Ipaghele Mo Ako, Inay

cartoon image of mother and child, borrowed from t2.gstatic.com

Pagmamahal na walang kapantay /microstockphoto.com

Gaya nang dati, ipaghele mo ako, Inay. Haplusin mo ang aking buhok at awitan mo uli ako ng Dandansoy. Ihihimlay ko sa iyong dibdib itong pagal na damdamin at dadampian mo ng halik ang aking ulo. Ibubulong mo sa aking andyan ka lang, pasasaan ba’t maayos din ang lahat.

 

Tatapikin mo ang aking braso, idadantay ko ang aking kamay sa iyong palad na pinakapal na ng panahon. Titingala ako sa iyong mukha at hahanapin ang mga sagot – mga sagot sa tanong ng buhay.

 

Bakit hindi nila ako maintindihan? Bakit hindi ako makasabay? Bakit laging kulang? Bakit malayo pa rin nang akala ko’y malapit na? Bakit mahirap ang mga pagsubok? Bakit mas madaling sumuko?

 

catoon image of a child in her mother's lap, borrowed from t2.gstatic.com

Walang hinihinging kapalit /vidyab.blogspot.com

Tanging mga sutsot at kabig ang isasagot mo sa akin. Ipaparamdam mong sagrado ang pananahimik. Sasabihan mo akong magpahinga; hindi kailangang sabay-sabay. Hindi kailangang laging pasugod; minsa’y kailangan ding huminto at namnamin ang sakit – bago pumalaot muli sa laban.

 

Saan ka kumukuha ng tapang, Inay? Paano ka pinapanday? Bakit hinutok ka na ng mga hampas at dalamhati subalit matatag pa ring nakatayo? Bakit ako’y hinipan lang ng hangin at dagling napadpad sa kung saan?

 

Ipaghele mo ang isip kong tuliro, Inay. Isasandal ko sa iyong bisig ang katawang nakarating sa malalayong sulok at naligaw. Umalis akong pabaon mo’y pagmamahal; bumalik akong tanging bitbit ay alikabok at kalituhan.

 

Lagi mong sinasabing piliin ko ang tama at matuwid. Wika mo’y palitan ng sipag ang naiipong galit. Piliting unawain ang kapwa at huwag magmatulin. Matutong magpakumbaba at magparaya sa iba. Kamo’y pana-panahong makinig ng musika.

 

Iba ang mundong nakita ko sa dako roon, Inay. Maingay iyon at nagmamadali. Kung minsan nama’y naiinip, nagwawala at nalalango. Mabilis lang ang pagyakap ko sa mga dagundong, nakabibighaning kulay at pagbabalatkayo. At sa matagal na panahon, nalimutan ko ang landas pabalik.

 

Nakauwi na ang anak mong naparam – balisa, sakbibe ng takot at pag-aalinlangan. Umaasang sa pagdaong, siya ay mahihimlay. Sa kandungan mong duyan, doo’y muling matatagpuan – lakas ng loob, kapayapaan, pananalig.

 

image of mother and child walking, borrowed from t0.gstatic.com

Sa kanya tayo lagi bumabalik /faithclipart.com

 

Ipaghele mo ako, Inay. Gaya nang dati.

 

Possibly Related Posts:

Pag Nagkakasakit

Bahay-bahayan, luma at bago

 

6 responses to this post.

  1. Prodigal son? hehehe…

    sa kaway ng karangyaan, sa kaway ng nakabibighaning ganda ng kapaligiran, nagiindakang ilaw, panandaliang kasiyahan.. na sa malayo lang nakikita at hindi nararamdaman. Madaling maaaya ang taong nahahangad ng bagong karanasan. Susubok ng hindi alam ang patutunguhan, magigising na lang sa matagal na akala ay panaginip subalit isa pa lang bangungot. At sa huli, babalik din sa pinanggalingan.

    Sa pagkakataong ganito, subok ang pagmamahal ng isang magulang.

    magandang araw ..🙂

    Tugon

  2. siyempre naman natouch ako dito…

    Tugon

  3. hello, dhang.

    maigi at nagustuhan mo itong post. lab tayo ng mga nanay natin kahit mas madalas, we’re too busy to notice na sila lang pala talaga ang taong talagang umiintindi sa atin ng walang pag-aalinlangan, ‘ika nga.

    i wish you and your mother well.😀

    Tugon

  4. […] Ipaghele Mo Ako, Inay Like this:LikeBe the first to like this post. […]

    Tugon

  5. This is a very beautiful article.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: