops! oras na para maglinis ng kubeta. hanggang sa muli.

    Tugon

    • haha… duking, sa bahay, ako rin ang self-appointed na tagalinis ng mga banyo at lababo…

      madalas, sari-sari ang pwede nating ilagay sa blog natin. pero, may connect pa rin sa totoong buhay at madalas, halaw pa rin sa ating sari-sariling karanasan at palagay. so, di exactly na divorced sa realidad ang blogs. :s

      teka, di ba ikaw ang madalas magsabi sa ‘kin na our posts reflect our state of being – happiness or unhapiness chorvah, mga ganyan. ang di lang eksakto sa allegation mo ay marami sa posts ko ay pre-conceived, haha. so, pag malungkot ako, pwedeng ang i-post ko ay masaya. ha, ha… may daya, bale.😀

      hanggang sa muli. ganda ng pangalan mo – unique kaya?😀

      regards

      Tugon

  12. Posted by gnehpalle02 on Marso 26, 2011 at 6:02 umaga

    katulad ng tinuran ko dati ate na kaya ako nagblo-blog upang mai-release ko ang kabilang bahagi ng aking pagkatao, pagbahagi ng butil ng aking isipan. maging katanggap-tanggap man ito sa iba o hindi.

    Tugon

    • hi, lian.

      side A or side B mo ba ‘yong nasa blog? hehe…

      kamusta ka na?😀

      Tugon

      • Posted by gnehpalle02 on Marso 29, 2011 at 6:40 umaga

        halo ate, kasi madalas maangas ako pero nagpapakabait na ko. At naninimbang na din kung kelan dapat magpakaangas, kelan kailangang manapak ng salita. Mas pinapahaba ko na ko ang pisi ng pasensya ngayon🙂

        hello ate (kaway-kaway)

      • hello at kaway-kaway rin.🙂

        maganda ‘yan – mas mahaba ang pisi at pasensya, mas maigi. best regards sa ‘yong blogging, dear.😀

  13. I blog because I treat this as an outlet…hindi na nga lang siguro ganun ka-creative because I usually just write about mundane stuff. haha! E pano naman pag nagsusulat ka para sa ibang tao, kahit papano mamimiss mo naman magkwento ng tungkol sa mga pangyayari sa sarili mo.

    It was just inevitable that blogging would afford me the chance to meet new people who have since become good friends.

    kelan ba tayo magkikita?🙂

    Tugon

    • hello, kaye. salamat sa pagdaan.

      marami namang kanya-kanyang rason ba’t nagba-blog,e. wala namang rules na kailangan, creative entries lang or kailangan literary lang or may humor lang – wala di ba?😀

      hala, meron ngang blogs na devoted lang sa puno. merong sa insects lang. may nakita pa nga ako tungkol lang sa kuliglig lahat ang entries, haha. meron ding tungkol lang sa crochet – oks ba?

      virtually, marami-rami na rin akong kakilala. ‘yong iba, parang ka-wavelength. pero, wala pa akong nami-meet so di ko pa alam ang score sa friendship dept., haha.

      pag pwede ka na, likely, magkikita na tayo. ako kaya ang nag-ask dati na makipagkita? ay, busy nga kamo ang mga tao…🙂 these coming days, busy na ako – busyng magbusy-busihan, haha.😀

      Tugon

  14. […] unti-unting isinisiwalat; mga kaalamang pinaghirapan ng maraming taon – ibinabahagi ngayon ng walang bayad sa sinumang mapadaan; mga patawang may kahalong pait; mga larawang gustong magpakilala habang […]

    Tugon

  15. […] totoong buhay (gaya ng lola nyo) ay umaastang exhibitionists. Ayon… Mayroon ding naisulat na Hindi Putok sa Buho, isang argumentong sabi,  karamihan sa bloggers – datihan nang nagsusulat at nagdu-doodle sa […]

    Tugon

  16. napansin ko San, may personalan comments pala dati, buti ngayon wala pa ako na-e-encounter. (tag-lish mode on)

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: