Kung Tapos Na Ang Lahat…

image of wine bottles, borrowed from t3.gstatic.com

Nalulunod nga ba ang hinagpis? / jessicadoyle.com

 

Kung tapos na ang lahat, magsasalita ka pa ba? Magrereklamo? Mag-aangas? Iiyak? Manghihinayang? Sisisihin mo ba ang mga tao sa paligid – ang mga umagaw ng eksena, ang mga hindi nagbigay ng pagkakataon, ang mga hindi nakaintindi? Isa-isahin mo ba ang mga mali – ba’t ang bagal ang trapiko sa araw na iyon, ba’t di ka nag-tsek ng email, ba’t hindi ka nakapag-charge ng cellphone? Babalikan mo ba ang mga dati nyo nang usapan ng iyong sarili – ba’t lagi kang palpak, ba’t hindi mo napanghahawakan ang mga bagay-bagay, ba’t laging iba ang iyong nasasabi kaysa sa iyong iniisip?

Pwede mong sabihing ikaw naman itong si laging di-makatyempo, di marunong humuli ng pagkakataon. Iyon bang hawak mo na tapos, hinayaan mo pang lumipad? O, di kaya naman ay tulad ng sinasabi ng marami – napahigpit masyado ang iyong hawak kaya nang makalugar itong isa ay kagyat humulagpos? Parati na lang – ang hina mo sa timing.

 

Maari rin namang isipin mong hindi ikaw ang maysala, nagipit ka lang. Napakompormiso, sabi nga ng iba. Nag-alangan. Nagpatumpik-tumpik. Napasabak. Nalito. Nabigla. Nagulumihanan. Natakot. Nag-ibang karakter. Gumawa ng di tama. Nanakit sa mga salita. Nagpatutsada. Nagsumamo. Nalumbay. Nagpasyang hayaan na lang. Sino nga ba ang unang sumuko? Sino ang unang nagdeklarang wala nang mangyayari?

Ang hirap nang pagtagni-tagniin ng mga pangyayari, singhirap kundi man sinsakit pag paulit-ulit mong binabalikan ang mga sandali. Gusto mo mang pagdugtung-dugtungin uli, may mga piraso nang nawawala. Mas masahol pa, hindi mo na makita ang dulo – ang itsurang nais mong buuin. Bigla na lang, nawala ang iyong sigla, ang iyong pag-asang makamit agad ang katuparan. Masama bang mangarap? Naitatanong mo iyan sa sarili. Wala ka namang maibigay na malinaw na sagot.

 

Kaya kung babalikan natin ang tanong – magsasalita ka pa ba o sasarilinin mo na lang? Tatahimik ka na lang ba at aantaying muling kumalma ang agos? Bibigyan mo muna ng pagkakataong makapag-isip-isip ang sarili, baka isang araw, dadalawin ka ng katinuan? Malay natin.

O, magrereklamo ka? Ba’t andaming inefficiencies sa mundo? Ba’t ganito ang kultura natin – double standard? Ba’t unfair lagi ang sistema? Isa lang naman sana ang hinihiling mo: To be given a fair day in court, ‘ika nga. Iyong masabi mo ang iyong bersyon ng istorya, iyong mapakinggan ang iyong posisyon sa issue. Pagkatapos, tatabi ka na at hahayaang mong ang inampalan o ang publiko ang humatol – kung tama bang andyan ka sa lugar mo.

 

Iiyak mo ba? Kahit masakit sa pride, iluluha mo ang tsansang dapat ay sa iyo sana? Ang pride mong panay bugbog, hiwa at galos na sa dami ng mga sinuong, nilabanan, tinakasan at pinuntahang gusot – kaya pa ba? O, huwag na lang? Sasabihin mo na lang sa sarili, Past a certain point, you stopped caring? Wala ka nang pakialam, bahala na si Batman. Maghantay na lang uli ng kasunod?

Sabi mo sa sarili mo, tapos ka na sa yugto ng panghihinayang. Matanda ka na rin, maski papaano. Iiinom mo na lang, dadaanin sa gimik, isusubsob ang ulo sa trabaho. Maghahanap ka ng mga bagong mapupuntahan, bagong interes, bagong kakilala. Gagawin mong busy ang sarili mo. Hindi mo na kukulitin ang mga nakapaligid sa ‘yo ng dose-dosenang what-ifs, could-have-beens at should-have-beens. At bibigkasin mo ang mantrang ilang taon nang nasa bokabularyo ng sambayanan – Ano ba, tara na, moving on na!

 

Pero, masaya ka ba? Iyon sa lahat, sa lahat-lahat,  ang tanong na pinaka-iiwas-iwasan mo. Ba’t ba may mga taong walang manners na nagtatanong ng ganyan maski hindi pa madaling-araw? Parang sila itong masaya pag nakikita kang namimilipit sa pagsagot ng tanong na wala naman talagang sagot. Ba’t kaya hindi kayo magpalit ng pwesto – ikaw ang magtatanong at sila ang sasagot. Tingnan ko lang?

Nasasaiyo naman iyon, e. Ipagpapabukas mo ba, ipagsasamakalawa o sa susunod nang lifetime? Baka wala nang kasunod? Ang hirap ding bumuo ng desisyon pag wala ka sa sarili. Parang gusto mo na lang pasabugin ang mundo para pagkatapos, wala nang makakakilala sa ‘yo. Parang kailangan mo ng break para makapagmuni-muni sa isang isla. Ang daling magpayong maging mapangahas pag sa iba, ang ganit pag sa sarili.

 

Gusto mong umalis, pero hindi ka naman makahakbang.

 

image of two persons parting, borrowed from t3.gstatic.com

Paborito natin itong eksena sa mga telenobela / englishbaby.com

 

* Ito po ay inihahandog sa mga hindi pa tapos ang Valentine blues. Tagay pa!😀

 

36 responses to this post.

  1. Mga Pagkilala at Paghuhugas-Kamay:

    Ang post na ito ay naisulat noong ika-4 ng Marso ng gabi matapos magbasa ng posts ni ms. fey – http://mixxieboomboom.wordpress.com/2011/02/15/what-ive-learned-on-believing-promises/ – mga artikulong karamihan ay ukol sa pag-ibig at paghihiwalay. Kinikilala ang impluwensya ng kanyang posts sa lathalaing ito.

    Kinikilala rin ang isang post ni tapa – http://beeftapa.wordpress.com – na nabasa ng may-akda kulang-kulang dalawang buwan ang nakakaraan ukol sa break-up nila ng kanyang kasintahan at mas malamang, doon nanggaling ang ideyang sino nga ba ang unang sumuko?

    Kinikilala rin ang Mar. 04 post ni Jec – http://thysecretgarden.wordpress.com – kung saan madamdamin nyang inihayag ang pangungusap na: Little did we know, we’re loss experts. May epekto rin ang nabanggit sa post na ito.

    Maliban sa mga isinaad, anumang pagkakahawig ng post sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at walang tiyak na pangyayari o taong pinatutungkulan. Salamat sa pag-unawa.

    Tugon

  2. Matapos kong pasahin ang iyong sulatin, isang tanong ang pumasok sa isip ko..

    Paano ko ba masasabing tapos na ang lahat?

    Umiisip din ako ng sagot sa ‘king sariling katanungan. Mga sagot na patanong din?

    Kailangan bang may magandang resulta para masabi kong tapos na?

    Paano kung pangit ang resulta? ibig sabihin ay hindi pa ko tapos?

    Kung nagsisi na ba ako, kung umiyak na ba ako, kung naalala ko ang nakaraan, kung masaya ba ako o hindi matapos kong makita ang resulta. Nangangahulugan kaya na ito ay tapos na?

    Maiisip ko ang tama at mali sa aking ginawa o pinagdaanan, at dahil patungkol pa din ito sa valentine blues, sabihin ko na ding sa aking nagdaang relasyon. May dumating, at ng di malaon ay may umalis… hindi nagtagal ay may dumating muli, at nag lumaon ay may umalis.. Nandun kaya ang pagtatapos at pag sisismula ng panibagong yugto ng aking buhay?

    Sa aking gana lamang, hangga’t ako ang bida, iba’t ibang eksena at kapareha ang makasama, hindi ko masasabing kung tapos na ang lahat.

    magandang araw sa inyo …🙂

    Tugon

    • hi, banjo.

      hmn… paano ko ba sasagutin ang ilan sa mga tanong mo? depende yata iyan sa tao, kung ano ang priorities niya at values sa buhay – tama ba?

      actually, di lang naman ito sa lab dept, pwede ring sa ibang aspeto ng buhay, kumbaga. iyon bang you want something ever so badly tapos, di nag-work?

      tapos, iyon, tatanungin mo ang sarili, do you still want it kahit pumalpak at nasaktan ka na? di ba our lives and our persons daw ay shaped by the choices that we make daily and hourly?

      so, we proceed to either ignore it – ilagay sa kahon ng charge to experience – or to pursue it with more and relentless effort until makuha natin ng tama.

      dati, kami ng friends ko, ang motto namin, hwag susuko until you’ve given it your best. kaso, lately, hindi na rin kami gano’n. kumbaga, we’ve given in na rin sa compromises and social pressures. and, other people call that being an adult and being adjusted. daw. so, yon.

      thanks for dropping by every so often.😀

      Tugon

  3. napaisip mo po ako, ang dami ko tuloy tanong sa isip ko, pero ang pinakamalapit na ginawa ko ay ang bumitaw at hinahayaan na lang.. magkakaroon din ng oras na wala na, di ka na nag-iisip at balik sa normal ang buhay..

    naks! ayokong magkalat dito..haha

    Tugon

  4. hi, anini.

    hala, midweek pa lang, dami pang trabaho – hwag ka munang mag-isip ng seryoso, haha…😀

    share, as if may mapupulot, haha… from experience, it’s sad everytime we give something or someone up. one, because we usually do so to give in – either to other people’s opinions or to our own fears that things might get worse.

    two, because we want certain things all pat and easy. iyong mas convenient, mas madaling gawin. o, huwag na lang gawin para iwas na sa conflict. mga ganoon…

    and it seems that every time we do that, we tear at our own selves, kumbaga. we let part of ourselves leave us and then we turn to superficial things and company just so we could call ourselves astig and di basta-basta naapektuhan. mga gano’n…

    hey, i-email mo na lang ako when you’ve the time. doon na lang natin pagkwentuhan, haha… regards,😀

    Tugon

  5. Posted by gnehpalle02 on Marso 9, 2011 at 5:01 umaga

    lahat ng iyong tinuran batay po sa experyensya maybe one or another ay naging eksperyensya din ng karamihan satin. Sino nga ba ang unang susuko at paano mo nga ba malalaman na tama na at kung kelan ka susulong pa. Ang ganda po nito, gaya po ng tinuturan ni bb. salbe “goof read.”

    Tugon

  6. Posted by sphere on Marso 9, 2011 at 5:11 umaga

    nice one =)

    Tugon

  7. broken hearted po ba?

    Tugon

    • hi, davin. sabi sa ‘yo, nangongopya lang ako sa posts mo,eh, haha.
      salamat uli, ha?😀

      ay, di ako broken-hearted. broken by life, pwede pa, hihi… mabilis lang akong maapektuhan ng mga nababasa at usually, i try to retouch something i’ve read. give it a new angle, kumbaga. so, yon.

      salamat sa pagdalaw. antay ko next post mo, makopya uli, haha…😀

      Tugon

      • hindi ko alam kung kelan ako makakapost ulit ng bago. pero natutuwa po ko sa inyo na naa-appreciate nyo ang gawa ko. salamat🙂

        napatitig ako sa pangalawang larawan,napaka-ironic naman. nakapayong silang dalawa at bumubuhos ang ulan (sa payong nila) habang tirik na tirik ang araw para sa iba.

      • siyempre, ah. marunong na ako nang konting tumingin kung sino ang pwedeng kopyahan, haha…🙂

        ang bagsik nga no’ng pic. nang makita ko, naalaala ko ang eksena nina dao ming zu at chan tzai (di ko alam ispeling) na nagpapaka-pathetic sa ulanan, ha, ha… dalang-dala naman ang mga manonood (kasama na ako), hihi…😀

  8. Posted by sphere on Marso 9, 2011 at 5:20 umaga

    mahabang habang backread ang gagawin ko d2🙂

    bat ngayon ko lng to napuntahan?

    Tugon

    • hi, welcome ka po dito.😀

      btw, nakapunta na ako wari ko sa site nyo ng twice. nakikita ko kayo sa site ni duking at ni kat or aninipot? di pa lang ata ako nagko-comment.😀

      silip po ako uli ro’n minsan. teynks.😀

      Tugon

  9. wahhh gusto ko yung dalawang larawan, lalo na yung pangalawa. hehehe!

    well, hindi naman sa unfinished valentine’s blues pero nangyari na sa akin ito. at tuwing nangyayari ang mga bagay na ganito, pinipilit kong kalmahin ang aking sarili. my favorite line ko sa aking sarili ay

    “tama nahhh! tapos na e!” hehehe

    Tugon

    • hi, hi… like ko rin ang pics, hoshi.

      yup, tama ka. minsan din, dapat nating rendahan ang sarili sa uber self-indulgent tendencies na balik-balikan pa ang mga bagay na di na pwede.

      pag sa other aspects of life, mas madaling makita kung nasaan ang breaking point. pag sa personal relations, medyo mas mahirap.

      pag sa lab, better na daring tayo. hwag agad i-give up kung talagang lab na lab. tingin ko, ha?😀

      Tugon

  10. ang ganda naman nito, nakakamove. hehehe. nakakalungkot na ewan. hehehe.

    Tugon

  11. […] Gawa-Gawa Lamang – blogging bilang virtual experience […]

    Tugon

  12. […] Ang dramatic technique na ginamit sa  Kung Tapos na Ang Lahat ay mayroong dalawang lalaking nag-uusap – isang nagle-lecture at isang […]

    Tugon

  13. timely to.. ahaha parang ang tagal ko na sa moving on stage.. lol.. pano ba naman kasi walang kadala dala ahaha,,,, pero dyan naman tayo minsan natotoo sa mga masasakit na pangyayari… next time sana naman masabi ko.. nadala na ako lol!

    i love your post… nakakalungkot at nakakadala kaya nga timely eh.. asus!

    Tugon

    • asus! at totoo pala ang moving on entries mo, ‘neng, that so moved me and so many other ka-blogs. ayon…

      pero ang ganda mong magdala, kung sa posts mo ibi-beys. hindi overdramatic gaya ng nasa itaas, ahaha.

      i love your posts more, sister. tayo na ang mga nakaranas ng sugatang puso, hehe….🙂 salamat sa pagbasa. dalaw ka uli next week. asus!

      Tugon

  14. […] na naisulat at inilathala ay ang Kung Tapos Na ang Lahat.., tungkol sa isang relasyong natapos ng may panghihinayang. Lathalain itong masidhi ang damdamin, […]

    Tugon

  15. […] Kung Tapos na ang Lahat – bakit nga ba laging may pagsisisi? […]

    Tugon

  16. […] doon… Kalalalim ng Tagalog sa write-up, pati ako, nangilo… Btw, naikwento ko dati, sa Kung Tapos Na Ang Lahat, may dalawang lalaking nag-uusap? Si Kuya namin ang isa […]

    Tugon

  17. Hi San! Nakarating din ako dito sa nire-commend mo sa aking post mo. At ano ang masasabi ko?

    Ouch.
    Yun lang.
    Ouch.
    Bad girl ka.
    Tumatagos.
    Ouch.
    Paluin kita dyan kaya.
    Ouch.
    Ouch…

    Ako kasi ay di talaga confrontational. Weird no? To think na trabaho ko araw-araw makipag-away para sa kliyente. Pero totoo yon. Di ako confrontational. Ang saloobin ay nilalabas sa ibang paraan. Pagsusulat. Pero di direktang sinasabi. Symbolic most of the time.

    Ang sa akin lang, “kung tapos na lang lahat”, what’s the use para magsalita? Di na siguro importante ang opinyon at nararamdaman ko. Oo nga naman. Kung tapos na ang lahat…

    OUCH.

    Tugon

    • hello, Biatch… ini-recomm ko baga ire? di ko matandaan… ang masasabi, iyong na-like ang post, despite yourself, hihi. peace😉

      pasensya naman, sa mga damdaming nagasgas ng pasaway na panulat. ay, good girl me, maski ipagtanong mo pa, ahaha. with blogging, am just learning how to be bad.😉 sige, palui, asbaran at nang di na magsulat ng pasaway…

      ay, you wouldn’t believe this, but di rin me confrontational. 7th child na me, so oftentimes, siblings ang nasusunod, mahirap mangatwiran sa kanila… the two younger, prinsipe at prinsesa, their wish is my command. so, am an unassertive person, di man halata… isa pa, may pretension lola mow, sya ay liberal dahil sa UP nag-aral. dito lang sa blog seemingly, i bite peoples’ heads off haha.

      btw, in some posts in ssa, naikwento background – paano ‘to na-come-up, naisulat… pagkalathala, marami-rami ang magsu-suppose na kesyo parinig daw sa ka-blog na naka-falling out… but months later ko pa makaka-chat ang ka-blog na sinu-suppose nila. ‘sang malaking mali kanilang hinuha, hihi.

      and two months later after this was published, saka ko pa lang madi-discover the wonders and mishaps of chatting with ka-blogs. hmnn, mali kanilang sapantaha… dahil sa writings ng ibang ka-blogs na-conceptualize ang idea, triggered by ka-blogs’ writings. but the piece was not meant for or directed to any or some ka-blogs. but that time, i had an idea, some would think of it that way. have seen several blogs – pahiwatigan at parinigan sila sa sites nila… so, yun, may paghuhugas kamay, whehe. ^^

      pero, nakaswerte me sa post… dito nag-umpisa, may ka-blogs who view my posts from facebook, whehe. and di ito patama sa ‘yo, bru. kung may damdaming tinamaan, ahihi, pasensya po… padalhan mo me ng pansit Binondo, samahan ng sprite, nyehehe. sya pang nanghingi, ansama… ^^

      ei, kung tapos na ang lahat – endure the pain, whatthehey… the hurt of ending something that did not begin in the first place, hohoho. yeah, am learning bad…😉

      have a pleasant Sunday evening, sister…😉

      Tugon

      • Nakaw ang isa riyan aa! Nakalimutan na e. Tatlo kaya recommended articles mo sa email. Eto pa lang isang ire ang nabibisita ko at isa siyang CLAP CLAP CLAP!

        Ay San check this out. Ang galing ng laban ano? Pero naku! Ang Just Give Me A Reason ay di binigyan ng hustisya ng mga babae! Tama si Leah na di na nagcomment further (kainis). Pero clap clap clap itong kanta nilang ito. 🙂

      • hihihi, pasensya po at malilimutin na ang lola rito. true, am at the age where i remember clearly what happened 15 years ago but forget what i ate for lunch yesterday and what i blabbered about in email a week ago. patawad po..

        ahaha, salamat uli. at salamat for sharing this vid…ay, napanood ko ng buo ang The Voice last Sat. pero yung kagabi, portion lang, hala… magaling nga ‘to, What about Love? What about nga? kainis. laging napa-factor out ang love, these times… hehehe.😉 have a good week!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: