Bago Makapag-ani

image of rice grains, borrowed from t3.gstatic.com

Saan galing ang bigas? /export-forum.com

image of unripe rice grains on stalks, borrowed from t3.gstatic.com

Sa damong ito galing ang bigas /sincerelysustainable.com

 

 

 

 

 

 

 

 

Siguro nga, medyo mahirap idugtong ang ideya ng bigas sa palay. Paano ba naman, pag binili natin ang bigas sa palengke o sa grocery, malinis na malinis na. Isasaing na lang. Karamihan sa atin ngayon, ang konsepto ng palay ay galing sa larawan sa libro. Iyong mga taong nagtatawanan habang nag-aani, may matipunong binatang tumutugtog ng gitara at may magandang dilag na nagpapatas ng aning palay – puro sila nakangiti. Maganda talaga ang painting na ganito at ito rin sana ang gusto kong maalaalang eksena sa nayon. Sino ba ang hindi?

 

image of a smiling Filipina during harvest, borrowed from t3.gstatic.com

Masaya habang nag-aani /en.wikipedia.org

 

Ang kaibahan lang, naabutan kong pang may mga palayan sa amin. Nakita ko pa ang maraming taga-amin habang nagtatanim, nakaranas pa akong mag-gamas ng ligaw na damo sa palayan at mismong nakapag-ani ng mga butil ng palay. Sa lahat ng ito, ang masasabi ko ay hindi siya madali – mula sa pagtatanim, hanggang sa pagbabantay at sa pag-aani. Hindi biro, siyang sabi.

 

image of a handtool used for harvesting palay, borrowed from t1.gstatic.com

Manu-mano pa ang paggapas ng palay / thekitchn.com

 

Linawin muna natin ang ilang basics. Una, ang palay ay isang uri ng damo. Ikalawa, kailangang angkop ang variety o cultivar na itatanim sa lupang pagtatamnan. Ikatlo, kailangan ng sapat at tuluy-tuloy na tubig para madiligan nang husto ang mga ugat ng tanim. Ikaapat, kailangang malabanan ang sarisaring peste sa halaman at maagapan ang pag-aalis ng weeds na maaring maka-agaw ng nutrients sa palay. Ikalima, hindi dapat matuyuan ng tubig ang lupang tinaniman o makaranas ng drought. Ikaanim, hindi rin dapat malunod sa tubig dala ng bagyo ang mga bungang palay .

 

image of palay plant parts, borrowed from t2.gstatic.com

Maraming varieties ang damong ito /botanical.com

 

Sa dami ng mga dapat isaalang-alang, mga dapat at hindi dapat gawin sa pagtatanim ng palay, parang marinig mo pa lang ang mga tagubilin ay aayaw ka na. Sa grocery ka na lang kamo bibili at hindi ka na mamo-mroblema pa. Ang siste lang, paano kung puro lang tayo consumers ng bigas at wala nang magtityagang maging producers nito? Sasabihin naman natin siguro ,e, di mais na lang o kaya ay tinapay ang kakainin natin sa araw-araw.

 

image of freshly-harvested corns, borrowed from t1.gstatic.com

Mabigat rin sa tiyan /blogs.villagevoice.com

image of sliced bread, borrowed from t3.gstatic.com

Pwedeng pamalit sa kanin /foodsubs.com

 

 

 

 

 

 

 

 

Pwede siguro, sa panandalian lamang. Ang masaklap kasing katotohanan, matagal nang bagsak ang produksyon ng mais sa ating bansa. Galing U.S., India at China na ang maraming mais na ginagamit sa Pilipinas ngayon. Kung wika nyo naman ay tinapay na lang, mas lalo tayong lagot. Bakit? Ang tinapay ay galing sa harina o flour. Ang harina ay pinrosesong trigo o wheat. At, heto, hindi itinatanim ang trigo sa Pilipinas.

 

image of wheat plant, borrowed from t0.gstatic.com

Sa halamang ito galing ang harina /impactlab.net

 

Nabubuhay naman ang trigo pag itinanim sa tropikong bansa at ginawa na ito dito sa atin noong ‘70s. Napakahinang klase ng trigo nga lamang ang resulta na maski mga baboy at iba pang hayop ay ayaw silang kainin. Kaya, hayon, simula noon hanggang ngayon ay nag-aangkat ng trigo ang Pilipinas. May humigit-kumulang isang dosenang wheat importer and processor companies sa bansa. Sa kanila nakasalalay ang umiikot na supply ng harina sa Pilipinas na ating ginagamit sa paggawa ng tinapay, noodles at pasta.

 

Napapaaray tayo sa presyo ng bigas nitong mga huling taon. Samantala, tuwing makakasulyap tayo ng paintings ni Fernando Amorsolo, napapabuntung-hininga tayo sa pastoral scene nating nakikita at napapahiling na sana’y maibalik ang panahong rural, simple pero masagana. Kung may koneksyon man ang dalawa, madalas ay ayaw na nating pansinin o pag-isipan pa. Ika nati’y magsusumikap na lang tayo nang maigi para anumang taas ng presyo ng bigas at mga pangangailangan, masasabayan natin. Ismarte sana, pero alam nating sa attitude nating ito’y marami tayong nilalaktawan.

 

image of a family in the barrio after harvest, borrowed from t3.gstatic.com

Kabigha-bighani ang pinta ni Amorsolo ng kanayunan /images.businessweek.com

 

Una, mahirap mang tanggapin, hindi na masagana ang kanayunan natin. Ilan na lamang ang mayayamang magsasaka sa bansa? Hindi na matitipuno, magaganda at nakangiti ang mga magsasakang nag-rally sa may Quezon City Circle ng maraming taon.  Pag ako’y dumaraan doon, naririnig ko ang sigaw nila – wala na silang mapagtamnan at sila ay nagugutom. Ikalawa, itinatanggi man natin, apektado ang ordinaryong consumers sa pagtaas ng bigas at bilihin.  Import dependent na tayo pagdating sa bigas;  hindi kontrolado ng Pilipinas ang presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.

 

image of grains/cereals for sale, borrowed from t1.gstatic.com

Kalakalan ng mga butil /article.wn.com

 image of a chart depicting data on world market, borrowed from t3.gstatic.com

Iba ang laro ng presyuhan sa pandaigdigang pamilihan /sgmoneymatters.com

 

 

 

 

 

 

 

 

Kailan pa nag-umpisang mangyari ito, tanong ng marami. Bakit pinabayaan ng gobyerno, susog na tanong. Matagal nang nangyayari at hindi natin pwedeng ikailang hindi natin alam dahil na-obserbahan natin at naranasan. Alam natin – marami ng lupa sa probinsya ang nabenta para gawing subdivisions, maraming kakilala natin ang huminto na sa pagtatanim para mangibang-bansa, maraming pinalitan na ang mga palayan at maisan ng ibang pananim na ‘ika nga’y mas in demand. Gising pa naman tayo noong mangyari ang mga ito pero nakikinig lang tayo habang sila ay ibinabalita.

 

Bakit hindi natin ma-kontrol ang presyo ng bigas? Tanong din iyan ng economists dito sa atin: Paano natin hinayaang humulagpos ang isa sa natitira sanang comparative advantages ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan? Medyo simple ang sagot. Sapagkat hindi na natin kontrolado ang produksyon at supply nito. Magkakaiba man ang paliwanag, galing man sa press statement ng opisyal o sa pribadong opinyon ng indibidwal, nakatago roon ang katotohanang hindi kasi natin napanghawakan/pinanghawakan ang produksyon nito. Sa ngayon, tila yata hindi pa rin malinaw ang mga pangmatagalang balakin natin sa larangang ito.

 

image depicting the relationship between supply and demand, borrowed from t0.gstatic.com

Lumalaki ang pangangailangan habang komokonti ang pagkukuhanan /vtc.edu.hk

 

Sabi sa wikipedia, may limang klase raw ng kapaligirang tinutubuan ng palay. Ang sa amin ay ang una sa listahan, iyong tinatawag na lowland, rainfed rice cultivation. Umaasa lang sa ulan ang pagtatanim at pag hindi pumatak ang ulan sa petsang inaasahan, nakatiwangwang ang lupa. Walang tanim sapagkat wala namang irrigation sa lugar. Ang pansalo ng mga magsasaka sa amin ay ang alternate cropping. May nakasubing mga binhi ng ibang halaman ang magtatanim sakaling mahuli ang dating ng ulan at para mapagpahinga na rin ang lupa, pana-panahon.

 

image of palay plants planted in rows, borrowed from t3.gstatic.com

Taniman pag wet season, anihan pag dry season /riceworld.org

 

Walang mga dagang bukid doon sa amin pero may mga uod at locusts na umaatake. May mga panahon ding may buhawi o ipu-ipong pagkaraan ay hugot at bunot ang mga pananim, hanggang sa ugat. May panahon din ng tagtuyot, nagbibitak-bitak ang lupa pag gayon at sinisipsip ng araw ang lahat ng tubig sa paligid. Sabihin pa, may dumarating na bagyong mababangis at walang patawad – pagkaraan nila, nakahapay na lahat sa sahig: mga puno, ligaw na halaman, pinaghirapang palay at mais.

 

image of drought in the philippines, borrowed from t1.gstatic.com

Nagbibitak-bitak ang lupa sa init /dugagz.wordpress.com

 

Sa amin, kalakhan sa tanim na palay ay para sa pangkain ng pamilya. Iyong may napakalalapad na mga taniman lang sa amin ang nakakapag-benta ng palay sa pamilihan. Bandang ‘90s, isa-isang nangawala ang palayan at maisan doon sa amin. Hindi kaagad naramdaman ang epekto pero, katagalan ay nag-umpisang magutom ang marami sa nayon. Hindi madaling magkaroon ng salapi o cash sa liblib na baryo at cash ang kailangan para makabili ng bigas sa tuwi-tuwina.

 

image of Filipinos queueing for cheap rice, borrowed from t1.gstatic.com

Kailangang bantayan ang pila /siampinoy.com

image of Filipinos queueing for rice, borrowed from farm4.static.flickr.com

Cash ang kailangang pambili ng bigas /theroadtothehorizon.org

 

 

 

 

 

 

 

 

Pinalitan ng cash crop farming ang pagtatanim ng palay at mais sa amin. Sa halip na mga batayang butil, paminta, luya at mga gulay na panluwas na ang itinanim sa malalaking bahagi ng lupa roon. Naging sabik sa cash ang magtatanim. Naging dependent din siya sa akyat-baba ng presyo sa pamilihan. Nawalan ng kasiguruhan ang pagkukuhanan niya ng pagkain. Nabawasan na rin ang kanyang sipag at pasensya. Sabi nga kasi, iba rin ang pagtatanim ng palay sa pagtatanim ng halamang pambenta.

 

image of gingers for selling to the market, borrowed from t0.gstatic.com

Marami-raming palayan sa amin ang pinalitan nito /alibaba.com

 

Pag nagtatanim ng palay,  natuturuan ang magsasaka ng tiyaga, katapatan at pagkalinga sa lupa at sa mga pananim. Mula madaling-araw hanggang sa takip-silim, pag-aalaga sa lupang kabuhayan ang inaasikaso niya. At sa dami ng kailangang ayusin, tiyakin at iwasan bago dumating ang panahong ang mga palay ay magiging dilaw mula sa pagiging berde, ang dami na ng mga pagsubok at suliraning dinaanan niya. Sa dami ng kailangang ihanda bago mapitas ang mapipintog na gintong butil, kasama nang gumulang at nahinog ang pagkatao ng magsasaka. Dangan kasi, nagdusa at nagpagod muna siya nang katakut-takot, bago pa makapag-ani…

 

image of a Filipino farmer planting rice, borrowed from t1.gstatic.com

Magsasaka ay maghapong nakayuko /article.wn.com

image of a Filipino farmer carrying palay harvest on his head, borrowed from t1.gstatic.com

Marami ang kanyang pasanin /filipinolifeinpictures.wordpress.com

 

 

 

 

 

 

 

 

image of mature palay grains, borrowed from t0.gstatic.com

Ginintuan at mapipintog ang palay na kinanda /brookfarm.com.au

 

Please see:

http://www.da.gov.ph/tips/Hakbang%20sa%20Produksyon%20ng%20Palay.pdf

http://www.agriculture-ph.com/2010/08/philippines-misses-rice-production.html

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=614633&publicationSubCategoryId=200

http://countrystat.bas.gov.ph/?cont=factsandfigures

http://www.bas.gov.ph/?ids=cerealsituation

http://www.ifpri.org/sites/default/files/publications/ab161.pdf

http://www.openacademy.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=993&Itemid=382

http://www.agriculture-ph.com/2009/04/rp-corn-production-up.html

http://en.wikipedia.org/wiki/Rice

 

13 responses to this post.

  1. samin po marami pang palayan, at nasubukan kung maghakot ng palay para itanim ulit kasi diba papatubuin muna sila sa isang side habang on preparation ang field sa pagtatanim sa kanila, during the replanting lang kami pinayagan ng tatay ko na tumulong pero since takot ako sa dikya madalas andun lang ako sa gilid..hehehe

    Tugon

  2. ha? saan ba ang sa inyo? region, province, banda saan?
    ang swerte nyo. sa amin ay nangaubos na ang palayan at maisan. nami-miss ko ang berdeng bukid na may palay na nagsu-sway-sway pa at ang freshly-harvested na sweet corn. antamis… :]

    tama ka re: planting muna sa small plots ng palay tapos, ita-transfer sa mismong taniman. may tubigan yata sa inyo? deep water planting ba ang sa inyo? may mga kalabaw sa bukid?

    ay, ang hirap magtanim ng palay at mag-gamas ng damo, pramis. di ako takot sa dikya atbp pero di-makatarungan ang pirming pagyukod pag nagtatanim, tingin ko…

    Tugon

    • region 13 or caraga region….surigao del sur to be specific, malapit sa bundok at dagat, kaya laking probinsya talaga ako. pero ngayon wala ako dun nasa region 10 kung saan? secret..hahahaha

      Tugon

  3. ay, oks lang ‘yon, anini. saka mo na ikwento kung saan ang work mo pag matagal na tayong magkakilala. :]

    sa surigao kayo? doon daw marami pang rainforests at saka agricultural pa talaga, di ba? may tanong pala ako, mas maunlad nga ba ang north kumpara sa south, sa case ng surigao? di ba may sinasabi sa devt na north-south dichotomy – gayon ba sa inyo?

    nagtatanim pala sa bukid si papa mo, habang ikaw ay nakaupo sa may pilapil at nagdo-drowing-drowing doon? he, he… :]

    Tugon

  4. conversion mula sa agricultural to industrial, kawalan ng suporta ng pamahalaan, pagmamalabis ng mga panginoong may lupa, pagpalya ng programa ng repormang agraryo, global warming at globalisasyon. yan ang problemang kinakaharap ng maliliit na magsasaka sa pangkalahatan. nakakalungkot pero hindi talaga malayong danasin natin ang tag-gutom sa hinaharap.

    Tugon

    • hey, pagbati sa ‘yo. tama ang mga binanggit mo, duking, sa antas pambansa.

      just a point. sa amin kasi, walang gasinong panginoong maylupa. ang karamihan doon ay small landholding farmers talaga. pag-aari nila ang lupa pero kalahating ektarya lang o isang ektarya.

      dati, kaya secure ang pagkain ng pamilya, halos lahat ay may palayan at secondary lang ang cash crop farming. nang nag-primary ang cash crop, doon nadehado kasi nga wala namang training, siguradong market at iba’t ibang support system ang farmers.

      ilang taon ko nang napapansing dumarami ang nagugutom doon particularly, ang mga bata, nagiging malnourished. btw, the data are in, impoverished talaga ang farmers nationwide. sa vietnam galing ang 95% ng rice na binibili ng mahihirap sa atin. also, 2002 pa bagsak ang corn production sa pilipinas.

      in the future, magpo-post ako about cash crop farming. btw, nabasa mo na ba post ko re: bakuran natin? tungkol sa backyard planting. salamat, daan ka uli. :]

      Tugon

  5. very good writing. in wait for the next article, greetings

    Tugon

  6. hi, glad you found your way here and thanks for appreciating the post.

    Tugon

  7. […] si Nine sa pito, magwa-walong magkakapatid. Nagtatanim sa bukid ang tatay nya habang nagluluwas naman ng gulay sa Maynila ang kanyang ina. Mahirap lamang ang […]

    Tugon

  8. […] Bago Makapag-ani – mga dapat gawin bago maani ang palay […]

    Tugon

  9. […] post na Bago Makapag-ani, sulating nagtalakay ng requirements sa rice production sa community level, ginamit ang ilang […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: