Gawa-Gawa Lamang

image of a virtual world, borrowed from masternewmedia.org

Tila mas totoo at mas malapit pa kung minsan/ masternewmedia.org

Pag pumapasok ang mga tao sa virtual setting, gumagawa tayo ng mga simbulo, teksto at larawang kakatawan sa atin. O, di kaya, ginagamit natin ang built-in features ng aparato para siyang kumatawan sa atin sa isang setting na kunwari o virtual lang. Gawa-gawa, ‘ika nga.

 

Halimbawa, sa computer, ang cursor ang kinatawan ng taong gumagamit o user ng makina. Kung nasaan ang taong gumagamit, andoon ang cursor. Pag umandar ang mga tao – tayo – umaandar din ang cursor. Pag huminto naman tayo, hihinto rin ang cursor.

 

Sa blogging, gumagawa tayo ng isang virtual na kaharian sa pamamagitan ng ating sites. Ang laman at paraan ng bawat site natin ay kumakatawan sa isang bahagi ng pagkatao natin. Sa kahariang iyon, kung saan ang bawat isa sa atin ay siyang bida at siyang nasusunod, doon natin inilalabas ang isang parte ng kung sino tayo. Ang parte o bahaging iyon ay sumasalamin kahit paano sa mga sarili nating hindi ganap at hindi buo kundi patuloy na nag-e-evolve.

 

Pag nag-uumpisa tayo sa blogging, humigit-kumulang, may ideya tayo ng kung anu-ano ang gusto nating isulat, ikwento at palabasin sa ating site. Maaaring gawan natin iyon ng narrative, tula, guhit at larawan. Maaari rin nating lagyan ng audio o singitan ng video. Maaari rin namang kombinasyon ng lahat ng ito. Para saan? Para maipaabot natin kung ano ang gusto nating sabihin, ang ating mensahe, kumbaga.

 

image of a message board, borrowed from t0.gstatic.com

May nais tayong ipaabot / paleodontology.com

Ang ating mensahe, maaring maliit o malaki, maaring luma o bago, maaring kinopya lang o orihinal, maaring popular o di katanggap-tanggap sa marami. Anuman, hindi tayo ang magsasabi kundi ang audience. Over time, ang mambabasa sa pangkalahatan ang huhusga kung relevant ba o hindi ang mga pinagsasabi at ipinangalandakan natin sa ating sites.

 

Sila ang magsasabi kung naging kasiya-siya ba o hindi, kung may saysay ba o wala, kung sulit bang malimbag at basahin o naging pampalipas-oras lamang o di kaya ay kumain lang ng sinasabing virtual space ang ating mga ipinahayag. Hindi tayo ang huhusga sa merits ng ating virtual existence kahit pa tayo ang nag-isip, humabi, nagsulat, nagpagod at sa isang banda, umasa. ***

 

 

Pag nagbabasa tayo ng blogs, naghahanap tayo ng mga sulatin at/o features na kahawig o katimbang halos ng mga sarili nating panlasa, pananaw at adhikain. Karamihan sa mga iyon ay ukol sa mga karanasang dinanas mismo natin, o nai-itsurahan nating daranasin din natin. O, di kaya, mga karanasang kasalukuyang pinagdaraanan natin.

 

Pag nagsusulat naman tayo ng blogs, binubuksan natin ang ating personal libraries and archives of experiences at doon tayo pumipili ng materials na maari nating gamitin para palamanan ang ating script, ang ating palabas, ang ating mga pagpapanggap at mga paglalahad ng ating mga sarili sa loob ng ating sites.

 

image of things found inside a library, borrowed from t0.gstatic.com

May kanya-kanya tayong paghahalawan/ shared-visions.com

 

Kung minsan, ang isang blog ay simpleng pagpapahayag ng saloobin. Kung minsan ay isang mabusising pagtatago ng mga lihim. Kung minsan naman ay isang tapat na pagsasalaysay ng mga bagay na lantad na sa sarili at sa publiko. Alinman sa mga ito ay nagbubukas at nagdadala sa ating bloggers ng mga bagay at pananaw na bago. Maaaring mulat tayo sa mga ganitong pangyayari at proseso. Maaari rin namang hindi.

 

Malawak, malapad at mayaman ang range of experiences na maari nating pasukin at suungin sa pagba-blog. Ang pagba-blog ay isang virtual na activity pero nakatuntong pa rin sa actual na buhay. Sa blog, maaring straight-telling ang pamamaraang ating gamitin, maaring daanin sa anekdota at pabula at maaring sa maikling kwento. Maari ring idaan sa larawan at video.

 

Pero, lagi-lagi, ang pagba-blog ay isang biased at partial na gawain. Kahit pa madalas, ang hirit nating bloggers, “Hindi, wala akong agenda.” Meron. Kasi, hindi naman tayo galing sa wala. May mga pinanggalingan tayong pamilya, antas sa buhay, edukasyon, kinagawian at tiyak na puntong pinagmulan sa kasaysayan. May sari-sarili tayong point of view o pagtingin sa mga bagay, karanasan, tao at pangyayari. May kanya-kanya tayong lens na ginagamit, ‘ika nga.

 

image of points and lines, borrowed from t2.gstatic.com

Bawat isang punto ay may isang kinakatawan/ mathworld.wolfram.com

Ang punto de bista ng isang blogger ay laging katangi-tangi at kakaiba. Oo, maaring may lumabas na ilang bloggers na sobrang husay, kainaman ng galing, napakaraming karanasan, bihasa sa pagsusulat, napakamalikhain sa pagpapahayag o kagila-gilalas ang pagka-payak. Subalit, isang boses pa rin lamang mayroon ang bawat isa sa kakaiba o natatanging bloggers na iyon. Katulad pa rin ang exceptional na blogger ng nakararami – isang punto de bista pa rin lang ang kinakatawan nya. In the over all scheme of things, isa pa rin lamang siya sa milyun-milyong puntong nasa virtual universe.

 

Sa subject na Algebra, itinuro sa atin ang kahalagahan ng isang punto. Isang tuldok na maaring kadugtong ng isang walang katapusang linya o isang tuldok na maaring bumago o tumapos sa kasalukuyang ugnayan at magtakda ng bagong set o kaayusan. Ang puntong iyon, gaano man ka-arbitrary, laging may kinakatawan at laging may ibig sabihin. Maaring ang puntong iyon ay bahagi ng isang series, parte ng isang parallel na linya o di kaya ay disconnected – isang bukod-tanging set, kumbaga. Ganunman at anupaman, mahalaga ang papel ng bawat punto. Tila ganoon rin yata sa pagba-blog – ang bawat isa sa atin ay isang punto lang, isang tuldok, kung tutuusin – pero, importante.  Maaari kaya nating tawagin ang ganitong demokrasya sa pagba-blog? ***

 

 

Kailangang maniwala tayo sa demokrasya ng pagba-blog at siguro na rin, itaguyod natin ito. Gaano man ito kanipis, kababaw o kapanandalian sa ngayon. Kasi, iyon pa lang ang maaari nating panghawakan at tuntungan sa kasalukuyan.

 

Madaling sabihin na ang blogosphere ay negosyo lang ng iilang kompanyang kumikita sa online na patalastas, na inuuto lang tayong bloggers ng happiness engineers na nagpo-provide sa atin ng site statistics, features and applications at ang blog entries natin ay binabasa lang ng mga taong alinman sa naghahanap ng quick and easy information o babasahing pampalipas-oras lamang. Madaling isiping ganoon lang ang mga bagay-bagay. Pero, alam naman nating lampas sa roon ang dynamics ng pagba-blog. Alam natin ito, maging tayo man ay nagsusulat o nagbabasa ng blog. O, pareho.

 

Sa eco-system ng pagba-blog, ang bloggers ay nasa gitna bilang provider ng impormasyon at bilang consumer din nito. Sa itaas ng ladder, andoon ang mga kompanyang namumuhunan, bumibili at kumikita mula sa mga impormasyong available online. Sa pinakababa naman, andoon ang general audience – ang mga sadyang pumupunta sa site para humanap at magbasa ng impormasyon kasama ng mga naliligaw at inililigaw ng search engines papunta sa ating sites. Kung ang blogging ay isa nga lamang negosyo, maaring tingnan ang mambabasa sa pangkalahatan bilang siyang end-user o household consumer ng impormasyon.

 

image of an eco-system representation, borrowed from t0.gstatic.com

May papel ang blogger sa supply at demand ng impormasyon/ learn2adapt.com

 

Sa sinasabi kong demokrasya sa pagba-blog, mahalaga sigurong kilalanin natin ang kakayahan at karapatan ng bawat isang blogger bilang unique source of information. Kumbaga, isang pagkilalang ang bawat isa ay may kakayahang magbahagi ng kanyang natatanging punto de bista – gaano man kababaw o kalalim, gaano man kagasgas o kabago, gaano man kaliit o kalaki – sa konteksto ng isang eco-system ng impormasyon sa makabagong mundo. Bata pa ang blogging world, kung ating iisipin. Pero tila mas mainam kung mag-uumpisa tayo sa premise na ang bawat isang blogger ay may kanya-kanyang maaring dalahin at ihain sa hapag, ‘ika nga.

 

Sa pagba-blog, may kanya-kanya tayong patawa at drama, kanya-kanyang packaging at pakulo. Maaring ang mga ito ay totoo at maaring hindi, maaring malapit at maaring malayo sa totoong buhay, maaring orihinal at maaaring huwad. Kung anuman, hindi ito nangangahulugang kaagad nating matutukoy kung sino at alin ang may higit na karapatan sa kanyang virtual space. Lahat tayo ay sumusubok at nagtatangkang magpahayag at magbahagi na may kanya-kanyang nilalaman at pamamaraan.

 

image of a diary, borrowed from t1.gstatic.com

Dito natin isinusulat ang mga pangyayari, saloobin at pananaw/ erypct.nhs.uk

May mga nagba-blog na ginagawang online diaries ang sites nila. May mangilan-ngilan ding bloggers na tila subject matter experts [SMEs] – may dalubhasa sa pagiging nanay, may bihasa sa pagkainip, may beterano sa pagpapatawa, may nagtatangkang maging tagapagtala ng panahong lipas na, may wizard sa pagguhit at may curator din ng online museum.

 

Anuman ang ating plot sa ating mga istorya, gaano man ka- hifaluting o ka-incredible, gaano man ka-fleeting o ka-miniscule, marahil dapat nating tandaang may lugar tayong lahat dito. Dahil kung hindi, bakit pa tayo – ang bawat isa sa atin – andito? Bakit hindi na lang tayo tumutok sa totoong buhay na hindi virtual kundi actual and real? ***

 

 

Sa aking palagay, pana-panahon, kailangan nating ipaalaala ito sa ating mga sarili bilang responsableng bloggers. Sapagkat kung minsan, hindi maiiwasang madala tayo sa mga sarili nating kwento at maniwala tayo sa mga sarili nating pagpapanggap. Kahit pa alam naman nating marami sa mga inilalagay natin sa ating blogs ay mga kalokohan lang ng taong walang magawa, mga patawa ng taong papansin o nalulungkot  o di kaya ay gawa-gawa lamang ng taong maraming di-kayang harapin at panindigan sa totoong buhay. Aminin man natin ito o hindi. ***

 

 

By the way, ang paborito kong UP Lantern Parade ay iyong taong gumawa at nagparada ang College of Fine Arts ng higanteng replica ng libro ni Vance.*  Panalo ‘yon, pramis!


* Modern College Algebra, 3rd Ed, Elbridge Putnam Vance, 1975 Addison-Wesley Publishing Co., Reading, Mass.

 

Possibly Related Posts:

Ba’t Mo Naman Napagdiskitahang Mag-blog?

Ang Bagong Betamax – Rated PG

Bahay-bahayan, luma at bago

 

20 responses to this post.

  1. Anong ikokomento ko? nasabi mo na lahat🙂.. makatotohanan.. ne research mo ito? may sapul sa magbabasang bloggers.. walang ligtas.. bullseye kumbaga… sumakit ang buhok ko sa ilong…

    maganda ito, sana mabasa ng mga kasamahan nating bloggers…

    (ung aking napapansin eh hindi ko alam kung nagkakataon lang ba? Kung tama ang hinala ko o mali.. konting panahon pa🙂 )

    Tugon

    • hello, banjo.

      pasensya na’t ngayon ko lang ito masasagot. no, i have not said it all, am afraid and i am glad. wala sigurong isang tao na makapagsasabi ng lahat-lahat about blogging sa isang discussion lang. katunayan, kung magbabasa ka sa online, andaming discourses and informal discussions about the logic and effects of blogging sa mga tao at sa modern life.

      hindi ako nag-research specifically for this post kaya kung mapapansin mo, walang online sites referred sa ibaba ng post. galing lang ito sa notes ko about blogging. pero hindi ko naman original na naisip lahat nang inilagay ko sa itaas. kung magbabasa ka sa wordpress english edition, at least twice a month, may napi-feature doong blogs about blogging.

      nasusundan ko at nababasa ang karamihan doon. medyo mature and composed ang discussion nila. sa english edition kasi, karamihan sa bloggers ay 30s and above na. unlike sa philippines na karamihan sa bloggers ay in their 20s o kaya ay mga estudyante pa at ginagawa ng karamihang parang hingahan o elongated facebook ang sites nila.

      methinks we have something to learn from both – sa tagalog at sa english editions. maaring recreational or diversionary ang function ng blog sa iba at maaari rin namang informative o persuasive ang format ng blogs ng iba.

      ang sales pitch ko dito sa post is about tolerance. na sa ngayon, may room pa tayo lahat dito. others may think that naive while others may simply dismiss the idea as nonsense. so, ‘yon.

      thanks for reading. 😀

      Tugon

  2. may sasabihin pa ba ako?.malamng meron kasee punto mo lang ang inilabas mo..hehehe, ginaya ko lang po ang statement mo..

    sa akin lang din, kahit ano namang pagpapanggap natin sa mundo ng blogosperyo, sa hulihan, lalabas at lalabas parin ang isang parte ng ating pagkatao.

    sa totoo lang ang tanging nakukuha lang naman natin sa blogging ay yong fulfillment sa pagpapahayag ng saloobin o kaya kung meron man ay talento. tulad ko, di naman talaga ako manunulat pero yong pagkakataong minsan nailalabas ko yong mga paminsan-minsang tula na nagagawa o kaya yong mga drowing ko.. masaya na.

    Tugon

  3. hi, anini.

    yes, of course, you’re welcome to say your piece, dito at lalo na sa blog mo. ‘yon yong point, di ba?😀

    yes, we can’t help but be what and who we are. kunwari, nagpapanggap akong panget, pero may mga nananalig namang maganda ako. what to do, eh? :]

    mas seryoso. dito sa DPSA, nagkukunwari lang akong marunong ng written tagalog. sa totoong buhay, mas kabisado kong um-inglis ng mali-mali. totoo ‘yan.

    iyong kung mahusay kang magsulat at kung creative ka sa blog mo, indi ikaw ang magsasabi nyan, neng. ako, kaming mambabasa ang magsasabi nyan sa ‘yo at di ikaw, ha? hindi ko muna sasabihin, di pa ako tapos mag-backread sa site mo, haha. peace.😀

    Tugon

  4. base na rin sa inyo pong nabanggit sa post na ‘to na ang audience ang may say sa kung anong sinusulat ng isang blogger, so hindi ko rin masasabing walang kwenta ang isang post ko halimbawa, kahit pa sa kaibuturan ng aking pagkatao e ramdam kong walang kwenta naman talaga ang post ko.

    p.s. vance forever! hahaha. pinahirapan niya ‘ko nung math17 days >.<

    Tugon

  5. hi, singkamas.

    tila ganoon nga. halimbawa, ang post mo about Rizal and PI 100, naka-touch sa isang mambabasang gaya ko kahit para sa ‘yo, wala yong kwenta. in the same manner, di ba may mga fave posts tayo na di gaanong pinapansin ng readers?

    hay, naku. grad na ako nang iparada si vance sa lantern parade. pagdaan ng float na ‘yon, riot ang sigawan ng lahat ng mga beterano ng algebra, haha…😀

    Tugon

  6. Posted by gnehpalle02 on Marso 10, 2011 at 4:47 umaga

    tama ka ate, na ang audience ang last judge ngunit sa aking palagay tayo pa rin ang gagawa (blogger) kung ano ang dapat nilang isipin. Tayo ang lihim na nagdidikta sa kung ano ang magiging reaksyon nila batay na rin sa ating sinulat.
    Natutuwa ako kung paano mo nai-connect ang palasak na kaisipan sa psychology, patungo sa algebra, business, economics, entertainment at personal growth.
    Gaya ng aking paniniwala ako ay narito upang ibahagi ang kabilang bahagi ng aking pagkatao. Maging katanggap-tanggap man ito sa iba o hindi. Bawat salitang ating tinitipa at tinatapon dito sa birtwal na mundo ay repleksyon ng isang bahagi ng ating pagkatao.

    Tugon

    • ang husay mo naman, dora [lian]. at salamat sa pag-appreciate at sa mahusay na pag-sum-up mo nitong artikulo.

      actually, excerpt lang ito mula sa isang mahabang ramblings o notes na naisulat ko about blogging. ang dini-discuss ko roon ay ang rationale ng blogging primarily, iyong concepts ng identification and affirmation. sa mas madaling salita – to find and to be found. so, iyon ‘yon.

      you are right in saying that it is the bloggers who will set the content and phase of the discussion/s in their/our sites but it is up for the readers to decide whether they will believe us or not. para tayo ritong mga pari na may kanya-kanyang pulpito, ‘ika nga.

      sa blogging, pwedeng ang ilagay natin sa site ay trash info na may pupulot na audience at ituturing iyong kayamanan. in the same manner, may mga treasure memories and info tayong inilalagay dito na maaring tratuhin o ituring lang ng audience as trash.

      pero, sa palagay ko, hindi lang tapunan o labasan ang blogging although some bloggers treat the blogosphere as such. in the same manner, hindi lang ito pulutan o area para mag-scavenge, kumbaga.
      dahil nga ang virtual world ay extension ng real world, may connect pa rin ito kahit paano sa how we conduct our real lives.

      sabi ng iba, ang facebook raw is about the id or impulse ng mga tao. sa tagalog, mga hirit. may hawig din wari ko ang facebook at blogging in the sense na pareho sila ng ibinibigay, in terms of immediacy – ng publication and response/feedback. pero since, hindi kailangang oras-oras ang update sa blogging at mahaba ang space allowed, may isang banda na mas collected and reflective ang information exchange na nagaganap dito. so, blogging provides a little more, i suppose.

      thank you for your warm reception to my blog. backread din ako isang araw sa site mo.😀

      Tugon

  7. Posted by gnehpalle02 on Marso 10, 2011 at 6:21 umaga

    whaaaa… ate wag na po. nahiya tuloy ako. puro kamalditahan lang ung nakapost dun. ahaha.
    Gusto ko po ang ganitong mga akda dahil napupukaw nito ang ilang aspeto ng aking kamalayan gaya ng ibang hinahangaan kong bloggers. Ang mga ganitong sulatin ay nagsisilbing butil ng kaisipan na magpapayabong sa aking pagkatao, sa aking pananaw at gagabay sakin sa walang katapusang paglalakbay dito sa birtuwal at maging sa realidad na mundo.

    salamat din sa pagbabahagi ate😀

    Tugon

    • o, e, ano naman ngayon? naka-declare naman ‘yon sa gravatar mo, aber. bibisita ako roon at hahanapin ko ang mga kakengkoyan, he, he… btw, parang sumilip na ako uli roon kagabi at ayos naman ang aking nakita, ano ka bey?

      hanggaling mong managalog, kainis.😀 hindi ako gaanong marunong ng written tagalog, e. kahit pa tagalog naman kami and all my life ay sa pilipinas naman ako namuhay, mas marami sa’king nababasa at isinusulat ay sa english. mas iyon na rin ang aking nakasanayan. :s in short, TH na TH ang pananagalog ko rito bagaman at ilan lang ang nakakahalata dahil hindi na istrikto sa ngayon ang mga mambabasa. :s

      salamat sa iyo.😀

      Tugon

      • Posted by gnehpalle02 on Marso 14, 2011 at 6:11 umaga

        ahaha, dahil sa salitang tagalog ko mas napapadama ang aking damdamin. mas maiintindihan ng mga simpleng mambabasa.

        ps. totoo ate di ako magaling sa inglshens. nagclo-clot ang dugo sa leftside of the brain ko at nagnonose, earbleed ako sa ingles. ehehe

      • hala, inggit akong tunay. ewan ko ba, from elem to college, gumapang ako sa Pilipino. next to Math, doon ako nahirapan. mula sa simpleng sentence structure to syntax at lalo na pagdating sa phonetics at morphemes sa Pilipino, gano’n? nosebleed ako.

        hindi rin ako kahusayan sa english noong nag-aaral, mga 2.75 to 2.5 lang ang grades ko sa ganyang subjects. ang bawi ko lang ata ay sa dami ng nabasa at sa vocabularies. so, i get by sa english. hindi na ako nagno-nosebleed, hahaha.

        mas mahirap ang written Filipino kaysa sa written English, maski ipagtanong mo sa mga totoong maaalam. so, iyong kakayahan mo, paunlarin mo pa😀

  8. Posted by taympers on Marso 12, 2011 at 2:44 umaga

    hindi ako sanay magkoment.pero napakoment mo ako sa artik mong to.ang galing lang ng intercorrelation ng bawat topic sa iisang subject. napahanga mo ako dito.🙂

    anyway, totoo na ang blogging ay patungkol sa id ng tao. naniniwala ako dun. pero kung iisipin napaka general ng term kung bubusisihin mo ang salitang blogging. it does not talk about oneself alone pero kahit papano there is someone behind that conspiracy. something like that. mahirap iexplain. haha

    masaya magblog. nakakatamad nga lang minsan. hehehe

    Tugon

    • taympers, salamat sa iyong pagdaan. ako, madalas mag-comment sa cool na cool mong posts, hehe. maigi’t may hinahangaan akong blogger na haha, napahanga sa isang post ko, ho,ho,ho.😀

      hey, gaya ng nasabi ko na sa itaas, i also believe that blogging is a little more than our impulsive desires and pronouncements or the human id. lampas sya sa shout out and status updates na sya mainly na ginagawa at attraction ng facebook.

      may mga sound information kang makukuha sa ibang blogs, may well-considered opinions din and sharing of know-how na hindi lang pumapatungkol sa pagpapalapad ng atay at pagbubuhat ng sariling bangko ng blogger/s.

      may nabasa ako dati sa wikipedia pero nawala or na-edit na ngayon. sinasabi roong ang blogging daw ay isang phenomenon ng modern, electronic life where bloggers not just chronicle and opine on the modern life and its alienating features but also tackle interconnectedness in a virtual setting. parang ganoon…

      medyo sinundan ko iyon, as i blog. ‘yong tingnan how bloggers try to find identification and affirmation sa virtual space at a time when modern life seems to not only justify distance and separation brought about by globalized living, so to speak, but also to look for credible patterns and beliefs, whether they pertain to principles, leadership, sound living or peaceful cohabitation among earthlings, ika nga.

      in a sense, blogging is a displacement mechanism, a method which helps humans deal more ably with life’s blows, ‘ika nga. but it is also more than that, i suppose. the blogosphere is a community of people, virtual yet parallel to real life, that both serves to question and to reinforce the way current life [in the classed and inequitable world] is being lived.

      ha,ha… i hope my discussion muddled it enough for you. :]

      Tugon

  9. Posted by taympers on Marso 16, 2011 at 9:25 umaga

    “how bloggers try to find identification and affirmation sa virtual space at a time when modern life seems to not only justify distance and separation brought about by globalized living, so to speak, but also to look for credible patterns and beliefs, whether they pertain to principles, leadership, sound living or peaceful cohabitation among earthlings, ika nga.
    in a sense, blogging is a displacement mechanism, a method which helps humans deal more ably with life’s blows, ‘ika nga. but it is also more than that, i suppose. the blogosphere is a community of people, virtual yet parallel to real life, that both serves to question and to reinforce the way current life [in the classed and inequitable world] is being lived.””—putragis na yan, dinugo ilong ko. hahaha. pero well point taken.

    ang sustansya ng dila mo, mas lalo na ang utak mo.🙂 gustong gusto ko ang idelohiyang lumalabas sa yo.

    Tugon

    • haha, taympers, OA ka naman.

      isa lang akong mimic, mangagaya sa mga nababasa, naririnig at nakikita. pero, salamat pa rin at nabobola ka sa mga binibitawan ko. mukhang di ka madaling bolahing tao dahil ang husay mong magsulat, ah.😀

      marami-rami na akong nabasa. saka work ko ‘yon, usually – to read and write for other people, haha.

      saka, anong ideolohiya? ideolohiya ka dyan😀

      nag-try na akong mag-venture sa other fields – stock market ang isa, pero briefly lang. iba naman ang raket do’n – pakialaman ang other peoples’ money, haha… thanks for dropping by uli.😀

      Tugon

  10. […] kayang ibigay o panindigan. Ang dami nang pagkabigo sa totoong buhay, pati ba naman dito sa mundong gawa-gawa lamang ay dadalhin ko pa ang pagiging bulaan? Hayaan na lang muna nating panahon ang magsabi kung kaya […]

    Tugon

  11. […] sumusuntok sa buwan sa pamamagitan ng ating mga sulatin, pagguhit at paglalarawan. Umaasang sa escapeworld ng blogosphere ay makikita’t matatagpuan natin ang mga di natin nakita’t napagtagumpayan sa […]

    Tugon

  12. […] kanilang pagiging creative and weird kundi sa banda roon pa at mas maaga, ahihi. Ang post namang Gawa-Gawa Lamang ay isang lakas-loob na diskurso sa virtual experience, ang mundo ng blog bilang isang make-believe […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: