Paano nga ba ilalarawan ang isang taong nagmamahal? Siyanga pala, gasgas na paksa na ito, sinluma na ng nakasulat na kasaysayan. Wala akong sasabihing bago rito, magtatangka lang na ungkatin ang paksang humigit-kumulang, madalas makapukaw sa ating pansin.
Ang taong umiibig daw ay maihahalintulad sa isang nilalang na wala sa sarili – walang sariling bait at hibang na hibang. Mabibigat ang premises nito. Una, na sa pang-araw-araw, ang tao ay karaniwang may bait sa sarili. Ikalawa, na pag umiibig ang tao saka lamang siya nahihibang at sa mga ordinaryong pagkakataon, maayos siya at nasa katinuan. Hindi ako eksaktong komporme sa mga nabanggit subalit para sa ikagaganda ng talakayan, tatanggapin ko na muna ang mga ito.
Ang isang sinasabing sign na ang isang tao ay nagmamahal ay kapag madalas siyang magngingiti ng walang dahilan. Parang mayroong lagi siyang kausap na di-nakikita ng ibang tao, ngunit parating may magagandang sinasabi. Sabihin pa, hindi naririnig ng mga nasa paligid ang kanilang usapan. Ang taong umiibig sa gayon ay parang may kahuntahang dwendeng malikot at nagpapatawa, pero hindi nababanaag ng mga ordinaryong mortal.
Mahilig din daw tuminga-tingala ang taong ito, parang estudyanteng naghahagilap ng sagot sa exam. Pagkatapos, titingin sa gilid at saka iiling-iling na parang hindi makapaniwala sa brilliance ng kanyang naisip. Mapagkakamalan mo raw na isang scientist na may nadiskubreng bagong batas ng kalikasan.
Madalas din daw na absent-minded sa conversation ang taong in love. Tumatango siya sa usapan ng wala sa tiyempo at tumatawa lang matapos makatawa na ang lahat. Saka medyo maiilang at alinman sa magtatakip ng bibig o kaya ay mag-e-exhibit ng isang sheepish grin. May isang banda na nasi-sense na ng mga kaharap nyang may mali o wala sa lugar sa kanya. Pero, hindi kaagad matukoy kung ano. Mas madalas, nasasabihan lang syang, “Okey ka lang?,” isang palasak na tanong na maituturing na social filler – paalalang kasali pa rin ang taong iyon sa usapan, kahit pa halata namang andoon lang siya dahil nakagawian.
Sa kabilang banda, umpisa na ‘yon para ilagay siya ng mga kasamahan o kaibigan sa monitoring chart, para tantyahin kung mag-iiba ba ang kanyang lagay o kailangan siyang lapatan ng kagyat na lunas. Siyempre, mas swabe ang mga kasunod na tanong, “Sigurado ka bang naipa-check up mo ang sumasakit sa ‘yo last week? Nagkabati na ba kayo ng brother mo, ha?”
Hindi yata patas kung sasabihin nating ang taong inlababo ay dumadalo lang sa mga okasyon para i-display kung gaano na siya nawawala sa reality orbit. Nabubuhay rin naman siya minsan sa mga usapang ganyan. Kailan at paano? Pag nabanggit ng mga naroroon ang pangalan ng kanyang sinisinta. Dinaig pa ang bombilyang dagling umilaw pagkapindot ng switch, biglang nagka-come alive itong ating bida. Umiiba ang kanyang postura at parang nagsisipaglabasan ang kanyang mga antenna. Handa na siyang magbigay ng buong atensyon sa usapan at makisali sa mga pagtatalakay. Bring it on, ‘ika nga.
Sa kadahilanang may mga pakiramdam din naman ang kanyang mga kaharap at sa mas malamang, dumaan na rin sila sa mga ganoong sitwasyon, ikakambyo nila ngayon ng todo ang usapan sa direksyong gustong tunguhin nitong taong wala sa sarili. Mapag-uusapan na ng husay ang paksang, kung tutuusin, siya lang talagang gustong marinig nitong huli.
Mahilig din daw mapag-isa ang taong kasalukuyang ina-assail ng di-mapaglabanang damdamin. Bukod sa unlimited ang kanyang private conversations with oneself, marami rin siyang tinitimbang at tinatanya. Una, ano ang tsansa nya sa laban? Mahaba ito at mabigat at natatapos lang pag sinabi na ng taong, ‘Bahala na.’ Ikalawa, ano ang pinakamabuting susunod na hakbang? Kadalasan, tumutukoy ito sa pamamaraan – personal ba at harapan, idadaan sa ibang tao, isusulat, ilalagay ang mensahe sa plataporma o gadget?
Ikatlo, anu-ano ang mga kailangang ihanda? Ang ibig sabihin lang naman ng mga ito ay schedule, budget, damit na susuotin at saan ang pinakamagandang venue ng pagkikitang dapat i-suggest. Saan ka baga, ang ganito naman ay bagay na hindi na bago sa ating bida. Ginagawa nya na rin ang ganito pag nagpa-plano ng outing ang pamilya, pag may bagong patakaran sa opisina at pag may lakad ang barkada. Ano ang kaibahan? Ito ay isang personal campaign, isang conspiracy ng bida at ng kanyang sarili – kailangan ay sigurado, relentless at walang mintis.
Grabe ang kanyang mood swings. May mga oras na talagang ang tingin niya sa paligid ay iba – mas berde pa sa berde ang mga damo, mas asul ang kulay ng langit kaysa sa karaniwang asul at tila buhay at kumakaway ang mga bulaklak at halamang kanyang nakikita. May panahong ang pakiramdam niya ay tila hindi lumalapat sa lupa ang mga paa at itulak lang siya nang kaunti pataas, baka tuluyan na nga nyang makahalubilo ang mga ulap.
Sa kabilang banda, inaalipin rin sya ng pag-aalinlangan at pinagdududahan ang wisdom ng sitwasyong kanyang pinasok. Tinatanong niya ang sarili kung ano ang karapatan nyang mag-isip ng ganoon, na maging ganoon ka-swerte, na pag-ukulan ng pansin ng isang magandang tao ang isang gaya nyang hamak lang at iba pang mga kadramahang parang may saysay naman, pero hindi sigurado kung sa oras na iyon ay nakakatulong. Walang pakundangang nagpapalitan sa kanyang loob ang highs and lows na iyon. Naisipan nya na tuloy maglaan talaga ng mahabang oras para sa mga ganitong pagtutuos. Baka sakali, may ma-resolba.

Mahilig rin daw makinig ng musika ang isang taong in love/ http://www.iconniteclub.com
Mahilig siyang makinig ng musika, mga tugtog na may madamdaming lyrics at tunog na nagpapaalaala sa kanya ng mga nararamdaman. Kamukat-mukat mo, mayamaya ay bigla na lang siyang magtatatalon, kakanta ng malakas o di kaya naman ay mang-aatake ng biro sa mga kaopisina o kasama sa bahay. Para lang siyang isang bata o kaya naman ay isang baliw. At dahil hindi naman gawi ng mga taong nakapaligid sa kanyang manghusga, mas pipiliin na lang muna nilang kongklusyon ang una. Hanggang sa dumating ang iba pang signos na nagsasabing: hindi, mas malala. Iba na ito.
Ang nakakatawa o nakakainis dyan, ang taong sangkot ang huling nakakabatid sa tunay niyang kalagayan. Habang ang mga kasamahan, kaibigan at pamilya niya ay unti-unting namumulat sa katotohanan dala ng di-maitatangging clues at patas-patas na ebidensya, nanatiling lutang at off tangent sa sitwasyon ang bida ng ating istorya. Hanggang sa may kumompronta o bumisto sa kanya. Isang tanong, kung tutuusin. Isang tanong na yuyugyog sa buo niyang pagkatao, magtatama sa sitwasyong tila nalihis at maglalagay sa mga bagay-bagay – sa angkop nilang lugar. “In love ka ba?”
Iyon lang. Iyon lang at parang binuhusan ng malamig na tubig ang ating bida. Para siyang hayop na nasukol matapos ang dalawang oras ng walang puknat na habulan at tila isang dekada ng pagtatago. Isang pangungusap na tatapos sa walang-kapararakang mga tanong, mga pagtatakang di-mabigyang linaw at mga pakiramdam na di-mawari. Isang suliraning biglang inilagay sa kanyang harapan at siya na ring katugunan. Andoon na lahat – presentation of the problem, approach, analysis, conclusion and recommendations. Isang tanong na isa na ring sagot. Ang tagal hinanap, andyan lang pala.
At this juncture, isang tinging hindi makapaniwala ang makukuha ng nagtanong mula sa tinanong. Biglang magkakagulo ang mga kwerdas sa loob ng taong tinanong, pipilitin nyang mag-apuhap ng paliwanag sa kabalintunaang madalas nang sumagi sa isip ngunit laging pilit itinatakwil. “Huwag mong sabihing…. ??? Siyeeet, oh, my God!? Nooooooo!” Isang matinis na tili o isang malakas na sigaw ang biglang pupunit sa katahimikan ng walang-malay na silid. At hindi na kailangan pa ng sagot. 😉
Ano nga ang umpisa ng ating usapan? Kung pwedeng mag-plead ng temporary insanity ang taong ang tanging kasalanan ay magmahal o umibig? Parang hindi. Dahil kapag ganoon, mapipilitan ang estadong mag-take custody at i-confine sa institution ang nasasangkot… At alam naman natin, dito sa Pilipinas, kokonti ang badyet para sa mga ganyan. Isa pa, balita ko, sobrang sikip na ro’n. 😉
Possibly Related Posts:
Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko
Totally Unrelated Posts:
Posted by singkamas on Marso 18, 2011 at 2:55 hapon
“Ang isang sinasabing sign na ang isang tao ay nagmamahal ay kapag madalas siyang magngingiti ng walang dahilan.”
“…mayroong lagi siyang kausap na di-nakikita…”
“Madalas din daw na absent-minded sa conversation ang taong in love.”
“Mahilig din daw mapag-isa ang taong kasalukuyang ina-assail ng di-mapaglabanang damdamin.”
O_O Ilang porsiyento kaya ng pagkatao ko ang inlababo? Hahaha.
Posted by doon po sa amin on Marso 19, 2011 at 12:38 umaga
hi, hi… ikaw ang makapagsasabi. o, kaya, kailangang may magtanong sa iyo para ika’y mahimasmasan, hehe… 😀
on the other hand, sabi nga sa ‘yo, questionable for me ang ordinary gauge ng sanity, di nga ba? :s
hello, there, singkamas. salamat sa pagdaan. 😀
Posted by hitokirihoshi Jr. on Marso 23, 2011 at 10:56 umaga
ayokong mawala sa sarili, so ang ibig sabihin ba nun ayoko na ma-in love? wala lang naisip ko lang hahaha!
siguro pag in love ako,
paranoid ako. – baka naman mali yung basa niya sa aksyon ko kanina?
may ultra bio x ray – nakikita ko siya kaagad kahit maraming tao sa paligid.
parang ibang tao – parang hindi ko naita-translate sa action yung nararamdaman ko? ewan di ata ako showy. hahaha
Posted by doon po sa amin on Marso 23, 2011 at 3:44 hapon
hello, hoshi.
aw, you can’t help it pag ando’n ka na, haha.
ang dini-describe dito sa article, yong pagka-inlab na to a certain extent, reciprocated na or sila na talaga. medyo iba ata ang lagay pag infatuated pa lang ang tao at di pa tantyado ang kabilang party. parang gano’n… 😀
kailangan may the moves sya para mataranta ka ng husay, haha… paghusayan mo, neng. 😀
Posted by gnehpalle02 on Marso 26, 2011 at 5:14 umaga
temporary insanity, tama! karamihan yata sa mga umiibig o sumisinta (gaya ng turan ng aking lola)ay nawawala sa wisyo lalo na kapag nasa malapit ang kanyang iniibig. Madalas mas interesado sila sa usaping LOVE kaysa aksayahin ang kanilang lakas o eport makipagdiskusyon sa iba kung alin ba ang mas nauna ang ipis o ang itlog. Sa aking sapantaha, ang panandaliang pagkawala sa wisyo ay isang pagtakas sa realidad at patungo sa isang mala-fairytale world na kung saan sila lang dalawa ng iniibig ang nag-eexsist. Kung kaya’t madalas ang mga ito ay nakikitang tulala at basta na lamang iiling dahil sa dagli ring babalik ang sarili sa realidad.
Sa mundong binubuo ng isang mangingibig, sila ang bida at kickout muna sa scene ang kontrabida. Day dreaming, madalas babae. Lahat ng eksena dito ay parehong nakakamatay sa sobrang cheesy, masarap sa pakiramdam. Ngunit kung tutuusin ang pagiging IN LOVE ay mahirap tukuyin (sa aking palagay) dahil sa pagkakaiba-iba ng atake ni Kupido sa iba’t-ibang nilalang. Maaaring ang nararanasan o senyales ay kahalintulad sa kapitbahay ninyong kalbo ngunit hindi ibig sabihin nito ay totoong umiibig kana.
Posted by doon po sa amin on Marso 28, 2011 at 7:48 umaga
lian, naranasan mo na ba, miss, na maging temporarily insane, hane? haha… 😀
ang husay mo naman. naipaliwanag mo ang whys ng pagiging in love. ako e nagtangka lang na i-describe ang phenomenon na kamo nga ay iba-iba pa depende sa tao at sitwasyon…
pero di ba, we must be able to make sense of this experience somehow? para next time, we’d be better prepared – sa tingin mo, eh? haha… nagti-trip lang ako dito sa post, lian. trip lang po. 😀
Posted by gnehpalle02 on Marso 29, 2011 at 6:47 umaga
madalas ko yang ginagawa kapag iniisip ko si Ryan Agoncillo, kunyari ako si Judy Ann… ahaha, sa sobrang kras ko sa kanya napapanaginipan ko na sya at ang nakakatuwa hindi bilang mangingibig kundi kuya. ahaha.
Ang galing nga ng pagkakatrip mo ate sa usaping ito dahil totoo namang nagyayari ito. Ngunit sabi ko nga maaaring ang senyales na naranasan mo ay katulad ng nangyari sakin halimbawa ngunit hindi ibig sabihin nito ay umiibig ka na dahil malay natin kung sa akin ay paparallel ang pagpana ni kupido kaya medyo lihis samantalang sau eh bull’s eye. 🙂
Nagpaliwanag talaga ako no, ate. 🙂
Posted by doon po sa amin on Marso 29, 2011 at 1:23 hapon
tama ka, lian. iba iba ang pagpana ni kupido sa iba’t ibang tao.
at saka, sabi naman ni singkamas, pwedeng absent-minded ka at nagngingiti ng walang dahilan pero unsure kung ika’y umiibig o hindi… 😀
ay sya, di ako na-bull’s eye ni kupido. naggawa lang po ng post, hehe. 🙂
Posted by Sa Aking Paningin « doon po sa amin on Abril 15, 2011 at 8:46 umaga
[…] Larawan ng Taong Wala sa Sarili […]
Posted by Maiksi Lang… « doon po sa amin on Agosto 9, 2011 at 4:14 hapon
[…] Larawan ng Taong Wala sa Sarili – paglalarawan sa taong in love […]
Posted by mga anik-anik « doon po sa amin on Agosto 11, 2011 at 8:13 hapon
[…] Ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili, tungkol sa pagiging in love, ay naisulat dahil lang sa trip, kumbaga. Labintatlong prose and […]
Posted by kailan huling nagpasya ang iyong puso? « doon po sa amin on Agosto 27, 2011 at 8:51 umaga
[…] nakakatakot na nakakakilig na nakakasaya, nakakalungkot, nakakabagbag-damdamin at nakakabaliw. Iyan ang pag-ibig. Isa siyang pagsakay sa tsubibo – mararanasan mo lahat ng range of emotions na […]
Posted by Doon Po sa Amin, balik-tanaw – mga kwento at tulang pumapag-ibig | sasaliwngawit on Nobyembre 13, 2012 at 3:53 hapon
[…] of the heart, ayiii… Isinulat ang una sa love post series – ang Ngiti, Ang Magmahal at ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili. Sa series, tatlo usually ang […]
Posted by Pag-ibig, sabi-sabi… :) | sasaliwngawit on Nobyembre 13, 2012 at 9:42 hapon
[…] Larawan ng Taong Wala sa Sarili – panlalait sa taong inlababo, a portrait […]
Posted by sanity22 on Nobyembre 16, 2012 at 3:23 hapon
“Grabe ang kanyang mood swings. May mga oras na talagang ang tingin niya sa paligid ay iba – mas berde pa sa berde ang mga damo, mas asul ang kulay ng langit kaysa sa karaniwang asul at tila buhay at kumakaway ang mga bulaklak at halamang kanyang nakikita. May panahong ang pakiramdam niya ay tila hindi lumalapat sa lupa ang mga paa at itulak lang siya nang kaunti pataas, baka tuluyan na nga nyang makahalubilo ang mga ulap.”
Ow Mehn??? hindi naman siguro ako inlababo haha
Posted by doon po sa amin on Nobyembre 16, 2012 at 3:29 hapon
hello sa iyo… salamat sa pagbabasa at sa follow, kapatid. appreciate it. 🙂
ahaha, tanging ikaw ang makapagsasabi, naman. 😉 good day!
Posted by akda on Oktubre 23, 2013 at 11:11 umaga
E ngayon ko lang po nagawa yung homework ko. Hahahaha! Ang dami kong smiles dito, parang na-describe mo lang ako nung nasa ganong phase ako. Anu ba yan. Ang grabe lang nito, Ako ba to? Dati. Hahaha! Tapos na ang unos ko, pero natutuwa ako sa post na ito 🙂
Kamusta?
Posted by doon po sa amin on Oktubre 23, 2013 at 1:15 hapon
ay, grabe? ahaha, magkakilala na kita no’ng time na na-publish ire, nakakadaan na ako no’n sa may inyo? ahihi, baka nasagap lang sa ere ang damdamin mong pinaglalabanan, hakhak. tapos na ang unos? cool… kapatid, on to the next, hihi.
salamat po sa pagdaan. hope you are well, akdagirl… 🙂
Posted by 25pesocupnoodles on Pebrero 20, 2014 at 8:33 umaga
hmmmm, ikaw na ang na-inlab na kamuntikan ng maipadala sa isang institusyon sa LOOB. hehe, joke lang, peace.
Posted by 25pesocupnoodles on Pebrero 20, 2014 at 8:35 umaga
paumanhin ngayon lang babisita, medyo hibang(lutang/wala sa katinuaan in short inlababo) kasi nung mga nakaraang mga araw. hehe.
Posted by doon po sa amin on Pebrero 20, 2014 at 12:19 hapon
iyan kasing puso mo, madaling mainlab. dapat no.1 song sa playlist mo, Di Na Natuto, ahaha. peace, Cup 😉
Posted by doon po sa amin on Pebrero 20, 2014 at 12:18 hapon
hello, Cup… ahihi, salamat for thinking the story was mine. yet it isn’t… ikinuwento ko sa post, May Mga Paborito, kaninong kwento ang material for this post. salamat, as always, sa pagbabasa… 🙂
Posted by Aleah Allen Munoz on Enero 31, 2015 at 4:28 hapon
…..habang bnabsa ko ito,,,naalala ko ang aking sarili….HhuuuUHh!!!…..lOL!my mggwa pa kaya dito?..