Wala Niyan sa Amin

image of fresh lettuce

Sariwa, malutong at masarap kainin/ t0.gstatic.com

Hindi ko alam kung bakit paboritong gawing panlait o pang-mura ng ilan ang salitang litsugas. Dahil ba malutong itong bigkasin? Para sa akin, ang litsugas o lettuce ay isa sa pinakamasarap na gulay. Ito ang pagkaing hindi na kailangan pa ng paliwanag. Iyon na siya – payak at walang maraming arte. Masustansya, sariwa at higit sa lahat, madaling ihanda at kainin.

 

image of the sigarilyas vegetable

Kalamismis, isang gulay na marami sa amin/ pinoy-entrepreneur.com

Ang malungkot na parte dyaan, ang litsugas ay hindi itinatanim sa amin. Ang litsugas kasi ay isang uri ng halamang nabubuhay sa temperate zones gaya ng Baguio at Tagaytay. Ang lugar namin ay sub-temperate lamang ang klima. Kung kaya, ang marami ang tanim sa amin ay kalamismis – gulay na mas kilala ng marami bilang sigarilyas – makikita mo sila sa mga balag, sa mga daanan ng tao at nabubuhay rin ng ligaw.

 

 

Bulubundukin ang aming lugar. Marami rin doong mga gulod at maninipis na gubat o iyong tinatawag na secondary forests. Pag sinabing secondary ang gubat, ito ay nangangahulugang ang mga halaman doon ay itinanim na ng tao at hindi iyong tanim o gawa pa ng kalikasan. Ang ibig sabihin, nag-clearing na ang mga tumira at pumili na sila ng mga puno, halaman at damong siyang patutubuin, aalagaan at palalaguin para makatulong nila sa pamumuhay. May mga mangilan-ngilan ding lambakan o valley doon sa amin pero ang mga nagpapastol na lang ng hayop ang madalas pumunta roon. May mga bahagi rin ng lugar naming patag at siya namang pinagtataniman ng regular crops ng mga taga-amin.

 

image of a tree found in secondary forests, borrowed from t2.gstatic.com

Napapaligiran ng mga gubat/ philippinenativeforesttrees. blogspot.com

 

 

image of the napenthes alata, a forest plant in the phils.

Napenthes alata, isang halamang gubat/ superstock.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mapunta tayo uli sa mga tanim at halamang nabubuhay sa isang lugar, halimbawa, sa amin. Ang dami roong wala o kulang, ikinalulungkot kong sabihin. Sa kantang bahay-kubo na lang na sinasabi ng maraming a vegetarian’s song,  pangitang-pangita ang mga kakulangan sa imbentaryo namin ng gulay. Wala sa aming tanim na singkamas, mani, kundol, sibuyas at bawang. Bumibili rin lamang kami ng mga ito sa palengke. Sabi ng mga nakatatanda kong kapatid, ang labanos at linga raw ay sinubukang itanim sa amin noong unang panahon. Nabubuhay raw naman ang mga ito subalit hindi kagandahan ang bunga o ani, kaya hindi lumaganap.

 

image of the kundol fruit

Wala nito sa mga bakuran sa amin/ picable.com

image of singkamas rootcrop, borrowed from t3.gstatic.com

Hindi ito itinatanim sa amin/ article.wn.com

 

 

 

 

 

 

 

image of freshly-harvested peanuts

Hindi bagay sa lupa sa amin/ blog.peaceworks.net

 

image of freshly-harvested garlics

Lalong walang tanim na ganito / tinyfarmblog.com

 

image of freshly-harvested onions

Hindi rin nabubuhay ang sibuyas sa aming lugar/ tinyfarmblog.com

 

Wala rin siyempre sa aming tanim na pakwan at melon, isang masaklap na pangyayaring ikinasasama ng loob ko tuwing summer. Noong mga bata pa kami, para kaming cavemen na sabik na sabik pag nakakakita ng mga pagkaing ito. Nabubuhay pala sa aming lugar ang pinya subalit ang bunga nito ay kadalasang maasim. Kaya hayon, maski as backyard plant man lang, hindi ito nauso sa lugar namin. Siyempre pa, wala rin sa aming repolyo, carrots, broccoli, asparagus at cauliflower. Pag may handaan sa amin noon at kasama sa putahe ang chopsuey, parang pakiramdam namin ay magarbong-magarbo. May ilang kabahayan sa aming may tanim na alugbati pero hindi ito popular sa amin bilang gulay. Sa Maynila ko na natutunang kainin ang talbos na ito.

 

image of sliced, ripe watermelon

Maputla ang bunga nito pag sa amin itinanim/ pataygutom.com

image of ripe melon

Sa kasamaang palad, walang tanim nito sa amin/ t0.gstatic.com

 

 

 

 

 

 

 

 

image of cut asparagus plants

Mainam gawing sopas, pwede ring halbos lang/ asia.ru

image of cauliflower plant

Sa napakalalamig na lugar ang ganito nabubuhay/ wingseed.nl

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Siyanga pala, may mga talbos sa aming sa pagkaalam ko ay bibihira o sadyang hindi kinakain sa ibang lugar sa bansa natin. Ang halimbawa ng mga ito ay ang talbos ng halamang bago at talbos ng kapeng barako. Ang bago ay isang halamang kahawig ng lansones ang pagtubo – pataas – subalit mas maliit ang puno nito at ang mga dahon ay berdeng makikintab na parang sa atis. Naku, ang pait ng talbos nito pero paboritong isama ng mga taga-amin sa gulay na monggo, tapilan at kadyos, pampaiba raw ng lasa. Ang sariwang talbos naman ng kapeng barako ay gayon din – makintab at saksakan ng pait. Pero, ginugulay pa rin basta available. Matanda na ako nang naibigan ko ang mga ito bilang sahog sa pagkain. Noong bata pa, itinatabi ko rin lang sila sa gilid ng pinggan para kunin ng aming magulang o kaya ay ng kapatid kong siyang may gusto.

 

image of bago leaves, borrowed from indi-journal.info

Makintab na berde ang dahon ng bago/ indi-journal.info

 

image of a barako coffee branch with fruits and leaves

Maari ring gulayin ang murang dahon ng barako/ sulit.com.ph

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa amin pala, mayroon ding ligaw na kamatis o wild tomatoes. Ito iyong kamatis na maliliit at pumpon-pumpon kung bumunga. Mas maasim ito kaysa sa table tomatoes na ating nakasanayan at kung ikukumpara sa native tomatoes na nabibili. Pinakamagandang gamit nito ay pang-asim sa isda o karneng iniluluto. Sa isang banda, marami sa ligaw na kamatis sa amin ay tumutubo na rin lang basta. Sa mga ilalim o gilid ng nabubulok na puno, sa may likod-bahay at sa mga daan papuntang gubat, andoon sila. Pag dumarating ang lean months o iyong mahigit dalawang buwang wala halos maani sa mga tanim at wala na ring perang pambili ng pagkain ang mga tao sa amin, maaasahan ang ligaw na kamatis. Ginagawa naming silang ulam – nilalagyan ng kaunting asin at siyang iniu-ulam sa kanin.

 

image of ripe wild tomatoes hanging on branches

Kung saan-saan tumutubo, maasim ang bunga/ heavenly-products.com

image of freshly-harvested wild tomatoes, borrowed from centralfloridagarden.blogspot.com

Isang pumpon lagi kung anihin/ centralfloridagarden.blogspot.com

 

 

 

 

 

 

 

Kaya, iyon. Maraming halaman – prutas at gulay – na wala roon sa amin. Pero, may ilan din namang mga tanim na sa lugar din lang naming yata matatagpuan at kinakain ng mga tao. Hindi ko na kukumpletuhin ang listahan ng mga mayroon at wala sa aming pook. Kunsabagay, kanya-kanya namang biyaya iyan o endowment, kumbaga. May kanya-kanya raw floral diversity ang mga lugar at kahit pa sabihing ang bawat bayan at lungsod na kinalakihan natin ay bahagi lahat ng Pilipinas na isang tropical country, marami pa rin mismong mga pagkakaiba. Pero mas maigi kung alam natin ang mga mayroon at wala, ang mga kinasanayan ng tao at hindi, sa ating paligid, maging sila man ay ukol sa pagkain o hindi. Para alam natin kung anu-ano ang mga dapat nating ipagmalaki, diskubrehin at tuklasin.

image of Bloom's taxonomy model, borrowed from uwf.edu

Mailugar natin, para makalikha ng mga bagong bagay/ uwf.edu

 

Sabi ko nga, walang litsugas sa amin. Pero, isa ito sa mga huli ko nang natuklasan ngunit paborito kong pagkain. Minsan, nag- guest lecturer ako sa isang forum sa Baguio City. Ang usapang iyon ay ini-sponsor ng isang NGO at tungkol sa buwis o tax, noong panahong pinag-uusapan pa lang ang VAT bilang mungkahing batas. Sinagot ng host ang aking pamasahe at may bigay din silang maayos na honorarium. Pero ang hindi ko malimutan sa okasyon, iyong ipinaghanda ng organizers ang lahat ng dumalo sa forum ng masarap na pananghaliang may masaganang hain ng lettuce salad . Tanim raw nila ang mga iyon at maituturing na isa sa kanilang accomplishments bilang local NGO. Hindi ko lang alam, pero sobra akong natuwa. Pakiramdam ko, first-class hospitality ang ganoon.

 

image of a bowl of lettuce salad, borrowed from t1.gstatic.com

Mahirap tanggihan/ enjoyyourcooking.com

 

Kayo, mahilig ba kayong kumain ng litsugas o hindi?🙂

 

Please see:

 

http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tagalog-Folk-Songs/bahay-kubo-lyrics-recordings.html

http://www.bar.gov.ph/aarnet/website/docus/2007/Annex%209%20Indig%20Veg%20Philippines.pdf

http://www.mb.com.ph/articles/301687/philippines-one-lowest-vegetable-consumers-southeast-asia-says-expert

http://www.regoverningmarkets.org/en/resources/se_asia/the_vegetable_industry_in_the_philippines

http://www.avrdc.org/publications/socio/veg_industry/Philippines.pdf

http://www.naga-cebu.com/index.php?option=com_content&view=article&id=204Itemid=300

 

Mainam ring paghalawan o reference ngunit ipinapa-alaalang may ilang factual and spelling errors sa mga nilalaman ng site na ito:

 

http://www.philippines.hvu.nl/vegetables4.htm

 

Possibly Related Posts:

 

Bakuran Natin

Sabado ng Kamusmusan

Bentahe ng Nabebenta

Kahit Munti

 

25 responses to this post.

  1. naku gusto ko ang mga gulay, letsugas masarap yan sa salad at healthy pa. Kailangang ulit-ulitin ko ang akda mong ito dahil sa nakakadistract na usapan na wala naman kabuluhan na nagaganap sa aking likuran.

    ps. Beys ako ate. ehehe

    Tugon

    • hello, ikinalulugod ko ang iyong pagbabalik, lian. he, he, batang makulit ang naka-base, yehey. :]

      ang hirap i-lay-out nitong post na ito dahil nagpapatung-patong ang pics, for some reason. nainip ako’t ipinublish ko na maski di pa final. :s

      masarap talaga ang gulay. mabuhay ang mga gulay, yey. :]

      happy weekend sa iyo.😀

      Tugon

      • Posted by gnehpalle02 on Marso 14, 2011 at 5:34 umaga

        ahaha, lagi akong nagbabalik ate. Ung iba mong post prinint ko na para mabasa ko habang nagbya-byahe at habang nakatunganga sa bahay… Gumawa na rin ako ng sagot. kaso mala post na kaya edit ko pa mya. ehehehe…

        excess: naengganyo talaga ako sa mga pics sana totoo na lang sila. ahahaha

      • hey, lian. nakakataba ng heart ang pag-appreciate mo sa posts. maraming-maraming salamat. may i print pa daw, eh?😀

        re: pics. teynks din at naiibigan mo. i usually take longer time sa pagpili ng pics. way longer than it takes to write the post, hehehe.

        hmm… di ka naman siguro mahilig tumunganga. may pagka-observant ka, napansin ko. saka, magaganda ang post mo, ‘neng. nagba-backread din ako do’n, hehe…😀

  2. amazing, i want to visit your province, based on your blog I imagine a lot of things to do and of course to eat, I see a forest, you live in the mountain, a lot of vegetables, thank for your blog. I want pinakbet with sigarilyas and kamatis, why dont we put some letus. hahahaha

    Tugon

    • hi. we can visit my province when you come home. i don’t live there anymore, though. but we can go there and maybe you can chop some wood or run after the chickens, hi, hi… :]

      the thin forest is just a km away. the thick forest, maybe 3km away from our place in the barrio. yes, lots and lots of vegetables in the area. we have something similar to pinakbet, minus the bagoong – it’s called bulanglang. it’s tasty and yummy but milder than pinakbet.😀

      you won’t see any lettuce in our place unless we go the city, about 10 km. away. but that’s a mean combination you got there, have you tried it yet?😀

      thanks for dropping by.

      Tugon

  3. Walang tumutubong kape sa amin, pero halos lahat tumutubo sa amin – mane, kamatis, melon, pakwan, lansones, manga, mais. may mga hindi rin masyadong tumutubo sa amin, katulad ng subuyas, bawang, rambutan, suha.

    Yung alugbati naman ay madami sa amin, kasama na talbos ng kamote.. sarap🙂

    Tugon

    • hello, kiko.

      saang region nga kayo banda? tayo sa inyo, dami palang prutas doon. may melon? penge.

      wala rin sa aming gaanong rambutan pero marami-rami roong suha. di nga lang kasingtamis ng davao pomelo. dami sa aming talang o mabolo tsaka cacao.

      sarap ng talbos ng kamote na pipigaan ng kalamansi tapos may konting asin o bagoong saka isang bandehadong kanin, hahaha…😀

      Tugon

      • Sa pampanga ako kaya mayaman sa bitamina A… yunn ang gusto ko mabolo, ito rin ba ang kamagong?

      • ah, pampanga pala. the fruit is called talang or mabolo but as people say, the tree is called kamagong or the philippine hardwood.

        hairy ang skin nitong prutas na ito. tapos, ang pulp, creamy na parang combined banana and apple ang lasa. marami daw nito sa pampanga, a?😀

      • OO marami nito sa amin.. noon yun.. ngayon meron pa din, talang nga sa amin yun, kailan lang nalaman ko na ang puno ng mabolo at kamagong ay iisa.

  4. lahat ng klase ng gulay kinakain ko, lahat ng nsa gulay o pagkain na nabanggit sa bahay kubo kinakain ko isa lng ang diko pa natitikman ang ginisang mais na may malunggay…
    🙂

    Tugon

    • hello. naku, ang sarap ng gulay na mais with malunggay, pramis. lalo na pag ang katernong ulam ay pritong isda – yumyum.

      cheers to gulay, long live the gulay, hehe😀

      Tugon

      • ngayon ko lng kasi nalaman na ginugulay pala ang mais eh ayaw ko naman maxperimento d2 baka ano kalabasan ahahahah ska walang malunggay d2.

      • hello.

        actually, maski hindi malunggay ang talbos – pwedeng dahon ng sili o dahon ng kamote. basta ang mais ay dapat na mature enough pero malambot pa ang mga butil. isi-shred mo ‘yon ng two layers, bale.

        dalawa ang options: gatain ito [mas mabusisi ng konti] o kaya ay igisa plainly. pag naigisa, lagyan ng sabaw na tubig [one to 1 and 1/2 glasses] tapos, timplahan saka ilagay ang talbos. pagkulo, voila – gulay na mais. yey, rapsa.😀

      • minsan itatry ko pramis…:-)

      • ang tawag sa amin nyan ay swam na mais. parang soup sa amin kase shaving ang ginagawa at talagang shreded ang mais ng pino, sarap talaga yan with dahon ng sili or bulaklak ng kalabasa.

      • hayon, masarap nga ‘yon, bulaklak ng kalabasa. medyo mahirap lang yang hanapin sa city markets and supermarkets. kailangan talaga sa probinsya. nakakainis ka, kiko. naaalala ko tuloy ang mabangong amoy ng dahon ng kalabasa, haha.😀

  5. oh my gulay!😀 ako’y mahilig din sa gulay at natutuwa ako sa diet namin ngayon sa pamilya dahil nga dapat “healthy” ang kinakain ni Nanay.🙂

    Tugon

    • hello, dhang.

      yes, magaling ‘yan – suportahan taka sa endeavor. masarap at healthy ang gulay. hindi nga lang kasing-filling ng meat and fish pero at least, pwede nating kainin ng madalas, di ba?😀

      regards to you and family. have a good week. “]

      Tugon

  6. ako, hindi ako palakain ng gulay pero gustong-gusto ko talaga ang green salad sa tropical hut, wendys at pancake house. hindi naman sa kailangan sa mga resto ko pa bibilhin yung mga ganun kundi talagang wala rin naman ako maiipon na sahog na ganun-ganun lang sa amin. parang mas malaki pa ang gastos ko kapag nag-attempt ako na gumawa ng salad unless marami-rami ang paghahainan ko. at ang pinakamatinding rason din, hindi ako marunong gumawa. huhuhuhu!

    Tugon

    • hey, pag marami kang friends na palakain ng gulay, mapapadalas na rin ang kain mo nito, hihi… oks nga ang salad sa mga restong nabanggit mo at mas mura nga ang bili sa labas pag 1 or 2 lang ang kakain.

      minsan, invite your friends over for a bowl of salad para sulit ang gastos, hehe… di mahirap gumawa, mahal lang ang dressing. :s

      hello, hoshi. salamat sa pagdaan. kain ka muna ng salad, hihi.😀

      Tugon

  7. Posted by gnehpalle02 on Marso 14, 2011 at 12:36 hapon

    ai nakakahiya naman ate. backread talaga. Tumaba din ung puso ko dahil sa sinabi mo. Napaisip ako. hindi kaya nagpapa-taas tayo ng ating bangko? ahaha. Salamat ate sa pagpunta sa bahay ko. Pagwala akong magawa gusto kong magbasa kahit ano, minsan blog ng mga bloggers na gusto ko. Nakakatanggal ng stress at nakakadagdag kaalaman pa.

    Tugon

    • hala, sige. buhat-bangko tayo ng isa’t isa, hi, hi…😀

      saka pala, karapatan ko ‘yon – pumunta at maghalungkat sa bahay mo – bakit ba? available sya online, e. enjoy namang magbasa ng blog mo, lian.

      ako pala, marami-rami ng napupuntahang blogs recently. ang ginagawa ko, binubuksan ko ang displayed blogrolls ng mga dati ko nang kakilala. hayon, lampas sa 15 na ang napupuntahan ko, haha… maunlad na ng konti😀

      Tugon

  8. […] Wala Niyan sa Amin – mga gulay at prutas na wala sa amin […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: