Namumulaklak, Namumunga

 

Ganitong buwan kung mag-umpisang mamulaklak ang santol. Naku, makalat tingnan ang mga bulaklak nitong nangalalaglag sa sahig ng lupa. Pero ang ganda nilang masdan habang nakakabit pa sa mga sanga at pinapayungan ng mga dahon.

 

image of santol flowers, first blossom, borrowed from t1.gstatic.com

Nakatikom /radaris.com

image of santol flowers, borrowed from t0.gstatic.com

Iniilawan ang gawa ng kalikasan /flickr.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

image of mature santol flowers, borrowed from t1.gstatic.com

Malapit nang sumuloy ang mga bubot /flickr.com

 

Name: Santol, Kechapi, Lolly Fruit

Scientific Name: Sandoricum koetjape, Sandoricum indicum

Family: Meliaceae

Origin: South East Asia

 

Ngayong dulo na ng Enero, marami nang mga bubot na santol ang makikita – mga berdeng bilog na sinlalaki ng dyolen. Tatlong buwan muna ang lilipas bago sila lumaki nang husto at mangahinog.

 

image of young santol fruit, borrowed from t1.gstatic.com

Munting dyoleng mapakla at madagta /stuartexchange.org

 

Sapaw, iyon ang tawag sa amin sa mga unang bunga ng santol na nahihinog pag buwan ng Mayo. Hindi pa iyon ang panahon ng maramihang pagkahinog. Kumbaga, practice na bunga pa lang. Hunyo hanggang Hulyo ang mismong “panahon” ng santol, mga buwang kung tawagin sa amin ay tag-santol.

 

image of unripe santol fruit, borrowed from t2.gstatic.com

Mapait pa ang banakal /flickr.com

image of ripe santol fruit, borrowed from t0.gstatic.com

Matatamis na ang mga buto /toptropicals.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Habang hilaw pa,  ang bunga ng santol ay karaniwang pang-asim ng isda at karne. Ang mga hinog naman ay parang mangga – kinakaing sawsaw sa asin lang o kaya ay binuburo o pickled. Ginagawa ring minatamis o preserve ng iba, parang kamyas na binababad muna ng ilang oras sa apog bago iniluluto sa asukal o pukyutan.

Pero mas madalas, ganito natin sila nakakasalubong.

 

image of pickled santol fruit, borrowed from t2.gstatic.com
Baka sa kanto, meron /blauearth.co
image of peeled ripe santol fruits, borrowed from t1.gstatic.com

Babalatan, saka aasinan /pinoyexchange.com

 

 

 

 

 

 

 

 

Antay-antay muna. Bubot pa, e…


Please see:

http://toptropicals.com/catalog/uid/Sandoricum_koetjape.htm

http://www.thewisegardener.com/index.php?page=articles&aid=220

http://www.stuartxchange.org/Santol.html

10 responses to this post.

  1. We don’t have santol here in the UAE. I miss these fruits😦

    Tugon

  2. oh, hello, again. i’ll send you some.😀

    we have a santol tree here in manila, its fruits are sweet.
    just saw the first yellowing fruit this morning.

    hope you’ve rested from your trips. thanks for dropping by. :]

    Tugon

  3. samin din madami ganyan, bangkok ang tawag sa malalaking santol.. ewan ko kung bakit bangkok hehehe

    Tugon

  4. hi, banjo.😀

    oo, bangkok din ang tawag sa amin do’n sa malalaking santol. di yata kasi native sa pilipinas ang variety na ‘yon.

    yong maliliit ang mas kinakain sa ‘min. maski mas matamis ang bangkok, di pwedeng lulunin ang buto. at sa ‘min e, santol is not santol pag di nilulunok ang buto. :]

    Tugon

  5. Posted by Kel on Enero 28, 2011 at 9:05 umaga

    nung weekend me nanghingi ng santol sa puno namin. siempre sila na rin namitas. hindi ko na matandaan kailan ko huling natikman ang santol sa amin. pero naalala ko pa na masarap ang santol sa inyo.😀 isang sabado pa wala kang gagawin at wala kang magawa, daan ka sa bahay para makita mo naman si miguel🙂

    Tugon

  6. oh, hai. have a seat…😀

    sumaya naman ako ng makita ko ‘tong message mo. :] btw, ni hindi ko alam na may puno rin kayo ng santol. ang alam ko lang ay meron kayong kaymito. akalain mo nga ‘yon? :]

    sige, isang sabado. ang dami ko nang kasalanan sa ‘yo… :]

    Tugon

  7. santol..marami sa probinsya, binbato lang ng mga bata.. pangkaraniwang prutas lang kasi satin to..

    nung nag-aaral ako ng dendrology madaling i-identify ang dahon nya kase tatlohan.. try mong i-observed ulit.. tapos ang dahon nya may mga bukol-bukol.. isa iyong sakit na normal na makikita sa punong santol.

    Tugon

  8. actually, sa amin din, binabalibag at ibinabalibag lang din namin noon ang santol. mas na-appreciate ko lang sya bilang prutas dito na sa maynila. nagkataon kasing ang tamis, sobra, ng bunga ng punong santol namin dito, he, he…

    sisilipin ko mamaya ang dahon. then, i’ll get back to you for the report on the nature and characteristics of the plant, normal pathologies, etc. etc. hi,hi.. report ako mamaya, boss😀

    Tugon

  9. meron din kaming langka rin kami sabahay. nung bata ako meron din kaming chesa at camachile yata yon. kaso pinutol na nung nag-renovate nung 80s.😀 sabihan mo ko kung kelang sabado ka pwede ha.🙂

    Tugon

    • hello. di mo kasi ako isinasama sa may likod at gilid ng house nyo kaya di ko alam ang mga punu-puno nyo dyaan. :]

      oo, sige, sasabihin ko para di matyempo sa may lakad kayo. kamusta, nagpapakabuting nanay ka ba, he, he…😀

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: