Bentahe Ng Nabebenta

image of a farmer spraying fertilizer on land, borrowed from t2.gstatic.com

Inihahanda ang lupa bago taniman /keys.lucidcentral.org

Ang pagtatanim doon sa amin ay may dalawang layunin. Una ay para may makain ang nagtatanim at kanyang pamilya o iyong tinatawag na subsistence farming. Ang ikalawa naman ay ang pagtatanim ng mga halaman para ibenta sa pamilihan na tinatawag namang cash cropping. Sa amin, sa pangkalahatan ay una munang tinitiyak ang mga batayang pagkain ng bawat pamilya bago ang pag-aasikaso ng mga pananim na pagkakakitaang siya namang pagkukunan ng pambili ng iba pang mga pangangailangan.

 

Ang pangunahing subsistence crop sa amin noon ay palay. Kasunod nito ay ang mais, saging, kamote at kamoteng-kahoy. Ang mga gulay at prutas na nakatanim sa likod at paligid ng bahay ay para rin sa pang-araw-araw na konsumo ng pamilya. Ang aning palay, kung maliit ang palayan, ay para sa pagkain lamang ng nagtatanim. Subalit para sa mga malalapad ang lupa, mas malaking bahagi na ng aning palay ay dinadala sa pamilihan.

 

image of a cornfield, borrowed from t1.gstatic.com

Pambenta at pampakain sa mga hayop / biotechphilippines.blogspot.com

Ang aning mais sa amin ay paboritong ilaga ng mga tao para pangmeryenda sa panahon mismo ng anihan. Ang isa pang silbi ng mga butil na ito ay bilang pakain sa mga alagang hayop. Ang isa pang mahalagang gamit nito ay bilang binhi para sa susunod na taniman. Maliban sa mga nabanggit, sa kalakhan, ang aning mais doon sa amin ay dinadala sa pamilihan o pambenta.

 

Maliban sa palay at mais, marami pang mga tanim na halaman sa amin ang itinatanim bilang kalakal o cash crop. Ang mga ito ay ang bunga ng niyog, papaya, mangga, abokado, lansones, langka at dalandan. Sa mga gulay naman, itinatanim rin para pambenta ang kalabasa, ampalaya, sitaw, upo, talong, pipino, okra, sili at mga talbos ng halamang gumagapang. Sa mga halamang ugat, ang luya, ube, kamote, gabi, kamoteng-kahoy at luyang dilaw ang rootcrops na itinatanim ng mga tao sa amin para maipagbili.

 

image of bitter gourd plant, borrowed from t3.gstatic.com

Berde ay pambenta; Pula ay binhi / dxupfm.i.ph

image of lansones tree heavy with fruits, borrowed from t2.gstatic.com

Pambenta ang mga bunga /batangueno.net

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Noong 50s at ‘60s, maraming lupain daw sa amin ang tinaniman ng dalandan at iba pang uri ng citrus plants. Subalit nagkaroon ng peste sa pananim na ito kung kaya noong ‘70s, pinalitan sila ng niyog at kape. Medyo naabutan ko pa ang panahong ito at ang mga halamang kalakal na ito. Noong ‘80s, bagsak na ang presyo sa pamilihan ng mga produktong kape at niyog. Maraming puno nila tuloy ang naabutan ko noong pinuputol para bigyang-daan ang pag-e-eksperimento sa paminta at luya bilang pananim na kalakal.

 

Ano ang mga dapat tandaan pag nagtatanim ng mga halamang pangkalakal? Una, dapat ay may impormasyon ang magtatanim sa pangangailangan o demand ng pamilihan para sa produkto o kalakal. Kung sobrang dami na, halimbawa, ang may tanim na kalabasa, parang nakakatiyak na ang magtatanim na pagdating ng anihan, babagsak ang presyo nito at malulugi lamang. Ikalawa, dapat ay angkop sa lupang pagtataniman ang variety o cultivar ng halamang gagamitin sa pagtatanim.

 

image of squash plant, borrowed from t0.gstatic.com

Humahalik sa sahig ng lupa / agripinoy.net

Gayundin, dapat ay kayang itanim at palaguin ang halamang kalakal nang maramihan at sabay-sabay ang pagbunga, gayundin ang pagkahinog o pagkagulang ng ani. Isa pa, hanggang maaari, standard dapat ang size and quality ng ani o produce. Pag pantay-pantay ang ani, naibebenta ang kalakal sa mas maayos na presyo. Subalit kung hindi pantay ang hugis, laki at pagkahinog ng produkto, bumababa nang husto ang halaga nito at hindi naisusulit ang puhunan ng nagtanim.

 

Ang karamihan ng mga kalakal na gulay sa amin ay ibinebenta lamang sa pamilihan sa bayan at sa dalawang kalapit na lunsod. Pag panahong marami at maganda ang mga ani, umaabot ang ibang kalakal sa malalayong pamilihan gaya ng Paco market at Pasig market. Ang  ani ng niyog naman ay ibinebenta sa nag-iisang copra processor lamang doon sa lugar namin. Dinadala naman niya ang na-prosesong kopra sa kalapit na probinsya kung saan may pabrika ng mantika at mga produktong langis. Ang kokonti nang ani ng kape sa amin ng mga panahong iyon ay dinadala rin sa kalapit na lunsod kung saan sila ay ginigiling para maibenta sa palengke.

 

Crucial ang papel ng mga mangangakal o viajeros sa paglilikom at pamimili ng mga produktong kalakal doon sa amin. Sila ang umiikot sa mga bahayan at bukirin para alamin kung may mabibili silang kalakal. Sila rin ang nakakaalam ng presyo sa pamilihang bayan o lungsod. Alam rin nila ang produktong susunod na aabangan sa pamilihan, impormasyong ibinabahagi rin nila sa mga magsasaka para maihanda na ang lupa at binhing gagamitin.

 

image of farmers harvesting vegetables, borrowed from t3.gstatic.com

Pag-aani ng mga gulay na ibebenta /agnet.org

 

Noong panahong iyon, hindi pa sementado ang mga daan sa amin at putikan pa madalas ang mga daanan papasok sa mga bukirin. Sinusuong iyon ng mga viajeros at viajeras doon sa amin. Mayroon sila doong tinatawag na tampahan o bidding. Ito iyong proseso ng pagne-negotiate ng presyo ng kalakal ng nagbebenta at ng mangangalakal. Sa umpisa ay may pagtatalo sila pero kadalasan ay nauuwi rin sa bilihan. Matapos mabayaran ang produkto, ilalabas na ang mga iyon papunta sa kalsada. Kadalasan doon sa amin, pinapasan sa likod o sa ulo ang mga kalakal na inilalabas pa-kalsada.

 

image of an old woman carrying her farm's produce, borrowed from t0.gstatic.com

Sunung-sunong para mailabas sa kalsada /

Pag madaling araw doon sa amin, marami kang makikitang mga prutas at gulay na nakalagay sa mga kaing, ang iba naman ay mga nakatali at ipinatas nang mahigpit, ang iba ay patung-patong lamang – nakahilera sila doon sa mga gilid ng kalsada ng nayon. Walang nagbabantay sa kanila at wala ring kumukuha. Andoon lamang sila. Nag-aabang sa pagdaan ng trak ng viajeros na dadaan sa pagitan ng alas dos at alas kwatro ng madaling araw. Ang mga mangangalakal, kung tutuusin, ang mga taong unang nagigising at bumibyahe, doon sa amin.

 

 

 

 

 

 

image of upo, borrowed from t3.gstatic.com

Naghahantay sa pagdaan ng trak /foodrecap.net

image of bitter gourd pile, borrowed from t3.gstatic.com

Pantay-pantay ang hugis at laki /agripinoy.net

 

 

 

 

 

 

 

 

Note:

Ang inilalarawan dito ay ang mixed cash crop farming sa aming lugar na sakop lamang ng kalakalan sa antas probinsya. Iba ito sa cash crop production sa ibang bayan na ang produkto ay dinadala at umaabot sa antas ng kalakalang pambansa. Lalo’t higit, kakaiba ito sa monocrop agriculture na matatagpuan sa mga lugar na gaya ng Bukidnon na ang pangunahing tanim ay pinyang pinoproseso sa lokal na antas ngunit ipinagbibili sa pandaigdigang pamilihan.

 

Please see:

 

http://en.wikipedia.org/wiki/Cash_crop

http://www.countriesquest.com/asia/philippines/economy/agriculture_forestry_and_fishing.htm

http://www.fao.org/DOCREP/003/X6906E/x6906e0a.htm

http://www.traveldocs.com/ph/economy.htm

 

Possibly Related Posts:

Bago Makapag-ani

Bakuran Natin

 

9 responses to this post.

  1. magandang impormasyon .. katulad din dito sa amin noong mga panahong iyon, ganyan din ang kultura. Ang saging ang malimit na maging kalakal dito sa amin dahil ito ay hindi bumabatay sa panahon. Di gaya ng ibang kalakal tulad ng pinya, mais at iba pa. May panahon kung kelan itatanim. Ang pangunahing produkto nga pala dito sa amin ay kape.

    magandang araw, maganda ang impormasyon ninyong nasabi..🙂

    Tugon

  2. hello, banjo.

    buti pa kayo at marami pang kapihan.😀 sa amin ay naubos na ang palayan, maisan at kapihan. paminta ang ipinalit ng marami dahil mas competitive daw ang presyo sa pamilihan at pwede pang iimbak nang matagalan.

    in the far future, balak kong gumawa ng post tungkol sa ugnayan ng maliliit na kabuhayan sa pambansang ekonomiya at sa pandaigdigang kalakalan. sana matuloy ‘tong kabalakang ito, hehe…

    salamat sa pag-appreciate at sa madalas mong pagsilip dito.😀

    Tugon

    • nakakalungkot isipin, pangunahing produkto pero hindi ito ang pangunahing kinabubuhay ng tao dito sa amin. ang ibang kapihan, pinatag at ginawang pinyahan, dahil habang lumilipas ang panahon, umuunti ang bunga ng kape. Para sa may kaya sa buhay, ang kape ay nananatili sa kanilang taniman. habang sa ibang tama lang ang kinikita, napipilitang patayin ang kape at palitan ng iba. at yun nga, ang pinya ang kanilang alternatibo, sa tuwing panahon ng mais, nasisingitan ng binhi ang pagitan ng bawat tanim na pinya. Un nga lang, panapanahon din naman ang alternatibong iyan.

      Kung tulad noon ang buhay na pwede tayong umasa sa ating taniman. Napakasimple lang sana, pero ngayon, dahil na din sa ibat ibang teknolohiyang nagsulputan, apektado ang ating kapaligiran at ang resulta, ang pagbaba ng ani ng ating taniman. Isa pa dito ang pagtaas ng halaga ng ating pangunahing bilihin

      ituloy mo iyan.. aking aabangan.. salamat pong muli.🙂

      Tugon

  3. hi, banjo.

    nakita mo ba ang email ko sa ‘yo?😀

    oo, yon nga ang malungkot, nauubos ang source ng kabuhayan sa mga bukid-bukid at walang gaanong alternative maliban do’n sa ilang nag-aabroad. kung may pang-abroad… :s

    Tugon

  4. […] Bentahe ng Nabebenta […]

    Tugon

  5. […] amin, ginagawa naman ng aming Tatay ang pangangahoy sa gubat pag wala siyang biyahe. Nagluluwas noon ang aming ama ng mga gulay at prutas ang at ibinebenta ang mga iyon sa mga pamilihan sa […]

    Tugon

  6. […] kutsinta, ng dirty ice cream, ng kumot at kulambo at ng labaha at tari, doon sa amin… Ang Bentahe ng Nabebenta, isang silip sa pangangalakal ng gulay at prutas – paanong ang mga ani ay nakakarating sa […]

    Tugon

  7. […] mga byaherong namimili at nagdadala sa mga iyon sa pamilihan, ang isa sa mga isinulat sa DPSA. Bentahe ng Nabebenta ang pamagat, ginawa para ilarawan ang cash crop farming sa munting […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: