Busy ang Linya

image of a person talking on the phone, borrowed from t3.gstatic.com

Madali lang ngayong kumunekta /web.d261.k12.id.us

Sa ngayon, parang ang hirap nang isipin ng buhay na walang telepono. Halos lahat ba namang kabahayan sa Pilipinas ay may cellphone na. Kokonti na lang ang bayan sa ating wala pang linya na landline. Ngayon ‘yon.  Ika-dalawampu’t isang siglo. Modernong panahon, ‘ika nga.

 

Noong panahong kai-kailan lang, at marami siguro ay mahihirapang maniwala, ang mayayaman lang talaga at ang may matatagal nang negosyo, ang may telepono. Ang karamihan sa mga mamamayan ng bansa ay wala. Ano ang paraan o medium sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan sa taong nasa malayo? Pag sa negosyo, sulat at mensahero ang palasak na gamitin. Pag sa personal, sulat din. Pag mas importante, harapang pakikipag-usap. Ang ibig sabihin, pupuntahan mo ang taong kailangan at gusto mong makausap. Magkikita kayo upang magkausap at maging maliwanag ang lahat.

 

Kung mapapansin ninyo, noo’y bawat tanggapan ay may in-house messenger – taga-dala ng official communications ng kanyang opisina. Pag malalaking tanggapan, isang team o pool ang mga mensahero roon. Sila yaong mga taong nakababatid at tapat sa mga salitang incoming at outgoing. Mayroon silang logbook na listahan ng mga business na papasok at palabas ng opisina. Kadalasan, sila ay naka-motorsiklo at body bag. Alam nila ang pasikut-sikot ng mga lugar. Kabisado rin nila ang gagawin pag sinabi ni Boss na urgent ang isang komunikasyon.

 

image of a mailman, borrowed from t3.gstatic.com

Hinihintay ng lahat, pati ng aso /picturesof.net

Pag sa personal na buhay, mahalaga ang papel ng mga kartero o tagahatid ng sulat. Sa kanila nalalaman kung ang asawa o kapatid na nasa malayo ay nagpadala na ng pera, kung ayos baga sila doon sa kanilang kinalalagyan, kung wala bang panganib o gusot na kinasasangkutan ang miyembro ng pamilya, kung ang pag-ibig bang inaasam-asam ay makakamit, kung darating ba ang pension ni Lola at  kung uuwi ba si ate sa bakasyon. Ang sulat ay sadyang kaligayahan, sabi sa lumang kanta. Ang kartero noon ay ang maliit na taong kilala ng lahat sa pamayanan.

 

Siyempre, wala pa noong pa-charming-an sa text o sa chat. Ang pakikipagkilala, panliligaw at pati pakikipagtampuhan ay ginagawa lahat nang personal at malapitan. Hindi nangyayari noon iyong nagkakakilala at nagkakatapos sa pamamagitan ng text. Sa minimum, magsusulatan nang matagal ang dalawang taong may interes sa isa’t isa at matapos ang isa, dalawa o tatlong taon, saka sila magkikita para malaman kung ang tao baga sa likod ng sulat at ang totoong tao ay iisa – magkatunog at magkamukha. Ang mga paraang nabanggit ay hindi convenient pero, kadalasan, sigurado. Isa pa nga kasi’y wala pa naman noong gaanong alternatibo.

 

Doon sa amin, wala pa noong telepono dahil baryo na nga, liblib pa. Mayroon daw landline sa isang bahay ng mayaman sa bayan pero hindi naman yata ipinapagamit sa publiko. Kaya ang option naming noong mga taga-bukid para makatawag at makausap ang kamag-anak na nasa Maynila, pumunta sa kalapit na lungsod. Medyo mahirap ito kasi, limitado ang budget. Kadalasan ang pamasahe noon ay laan para sa pamamalengke. Kung tatawag sa telepono, hiwalay na lakad iyon – hiwalay na oras, hiwalay na pamasahe at hiwalay na badyet pangkain. Bukod pa sa halagang ipambabayad sa pagtawag. At mahal iyon, dati. Pero, minsan, may mga mensaheng hindi pwedeng daanin sa sulat dahil ang sulat noon ay dalawang linggo pa bago makarating. Kaya, kailangang itawag sa telepono.

 

image of a landline phone in the '80s, borrowed from t0.gstatic.com

Bihira ang mayroon nito dati /indiciumtechnology.co.uk

Sa lungsod na malapit, dalawa ang teleponong ipinapagamit sa publiko nang may bayad o commercial landline phone. Natatandaan ko pa, ang isa ay sa main avenue kung saan andoon ang pioneer businesses ng lunsod. Ang pangalawa ay medyo malayo, halos dalawang kilometro mula sa city proper, katabi ng dating bodega ng Pepsi sa probinsya namin. Sa mga iyon kami noon pumipila para tumawag ng long-distance.

 

 

Pagdating nyo roon sa tawagan, pangwalo o pansampo kayo sa pila. Okey lang. Intay-intay lang kayo. Kwento-kwento, ganyan. Panay ang tingin nyo doon sa kasalukuyang nakasalang sa telepono. Na kung tutuusin ay taong naghihintay din. Bakit? Kasi, wala naman noong automatic connect o iyong direct dial sa ngayon. Ang una mong ida-dial noon ay ang numero ng phone operator ng lungsod. Pagkabigay mo sa kanya ng numerong gusto mong tawagan, sasabihin nya sa iyong ikokonekta ka nya pero maghintay ka lang ng kanyang tawag pabalik. Aalamin muna nya kung bukas ang linya ng lugar o lungsod na iyong tatawagan. Na ang ibig sabihin ay tatawag pa sya sa kapwa operator na siya pang magku-konekta sa teleponong gusto mo mismong tawagan. Kaya matagal ang hintayan.

 

Gaano katagal, kamo? Average ng kalahating araw. Minsan, lampas pa. Kaya kailangan nyo nang kumain o mag-meryenda sa malapit. Pag ganoon, dapat may dala na kayong babasahin o kaya ay notebook para makapaglista  na ng mga gagawin o makapagkwenta  na ng ginastos – habang nasa pila. Pagkalipas ng, sabihin na natin, mga tatlong taon sa iyong palagay, kayo na. Kayo na ang hahawak sa itim na mabigat na aparatong ang dial set ay pabilog. Kausap nyo na si operator, naibigay nyo na ang numerong inyong tatawagan at sinabi nya nang iku-konekta nya na kayo.Antay kayo ngayon ng tawag nya pabalik. Ayan na, tumawag na. E, di sinagot nyo. Excited na kayong makausap si kapamilya, parang nauulinigan nyo na nga ang boses.

 

Pagkatapos ng dalawang hello, biglang mare-realize ng magkadikit ninyong tenga ng kasama mo, na si operator pa rin pala ang kausap ninyo. At ang sabi, maghintay kayo, tatawag siya uli. Busy pa kasi ang linya.

 

image of a hung phone, borrowed from t2.gstatic.com

Kailangan ang pasensya /psc.state.wy.us

 

20 responses to this post.

  1. lam mo sobrang nagtatanong pa din ako sa sarili ko kung paanong naka communicate ang tao sa buong mundo na walang telepono/cellphone

    tapos ngayon naturingan may mga telephono na hindi pa rin magkaintindihan..

    tulad sa meeting place.. ang dami paring anga anga kung saan magkikita hahaha bitter ako.. may naalala bigla.

    ang malala late pa.

    Tugon

  2. hello, otep. salamat at napadaan ka ulit.😀

    parang ano yata, pag walang telepono ang isang tao, limitado ang bilang at range ng taong nakaka-communicate niya. karamihan ng kanyang nakakausap ay sa level lang ng kanyang village. medyo disconnected o insulated sya sa communication na nagaganap sa ibang parte ng mundo. parang ganoon. he, he… sana may sense sinabi ko.

    yong pangalawang tanong, i-pose mo kay ms. kaye, siguro. parang medyo mas alam nya ‘yon.

    hay, agree ako sa 3rd pt. pero, para sa ‘kin, ang pinaka-useful na gamit ng cellphone ay pag nagkikita kayo ng kausap sa labas hal, sa mall. he, he… tama ka ro’n, nasa loob na kayo pareho ng iisang bldg., mga 30 mins pa kayong tawag at text bago mag-EB. ang saya :]

    no comment ako sa late, hi, hi… salamat uli. have a good week.😀

    Tugon

  3. I understand some Tagalog, but I am not confident in writing it. I hope you don’t mind.

    Anyway, we had a phone when we were little. We weren’t rich or anything, we just had a phone😀 So it’s place up real high so the kiddos don’t reach it. It has it’s own ‘cover’ so that it doesn’t get dirty. And we had to shout into the mouthpiece so that the person on the other line (international calls) could hear us.

    Of course, the operator would eavesdrop too😀

    Tugon

  4. hello, ms. nadia. wow, you know tagalog.😀 you stayed in QC quite long?😀

    thank you again for your visit. i like your story about your old phone. sounds like an even earlier era, just like in the period films.

    was your phone similar to that in the movie where the lead role was played by angelina jolie, that one where she was an AT and T operator whose child suddenly got lost? forgot the title of the movie. :c

    btw, i like how you narrate your stories in your posts. you have a voice there that is quite relaxing. :]

    Tugon

    • Yep, I’ve stayed long enough in QC to pick up some Tagalog🙂

      I’m not sure which Angelina Jolie you were referring to, but the phone I remember from my childhood is similar to the picture you posted here. It’s just that international calls require much shouting those days😉

      Tugon

      • wow, you pick up so well, ms. nadia. am really impressed.😀

        the angelina movie is titled Changeling, released in 2008. the setting was in Wineville, California, 1926.

        that movie reminds me of call centers. the employees, housed in an office, all receive and facilitate calls. its operation/set up looked a bit like its the pre-cursor of the call center office as we see today.

        the phones in the movie were the big, elaborately designed, gilded-type units.

        anyway, sorry for the allusion.:s 1926 phone must be quite different from the 1980s phone above that we’re both familiar with.😀

        thank you again for coming over and for your comment. :]

  5. ang hirap talaga ng komunikasyon noon? totoo yan… ang pinakamabisa sa amin noon ay sulat. kasi wala ding telepono sa mahal namin sa buhay na nasa malayo. Sa bawat pagdaan ng kartero may excitement na nararamdaman. Lalo na pag may kapalitan ng love letter.. Ramdam lagi ang bawat linynang binabato sa sulat..

    Hindi tulad ngayon, pag may mensaherong dumadating sa bahay, isa lang ibig sabihin, bill iyan. Ngayon, isang linggo ang tinatagal ng ligawan sa text messaging..

    ang binago ng teknolohiya natin ngayon eh ang paguugali at kultura ng tao.. pero kasabay din naman noon ang pagalwan ng bawat gawain..

    magandang araw po🙂

    Tugon

  6. magandang araw, banjo.

    natutuwa ako sa mga komento mong usually ay insightful. parang matanda ka na kung magsalita… btw, compliment yon, ha?😀

    ang husay ng obserbasyon mo re: sulat ngayon ay karamihan ay bills na lang. hindi na excitement ang dala ng kartero, pressure na, ha, ha…😀

    see you sa ‘yong bahay. :]

    Tugon

  7. Noong elementary ako, excited akong makatanggap ng sulat…
    Pero noong naghayskul at college ako, hindi na masyadong uso eh…
    Idinaan na po kasi sa txttxt.

    Tugon

    • hello, prinsipe. salamat sa pagdaan.😀

      bata ka pa nga pala, may text na no’ng HS ka. :]

      noong elem at HS kami, uso rin ang mga sulatan-sulatan na ganyan pero karaniwan ‘yon noon. e. kayu-kayo rin lang ‘yon, kumbaga. ang itsura no’n ay parang nagbibigayan kayo ng testimonials sa isa’t isa pero kayu-kayo rin ang magkakasama araw-araw, he, he…

      noong college kami, medyo may ganyan pa rin except mas magaganda na ang papel at pens na gamit, haha…

      etong sa landline phone ang medyo tumatak sa ‘kin dahil dati ay very useful sya sa pamumuhay. ngayon, halos ang gamit na lang ng landline ay para um-order ng purified H2O, tumawag sa laundry at para magreklamo sa serbisyo ng credit card co. at cable. ang ganda, di ba? hehehe…😀

      thank you uli.

      Tugon

  8. Ganyan din sa amin noon, pero di naman masyadong kalayuan ang may telephono at mayaman lang ang meron, kung tutuusin, may magandang dulot ang walang telephono, mas tahimik buhay mo pero sa kabilang banda mas madali ang komunikasyon ngayon. hindi ma gets ng mga kabataan ang unang panahon na wala pang text at chat.

    Tugon

    • hello, kiko. medyo blessed pala kayo, may kalapitan ang telepono sa inyo. :]

      anyway, illustrative lang naman itong post. kumbaga, silip sa isang panahong ganito pa ang pamumuhay ng mga tao. related pa rin ito sa previous topic/post dito sa amin.

      in the same manner siguro na ‘yong mga medyo may edad na e, di na makuha kung bakit adik na adik sa technology ang kabataan ngayon.

      gaya last week, yong isang niece namin, nanguna-nguna sa pag-ayang mag-dinner sa isang restaurant so, punta naman kami. halos buong dinner, nag-a-i-touch lang sya na parang wala kami roon. hayon…😀

      Tugon

  9. basta ako, wala ngayong cellphone dahil nasira ang sa kapatid ko, pinahiram ko muna yung sa akin, hehe.

    walang cellphone pero may internet.🙂

    pangarap ko ding makatanggap ng snail mail ngayon [puwera bills], huli nga din akong nakatanggap, highschool pa ako nung huli.

    at dagdag pa pala, naalala ko dati ang tatay ko, pupunta pa sa bayan [poblacion] dito sa amin sa probinsya para tumawag sa telepono, meron kasi dating parang center na doon pwedeng tumawag, datelcom pa yung telepono no’n dito sa amin. mayayaman lang merong landline sa bahay.

    (at dahil diyan, gumawa na ako ng blog sa comment ko, hehehe)

    magandang gabi po!🙂

    Tugon

  10. hahaha…😀 don’t worry, mas natawa ako sa impromptu blog mo, narsmanang.

    may experience akong ewan ko kung related. minsan, nagbakasyon ako sa probinsya ng friend ko sa north, isang linggo mahigit. ihinabilin lang ako ng kaibigan kong lalaki sa mga kamag-anak nya tapos iniwan na ako para magtanim ng tabako at makipamuhay doon. ang siste, isa lang sa buong community ang marunong mag-tagalog. ilocano na lahat ng nakakahalubilo ko. medyo napi-pick up ko naman ang ibang salita, ang iba, hindi.

    anyway, noong malapit na akong umalis, may medyo nagka-crush pala sa ‘kin. may itsura sya pero, maitim [ilocano nga] hala, e di masaya, ano? e, pag-alis ko, binigyan ako ng sulat, in ilocano lahat. pagbalik ko sa maynila, kailangan ko pang maghanap ng dictionary para ma-translate ang mensahe nyang may kahabaan. it turned out, maayos naman pala ang laman. parang nagpapakilala lang sya at sinasabi nya saan sya nakatira sa maynila at baka raw pwede pa uli kaming magkita in the future, etc. etc…

    hindi ko alam kong paano nya ako napansin dahil second day pa lang sa pagbibilad ng tabako, feeling ko, mas maitim na ako agad kesa sa kalabaw. :s

    salamat sa ‘yong pagdaan. sa uulitin…😀

    Tugon

    • uuuyyyyy… lablayp. hehehe. iba pa din ang pakiramdam ng makatanggap ng sulat kesa sa mga emails, text at tawag.🙂

      Tugon

      • haha… hindi lablyp yon. walang nangyari banda ro’n. kumbaga, hindi yon ang sulat na nakakakilig, iba. hahaha…

        since nga inabutan ko pa ang panahong uso ang sulatan, oo, marami pa akong sari-saring sulat na natanggap. hindi ko rin nga lang naitago lahat. di ko naman alam na magiging obsolete pala ang sulatan sa papel.

        ang kaibahan? ‘yong ramdam mo na personalized ang mensahe.😀

  11. […] Sa Busy ang Linya, dalawa ang paksang tinalakay – una, ang panahong naka-depende pa sa sulat sa koreo ang mga tao at ang tagahatid ng sulat ay itinuturing na mahalagang tao sa malalayong lugar. Ikalawa, ang mga dekadang ang pagtawag sa telepono ay isang importante, pinaglalaanan ng panahon at kinasasabikan pang activity ng mga tao, long-distance pa noon lahat ng tawag at operator-mediated pa, hahaha. Those were the days… Iyon yata ang panahong ang laki-laki pa ng mundo, malayong-malayo  pa ito sa fingertips. Kabaligtarang-kabaligtaran ng salespitch sa ngayon – abot na raw ng sinumang electronically-connected ang lahat, sa kahit saan… Ang Baku-bakong Kalsada sa Aming Nayon ay isang pakikipag-tuos sa sarili, maaring sabihin… Dito ko inilatag ang mas malaking tanong ukol sa sama-samang pag-unlad – bakit rugged and uneven ang paths to development? Kung madrama, pasensya naman, mga kapatid… […]

    Tugon

  12. TelePono…
    Buti pala noon ang tatay ang taga-ayos ng linya ng telepono sa kampo, kaya meron sa bahay, lalo na at kailangan nila si tatay.. Wede namin gamitin sa “outside line” ( yun tawag nila ehhe) tatawag sa operator ng isang kampo at mkikisuyong iconnect sa number n ibibigay (bawal telebabad dahil may ka-party line na opisyal hihi).

    Minsan hinahanap hanap ang sulat na may selyo …. Text , tawag at email na ngayon.. Nakakamiss ‘yong masasalubong si manong kartero at kukulitin kung may sulat bang ihahatid sa inyo … ^_^

    Tugon

    • hello… ahaha, maganda pala ang inyong buhay, kahit nasa liblib – attached sa kampo ang kabuhayan ninyo. at mukhang masipag din at dependable si papa mo. ahaha, kayo na ang may phone sa baryo – maunlad… at techno-savvy pa ang tatay.🙂

      ay, oo, nakaka-miss ang sulat na may selyo. minsan naman, nakakatanggap pa ng business letter na meron nito – yong letters na di minamadali, hihi. ahaha, sa probinsya, may luma pang kartero… sa city, mga naka-motor at medyo modern couriers na sila – nakaka-miss nga ang luma, hehehe.🙂

      salamat sa pagbabasa nito, ha… have a good day, froggy.🙂

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: