Luntiang Panganib: deconstructing salbehe

 

Hindi po talaga salbahe si salbehe. Nililinlang nya lamang tayo.

gravatar image of salbehe, borrowed from 2.gravatar.com

Nagpapanggap, mapanganib /en.gravatar.com

 Pansamantala po nating pinuputol ang pagtalakay sa mga bagay-bagay doon sa amin para bigyang-daan ang isang babala. May kakatakutang gumagala sa blogesperyo at walang-habas itong naghahasik ng lagim. Makikilala siya sa pamamagitan ng berdeng gravatar na nasa kaliwa. Ang karakter na ito ay isa po lamang prototype, bagay na ekspertong gawin ng nilalang na nasa likod nitong matinding pagpapanggap.

Kung papansinin po nating maigi, in-appropriate ni salbehe lahat ng negatibong katangian ng tao at ikinabit sa kanyang gravatar. Opo, lahat. Anhin ko ba namang magtira ng ilan para sa ibang bloggers? E, hindi. Kinanya nya lahat para sya lamang ang magmukhang cute na cute at nang dumugin ng mambabasa ang kanyang site.

Ano ba tayo sa paningin ni salbahe? Hindi ba tayo’y mga Kristyano rin – may pantay na karapatan at pagkakataon sa mga kahinaan? Hindi ba sumasaya rin naman tayo pag paminsan-minsan ay disente ang sinasabi ng ating site statistics? Pero ipinagkakait sa atin ni salbehe ang mga ganoong pagkakataon. Ang nais nya’y sa kanya lamang mabuhos ang lahat ng pansin.

Sa diwa ng pakikipagkapwa, ibabahagi ko sa inyo ang ilan sa traits na ipinangangalandakang mayroon itong si salbehe at ang totoong scores niya sa mga larangang ito. Iminumungkahi kong sama-sama natin syang ilantad upang hindi na siya tuluyang makapamuksa. Naririto ang ilan sa kanyang claims na huwad:

1. Suplada raw sya sa blog at mabait sa personalpress release. Noong una po akong nagpadala ng fan mail sa kanyang blog ay kagyat niya itong sinagot ng isang email pabalik. Ganito ba ang angkop na kondukta ng isang proper diva? Naitatanong lang naman. Palagay ko po’y malayo pa ang lalakbayin nitong si salbehe para marating nya ang kinaluluklukan ngayon ni Mariah Carey. Hindi nyo maiaalis kung isipin kong di sya mabait sa personal.

2. Kuripot daw syakasinungalingan. Nagkita sila ng blogger na si kat. Ano ang kwento ni kat? ‘Inilibre ako ni ate salbe.’ Kanino po tayo maniniwala ngayon? Naman…

3. Bastos daw ang karakter na itoambisyon. Opo. Kung papansinin nyo ang kanyang mga isinulat, pagkakatapos nyang magsabi ng mga “kabastusan,” may kasunod lagi iyong, ‘bakit, body parts naman ‘yon, ah?.’ Iba po ang bastos sa nangangarap lang maging bastos.

4. Kaladkarin din daw syagimik. Wala pa akong nababasa sa mga isinulat nya, isinulat ng mga kaibigan nya at sa mga iniwan nyang comments na instance, maski isa lang, na sya po ay kinaladkad. Opo. Parati siyang sumasama nang mahinusay.

5. Dream date nya raw ang talentadong blogger na si dukingsatsat, puro satsat. Alam po ng marami, nag-date na sina duking at salbehe. Nag-hotel pa nga sila. May nangyari ba? Sang-ayon sa kanya mismong kwento, na sinusugan pa ng malalapit nyang kaibigan – nada con nada. Hindi niya nailugso ang puri ni duking, sa marahas o malumanay mang paraan. Ni dulo ng daliri ni duking, hindi napagtangkaan ng timid na si salbehe.

cartoon image of two dogs talking, borrowed from t2.gstatic.com

Tanggap ang pagiging karaniwan /whataboutclients.com

Iyan po, mga kaibigan. Pangita ang pagbabalatkayo ng tampalasang si salbehe. Ang ipinagtataka po natin, bakit kailangan pa nyang gawin lahat ito? Bakit hindi na lang siya makontento sa kapalarang bigay sa kanya? Ba’t hindi nya matanggap ang katotohanang isa rin lamang syang karaniwang blogger – masaya na pag may 15 bumisita sa site at may dalawang nag-iwan ng matipid na comment? Bakit po nga ba?

Sapagkat ang nasa likod ng lahat ng ito ay ang maitim na balak ni salbeheng pangibabawan ang blogesperyo. Opo. Una nya nang ginawan ng intriga ang sarili, tila baga gustong talbugan si Kris Aquino.

Ikalawa, inalis nya ang comment section ng kanyang blog nang sa gayo’y magmukhang eksklusibo at pribado ang mga mensahe ng mambabasa sa kanya. Ano po ang ginagawa nya sa ating “pribadong” mansahe? Pana-panaho’y inililimbag nya sa kanyang domain na naka-ugnay sa kanyang anim – opo, anim pa lang sa ngayon – na social networking sites. Hindi siguro katakatakang isang araw, maungusan nya si Mark Zuckerberg sa pangongolekta ng impormasyon ng mga taong walang malay.

Malayo rin po ba kung iisipin nating kinukumpetensya nya si Jessica Zafra? May kaibahan po silang dalawa, kung tutuusin. Si Jessica ay nag-deklara ng personal nyang misyon sa umpisa pa lamang. Itong si salbehe ay hindi.  Kung kaya nga ba tinataya ng mga awtoridad: higit ang panganib at pananalasang maaring idulot nito.

image of butterflies, borrowed from t3.gstatic.com

Maraming istasyon ang pinupuntahan /butterfly-desktop-3d-screensaver.smartcode.com

Sakali pong masalubong ninyo ang berdeng karakter na ito – patalon-talon sa iba’t ibang sites na animo’y paruparong lilipad-lipad – manapa’y ipagbigay alam agad sa kinauukulan. Mas maaga pong mahihinto ang mga likong gawi nitong luntiang panganib, mas makakatulog tayong lahat nang mahimbing. Kailangan po yata siyang ipasok sa rehab nang sa gayo’y ma-flush out sa kanyang sistema ang practice ng arbitrary and undue sensationalism.

Iyan lamang po muna sa ngayon, mga kaibigan. Sa susunod ay babalik na tayo sa karaniwan nating mga paksa – pagtatanim ng halaman, pag-aalaga ng mga hayop at pagpapaunlad sa kanayunan. Lagi po tayong mag-iingat!

30 responses to this post.

  1. parang eulogy ang post mo, pero may tama ka! dapat talagang puksain ang pagkalat ng lagim ni Salbehe.. na adik na ako sa mga post niya : )

    kritikong kiko

    Tugon

  2. wahahaha, kung may lamang sya….sinisigoro ko namang di nya ako malalamangan.. pero friends kami kaya.. I’ll zipped my mouth…hehehehe

    Tugon

  3. si salbehe ngpapanggap na salbahe hehehe… iyan ang original mi amore ko haha!

    Tugon

  4. hi, joyo. :] whoo… mapagpanggap ang iyong amore, hi, hi…😀

    Tugon

  5. Natawa naman ako rito, niregalo ko kay ate ang gamit nya ngayong gravatar. Nagulat lang ako na sakto pala ang kulay na nagamit ko, berde. hahaha!😀

    Nga pala, wala akong pinapalagpas na post ni ate Salbe, aliw na aliw ako sa kanya🙂

    Tugon

  6. jec, sa avatar pa nga lang, pang-inis na itong si salbehe.😀

    at isa ka pala sa mga naniniwalang salbahe si salbehe. ano’ng kailangang paliwanag para makumbinsi kang salba-salbahehan lang sya?😀

    Tugon

  7. nagulat naman ako sa post mong ito, at talagang si salbehe ang subject.

    actually buma-boundary sa utak ko, kalokohan ba ito o may bahid na ng katotohanan na ayaw mo sa kanya.

    ako anoman ang natatagong lihim o balakin ni salbehe, utuin nya na ako. tinanggap ko na syang ganun. eh kung may lime green, mint green si salbehe ay wild green. hehehe

    mabuhay sa inyong dalawa!

    Tugon

    • ah ganun ba, mukhang nalagpasan ko ang tagpo about sa doon po sa amin a.

      mabalikan nga yang lintek na post na yan. hehehehe!

      in fairness, bentang-benta ito.

