Sabi Mo, Lilinisin Mo Ang Kwarto Mo?

image of a girl reading, borrowed from t3.gstatic.com

Masarap magbasa pag malinis ang paligid /allposters.com

Isang taon ko nang sinasabing lilinisin ko ang kwarto ko. Pero, laging pagpag, pispis at usud-usod lang ang nangyayari.

 

Noong kabilang weekend, sa wakas ay natupad ang sabi-sabi. Totoong walis mula itaas hanggang ibaba, punas mula ibabaw hanggang kailaliman at buhatang kai-kainaman ang naganap sa pook na kung tawagin ay sariling silid. May mga pagpapalit at pagdi-dispatsa ring nangyari.

 

Kapuri-puri ang resulta. Hindi ko halos makilala ang lugar. Kamuntik na akong hindi bumagay sa kwarto. Ang dami ko tuloy napagtanto. Ang dami ko ring naging tanong:

 

  • Kung ang kurtina ay panangga sa alikabok, ano ang panangga ng tao sa nangingitim na kurtina?

 

image of dirty curtains, borrowed from t0.gstatic.com

Wala tayong laban dito /tripadvisor.com

 

  • Mas masisipag ang mga gagamba kaysa sa mga tao.
  • Ginawa ang mga sulok ng bintana para maging huling tanggulan ng agiw at dumi.

 

image of a window sill corner, borrowed from t2.gstatic.com

Dito mo sila matututop/tripadvisor.com

 

  • May kakayahang mag-transform ang mga alikabok from particles to granules?
  • Nagkakaroon ng mga kaibigan at kamag-anak ang mga bagay na ipinapatong kung saan-saan langย at basta na.
  • Marami akong gamit na ligaw lang pero may mga kahon ring naghahantay lang malagyan ng laman.
  • Mas marami akong bags kaysa sa kaya at gusto kong gamitin.
  • Ang mga damit na di gaanong isinusuot ay di na nagkakasya sa may-ari.
  • Ang sinop tingnan ng mga sapatos na malilinis at tabi-tabi.

 

image of a shoe rack, borrowed from t0.gstatic.com

Hindi ganito araw-araw /bigsislilsis.com

 

  • Hindi ma-i-impress ang taong makakakita ng kwartong puno ng libro kung napapatid siya sa mga iyon.
  • Nilikha at pinauso ang shelves para ang nakatira ay may malakaran.
  • Tanging ang kama ang naging tapat sa akin at maasahan sapagkat ako ay gayon din sa kanya.
  • Maraming paraan ng pagsasalansan at pagpapatas. Hindi lahat ay nakakatulong.
  • Baโ€™t ang dami kong hangers? Ilang hangers ba ang kailangan para mabuhay ng katanggap-tanggap?
  • Totoo palang nakakabighani ang mesang malinis at walang nakapatong. Baโ€™t hindi ito sinasabi sa balita?๐Ÿ˜‰

 

image of a clean table, borrowed from t2.gstatic.com

Di lang sarili ang dapat palayain sa mga bagahe /olx.com.sg

 

  • Ang silya ay para upuan.
  • Iba ang itsura ng sahig na winawalisan lang, kaysa sahig na pinunasan ding maigi at nilagyan ng floorwax.
  • Malaki pala ang floor area ng kwarto ko. Huli ko nang namalayan.
  • Nakakapagdumi ng kuko ang puspusang paglilinis ng kwarto.
  • Nakakapagpasaya ang malinis na kwarto kahit pa marumi ang iyong kuko.

 

Sabi mo, lilinisin mo rin ang kwarto moโ€ฆ Anoโ€™ng petsa na?ย :D

 

image of a warning signage

Kailangan ng babala/ t3.gstatic.com


19 responses to this post.

  1. Posted by Joyo on Enero 16, 2011 at 4:40 umaga

    hahahaha tama yan mas makakagalaw ka ng mabuti kapag maaliwalas at malinis ang kwarto… parang puso mo lang din yan, kung punong-puno ng sama ng loob, mabigat ang pakiramdam.๐Ÿ˜€

    Tugon

  2. joyo, di naman puno ng sama ng loob ang puso ko pero, nakakasama pala ng loob tingnan ang kwarto ko dati, ha,ha…๐Ÿ˜€

    ay paano, naging busy… busy sa pagba-blog, hi, hi…

    Tugon

  3. sakto kakalinis ko lang nitong jan.15 mula 11pm hanggang 5am (iba pala ang naglilinis ng madaling araw hehehe)

    alam mo iniisip ko sa alikabok hinalaw yung paggawa ng cotton candy. hehehe

    Tugon

    • hah, nawala ang reply ko rito sa comment mo, hoshi. ba’t gano’n? basta, happy weekend, kapatid.๐Ÿ™‚

      Tugon

      • ganun ba sige nga check ko sa mga kagabayan sa dashboard. wag naman hanggang dito mat may problema pa rin ang wordpress.

      • hello, hoshi. salamat sa dalaw at pati roon sa kabila, hihi. ay, nakita ko na, dear. umakyat sya sa bandang itaas, ahaha. matagal nang problema netong dpsa, saan-saan napupunta ang reply to comments, parang nag-iiba ang sequence ng thread? ayon…๐Ÿ™‚ happy Sunday.

  4. ha, ha… ikaw rin? nang maglinis ay may kung anu-anong naisip. cotton candy… i-research mo kaya? baka doon nga?๐Ÿ™‚

    Tugon

  5. ako walang problema sa paglilinis, OC po kasi ako, di ako nakakatulog pag hindi nasa maayos lahat ng gamit ko, ang mga libro ko kalahati inuwi ko na kase di na talaga magkasya sa lalagyan ko tapos nagtatapon din ako ng mga footwears na di ko na ginagamit, iniisip ko nalang na may makakakuha din nun, basta maayos ko silang binabalot bago itapon.

    kaya sa kwarto ko, bawal ang mga makalat..hahahaha

    Tugon

    • naku, OC rin bansag ng marami sa ‘kin. pero nitong huli, medyo nabawasan na lalo ‘yong paghabol sa alikabok, medyo tinantanan ko na, hi, hi…

      saka, kadalasan ay saksakan ng kakalat ng housemates ko. kaya kako, why would i kill myself cleaning after their mess? dagdag na bawas ‘yon.๐Ÿ˜‰

      nitong huli, mas priority ko na lang, pagsisigurong malinis ang common areas – lababo, banyo, hallways, sitting room. di ko napapansing marami na palang books na maaalikabok sa kwarto ko.

      therapeutic noong malinis ko uli ang room ko, he, he…๐Ÿ™‚

      Tugon

  6. ako, kahit anong linis ko ng kwarto araw-araw, magulo pa din. magulo kasi yung room mate ko na kapatid eh. meron kaming laundry mountain sa sahig na iipunin muna namin ng dalawang araw bago ilagay sa laundry basket. hehe.๐Ÿ™‚

    Tugon

    • ha, ha… may kapatid din akong ganyan. naku, ewan ko kung paano nya natitiis. maraming taon kong ipino-fold ang marurumi nyang damit, inilalagay sa hamper. nitong huli, ku, bahala na sya…๐Ÿ™‚

      Tugon

  7. HAhaha! Nakarelate ako ng major major. Every six months lang yata ako maglinis ng kwarto. Buti na lang may kasama ako ngayon sa bahay, ang kasama kong ito masipag maglinis. Medyo nahihiya na nga ako pero medyo lang. =)

    Tugon

  8. hahaha… ngayong may kasama ka na, meron ka nang pwedeng pagsuspetsahan kung sinong nagkakalat.๐Ÿ˜€

    nagtataka ako ba’t makalat ang kwarto ko e, kami lang ng mga gagamba ang ando’n. una ko silang pinagsuspetsahan. ta’s no’ng ma-realize kong di sila makalat ng libro at hangers, napilitan na ‘kong maglinis. hayon, naninibago ang mga gagamba.๐Ÿ˜€

    Tugon

  9. Naglilinis lang ako pag sobrang malungkot.
    Pag sobrang lungkot ko, hindi ako humaharap sa ibang tao, hindi ako nagko-computer, hihiga lang ako saka ko mapapansing kelangan ko na maglinis ng kwarto๐Ÿ˜€

    Tugon

  10. ‘yan nga ang sabi ko – pang-asar sa paghiga ‘yang mga alikabok, he, he…

    hello, jec. sana sa araw na ito at sa mga darating pa e, di ka linis ng kwarto๐Ÿ˜€

    Tugon

  11. tahaha…halu-halungkat din, tanaw tanaw din..ha ha

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: