Ngiti

image of a smiling Piolo Pascual, borrowed from andronico.wordpress.com

Sino ang makakaiwas sa ganyang ngiti?/ andronico.wordpress.com

 

Ang tawag sa amin sa ngiti ay umis. Pag nakita kang nakangiti  ng kasama mo sa bahay, tatanungin ka nya, “Ba’t ika’y naka-umis? Ano’ng balita?” Ang sagot mo dapat ay isang patay-malisyang, ‘Wala, wala lang.’ Pag hindi ka nagtagumpay na pagmukhaing wala lang talaga, malamang ang kasunod noon ay tutuksuhin kang merong taong nagpangiti sa iyo. Umpisa na ‘yon, bibiruin ka na ng katakut-takot – halos maghapon.

Ang biro naman sa amin, ang tawag ay ukit. Mabilis ang pagbigkas ng salitang ito. Hindi ito kapareho ang ibig sabihin sa paglililok. Ang kahulugan nito ay ibinibiro ka sa isang taong humigit-kumulang ay may pagtingin din sa iyo. Imina-match ka, bale.  Okey lang naman iyon, pag nasa mood kang biruin. O, kaya, pag gusto mo rin kahit paano ang taong ibinibiro sa iyo. Malaki ang iyong problema pag napagdiskitahan kang i-ukit sa taong ayaw mo. Nakakaasar.

 

image of a young Filipina smiling, borrowed from t2.gstatic.com

Minsan dapat sarilinin ang ngiti / phototour.minneapolis.mn.us

Kaya, hanggang maaari, kung may naalaala kang tao – sinuman ‘yon – na ang ginawa o sinabi ay biglang nagpangiti sa iyo, itago mo. Huwag mong ipakita sa iba. I-tyempo mong pag mag-isa ka lang. Pwede kang mag-trip down the memory lane hanggang sa pumutok ang iyong bangs. Pero, wala dapat nakakakita. Para walang uukit at mangungulit sa iyong isa-isahin mo ang kwento mula sa umpisa. “Kelan at paano kayo nagkakilala, ano ang mga sinabi, ano ang reaksyon mo?” Na para bagang itong nagtatanong – kapatid o pinsan mo – may karapatang manggisang parang senador lang sa isang Senate hearing.

 

Sa amin, maraming klaseng ngiti at tawa. Graduated and precise ang paggamit ng mga salitang ‘yan doon. Ang umis ay maliit na ngiti. Personal ito at matipid, kumbaga. Ang ngisi ay iyong alam na natin – ngiting nang-aasar. Ang bungisngis ay malaking ngiti, kita halos ng kaharap ang lahat ng ngipin ng ngumingiti. Ang anas na tawa ay tawang pinipigil. Ito ang pagtawa pag nagtsi-tsismisan sa gabi kung tulog na ang ibang kasamahan. Ang hagikhik naman ay maliliit na tawang tuluy-tuloy. Ang bunghalit na tawa ay bigla at di sinasadya. Ang hagalpak ay tawang malakas, iyong sumasabog at dinig hanggang sa malayo. Ang malutong na tawa ay mataas ang tono at delivered on time, kumbaga.

 

Napapansin nyo marahil sa mga naikwento ko, mabubusisi at may pagka-pakialamero ang mga tao sa amin. Ang ngiti roon ay hindi simpleng ngiti at ang tawa ay hindi simpleng tawa lang. May degree lagi ang mga bagay-bagay, lalo’t higit ang emosyon ng mga tao. At dahil nasa iisang setting kayo, may tinutuntungan parating isang antas ng familiarity, na para bagang laging magkakakilala kayo? At kung hindi pa, aba, mahaba ang araw at gabi para magkabistuhan at magkatantuhang mai-maigi. Lagi namang may bangko at may kapeng nakasalang para pagaanin ang kwentuhan.

Ang ngiti ay mainam na social weapon doon sa amin, lalo na sa matatanda. Kabisado nila kung sinu-sino ang palangiti at ang hindi, sino ang tuwing ngumingiti ay nawawala ang mata at sino ang pag ngumiti ay lumalalim ang biloy.

 

image of a young boy smiling/ palipasan.blogspot.com

Magandang tingnan ang isang taong madalas ngumiti/ palipasan.blogspot.com

 

Kaya, halimbawa, matagal ka nang hindi nagpapakita sa lugar. Tapos, pag-uwi mo, biglang nakasalubong mo ang isang matanda sa inyong nayon. Malaking tulong kung ika’y  ngingiti agad, sabay yuko at mano. Kung hindi man natatandaan ni Mamay __ ang iyong pangalan dahil sa tagal na, matatandaan niya ang iyong pag-ngiti. Nakakabit iyon sa memory niya. Ikaw ay si ganito, anak ni ganyan. “Ba’t ang tagal mong nawala, punyemas kang bata ka.” May kasama pang hampas sa braso.

 

image of a young boy paying respect to an old person, borrowed from ncca.gov.ph

Puhunan ay ngiti at pagbibigay-galang/ ncca.gov.ph

 

Ganyan ang ngiti roon sa aming lugar na pinagmulan. Marami itong pakahulugan at marami ring gamit. At pag may taong nakakita sa iyong hindi nakangiti o kaya ay talagang nakasimangot – kamag-anak man o dating kakilala – magdaramdam iyon  sa ‘yo at ipamamalita sa ibang nagbago ka na.

 

image of a shirt promoting smile, borrowed from spreadshirt.com

Ngumiti sa taong batid ang dati mong pag-ibig/ spreadshirt.com

Sasabihin nyang  kesyo ikaw raw ay nakatuntong at nakatira lang sa malayo, hindi mo na siya kilala. Ni hindi mo makuhang bumati ng ngiti? Samantalang dati, pirmi kayong magka-huntahan at ala ka lang nyang ukitin? At natatandaan pa nyang ang iyong dating naiibig ay si ganito. Na panay ang iyong umis at buntong-hininga pag ikaw ay ibinibiro sa taong iyon?

 

Alalaong baga, sa amin ang pag-ngiti ng isang tao ng walang dahilan ay nangangahulugang gusto nya nang mag-asawa. Kaya nga kako, pag nasa amin ka, huwag kang basta-basta magngi-ngiti.

 

Ba’t ka nga pala napangiti? Sino ang iyong naalala? ;) xD

 

33 responses to this post.

  1. Posted by gnehpalle02 on Marso 15, 2011 at 2:31 umaga

    beys ulit!!!
    nabasa ko na ate kaso mya ako comment😀
    balik ako

    Tugon

    • maagap ang ale, haha. good day, lian.😀

      Tugon

      • Posted by gnehpalle02 on Marso 15, 2011 at 7:16 umaga

        nangiti ako ng bonggang-bongga sa post mo ate. Isa rin yan sa katangian na madaling matatandaan ng mga matatanda sa amin. Kasabay nito ang pagmano. Tama din na nakakaasar ng nth level ang tuksuhin ka sa isang taong ayaw mo. Pro pag gusto mo naman para kang pinilipit na bulate. Madalas kaming magtuksuhan ng mga kaklase ko nung elementary pati nung high school. At sa kakatukso isang barkada ko ang nakatuluyan ang tinutukso sa kanya. ehehe. ayan nakapagcomment na din sa wakas😀 ehehe

      • ay, ang ganda ng kwento. e, yong itinutukso pala sa ‘yo, hindi nag-prosper ang simulaing ‘yon? hihihi.😀

        thanks for your comments. “]

  2. wahahaha, hindi lang ako napangiti…… napatawa ako sa post nyo.. wala lang..hehehe

    Tugon

  3. Hello po,

    Ang cute naman ng UMIS ni Piolo Pascual..hahaha

    Tugon

  4. Posted by gnehpalle02 on Marso 15, 2011 at 8:20 umaga

    Hindi na ate kasi binangasan ko na yung nguso. ahahaha.

    Tugon

  5. doon po sa amin, naniniwala kami na sinasalamin tayo ng ating pahayag at kilos.

    kung tungkol ito sa ngiti, naniniwala kaming may nakapagpapangiti sa’yo ngayon.

    kami man ay nakangiti rin sa ganitong pag iisip na ikaw nga ay masaya at mayroong nagpapasaya sa’yo.

    magandang araw!

    Tugon

    • hala, naligaw na uli dito ang sneakers ni duking – panalo!

      ahaha, mangiti talaga ako. matawa din. hindi ako kasing-seryoso ng posts, ‘no? ang kahawig lang sa posts e, yong mapang-alaska akong tao. i find so many things funny, kasi.

      sinu-sino kayong nagsu-suspetsang may nagpapangiti sa ‘kin, ha? i-disclose mo, dali. lagot ka, ang next scheduled post ko e, tungkol na sa pagsinta. ibig sabihin no’n, may sinisinta ako – ano bey?

      abangan mo ‘yon, duking. salamat sa pagdaan. have a good week!😀

      Tugon

  6. sabi ng nanay ko, lagi daw akong nakasimangot, kaya mukha daw akong masungit. sabi ko naman sa nanay ko, alangan namang lagi akong ngumiti, eh wala naman akong kangitian, magmumukha akong baliw. mas gusto ko ng magmukhang masungit kesa mukhang baliw. wala lang. hehehe.🙂

    Tugon

    • ahaha… tama si nanay mo. smile more often. mag-a-attract yon ng positive vibes. you’ll look prettier pa, hihi…😀

      saka, sabi, nakaka-exercise daw ng facial muscles ang pagngiti. ngitian mo madalas si nanay at si wewel.

      oo, ang mga nanay, happy sila pag nakikitang madalas nakangiti ang mga anak nila. parang fulfilled sila sa ginawa nilang pagpapalaki, haha. subjective, gano’n ang kananayan.😀

      Tugon

  7. hindi ako palangiti pero hindi rin ako nakasimangot, mataray ang mukha ko pero makikita mong nakangiti ang mga mata ko kaya bawi bawi lng ahahahahaha

    hindi ko type ang ngiti ni papa p. parang nakakaloko parang nagsasabing hulaan nyo ako ahahahaha🙂

    hindi ko rin type ang pagngiti ni Karylle nong tanungin sya ni Boy Abunda kung buntis si Marian Rivera.(paunawa;hindi ako fan ni Marian R. nagagandahan lng ako sa mga ngiti nya na parang laging nagaanyaya)

    Type ko ang mga ngiti na nanggagaling sa mga mata kesa sa mga labi parang si Sid Lucero lng…

    Tugon

    • hala, mata mo ba ang nambiktima doon sa may dimples? haha…

      willing akong hulaan si papa p., isa syang malaking hamon, hi, hi…

      hindi ako fan nina karylle at marian r. pareho, e. pero di ko rin nagustuhan ang expression ni karylle noong interview-hin sya. may pagka-mean baga….

      aprub – sexy si sid lucero, amen. “]

      salamat sa pagdaan at sa ‘yong comments.😀

      Tugon

  8. […] Sa Dulo ng Mutha « Ngiti […]

    Tugon

  9. iniisip ko tuloy kung taga-city of smile ka (bacolod) hehehe.

    in fairness nabigyan ng kaliwanagan sa akin ang iba’t ibang level ng ngiti. ah may paraan ako para hindi ako mahalatang naka-umis. hindi ko kasi mapigilan minsan mapa-ganun pag may naalala kahit nasa daan ako o nasa bus. ang ginagawa ko kunwari napapahikab or inuubo. hehehe

    Tugon

    • hi, hoshi.

      taga-southern tagalog region kami. hindi kami kasing-lambing magsalita ng mga taga-bacolod, hehe…

      sige, gagayahin ko ang styles na turo mo, haha. iyong sa panahon nina maria clara, abaniko ang gamit nila, di ba? para hindi mahalata ang facial expressions nila at saka para di kitang naapektuhan sila sa mga kilos at sabi ng mga nambobola sa kanila, ahaha.. mahirap pigilan kung minsan pag napapa-umis, e.😀

      Tugon

  10. Posted by joi on Marso 30, 2011 at 2:41 umaga

    pwede nyo ba akong bigyan ng halimbawa ng iba pang salita ng “NGITI”..?

    Tugon

  11. […] pang-apat ay wala dapat harutan. Bawal ang magaslaw pag Holy Week. Liliitan nyo dapat ang umis at hihinaan ang inyong tawa. Karugtong ito ng unang rule – ang walang habulan. Ang ibig […]

    Tugon

  12. […] kaganapan at sa mga panahong ‘ika nga ay matamlay,  minsan ay sapat na ang alaala ng ilang ngiti at masisiglang kaway para ibulong sa sarili: Sus, tuloy […]

    Tugon

  13. […] Ngiti – iba’t ibang klase ng ngiti […]

    Tugon

  14. […] 18. Totoong panay ang aking ngiti noong sulatin ko ang post na Ngiti. […]

    Tugon

  15. […] DPSA ang matters of the heart, ayiii… Isinulat ang una sa love post series – ang Ngiti, Ang Magmahal at ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili. Sa series, tatlo usually ang […]

    Tugon

  16. Bungisngisera ako. Pero matapos kong basahin ito, nararamdaman kong pilit kong tinitikom ang labi ko at pinakikipot ang ngiti, hihihihi…Naku, sino bang makakaiwas sa deadly smile ng lalaki sa itaas?! Hello San! Happy Friday!

    Tugon

    • bungisngisera? at napatikom? hihihi, na-conscious?😉 ay, bungisngisera rin me. that, or, nakasimangot. walang masyadong in between, pasensya naman…🙂

      naapektuhan ka ng pangiti-ngiti ni papa P? pretty kasi ang lolo, pretty boy, kainis…😉 hello rin sa ‘yow, salamat sa pagbabasa and, and, have a happy & fun Friday po.

      Tugon

  17. […] nasisilip at napag-abalahang basahin ng ka-blogs… Pero, gan’to, sa post na Ngiti sa dpsa, doon yata in-illustrate (naks), gaano ka-elaborate, ka-metikoloso sa salita ang mga […]

    Tugon

  18. kung maka ngisi ah… hahaha… yan ang fave kong linya… sabay hagalpak na… sa halip na maiyamot eh sasabayan ka na sa tawa, sasabihin naman UTAS na sa pagtawa..

    ukit pala ang tawag sa biro, dito naman eh OT minsan ginagalaw.. kaya kapag binibiro ka crush mo tapos nagalit ka, sasabihin sa iyo, “galit na eh, ginagalaw ka lamang naman” .. di ba medyo mahalay.. hahaha…🙂

    Tugon

    • hihi, tama, angkop lahat ng binanggit mo,babetski… ei, ngayon ko lang uli narinig ang utas na, hahaha.

      oo, ukit nga… pero, alam ko rin “ginagalaw” i.e., ibinibiro. hahaha, mahalay sa di nakakaalam, whihihi.😉 galing mo, alam mo pa lahat, ang saya…

      Tugon

      • ahaha, kaya nga di ko magamit ang ginagalaw .haha baka makasuhan . . . natutuwa ako dito kasu nakaka relate ako sa mga tagalog words..🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: