Ang Eroplanong Maliit

Image of a signage pointing the way to the airport

Byahe tayo sa Pilipinas/ http://www.123rf.com

Noong Setyembre ng nakaraang taon, napilit ako ng nakababata kong kapatid na bumiyahe sa Ilocos para ikutin ang mga makasaysayang lugar doonLast minute, naaya naming sumama ang isa naming pamangking lalaki pero di namin sya makakasabay sa byaheng papunta. Susunod na lang sya kinabukasan at sa hotel na kami magkikita-kita. Kaming magkapatid, gusto naming Biyernes pa lang ay makarating na sa probinsya para may panahong magpahiga-higa at makanood ng TV bago ang trip. Tuloy, hindi sa major airline kami nakasakay dahil ang ang scheduled flight nito papuntang Laoag ay Sabado pa. Biyernes ng hapon, sa promo flight ng mas maliit na airline kami natagpuan.

 

Wala naman sanang isyu dahil pareho kami nitong kapatid kong kung ilang taon nang bumibyahe sa ere. Sya, mas madalas yatang palabas ng bansa at ako naman ay gala sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas. Pareho rin kaming sanay na sa major airline sumasakay pero makailang beses na ring nakasakay sa mga eroplano ng kakumpetensyang kompanya. Pero hindi sa maliit, sa bulinggit na eroplanong sya naming nasakyan nang hapong iyon.

 

Pagdating namin sa airport, siyempre, pila. Check-in. Bayad ng boarding fee. Tingin at nood sa mga kapwa-pasahero. Bago kami pumasok sa tube patungong hangar, hinarang kami. As in, hinarang kami. May isa pa raw pila. Ho? Oo, raw, kailangan daw muna kaming timbangin. Kami? Ang alam naming tinitimbang ay ang luggage, hindi ang pasahero. At pag may threats sa public health gaya ng SARS, AH1N1 at iba pang nakahahawang sakit, kinukuhanan ang mga pasahero ng temperatura at pinaghuhubad ng sapatos sa airport. Pero, hindi tinitimbang.

 

Sabi ng airport personnel, oo, raw, kailangan daw malaman kung ano ang timbang ng mga pasahero at kung kakayanin ba ng eroplano ang bigat. Itong kapatid ko,  mas lamang sa akin ng mga 40 lbs. Kaya nagkatinginan kami no’ng sinabi na ang pariralang kung kakayanin ba ang bigat. Anyway, hindi kami pumatol at nagpatimbang kami ng matiwasay. Ayos naman. Punta na kami sa tube na daraanang papuntang gate. Pagdating doon sa gate, may bus. Doon pala kami sasakay papuntang eroplano. Okey lang, sakay naman kami. Wala pa yatang 500 metro ang tinakbo ng minibus sa hangar tapos, ‘yon na.

 

Tumambad sa aming harapan ang isang pagkaliit-liit na pampaseherong eroplanong nakita namin sa buong buhay namin. Pareho kaming magkapatid na hindi makapaniwala. Parang mas maliit pa ang sasakyang panghimpapawid na iyon kaysa sa provincial bus na sinasakyan namin pag umuuwi. Tapos, parang ang gaang-gaan ng itsura nya, parang liliparin ng hangin? Tawagin nyo na akong maarte at mayabang pero parang ayaw kong sumakay. Parang nagdududa talaga ako kung airworthy ba talaga ang nasabing sasakyan. Gusto kong tanungin ang ground personnel kung hindi ba sila nagbibiro, doon nila kami pasasakayin?

 

Ang mga kasabay naming pasahero, sunud-sunod nang nagsipag-akyatan sa eroplano. Sumunod na rin kaming dalawa. Nangimi ako nang makita ko sa malapitang tatlo lang ang baitang ng hagdanan. Sa karanasan ko, mas madalas ay may tube kang daraanang diretso nang magdudugtong sa bukana o entrance ng eroplano. Wala nang hagdang daraaanan ang mga pasahero, pag ganoon. O, di kaya naman, lalakad lang ang mga pasahero  ng 10 hanggang 20 hakbang sa hangar tapos, aakyat na sa higanteng hagdang bakal ng sasakyang panghihimpapawid. Di ba sa TV at sa pelikula, madalas ipakita ang Presidente at First Lady na umaakyat sa hagdan ng eroplano? Tapos, lilingon at kakaway sila sa maiiwang constituents? Iyon ang dramang wala sa byaheng iyon. Major letdown para sa akin ang hagdanang tatatlo ang baitang. Parang improvised hagdan lang sa stage na ginagamit sa barangay Ms. Gay beauty pageant.

 

Pagpasok sa loob ng plane, napatunayan naming mas maliit pa ang eroplano kesa sa pag tiningnan mo ito sa labas. Mas malaki talaga ang provincial bus na sinasakyan namin kung ang pagbabatayan mo ay ang luwang ng aisles at ang pagkakadikit-dikit ng mga upuan. Tapos, pagtayo mo para ilagay sa locker sa itaas ang iyong gamit, halos masungkol ka na. Siksikang parang sardinas kayo lahat sa loob. Saka, wala iyong pakiramdam na pag naka-take-off na ang plane ay parang may invisible cubicle na kayong proteksyon laban sa isa’t isa. Hindi mo maramdamang pribado ang espasyo at kinauupuan mo. Para lang talagang sumakay ng bus byaheng Sn. Fernando galing Bulacan, di nga…

 

Pero, ito ang kwento. Nakarating ang flight namin ng walang aberya. Walang alug-alog ang eroplano sa himpapawid, walang hilo sa byahe at nakalapag kaming lahat nang walang gasgas. Dumating din kami sa Laoag, Ilocos ng tama sa oras. Hindi sumayaw ang crew kahit uso na noon ang dancing flight attendants. Naubusan kami ng Chippy na ibinebenta nila sa flight pero, ginawan na lang namin iyon ng paraan pagkababa. Kung susumahin, maayos na rin naman ang byahe. Wala pala iyon sa laki o liit ng sasakyan kundi nasa balanse ng sasakyang-panghimpapawid at sa husay ng piloto.

 

Limang minuto pagkalapag namin, may dumating na eroplano ng major airline, magre-refuel yata o itse-tsek-up. Dahil iyon din daw ang eroplanong regular na bumibyahe papaalis at paparoon, tiningnan namin itong maigi at ikinumpara sa airbus na aming nasakyan.

 

Wala pa sa ikaapat ng dambuhalang ibong bakal na nag-landing sa paliparan ang size ng eroplanong sinakyan namin. Pero nakarating.😉

 

image of the Laoag airport

Gawa rin sa lumang bato ang gusali ng paliparan/ skyscrapercity.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

image of Calle Crisologo in Vigan, Ilocos

Kalye ng mayayaman sa Norte, 400 taon ang nakakaraan/ viamigo.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Image of century old church in the Paoay,Ilocos

Isa sa mga simbahang itinayo ng mga Kastila sa Norte, 300 taon ang nakalipas/ t1.gstatic.com

 

18 responses to this post.

  1. buti naman at ok ang biyahe nyo. noong ako ay pumunta ng kish islan, Iran, maliit din ang eroplano sinakyan ko (malake pa ang bus) at ubod ng baho doon, buti sa inyo ok pa amoy and biyahe. sa amin para kang sumakay ng roller coster – winter kasi noon sa kish islan kaya mahangin.

    Sn Fernando to bulacan? taga pampanga ka ba?

    Tugon

  2. hi, kiko.

    in fairness, magaganda na naman ang planes ng other airlines sa domestic flights these days. iyon nga lang, maliliit. pero, hindi naman mabaho. at least, ako, wala pa akong na-experience na plane na mabaho.

    okey na rin naman na medyo deregulated ang aviation industry sa pinas ngayon. mas marami na ang sched ng flights sa provinces, di gaya dati. tapos, kung bumibyahe ka para lang mamasyal, andaming promo. mas mura na talaga.

    di ako taga-pampanga. taga southern tagalog kami, bok. marami lang akong friends dati na taga-central luzon kaya gala ako banda roon, hi, hi… thanks for dropping by😀

    Tugon

  3. nice trip! nice life!

    Tugon

  4. seair? hehehe. naks, gusto ko din pong pumunta sa ilocos, pero siguro magba-bus na lang ako, hehehehe. hindi pa ako nakakarating doon eh.🙂

    Tugon

    • hi, manang. hindi, cebu pacific yon. one of their smallest passenger planes ‘ata ang natyempuhan namin.

      oks lang mag-bus pag mga 20s pa lang ang bibyahe at di naman naghahabol sa oras. mas okey nga raw ‘yon pag ilocos trip, bus na may connecting trip to pagudpod.

      medyo nakakapagod sya, malalayo ang distances ng pupuntahan, ilang lugar lang ang may maaayos na kainan at saka, dapat focused kang trip down the history lane ito, he,he… otherwise, di mo magugustuhang tapusin. ang mga dagat pa rin ang magaganda.lahat ng may bodies of water, panalo.

      medyo magastos rin pala sya, mahal ang rent ng vans.

      Tugon

  5. nakakatuwa naman itong journey ninyo sa bulinggit na eroplano. na-imagine ko daw talaga. hindi pa kasi ako nakakasakay sa eroplano. hehehe

    Tugon

  6. hi. kakaiba talaga ‘yong maliit na plane na ‘yon. pagdating namin sa hotel, tawa kami nang tawa ng kapatid ko. pareho kaming di-mauubusan ng pan-describe sa nasabing sasakyang-panghimpapawid, hihi…😀

    ay, makakasakay ka rin sa erplin. siguro sa work, later. usually naman ng byahe-byahe, work-related. pag tanda-tanda na ang byaheng for leisure at ikaw na mismo ang magbabayad mula sa ‘yong bulsa, hehe…😀 sa una lang pala medyo nakaka-excite. later, para ka rin lang sumasakay ng bus sa cubao pauwi sa probinsya, haha…😀

    Tugon

  7. Posted by gnehpalle02 on Marso 9, 2011 at 6:45 umaga

    kung siguro ako ang nasa katayuan mo iyon din ang una ko iisipin, kung makakarating ba ako sa destinasyon ko na buo at hindi lasog-lasog. Parang tao hindi porket hindi maganda ang itsura hindi na pagkakatiwalaan. (talaga ikinonect ko noh? ) Hindi basehan ang laki, ang gara kundi kung matiwasay ka nitong maihahatid sa iyong pupuntahan. Kaya pala kailangan timbangin ang bigat😀

    ps. gusto ko rin pong makarating jan sa Laoag

    Tugon

    • hi, hi… ang liit-liit talaga noong plane at ang nipis-nipis kaya nagduda kaming maigi. tapos, since nga may kalakihan ang kapatid ko, parang personal affront baga ‘yong sabihan kaming titimbangin, haha.

      oo, punta ka. educational trip, kumbaga. mas maganda raw pag bus lang pero, medyo dapat mapera ka nang konti. mga at least twice na mas magastos kesa sa isang engrandeng pagba-Baguio.😀

      Tugon

  8. hmmm…ang nasakyan ko pa lang na airlines ay PAL at Cebu Pac and in all those instances, wala namang aberya. mas sosyal lang nga sa PAL kasi may inflight meal sila kahit biskwit lang. haha!

    sa july babyahe kaming buong pamilya. ang sasakyan namin papunta dun sa pupuntahan namin mula manila ay cebu pac at pauwi ay ang airphil express. sana walang aberya sa parehong pagkakataon lalo sa airphil express kasi first time namin sasakay dun. yay.

    Tugon

    • haha, dati, naranasan ko pa na may meal sa PAL maski domestic flight lang. nitong mga huling taon, aba’t biskwit na nga lang at kape or juice – pambihira ang cost-cutting ng mga ‘yan.

      di ko pa na-experience mag- air phils at seair. sabi naman ng iba, okey rin daw naman…😀

      Tugon

  9. At oo nga pala, ang sweet nyo namang magkapatid. bumibyahe kayong dalawang magkasama. hahahahha!😉

    Tugon

    • nang-aalaska ka, ah.:D ganire, she has taken it in her head recently nga na ipagsasama ako sa mga flight-flight at concerts nyang lakad na ganyan. galit pa sa akin dahil hindi ako kasama sa pag-alis nya this weekend at hindi ko raw inasikaso.

      e, ang sa akin, okey lang namang bumyahe pero dapat, di masyadong masungit ang kasama, hahaha…😀 saka, dati, ako naman ang mas madalas umalis, e. ba’t ngayong sya ang nag-aalis e, gusto nyang gawing mandatory? haha, uli.

      salamat sa pagbabasa.😀

      Tugon

      • hmmm…ako rin pag bumibyahe, bukod kay Bong at kay Ate Kara (dahil maliliit pa ang mga piglets para ipagsasama sa mga byahe), gustong gusto kong kasama ang youngest sister ko. pero hindi ako masungit na ate. ako pa nga ang nasusungitan madalas kasi daw ambilis ko maglakad. hahahaha! at oo, pag umaalis kami hindi ko siya pinapagastos. haha! pag kayo ba umalis, hindi ka rin niya pinapagastos? kasi pag ganun, kamo, ako na lang ang isama niya. aasikasuhin ko agad ang mga dapat asikasuhin. hihihi!

        huuu… kunwari pa. kaya ka nya gustong kasama kasi ang totoo, sobrang love ka niya.🙂

      • hi. medyo madalas kaming magkasama sa pagbyahe at sa mga lakad pero hindi ko sure kung iyon baga ang gusto ko. :] btw, hindi rin ako masungit na ate, ako usually ang bumibili ng mineral water at naghahanap ng kape. nagbo-volunteer din akong magbuhat ng mga gamit na mabibigat ng siblings kong mabibilog, hwahaha…

        in fairness, yong kapatid kong binabanggit mo ay medyo generous naman sa paggastos sa trips at pag dining out, mga ganyan. sa mga gastusin sa bahay sya matuos at parang ayaw nya ng domestic expenses, baga…

        hay naku, love ka dyan.😀 ayoko ng mga lakad na masyadong magastos, yong unreasonable ang presyo, mga ganoon.

        sige, sasabihan ko syang ikaw ang isama para makapag-catch up kayong dalawa, haha.😀

  10. “Parang improvised hagdan lang sa stage na ginagamit sa barangay Ms. Gay beauty pageant.” That is so funny!

    Interesting that they took your body weight. I remember flying Ormoc to Manila when I was a teenager, and I think it was just a tiny 20-seater plane. No crew except the two pilots. And I remember there wasn’t anything blocking my view of the pilots flying the plane. There was no Chippy.

    Tugon

    • hello, Nadia… natuwa naman ako at natawa ka, ahaha. basta, kung makikita mo ‘yong munting hagdan, mamangha ka rin, pramis… ^^

      interesting nga. mukha kasing ang gaan lang noong plane, kasinlaki lang talaga ng provincial bus. a, mahigit 100 passengers naman yata kami. mas interesting ang nasakyan mo – 20-seater plane? di pa ako nakakasakay sa ganyan. yon lang, may Chippy sa nasakyan namin, beh…😉

      recently, nag-plane ako ng SEAir. interestingly, magaganda na pala at malalaki ang planes nila. mukhang mas solid kesa planes ng Cebu Pacific, haha. may malalaki rin namang planes ang Cebu Pac pero mostly, sa major destinations lang ginagamit. pag domestic flights, lalo pa pag promo, yong maliliit at magagaan lang, ahaha. sabagay, cheaper naman fare nila. pag may pera or sagot ng opis, better pa rin ang PAL, hehe.😉 tara, byahe tayo…

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: