Isa na yata ito sa pinakamahirap na sitwasyong maaaring daanan at pinagdaraanan ng isang tao – ang magmahal ng kapwa. Mapwera na lang siguro iyong taong ang tanging mahal at iniintindi ay ang sarili lamang. Pero, bibihira naman ang ganoon, sa palagay ko. Siyempre, nag-uumpisa iyan sa pagmamahal natin sa ating mga magulang. Ang mga taong kadugo natin at nag-aruga at nagmahal sa atin nang walang pasubali at alinlangan. Kasunod, ang pagmamahal natin sa mga kapatid – gaano man tayo kapamilyar sa amoy, kilos at itsura nila, dumarating din ang ganoon. Iyon bang nararamdaman mong mahalaga sila sa iyo at bahagi sila ng pagkatao mo? Na hindi ka makukumpleto kung wala sila. Ayon ‘yon.
Ang susunod roon ay pagmamahal sa mga taong nasa labas na ng ating bahay. Ang kamag-anak nating laging mabait sa atin, ang titser nating inaalalayan tayo pag may hindi naiintindihan sa lesson at ang kaeskwelang laging kasabay sa pagpasok o sa pananghalian. Habang lumalaki tayo, tila lumalapad rin ang sirkulo ng mga taong tila may papel sa kung papaano tayo mabubuo at gagana bilang isang katanggap-tanggap na nilalang sa lugar na ating kinaroroonan at ginagalawan. Nagkakaroon tayo ng mga kalaro at kabarkada – mga taong kadalasan ay kaedad at kapareho natin ang interes at inaatupag. Katagalan, nagkakaroon tayo ng mga kaibigan, iyong mga taong lampas sa barkada ang turing natin. Sila iyong sa pag-intindi natin ay mga taong kaya tayong unawain – sa ating mga kakayahan at kalakasan, sa ating mga takot at kahinaan.
Tapos, darating sa atin ang yugto ng hero worship, ang pagsamba sa mga taong higit na mataas at malayo sa atin ang agwat sa karanasan, inabot at katayuan sa buhay. Nagiging sagad tayong tagahanga ng ating iniidolo, kahit pa sabihing malabo namang mangyaring magkalapit ang ating mga landas at buhay. Ang kasunod na yata nito ay ang parteng naghahanap na tayo ng halos eksklusibong ugnayan sa isang tao, madalas ay kaibigan na rin natin at kapareho ng kasarian, ang taong tila gusto nating ituring tayong importanteng-importante. Doon yata pumapasok ang ideya ng bestfriends. Iyong nagsusumpaan kayong magiging tapat kayo sa isa’t isa at hindi kayo mag-iiwanan. Palagi kayong magkasama at hindi halos mapaghiwalay. Sa mga kakaibang kalagayan gaya ng exclusive schools or dormitory, ang ganito raw ay maaring ma-transform sa isang homosexual relationship, depende sa impluwensya ng mga nakapaligid at sa kakayahan ng mga nasasangkot na lumabag sa social taboo o gumawa ng mga ipinagbabawal.
Matapos ang mga yugtong ito, tila handa na tayong pumasok sa mas malawak na arena ng pakikipag-ugnayan, ang pakikisalamuha sa mas malawak na mundo kung saan ilan lang tayo sa napakaraming mukhang nagkakasalubong kundi man nagkakabungguan. Sa mas malapad at mas kumplikadong setting, muli tayong gagawa ng mga panibagong sapot ng kakilala, kabarkada, kasama sa organisasyon at mga kaibigang magpapagaan sa hamon sa ating makaangkop at mamuhay sa kapaligiran. Pag nai-establish na natin ang patterns and routines ng mga ito, saka tayo muling bubukas sa posibilidad ng isang eksklusibong relasyon. Sa pagkakataong ito, hindi na siguro matalik na kaibigan lang ang hinahanap natin. Palinga-linga na tayo at patingin-tingin para sa tsansang makatagpo ng taong sana ay mamahalin natin ng lubos, aalagaan tayo at hanggang maaari, kakasamahin na natin sa habang buhay. Dito yata nag-uumpisa ang gulo, kalituhan at maraming mga mali sa ating pagtantya. Para saan? Para sa isang napakalaking desisyon sa ating buhay at hinaharap.
Sabi ng ilang scientists, pasimplehin daw natin ang prosesong ito ng paghahanap ng ating katiyap. Kabitan daw ang tao ng device na kahawig ng built-in faculty ng mga hayop. Para itong sensor mechanism – maaaring madaan sa amoy, sa nililikhang tunog o sa kulay at hugis ng isang bahagi ng katawan – para madaling matukoy kung sino at alin ang dapat na maging kapareha ng isang tao. Ang tinutuntungan, siyempre, ng mungkahing ito ay ang lohika na ang pag-ibig ay isang chemical process lamang. Na sakaling maganap na ang mutual attraction, magiging madali at mabilis na ang proseso at susunod na lamang ang ibang factors under consideration. Sa biglang tingin, may sense itong proposal at may pangakong padadaliin ang buhay para sa mas marami. Bawas-gastos ito, bawas sa pagbibihis at pagporma, bawas-oras sa trapiko at mas maraming dagdag na oras para magtrabaho. Hindi sa ako’y nagbibiro. Hindi ba at isang sign lagi ng pag-unlad ang simplification?
Kung bakit naman kasi sa tao, hindi simple ang pakikipag-ugnayan. Maging ang ugnayan ay ukol sa pampublikong concern gaya ng pagtatapon ng basura at pagpapabilis ng daloy ng mga sasakyan sa kalye, hanggang sa personal and particular concerns gaya ng kanyang pagpili ng makaka-date at magiging kasintahan – maraming samutsaring konsiderasyon. Laging may sapin-saping sukatan at pamantayan, parating kasali ang mga taong nauna nang naging bahagi ng ating buhay – magugustuhan kaya siya ng ating mga magulang, magiging katanggap-tanggap ba sa ating mga kaibigan, pwede bang makapasa sa paningin ng mga ka-trabaho at kaopisina, hindi kaya nakakahiya pag siya ang isinama natin sa ganitong okasyon at matatanggap kaya niya ang ating mga pinagdaanan? Hayon, tuloy, nagiging komplikado ang ating pagpapasya. Sa panahon kasi ngayon, tila hindi na lang personal na desisyon ang pagpili ng isang tao sa makakasama niya sa buhay. Isa na rin itong social choice, kumbaga.
Kaya, ayon. Ikaw itong si may napupusuan. Gusto mo ang taong ito – napapangiti ka pag naaalaala mo siya, nasasabik kang makita siya at makasama uli, hinuhulaan mo na nga ang susunod niyang sasabihin sa iyo at pina-practise mo ang iyong isasagot? Nais mong magkakilanlan at magkalapit pa kayo ng husto. Gusto mong alamin ang maraming bagay tungkol sa kanya – saan siya dati nag-aral, sinu-sino ang mga kaibigan nya, ano ang ginagawa nya madalas pag Sabado at saan siya nanananghalian. Mga ganoon… Kinikilig ka pag naaalaala mo kung paano siya tumingin sa iyo, kung paano ka niya bigyang-pansin at asikasuhin. Sa madaling salita, gusto mong marinig ang kanyang boses, gusto mo siyang mahawakan at gusto mo siyang makasama lagi. Kung tutuusin, marami kang gustong mangyari – sana. Wala namang pumipigil. Pero para sa iyo, tila hindi ganoon kadali.
Hay naku, ang magmahal nga naman… 😉
Possibly Related Posts:
Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko
Posted by gnehpalle02 on Marso 16, 2011 at 10:05 umaga
ate beys ulit, basahin ko nalang sa haus 😀 ay print ko nalang para mabasa ko na sa jeep 😀
Posted by doon po sa amin on Marso 16, 2011 at 10:58 umaga
hello, katuwa naman ‘yang concept ng base na ‘yan. madalas rin akong nakaka-base sa blogs ng iba, lalo na ‘yong sites na naka-subscribe ako. parang first honor ba o agawan base? haha…
salamat uli. ingat powz. 😀
Posted by Banjo on Marso 17, 2011 at 12:29 umaga
Napakaganda naman ng iyong lathalain. Mula sa musmos na pagiisip, unti unting pagmamahal na nararamdaman sa loob ng bahay hanggang sa pakikihalubilo sa labas. At dumating pa sa puntong paglalalim ng pagmamahal tungo sa pag ibig ng natatangi..
Ibat ibang klase ng pagmamahal ang iyo pong ibinahagi, bawat pagmamahal na nararamdaman ay may bahagdan. Tulad ng sa magulang, kapatid, kaibigan.. at ang pinakakomplikado nga ang itong pag ibig na nararamdaman sa isang natatanging nilalang, magkapareho man ng kasarian o hindi.
Tunay ngang mahiwaga ang ganitong damdamin, sabi nga ng iba lalo na sa magkasintahan, may spark, may magic.. puso ang nakakadama at kadalasan tinatalo ang isip. Kadalasan pa nito, unti unting pinapatay ang respeto natin sa ating mga sarili at sa kapwa.
hay, pag ibig nga naman po…
magandang araw po sa inyo. 🙂
Posted by doon po sa amin on Marso 17, 2011 at 1:43 umaga
magandang araw, banjo.
natutuwa naman ako at na-appreciate mo itong article about love. salamat din sa iyong magaling na pagsa-sum up nito.
ang love daw ay subjective. sabagay nga, sa experience natin, parang ganoon talaga. hindi lang ako ganoong kapamilyar doon sa sinasabi mong unti-unting pinapatay nito ang respeto natin sa sarili at sa kapwa. baka ang ganito ay pag masyadong intense ang attraction o relation ng dalawang tao? :s
anyway, tama ka – love has many ways…. regards,
Posted by Banjo on Marso 17, 2011 at 2:30 umaga
Tutugon po ulit ako 🙂
ang sinasabi ko pong unti unting pagpatay sa respeto sa sarili o sa kapwa.. ang resulta ng labis na pagmamahal na nararadaman para sa taong iniibig. Hindi natin masasabi kung kanino o kailan ba darating sa atin ang ganitong pakiramdam. Paano kung mali ang taong iniibig lalo na kung ito ay may pananagutan na? Dahil sa sobrang pagmamamahal na nararamdaman, sumusuong tayo sa isang kasalanan, nawawala ang respetong dapat nating ibigay sa tunay na nagmamay-ari ng ating minamahal. At ganon din naman sa parte nya, ang respeto sa sarili, bilang isang may responsibilidad na asawa ay nawawala, ganun din sa kabiyak.
Sa mga nagmamahal naman po na labis ng nasasaktan, pisikal man o emosyonal, para sa kin po ay ganun din. Nakikita ng iba o ng mismong sarili ang hirap na pinagdadaanan subalit dahil sa sobrang pagmamahal, sumusulong pa din.. Maging tanga na, martir o kung ano ano pang tawag. Ang respeto sa sarili ay nasaan? Kung naroon pa, hindi natin hahayaang mangyari sa ating sarili ang ganito.
Ito po ay ganang akin lamang..
magandang araw po.. maraming salamat po sa inyong pagdaan sa aking blog.. 🙂
Posted by doon po sa amin on Marso 17, 2011 at 3:57 umaga
ah, medyo nakuha ko na. maunlad na sitwasyon ‘yan. naranasan ko na ring magkagusto sa may asawa. pero, hindi malakas ang loob ko sa parteng ‘yan. kahit naramdaman kong gusto rin ako ng tao as a person, i put my foot down agad na hanggang sa magkaibigan lang kami.
pero, for some, malakas ang loob nilang tawirin ang ganoong boundary, e. exciting siguro pero sabi mo nga, mabigat ang consequences. at laging may kaakibat na sufferings lampas sa dalawang taong directly involved. mahirap nga…
hmm… try to find relationship/s na less intense and therefore, less destructive rin siguro. hindi ito madali at wala akong authority talaga na magsalita pero, iyon siguro ang mas mainam. ika nga’y keep looking, haha. 😀
Posted by aninipot on Marso 17, 2011 at 5:12 umaga
Kung tutuusin, marami kang gustong mangyari – sana. Wala namang pumipigil. Pero para sa iyo, tila hindi ganoon kadali.— agree dito, parang napakadali lang kase sa paningin ng iba pero satin, ang daming complications na nakikita..
nakakatuwa no, dati pamilya lang yata ang pinaka-importante satin, hanggang sa dumami, nagkaroon ng kanya-kanyang kwarto sa buhay natin tapos ang pinakamaganda, naka-reserve dun sa makakasama habang buhay.. parang napakadaling sabihin pero pag hinaluan na ng emosyon, wala na.. lusaw ang utak, bugbog ang puso at lumilipad ang lahat-lahat…hahaha
Posted by doon po sa amin on Marso 17, 2011 at 5:54 umaga
haha, ang sagot, anini, as a person becomes more educated and more exposed sa buhay, nagiging celebral daw ang proseso ng pagpili ng makakasama sa buhay. na ang sabi, hindi raw dapat ganoon dahil ang pagpili raw ng mate ay instinctual or instinctive dapat. kasi nga, ang main purpose ay reproduction at propagation ng species, haha. 😀
habang nadi-develop ang concept ng tao ng quality life, nagigi rin siyang selective sa kung sino ang makakahalubilo at makakasama nya. nagiging maselan. hayon, tuloy, dumarami ang late marriages at saka less children daw usually among college graduates dahil ang iniisip nitong parents, pag-aralin din sa maayos na eskwelahan ang anak, haha. tingnan mo nga naman.
hala ka, may next installment itong love series post. tapos na ‘yon. ang sinisilip ko naman doon, ano’ng gagawin natin sa mga taong nai-inlababo, haha. 😀
Posted by hitokirihoshi Jr. on Marso 17, 2011 at 6:45 umaga
wow you’re talking about love. one of the bizarre things for human like me. hehehe
maikukumpara ko ito sa maraming bagay pero ang isang pagkukumpara na lagi kong nagagamit ay…
“ang pag-ibig/ relasyon ay hindi gaya ng pagtatrabaho sa isang kompanya. hindi ka nag-apply para lang kumita ng pera at mag-resign pag ayaw mo na.” wala lang, patama ko lang sa iba na ang bilis magpalit ng kasintahan. hehehe
mabuhay!
Posted by doon po sa amin on Marso 17, 2011 at 7:30 umaga
haba, siyempre. nakalagay nga sa tags – capable tayo nito minsan -haha. hindi siya bizarre, astigin ka lang siguro. mataas ang ‘yong standards? hala, tatanda ka ng kasingtanda ko unattached, lagot ka, hahaha. 😀
ang bali-balita, ang dapat raw, you let somebody in sa buhay mo. tapos, pag gusto mo rin, dare ka dapat na gawin ding relevant ang sarili mo sa buhay nya, nyahaha…
pero, hindi naman kagaya noong ginagawa ng iba na maya’t maya ay may bago. parang wala lang ang mag-invest ng oras at emosyon, sanay na raw masaktan, ‘yon ang mga sabi. mahirap ang ganoon, palagay ko.
basta, mas malaki raw ang tyansa sa love kaysa sa lotto, haha. 😀
Posted by dhang on Marso 17, 2011 at 6:48 umaga
nabasa ko pangungumusta mo sa chatbox ko. 🙂
ok naman ako, magcocomment sana ako dito kanina kaya lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko kundi, “Hay naku, ang magmahal nga naman… ” hehehe.
salamat po sa pangungumusta. 🙂 kumusta din po kayo? 🙂
Posted by doon po sa amin on Marso 17, 2011 at 7:35 umaga
hello, dhang. salamat sa ‘yong pagdaan. salamat rin sa madamdamin mong comments. sakaling magkita tayo someday, kukwentuhan mo ako about your lablayp, haha. 😀
am okey, salamat. di pa gaanong magaling ang ewan kong ubo. but i lost several pounds, yehey. may advantage rin ang magkasakit, haha.
i hope you are well and making the best out of your situation. be strong at lagi pa ring positive. 😀 ingat pow.
Posted by sphere on Marso 17, 2011 at 9:05 umaga
pwedeng magpass???
wala akong masabi po naubos na hihihi
Posted by doon po sa amin on Marso 17, 2011 at 9:13 umaga
hello, sphere.
pwede. basta dumaan, oks na po ‘yon. salamat sa pagbisita.
btw, silipin mo ang kasunod nito – ano ang dapat gawin sa mga nai-inlab? haha… 😀
Posted by nadia on Marso 17, 2011 at 12:10 hapon
What a beautiful post! I think this is one of the best you’ve written so far 🙂
Posted by doon po sa amin on Marso 18, 2011 at 9:18 umaga
what a beautiful compliment. that must have been one of the best i’ve heard so far. thank you very much, ms. nadia. awfully glad you liked it. 😀
Posted by duking on Marso 17, 2011 at 1:44 hapon
ah, tinalakay mo na halos ang lahat ng anyo niya maging ang science na napapaloob sa pagmamahal.
halos wala na akong maidadagdag pa lalo pa nga’t hindi ko rin naman alok ang lalim at kahulugan ng pagmamahal. basta alam ko lang, siya ang pinakamagandang bagay na maaaring mangyari sa ating buhay- ang magmahal at mahalin.
napakaganda nito. doon po sa amin, naniniwala kaming malapit sa damdamin ng manunulat ang anumang bagay na kanyang isinusulat. kaya naniniwala kami na nagmamahal ka.
maging maligaya ka sana simula ngayon at hanggang sa kawalang katapusan sa ngalan ng pag-ibig na iyong natagpuan.
Posted by doon po sa amin on Marso 18, 2011 at 9:24 umaga
hello, duking.
salamat ng marami sa iyong compliment at well-wishes. 😀
medyo mahal ko na uli ang buhay. at least, am trying to, hehehe…
teka, hindi mo pa sinasabi kung sino kayo – saang grupo ka ba affiliated sa ngayon, manong? hahaha 😀
Posted by Larawan ng Taong Wala sa Sarili « doon po sa amin on Marso 18, 2011 at 9:42 umaga
[…] Sa Dulo ng Mutha « Ang Magmahal […]
Posted by Sa Aking Paningin « doon po sa amin on Abril 15, 2011 at 8:46 umaga
[…] Ang Magmahal […]
Posted by Kalsadang One-Way « doon po sa amin on Agosto 8, 2011 at 5:00 hapon
[…] inyong mga bahay ay tila imbakan ng mga mumunting galak; mga lihim na kaligayahan; mga inipong lungkot na unti-unting isinisiwalat; mga kaalamang pinaghirapan ng maraming taon […]
Posted by Maiksi Lang… « doon po sa amin on Agosto 9, 2011 at 4:15 hapon
[…] Ang Magmahal – mga personal na ugnayan ng isang tao […]
Posted by mga anik-anik « doon po sa amin on Agosto 11, 2011 at 8:13 hapon
[…] Ang post na Ang Magmahal ay galing sa kantang To Love Somebody at sa pelikulang May […]
Posted by kailan huling nagpasya ang iyong puso? « doon po sa amin on Agosto 27, 2011 at 8:51 umaga
[…] lahat ‘yon pag tinamaan na ng matinding virus na walang available na anti-dote. We are doomed to suffer, ‘ika […]
Posted by Doon Po sa Amin, balik-tanaw – mga kwento at tulang pumapag-ibig | sasaliwngawit on Nobyembre 13, 2012 at 3:52 hapon
[…] DPSA ang matters of the heart, ayiii… Isinulat ang una sa love post series – ang Ngiti, Ang Magmahal at ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili. Sa series, tatlo usually ang […]
Posted by Pag-ibig, sabi-sabi… :) | sasaliwngawit on Nobyembre 13, 2012 at 9:42 hapon
[…] Ang Magmahal – ay mahirap pero nangyayari at sinusubukan, hala… […]