      Tugon

      • aba e, myth itong pinagtangkaan kong i-deconstruct, nakaugat sa kamalayan ng mga tao, ha,ha… siguro gusto na akong ipabugbog ng mga nasa inner sanctum ni salbehe.😀

  8. hello. hoshi.

    ha,ha… natuwa naman ako sa interpretation mo. nauna si salbeheng gumawa ng kabulastugan sa inyong lingkod kaya sinuklian ko lang ang pabor nya, hi, hi…😀

    down with sensationalism ang theme ng post na isinulat in an uber-uber sensational way. hayon yun. :]

    Tugon

  9. mabait naman ata si salbehe e. ewan ko lang. pero mukhang suplada nga. nagbabackread ako ng mga entries mo. naeenjoy ko. masakit nga lang sa mata ang fonts.

    Tugon

  10. hmmm…kaibigan ko rin si salbe at lahat pwera sa isag bagay ay tama. Hehehe. Ano kaya yung mali? Hmmm…palagay ko dapat mo yan itanong kay salbe. Magkukuwento naman yun e. Haha!

    Nice way of deconstructing salbe.🙂

    Tugon

    • hello, kaye. salamat sa pagdaan uli.

      sabi ko na nga ba, pag minadali, may lalabas at lalabas na kulang o mali, e, tsk,tsk…ibulong mo na sa ‘kin yong mali.😀 hindi na ako pwedeng magtanong kay salbehe matapos ko syang salbahe-hin nang gano’n gano’n na lang… :]

      inaantay ko na nga lang, sugurin ako ng ponglibong fans and followers ni salbehe, e. so far, puro pledge of allegiance to her pa lang ang lumalabas. pero, kabado ako. legions ang readers ni salbehe at tapat lahat, sa pagkaalam ko, hi,hi..

      thanks for dropping by and for appreciating the effort.😀

      Tugon

      • hey, kung aawayin ka ng mga kaibigan ni salbe, it means na medyo hindi nila na-gets ang gusto mo sabihin. I call what you wrote verbal irony. It was actually very creatively written and as a good friend of Salbe, I actually envy her for this. hehehe. Somebody took the time to deconstruct her in a nice, creative way. Keep writing and entertaining us.🙂

  11. hello. mang poldo. salamat po at naligaw kayo dito.😀 sige po, basa-basa lang kayo. pasensya na po sa font. :s hayaan nyo ho at pag-aaralan ko paano magpalit ng mas eye-friendly na font.

    mabait rin ho si salbe sa impression nya sa ‘kin. ako lang po ang walang magawang magaling na nanalbahe sa kanya. bad ho ako. iniisip ko na nga ho kung anong karma ang babalik sa ‘kin itong mga darating na araw.😀

    salamat po uli sa pagdaan. “]

    Tugon

  12. hello, kaye. nakaka-comfort ang mga sinabi mo. maraming salamat. i hope more people will see it that way, including salbe.

    nakuha rin ni kritikongkiko. balak ko na sanang alisin that same night dahil nga baka mag-cause lang ng kung ano. but then i saw kiko’s response and thought, ah may naka-gets. kaya ‘yon, binasa ko na lahat ng posts ni kiko na pipito naman yata, hi, hi… hai, kiko, bless you😀

    thanks, kaye. i’ll write you some other time pag hindi na ako kinakarma, he,he…😀

    Tugon

    • no prob. Just keep writing. actually I just don’t have much time to blog hop kasi naghahabol ako sa trabaho because I was on leave for a week, but I will backread here when I get the time.🙂 God bless.

      Tugon

  13. ha, ha… binati ng kristyano ang pagano.😀 sweet naman no’n.

    nagba-back read din ako sa site mong predominantly english na may sprinkle ng tagalog – tama ba? :d so far, mas nagugustuhan ko ang mga tagalog, hehe… trabaho muna, magbawas ng papel sa ibabaw ng desk :]

    Tugon

    • hehe pagano ba kamo?

      sorry, I blog predominantly in English kasi yan talaga ang medium ko ng pagsusulat dito sa trabaho. Pero paminsan minsan may mga Tagalog akong posts. Actually, lately nga puro Tagalog ata ang posts ko kasi may nagreklamo sa akin na kaya daw ayaw nya ko puntahan dahil sa medium na ginagamit ko. Ang akin, to each his own. Kung san ka masaya e di go lang. Kung may laman naman ang sinasabi mo, palagay ko babasahin at babasahin ka ng mga kablog mo.🙂

      Tugon

      • oo, ako, pagano.

        you don’t have to apologize for writing in english. binabasa ko ang english posts nyo ni vajarl. but i find both your tagalog writings funnier than the ones in english. pero, tingin ko lang ‘yon, ha? at saka, compliment ‘yon.😀

        btw, dahil dito sa nangyari, baka maggawa na rin ako ng blog in english. iba ang magiging boses ko do’n, he, he…

        dito kasi, pormal ang tagalog ko, e. di kagaya ng tagalog as it is actually used and spoken. matagal na rin kasi akong malayo sa bukid, di ko na gaanong makuha ang kung paano ito salitain ng mga tao doon sa amin. but i will try.

        salamat sa pagdalaw muli.😀

  14. […] niya si Essy, kung paano mabigo sa pag-ibig at kung ano ano pa, may ilang bloggers na nga nag post tungkol sa kanyan kaya siya na ang […]

    Tugon

  15. Posted by gnehpalle02 on Marso 14, 2011 at 6:35 umaga

    ahaha,, natuwa ako sa pagdeconstruct mo kay bb. salbe. ikaw na ate ang creative sa pagsusulat. ikaw na… ahahaha, hailaveyt!😀

    Tugon

  16. haha. salamat ng marami, lian. lab na ata kita, little sister.

    na-gets mo ‘tong post ng walang pag-aalinlangan. marami-rami ata ang nag-isip na ito ay isang paninira kay salbehe. ‘indi, davah?

    your comment just made my day. ingat ka lagi.😀

    Tugon

  17. Posted by gnehpalle02 on Marso 15, 2011 at 2:57 umaga

    ang kulit nga eh, madali naman syang makuha eh.😀
    paninira? i don’t think so. Sa pagkakaintindi ko is ur trying to tell the readers na hindi talaga sya salbahe gaya ng kanyang gustong palabasin. Tama ba ako ate? Ang galing talaga ng pagkakasulat😀
    haylabshu ate! keep on writing! Aja!!

    xoxo

    Tugon

    • hala, sabihin mo ‘yan kay ate salbe mo. kahit yata kasi siya, nag-isip na sinisiraan ko sya dito sa post… :s

      saka, hindi lang si salbehe ang may gustong palabasing salbahe sya kundi pati tayong readers mismo. we seem to want to have somebody na may guts para gawin ang mga ginagawa at sinasabi nya sa posts. we’ve come to love the sensationalized version of her kahit alam naman nating she’s just a funny, warm and friendly person. gano’n.

      salamat sa pag-appreciate mo sa pagkakasulat nitong post. am more or less sure now that you’ve a solid background in writing, hehe.😀

      Tugon

  18. Posted by gnehpalle02 on Marso 15, 2011 at 5:38 umaga

    “hala, sabihin mo ‘yan kay ate salbe mo. kahit yata kasi siya, nag-isip na sinisiraan ko sya dito sa post… :s” – naku hindi naman po siguro ate. Tama po kayo sa inyong tinuran isa po syang mabuting tao.

    Sa aking palagay ate kahit naman po hindi ako exposed sa tamang pagsusulat ng sulatin ay malalaman ko naman po kung patama ito. Nung binasa ko po ito wala po akong naramdamang kaangasan katulad ng mga post ko sa bahay ko. Ang light ng pagkakasulat sa way na ang kulit. Ito ay opinyon ko lamang.😀,

    Tugon

    • haha, ang bait. paano mo nalaman, na-meet mo na rin si salbehe in person? marami ngang bloggers na nagsasabi. sa ‘kin, di ko pa sya nami-meet pero nababaitan naman ako sa pics nya at saka sa mga isinulat nyang makukulit.

      may patama actually sa post, sa paragraph 13 – yong bakit nya na-publish ang email exchange namin. other than that, pangungulit nga ang the rest. thanks for seeing the post as that.

      for me, marunong kang magsulat – may tikas ang sentences at paragraphs mo. yong tungkol sa angas, ano, bata ka pa naman kaya marami pa talagang ganoon. wait till you reach my age, yang angas ay magha-harden na into cynicism and inactivity, haha…😀

      salamat uli, lian. “]

      Tugon

  19. […] Luntiang Panganib: deconstructing salbehe – ang blogger na si salbehe […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: